Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
Itaas ang iyong noong aliwalas,
Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.

Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.

O, ikaw na iyang may pakpak ng nais
At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.

Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,
Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot
Lunas na mabisa sa dusa't himutok
Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.

Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,
Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.

At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.

Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.

O dakilang araw ng tuwa at galak,
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,
Umakay sa iyo sa magandang palad.
Jose P. Rizal
Taltoy Aug 2018
Ika-27 ng Agosto,
Araw ng kaarawan mo,
Ngayo'y ika's labing walo,
Legal ka na, ate ko. :P

Ngunit ako'y humihingi ng kapatawaran,
Sapagkat di kita masasamahan sa iyong kaarawan,
Isang beses ka lang tumungtong sa ganitong edad,
Pasensya na talaga, patawad.

Patawad kasi wala ako ngayon,
Patawad kasi di kita kinausap buong maghapon,
Patawad kasi wala ako sa tabi mo,
Patawad kasi parang nagkulang ako sa iyo.

Patawad kasi inaaway kita,
Patawad kasi tinutukso kita,
Patawad kasi kaibigan mo ako,
Patawad kasi sobra ang bilib ko sayo.

Tama, tama ang iyong nabasa,
Hinahangaan nga kita,
Talino, pakatao at kung ano pa,
Yan ang rason bat inaaway kita.

Mataas ang inaasahan ko sayo,
Mataas ang pagtingin ko sayo,
Alam kong may ibubuga ka,
Kaya nagagalit ako pag nagtatanga-tangahan ka.


Alam kong kaya mo,
Heto lang ako handang sumuporta sayo,
Kaya kahit masakit ka sa ulo,
Sige nalang, pagbibigyan ko, susubukan ko.


Kahit minsan mabagal ka,
Kahit minsan lutang ka,
Kahit minsan late ka,
Masaya ako kung andyan ka kaya salamat pala.


Salamat dahil andyan ka,
Salamat dahil sa ligayang iyong dala,
Salamat dahil kaibigan kita,
Salamat dahil sa payo at paalala.

Salamat dahil sa mga tawa't ngiti,
Salamat dahil sa mga di makakalimutang mga sandali,
Salamat dahil sa mga alaala,
Salamat dahil ilang taon din tayong nagsama.

Salamat dahil mabait ka,
Salamat dahil matalino ka,
Salamat dahil maunawain ka,
Salamat dahil di ka umiiba.

Sana'y di ka magbago,
Alalahaning saludo ako sayo,
Ipagmamalaki kong kaibigan kita,
Di ko ipagkakailang sa buhay ko ika'y naging parte na.

Sanay patuloy na magningning,
Ipakita ang kislap na patuloy sa pag-igting,
Wag sanang mawalan ng pag-asa,
Dahil sa lahat ng panahon di ka nag-iisa.
Salamat sa lahat. Ikaw ang maituturing ko na best friend, closest friend or idk friend. Hahahaha yah. Im sorry di ako nakadalo. But i still wish na sana ibless ka pa ni lord, ibless relationship nyo ni alex shushu, then fam mo. I also wish na maabot mo dreams mo, maging successful, maging happy and HIGIT SA LAHAT MAGING MOMMY. hahahahahahhahahahahahhahahahhaha yun lang. Gapasalamat gid ko kay Lord na friend ta ka. May ara ko sturyahon, kachismis, random talk, weird talk and maybe DARK talk. Sana di mo ako makalimutan sa future. Hehe subong legal ka na mapakulong ta na ka kung hampason mo ko (charot joke lang) but yah congrats ysobellleeeeeeee. Push lang nang push sa buhay. Dito lang ako at mga friends mo. Hihi i love you sobelle
EJ Navarro  Jun 2015
Sino to?
EJ Navarro Jun 2015
Minsan hugot.
Minsan talino.
Minsan bobo.
Pero di na natuto.

