Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nananatiling" poems
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay. Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan. Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 7:32 PM UTC
ANG MATANDANG ASO

Continue reading...
3
Dala na din ng pagod ako ay humandusay ng walang kaabog abog Sa bangketang madumi, ang katawan ko ay pinabayaan. Basa ng ulan, ang pag ubo'y walang alangan, Hanggang sa muli, hanggang sa makasakay Dala na din ng pagod sa pagkayod at hanap buhay At pakikipagtunggali sa mundong walang tigil, puro tagay. Ang pag aasam maging karaniwan at humanay ay 'di mawaglit. Hindi parin labis na masanay. Bakit nananatiling lumalaban sa tamis at pait? Dala na din ng pagod, ay hindi man lang mkapag ahit. Ang pagod na wari sa sabog na balbas ay di alintanang lumago, Buhok na primitibo ay minsan 'di na mailitrato. Sapagkat napakaraming bagay ang naikot sa isip, Upang sarili ay ihuli at sadyang balewalain; Dahil minsa'y di mapigil ang sariling takbo ng ideya, Sa pagkain ng isip sa puso, minsan ikaw ay madidismaya. Sapagkat ako ay tumatanda ng paabante Na walang iniisip kundi ang mabilis at walang kasiguruhang bukas , Na walang oras man ang pwedeng malibre at mabakante. Dala na din ng pagod ako'y biglang natuturete sa ingay ng maduming palengke, sa mahal ng kuryente, Sa araw araw na madugong pagbyahe, pamamasahe; Sa mala sinaunang Kastilang amo. Mga taong may ugaling dyahe. Ang pakikisamang hinog na alam nating importante. Dala na din ng pagod, alam nating hindi pasko parati. Sa ambisyon at oras, ginagawa ang lahat at pilit naghahabol, Kapag isipan ay nalason. Bilisan at ang oras ay nagagahol. Dala nadin ng pagod, nagiiba ang pangangailangan bakit ang dating madali ngayon sa hirap ay saksakan? ang maliit at lumalaki, ang punong kahoy **** matikas, ay sadyang binabato sa tuwing ito ay namumunga ng wagas. Sa kabilang buhay, huwag **** kalilimutan. lahat ng paghihirap ay sadyang mawawala. Mga maling desisyon huwag kaagad itulak, mga iniisip huwag sadyaing ibalak. Dala lang yan ng iyong saloobin at pagod iho, matatapos din ang pait sa sa paglaklak ng alak
0
May 14, 2013
May 14, 2013 at 1:01 PM UTC
Dala na din ng pagod

37
unang latag ng lupa, nangabubuhay dahil sa tapak ng walang kamalay malay sa pinagdaanan nito. dala ang delusyon ng buhay kapalit para sa bayan, kapalit para sa kalayaan. lumamin, ay mahahayag ang luad tumutulad sa kulay ng dugo. alam ng bulaklak ito, kung sundan ang pinanggalingan magugulat sa makikita; ang kababayang kinalimutan ang kanilang madugong, matimbang, maalamat na mga pangalan; inalala ng halaman.                  sementeryo, bawat hakbang, walang respeto bawat hakbang, nadudumihan ang mga mukha ng (bayani) taksil (pinaglaban) trinaydor ang kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga sambayanang pilipino) tinubuang lupa                   sementeryo, kaya't malalim ang pananampalataya sino bang hindi maadwa, maawa? bawat segundo may dadasalan bumagsak; at lumalalim ang kulay ng pula.                  sementeryo, kaya't pagbagsak ng alas quatro ng umaga; nananahimik ang bayan. katahimikan para sa patay; walang sisigaw. ginagambala ang kapayapaan. sa ilalim ng lupa, ang katahimikan hindi makamtan. lahat sila'y gising, lahat sila'y                                                          sumisigaw.                  sementeryo, ang   tahanan       ko'y         sementeryo, kaya't manahimik at irespeto ang patay; ang mga mamayang madamdamin at malakas ngunit                                                         pinatahimik. tayong buhay                nananatiling patay. silang patay                nananatiling buhay. isang siklo. lalalumin lahat ng lupa ng hindi sa tamang oras; isisigaw ang K A R A P A T A N ! isisigaw ang M A L I ! isisigaw ang H U S T I S Y A ! H U S T I S Y A H U S T I S Y A H U S T ngunit walang makakarinig. ang nakabukang bibig mapupuno ng tinubuang lupa na tinaksil ang lahat ng katulad natin. walang makakarinig kahit buong daigdig                                                                           manahimik.