Sino ito?
Ako ito.
Hugot my heart is you.
Sy Lilang May 2016
050916

Minulat tayong may sukli ng kasaysayan,
Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan.
Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak
Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig,
Pagbili ng lakas ng loob
at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan;
Luha't dangal, pawang huling hain
Ng Ama't Ina ng Lipunan.

Nakakangalay makisabay sa uso
Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso.
Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso,
Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago!

Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit,
Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait.
Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit.
Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit.

Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina,
Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na.
Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla,
Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya.
At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila.
Mainam na ngang masaktan sa una,
Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba.
Masakit sa loob kapag tinatama ka,
At bawat palo't kusang pagdidisiplina.

Kung hindi susundin silang Ama't Ina,
Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema,
Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima,
Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala.

Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa,
Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa,
Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya,
At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
HYA Nov 2017
Hala! Nakalimutan ko
Ano nga ba yung sagot nito?
Mababagsak na naman
May laman ba itong aking isipan?

Kahit paulit-ulit na intindihin
Wala talaga kahit na pilitin
Jusko, estudyante ba ako?
Siguro, sa pag-aaral ay dapat ng huminto

Oy, parang may sagot si katabi
Sisilipin ko nga nang kaunti
Kokopyahin ko na rin pala
Baka ako ay may pag-asa pa

Hinay-hinay lang, baka mahalata
Katabi, maawa ka sa tulad kong maralita
Maralita sa kaalaman
Maralita sa katalinuhan

Ngunit huwag kang mag-alala
Sapagkat aahon ako
Hindi man ngayon
Ngunit pagdating ng panahon

Hindi ako magaling sa ganitong larangan
Subalit ito ang magpapatibay sa ating pagkakaibigan
Kaya, katabi, pakopya naman diyan
Babawi ako sa susunod na pasukan

Ang paaralan ay hindi nagsusuri ng talino
At kundi ang pagkamasunurin mo
Patawad kung bobo ako sa mga ganitong uri ng bagay
Baka malapit ka ng dumayo sa sarili kong lamay

Yung totoo, nagsisikap naman ako
Para kahit papano, may masagutan akong numero
Nasanay na sa mga mababang marka
Ang buhay ko ay totoong may talim na

Kaya, katabi, pakopya naman dyan
Ang ganitong uri ng sitwasyon ay minsan lang naman
Kasi minsan lang din naman tayo nagkakatabi
Kaya pokopyahin mo ako kahit na kaunti

Kung pwede lang sana na maipakita ang sariling talento
Siguro ang pagkaperpekto ay noon ko pa natanto
Ay, walang namang perpekto
Sa mundong napupuno ng demonyo

Demonyong nakatira sa langit
Kasama ang mga anghel na lalong pumapangit
Kapag hindi nasusunod ang kanilang mga gusto
At ang mga sungay, hanggang ngayon ay nakatago

Katabi, huling pangongopya nalang ito
Sige na. Matatapos na ang huling minuto
Hindi na mauulit, hindi 'to isang pangako
Katabi, pwede bang mangopya sayo?

Tatlongpung segundo nalang
Labing-isang segundo nalang
Katabi, salamat
Isang segundo nalang


Maipasa na nga.
This note and poem are not related.

A new member of the family! Even though you're still in your mom's tummy, I already love you. I'm an only child but I have cousins whom I am close with and here you areeee! Welcome to this wicked life and don't worry,  we will protect you no matter what.