0
May 10, 2017
May 10, 2017 at 3:32 PM UTC
tahanan

77
Puno ng init ang unang higop ng kape Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais Ngunit sino ba ang iyong kape? Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas? Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog? Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya? Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait? Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
0
Jan 2, 2018
Jan 2, 2018 at 11:45 AM UTC
kape

25
042522 Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw, At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman. Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga At mismong lipunan ang syang magpapasya. Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak. Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa? Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka. Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma? Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan, Paano nga ba ang ating pagtindig Para sa sinasabing mahal na bayan? Pilipinas nga ba ang ating pinipili? O kung saan lamang tayo kampante Habang nananatiling namamaypay At abala sa kabi-kabilang pag-uusig. Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na, Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising Sa dugo nating makabayan? At sapat ba ang ating paghiyaw Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas? Mga bibig natin, paminsan nga'y Puno lamang ng mga palatastas. Sapat ba na tayo-tayo na lamang Ang naghihilaan pababa't paitaas? Pagkat mismong pananampalataya'y Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak. Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan -- Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan. Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas -- Sana'y mapaninidigan kita't Hanggang sa huli'y maipaglaban Pagkat maging aking hininga'y Pansamantalata't pahiram lamang. At hindi ito lotto o binggo, Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino. Ngunit kung sinuman Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino Sana tayo pa ri'y magkaisa Para sa dangal na nais nating isulong. Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y May iisang hindi tayo tinalikuran, Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan -- At Hesus ang Kanyang Ngalan! Bangon Pilipinas!
0
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
Pilipinas Kong Mahal

50
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

68
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto. Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo. Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo. Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao. Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin. Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin. Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin. Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin. Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo. "Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao. Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero, Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito? Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin. Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin. Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin. Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin. Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo. Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo. Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo. Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho. Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon. Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon. Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon. Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon. Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita. Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa. Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba. Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita. Hindi ako gwapo, oo. Hindi ako maporma, oo. Hindi ako astig, oo. Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
"Ganito lang ako"

32
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:22 AM UTC
❝Katangahan❞

1
070221 Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman Sa mga taong naghahagilap ng katotohan. Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian? Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag? O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan? Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating. At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang, Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas. Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas? Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.
0
Oct 12, 2021
Oct 12, 2021 at 11:51 PM UTC
Husgado
Huwag mo sanang maisipang balikan ang nangyari sa nakaraan. Wag mo na sanang lakarin muli ang daang iyo nang tinalikuran. Delikado ito. Bako-bako. Mabato. Muli lang mawawasak ang puso mo. Huwag mo nang alalahanin pa Ang kulay ng kanyang mata Kung ano ang pakiramdam ng mga halik na iyo paring inaasam Kalimutan na ang mga kamay na iyong hinawakan , Ang tahanang iyong binalik balikan Masakit isipin na ang mata niya'y iba na ang tinitignan Habang ang puso mo'y nananatiling sugatan. Ang taong dati'y kilalang kilala Ngayon ay mukhang madadaanan nalang sa kalsada Mahirap man makalimutan ang  pinagsamahan, ang pagmamahal na ipinaglaban Pero ubos na ang oras na inilaan kailangan na iiwan ito sa nakaraan.