♥ I'm gonna let her/him read this when he/she grows up ♥
Jun Lit Sep 2017
Ngayong araw ako'y siyang naatasan
Na ipakilala ang ating kaybigan
Mahirap sabihin, ang inyo nang alam
Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan

Sikat sadya itong ating kaibigan
Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han
Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan
Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan"

Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian
Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan
Talino at t’yaga ang kanyang puhunan
Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan

Sya'y taong tunay ang angking kabaitan
Na dama ng tao, hayop at halaman
Sa dami ng kanyang lathalaing-agham
Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan

Palaka, butiki, ahas at butaan
Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan
Lumaki't lumawak ating kaalaman
Kung kaya't umani laksang karangalan

Alam kong sa bawat uri ng palaka
O ibang buhay na sa mundo'y mawala
Kasama natin s’yang lungkot na luluha
Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa

Dedikasyon niya ay dapat tularan
Ipakilala s’ya'y isang karangalan
Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran
Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
Para kay kaibigang Arvin C. Diesmos, Ph.D.; [For my friend Arvin C. Diesmos, Ph.D.]. This poem was read as introduction to Dr. Arvin C. Diesmos who was a Plenary Speaker at CLADES Summit, organized by the UPLB Museum of Natural History.
Eugene Aug 2017
Saglit lang ang ligawang nangyari.
Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali.
Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali,
Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali.

Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi,
Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi.
Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi,
Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti.

Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi,
Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki,
Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki,
Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini.

Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti,
Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati?
Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi,
Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi.

Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti.
Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi.
Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili.
Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati.

Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi.
Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi,
Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi,
Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
cj  Jul 2019
debate
cj Jul 2019
at paglabas sa apat na dingding ng silid-aralan,
ang debate ukol sa karapatan
ay iba nang usapan

na kung saan hindi lamang talino at boses
ang sandata
kundi pati rin ang pagpadyak
ng dalawang kinakalyong paa
Danica  Oct 2019
Guro
Danica Oct 2019
Isang halimbawa ng magandang asal
Mumunting dasal kanyang inuusal
Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal
Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal

Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga?
Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga
Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya
Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa

Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag
Laban sa tanghali upang isip ay malinangan
Kanyang ituturo talagang kaabang abang
Ito’y magagamit bilang pananggalang

Bilang anak at estudyante ako ay humahanga
Isa kang modelo, isang tunay na dakila
Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula
Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula

Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa
Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa
Umalis man o mawala kasama ka sa gunita
Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
Tula para sa mga ****,  pagbibigay karangalan sa kanilang ambag sa ating lipunan, kung wala ang mga ito mararating ba ng bawat kabataan kung nasaan sila ngayon?  Tayo'y sumaludo sa ating mga ****.
Reign Apr 2018
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang porma wala namang ibubuga.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang aral pero wala namang respeto at galang.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang tuwad pero hindi marunong humingi ng tawad.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang kama pero hindi alam ang salitang tama.

Mas pipiliin mo ba yung pagsali sa pataasan ng ihi kaysa sa pagpupursigi?
Mas pipiliin mo bang sumali sa mali kaysa sa tama at sa huli walang pagsisisi?
Mas pipiliin mo bang magsend ng litrato **** hubad para lang sumikat?
Tapos bandang huli iiyak iyak?

Tama ka masarap, sabi nila pero hindi ko alam kung totoo ba.
Sige pag palagay natin na masarap nga ang ginagawa niyo,
Pero tanong ko lang pag ba nasaktan kayo sino sinisisi niyo?
Diba ibang tao, eh kayo lang naman pumili sa sitwasyon na yun.

Kaya niyong gawin, ayos lang sainyo kasi mahal niyo kuno.
Sa pagmamahal hindi binibigay lahat.
Kaya ka nasasaktan eh kasi akala mo pag binigay mo lahat,
Sapat na, ayos na at hindi ka na iiwan.

'Wag kang magdahilan ng kasi bata ka pa kaya akala mo tama.
Wow ha ano yun tinry mo tapos nung nasarapan ka tinuloy tuloy mo?
'Wag **** pairalin yung pagka mahina mo sa lahat ng bagay.
Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mahina ka.

Gamitin mo ang isip mo wag puro talino
Dapat may puso, dapat may diyos sa buhay mo.
'Wag puro pagmamahal sa iba ang isipin mo.
Isipin mo rin ang sarili mo.

— The End —