0
Dec 22, 2017
Dec 22, 2017 at 9:59 AM UTC
Huwag Balikan Ang Nakaraan, Nakamamatay
Tungkol saan kaya ang isusulat ko? Dito sa papel at lapis na hawak ko? Tungkol kaya ‘to sa kapaligiran ko? O sa nararamdama’t karanasan ko? Ngayon, nananatiling blangko si papel Nakasulat palang itong si letrang “L” Hayy ‘di pa naman tumutunog ‘tong si “bell” Kaya gagamitin nalang muna si “cel” At lumipas ang mahigit isang oras Napansin ko, ako’y nagsayang ng oras! Hayy nakoo! Bakit  dito  bilis mo oras?! ‘lam mo nang ayokong tumayo sa labas. Nakoo ‘yan na si teacher [insert pangalan]! Ay! Itago! Itago si “cel” bilisan! Ibalik si papel! ‘tong lapis tasahan! Para ‘di guilty mukha, boses lakasan! Ay teka’ ba’t si teacher’  dito ang ***** Parang umaapoy kanyang mga mata Biglang kinabahan na parang ‘sang bata, Hayy nakoo! Ako ata’y lagot nanaman! Nahugot agad si “cel” sa pagalapit niya At inilagay niya sa drawer ng mesa niya Itong aking nararamdaman, ‘di kaya Pawang nan’liliit’ sa labis na hiya. Kaya kasama ulit si blangkong papel Kasama narin ‘tong si tanging letra “L” Ngunit ngayo’y ang lungkot’ wala na si “cel” At saktong tumunog itong si lokong “bell”.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 5:00 AM UTC
"Walang title ang tulang ito..."
071424 Kung ang bawat palakpak at panalo ko sa mundo’y Siya namang mitsa ng paglayo ko Sa’yo — Huwag na lang siguro; hihinto na ako. Kalimutan na lang natin ang entabladong ito At ikahon ang mga bituin sa’king mga mata. Mga damdaming minsa’y napapariwara, Ngayo’y kusang inaanod sa hiwaga ng Pagsinta. Kakatok tangan ang pahiram na hininga… Palimos ng kahit isang patak ng dugo **** dumanak. Pagkat kaligtasan ang aking hanap, Sa isang iglap ako’y magbabalik sa simula — Sa simulang nalimot at nilumot ng kasalanan. Ako’y magbabalik Sa’yo, bunga ng yaman ng Pag-ibig Mo. Sa silid na ang tanging Hari ay Ikaw At ang Ngalan Mo ang nananatiling may kabuluhan. Sa’yo ang unang yapak Habang ako’y nakaakbay Sa’yong Kalakasan At Ikaw lamang ang aking palatandaan Na ang pintua’y bukas na At handa na upang maging isang Pahingahan.
0
Jul 17, 2024
Jul 17, 2024 at 4:35 PM UTC
Hudyat ng Panimula
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan
081721 Bagamat dumadaplis lamang sa atin Ang mga palaso ng kalaba’y Hindi moog ang ating mga damdamin At hindi rin bulag ang ating mga pananaw Sa hayag na pagsasalitan ng mga balang ligaw. Gaya ng durungawang nakasilip Ay bukas na rin ang ating mga isipan Sa mga di kanais-nais na mga patibong Na ilang ulit inilagan sa katahimikan. Bagkus, ang mga ito’y nagmistulang mga laruang papel Na madaling napunit at bumigay Buhat sa walang awang pamimihasa Ng mga ahas at linta sa lipunan. Tila sila’y nakasilid na lamang Sa kahong hindi de-baterya Habang tayo’y nagsisilipat Sa tuwing nagsusulputan ang sari’t saring palatastas. At habang tayo’y nananatiling panatag Buhat sa ating mga kinatitirika’t kinalalagyan, Kasabay naman nito ang pagyurak sa mga dangal Buhat sa mga ideolohiyang kumikitil sa mga pangarap At nagsisilbing diktador sa kani-kaniyang mga tahanang Wala nang makita pang ibang dahilan upang tumahan pa. Ang mga luhang hindi natin makayang punasa’y Nagmimistulang mga tinik na lamang sa’ting mga pagkatao. Syang susulpot at tutusok sa pakiramdam nating Minsan nga’y malapit lamang tayo sa isa’t isa At sana’y kaya nga nating patahimikin Ang walang himpil na pag-usok sa kanilang ipinagbabaka. At sa ating paghimlay sa ating mga kumot Ay sabay din silang mangungulila Sa mga akap at lambing ng kanilang mga mahal sa buhay At hihilinging huminto na lamang ang mga sandali’t Makatakbo sila’t makalisan nang walang nakakapansin.
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 10:39 AM UTC
Takas
sadyang ka'y layo mo na para abutin pero nandito pa rin ako nananatiling manalangin Bathala, hanggang dito na lang ba ang aming istoryang di pa nagsisimula maari mo bang pakinggan ang tanging dalangin? sana'y pagbigyan mo lamang masilayan ang kanyang mga ngiti, kahit di na ang pagdampi ng labi, ako'y di na muli mananalig eng trans: you're just too far from the grasp now but I am still here still here wishing— praying Creator, is this really how it is for the two of us; our story that haven't even began can you please hear my only wish? may you let me just this time get a glimpse of his smile even not for the press of the lips anymore— I won't ever wish no more
0
May 6, 2018
May 6, 2018 at 12:19 PM UTC
hiling (request)
Gabi-gabing tinitiis ang lamig Ng pusong binibigo ng pag-ibig Unti-unting bumibitaw ang mga kamay Sa relasyong unti-unti na ring namamatay Sa bawat bitaw ng buntong-hininga Kalakip ang malaking panghihinayang Sa bawat luha na tumulo mula sa mata Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya Pilit mang itulog na lang ang lahat Pilit mang ibaon ang sakit sa limot Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot Kailan kaya gigising sa umaga Na kayang tanggaping wala ka na? Kailan kaya gagalaw muli ang oras Na tumigil nung bigla kang nawala? Kailan maghihilom ang mga sugat Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon? Kailan kaya ako makakalimot ng lubos Para puso'y matutunang umibig muli? Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko O Pag-ibig na mahirap mahagilap Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap Sana'y ang susunod siya na ang huli Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
0
May 19, 2019
May 19, 2019 at 2:52 PM UTC
Dalangin
ang mga paa'y dinala ako sa tapat ng aking bintana doon nasulyapan ang kabilugan ng buwan at pagkinang ng mga tala ngunit ang isipa'y nananatiling balisa; tila naghahanap ng himala 'di malaman-laman kung saan at papaano mag simula aking hiniling sa nag-iisang bituing nagniningning na sana'y dinggin ang aking panalangin nawa'y pakinggan ng uniberso at tuparin ang aking mga plano ituro lang tamang landas kung saan ako tutungo ngunit balewala lahat ng hinaing kung mananaig ang daing 'wag pilitin ang sarili; hintaying sumiklab ang apoy na nanalaytay sa'yong puso't damdamin 'wag ikumpara sa iba ang sarili 'pagkat ikaw ay may sariling istorya rin madilim man ang landas ang iyong tatahakin; kumpiyansa sa sarili'y matatangay pati na ng hangin ang mga buwan at ang mga tala'y makikidalamhati sa'yong pighati ngunit ang kanilang pagningning sa kabila ng bumabalot na dilim ang magsisilbing ilaw— liwanag at daan na magsisilbing palatandaan na darating din ang iyong araw
0
Jun 6, 2020
Jun 6, 2020 at 12:47 PM UTC
Hating Gabi Panibagong araw na nmn Petsa sa kalendaryo ay nag iba na Ngunit nananatiling madilim pa Ganito talaga pag hindi ka kasama Ang ganda pagmasdan Ng mga bituin at ng buwan Pero di parin sapat para pantayan Ang liwanag na ibinibigay ng babaeng itinuturing kong araw at mamahalin ko magpakailan man Pa usbong na ang umaga Lumalalim na ang gabi Ikaw lang gustong makasama Ikaw lang ang nais makatabi Ngunit parang di pa ipapatupad ng tadhana At hindi pa yata pwede Hindi pa natin pwedeng pagsaluhan Ang oras Parang pinaghatian lang natin ang isang araw sayo ang umaga akin ang gabi Ang makasama ka ay para bang bukang liwayway Na ninanais ko ng matanaw at maabot Ngunit ito’y matagal pa kaya nakakayamot Ako ay nasa alas dose pa at hindi naman sa nag iinarte Nakakalungkot lang na matatagalan pa ang bukang liwayway kasi nandito pa ako sa hating gabi
0
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:48 AM UTC
Hating Gabi
Tagpi-tagpi ang mga tanong sa isipan, Walang kahit anong bakas sa palaisipan. Mahuhulaan ko pa kaya? O tatakpan nalang ng itim na tinta. Unti-unting naglalakad palayo, Ang mali kong pag trato mula sayo. Pero bakit ang nararamdaman ko, Tila nananatiling pa ring sa iyo. Oo nga pala at may naiwan ka palang bakas. Bawat ugat sa katawan ay tuluyan **** nilaslas. Dugo ay nag mantsa, Puso na patuloy na nagdudusa, Damdamin kong di mailuwa-luwa, Kaluluwang hinahangad nang mawala, Nakagapos ako sa dating matatamis **** mga salita, Sumisigaw, lumuluha, nagmamakaawang makalaya. Masakit aking sinta, Bawat araw, dibdib ko'y ngumangawa. At oo, tsaka ko na lang nalaman Na maling pag ibig pala ang nilalaman. -****
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:11 PM UTC
Nisekoi (ニセコイ)
Gulong na supot, pintura'y pudpod Sa aparador nananatiling nakalagay Ang itsura ay tila ba nakikibagay Sa ilalim palagi may nakasalalay Gagamitin sa tuwing kailangan Paikot ikot akong pinag lalaruan Naglalakbay at hindi alam kung saan Bahala na ang kamay kung saan nya idadaan Paiba iba, paliko liko saan ba tayo tutungo Kagustuhan mo kung ako ay hahantong sa dulo -****
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:29 AM UTC
Laruan
“Sige may mumu dyan!” Noong bata ako mandalas itong sabihin sa akin ni mama para iwasan ko ang mga delikadong lugar na magpapahamak sa akin. At habang nagkakaedad ako Napagtanto ko na may mas nakakatakot pa pala kaysa sa mga multo Na mas dapat kong pagtuunan ng pansin. Ito ang mga mapanghusgang lipunan Mga mata nilang sumsukat sa iyong pagkatao At mga opinyon nilang sisira sa iyong sariling kumpiyansa Sa kabila nito, ipinagpapasalamat ko pa rin Na sinunod ko noon si Mama At isinapuso ang mga payo niya. Dahil kahit napapalibutan pa ako ng mapanghusgang lipunan Mga matang sumusukat sa aking kakayahan, At mga salita nilang pilit sumisira sa kumpiyansa ko Heto ako, nananatiling matatag At ipinaglalaban ang prinsipiyong pinaniniwalaan ko.
0
Apr 1, 2023
Apr 1, 2023 at 8:03 PM UTC
“Mumu”
Ang pag-ibig ay 'di naisusukat ng mga letra Kung magbabakasakali lamang na ito'y makita Kahit na may malayo, at posibleng may magbago Ang pagibig ay nandyan, at nananatiling buo. Ano nga ba ang pagibig kung hindi ka totoo? Totoo sa bawat salita, at binitawang mga pangako? Pangako na inilahad, ngunit laging napapako Napapakong pagmamahalan, kailanma'y 'di na lalago. Kapag sinabi mo bang "mahal kita", Ay talagang sigurado ka na? Totoo ba talaga lahat, ang iyong nadarama? Tagos sa puso, matino, at sayo'y may pagkakilala? Kung minsan ang pagibig, ay seryosong usapin Hindi sapat ang salita at dapat hayaan ang damdamin Hindi lamang sa isang tao, kundi sa bawat isa sa atin Dahil ang pagibig ay turo ng Maykapal, sa kalooban natin.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:28 AM UTC
Pag-ibig