Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Naalala mo ba tayoy magkaibigan?
Masaya ang ating samahan
Nagaasaran ,kulitan hanggang sa magkakapikunan
Masaya akong ikay aking kaibigan
Dahil akoy iyong naiintindihan
Lalo na ang aking kaabnormalan
Di nagtagal loob natiy nagkagaanan
Hanggang sa dumating yung araw na ikay umamin
Di sinasadya na akoy iyong gustuhin
Noong una'y natatakot ka pang umamin .
Hindi ko inaasahang akoy iyong magugustuhan
Dahil sa taglay kong kamalditahan
Pero sabi moy ikay nahulog sa aking kabaitan
At hiling mo'y wag Sana kitang layuan
Hanggang sa sinabi **** ikay manliligaw at akoy pumayag naman
Hanggang sa di nagtagal ikay akin ding nagustuhan pero bakit parang gusto na kong
sukuan
sa aki'y ika'y ba'y wala ng nararamdaman
kung ganun sabihin mo naman
Hindi yung babaliwalain mo ko ng ganyan
Sa dami ng ating pinagsamahan
Ang masayang pagkakaibigan bay mauuwi na lang sa SALAMAT AT PAALAM
Reign Aug 2018
Yung pagmamahal ko sayo,
Upos nalang ng sigarilyo
Hindi konti, hindi na buo
Hindi na buo, hindi konti
Kundi ubos na, ubos na ubos na...

Sa umpisa masaya pa,
May kilig pa,
May thrill pa,
Exciting pa.

Tinanggap ko yung lahat ng bisyo mo,
Sa pag-inom at paninigarilyo
Minsan nga sabay pa tayo
Inaabot ng umaga sa inuman sa bahay ng barkada.

Lumabas tayong dalawa,
Bumuga ka ng usok galing sa sigarilyo
Samantalang ako, bumuga ng malalim na hinga
Kahit ayaw ko sa amoy pipilitin kong gustuhin ito para sayo.

Para sayo,
Dahil kahit kailan
Hinding hindi magiging hadlang ang bisyo lang
Sa pagmamahal ko sayo.

Pero dumating na ang pinaka-kinakatakutan ko
Ang mawala na ang pagmamahal mo
Dahil nakahanap ka
Ng babaeng masasamahan ka hindi lang hanggang umaga kundi pati sa kama.

Dumating yung araw na nakita ko
Nakita mismo ng dalawang mata ko,
Na kasama mo yung babaeng naririnig ko lang noon na sinasabi sakin ng ibang tao
Maganda siya pero hindi ko pa rin tanggap

Nagtatanong ako sa sarili ko
Bakit kailangan pa ako?
Bakit kailangan habang tayo?
Bakit hindi ka nalang nakipaghiwalay sakin ng diretso?

Mas masakit pala talaga pag ginagago ka ng may kayo
Kaysa sa ikaw lang at ako.
Meron na palang ikaw at siya.

Siguro hindi pa tamang panahon
Hindi ka talaga siguro para sakin
Hindi talaga siguro tayo para sa mundo
Baka nga nagkamali talaga ako.

At ngayon masasabi ko,
Wala na talaga akong pagmamahal para sayo
Hindi na buo, hindi konti
Hindi konti, hindi na buo
Upos nalang ng sigarilyo.
AL Marasigan Jul 2016
1:40 am,
Ganitong oras mo ‘ko sinagot
Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako
Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi
Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal
Matagal ko na ‘tong pinaghandaan
Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko
Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko
Pero ngayon, ito na.
Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip
Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog.
Ito din yung oras kung
kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman.
Ito rin yung araw
kung kalian kita unang nakita.
Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiti mo
Nung tinanong mo ‘ko kung
kailangan ko ba ng tulong
sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga ****
Tandang-tanda ko pa….
Na hirap akong makatulog
kasi nga
di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y
Magiging kaklase ko
Kaya naman
Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun
Araw-araw
Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako
Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras
Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon.
Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip
O ito ba’y kathang-isip na lamang
Masaya ako!
Hindi, Mali
Sumaya ako simula noon
Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito
Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na
TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA
Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang
Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig.
Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka
Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang *“Mahal kita”

Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay
Si tadhana ang may pakana*
Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang
Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am
Ay di pala talaga para sa’kin
Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog
Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses
Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay
Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang
Ang akala kong perpektong panaginip
Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang
Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot
Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam
At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang
“Tapos na tayo”
1:40 am
Nagising ako sa isang panaginip
Panaginip na purong kadiliman na lamang
Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang
Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat
Kaya maghanda ka na,
Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan
Para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal
O kung minahal mo ba talaga ako
Pero ngayon, ito na….
1:40 am
Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan.
Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’
Kaya naman ako’y
Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay,
Gising na ako, gising na gising.
Masaya, masayang-masaya!!
Kahit wala ng ‘TAYO’

Time Check: 1:41 am
Spoken Word Piece.
Copyrights Reserved.
                                                         -Alenz Marasigan
Neil Harbee Oct 2017
Panahon na
Panahon na para sumulat ako
Panahon na para ihayag ang nararamdaman ko
Panahon na para idaan sa tugmaan ang dahilan
Dahilan kung bakit ayon sa kanila ika’y aking nasaktan

Napakatxnga mo
Para kang gxgo
Sxraulo
Txrantado

Oo, minura kita kasi di kita kayang mahalin
Napakatxnga mo para ako ang piliin
Pipili ka nalang kasi ba’t ako pa
Oo, magmamahal tayo, pero di sa isa’t isa

Sige, balikan natin ang simula
Yung bago pa lang ako dito at mukha ako nung txnga
Yung kakalipat ko pa lang at wala pa akong kilala
Yung first day ko na walang kamuwang-muwang, padukot-dukot lang ng cellphone sa bulsa
Yung di mo naman sinasabi pero umabot sakin ang balita

Gusto mo ako, di kita gusto
Lumalapit ka, lumalayo ako
Nasaktan kita… hinayaan mo ako

Kung inakala mo wala akong pakialam, nagkakamali ka
Kung inakala mo mapaglaro lang ako, nagkakamali ka
Kung akala mo pinaasa lang kita, di ‘yon totoo
Ang dapat lang na malaman mo… Sinubukan ko
Sinubukan ko ang alin? Txngina alam mo na yon

Sabi nila natuturuan raw magmahal ang puso
Piliin mo yung nagmamahal sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
May kulang
Piliin mo yung may gusto sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
Uulitin ko, may kulang
Piliin mo yung may pagtingin sayo
Kasi natuturuan naman magmahal ang puso
Pxta kayo kulang-kulang mga pinagsasasabi nyo


Natuturuan magmahal ang puso pero iba ang magtuturo
Natuturuan magmahal ang puso pero di ikaw ang gagawa nito
Oo, natuturuan magmahal ang puso pero ibang tao ang magpapatibok dito

Paano ko nalaman? Nasabi ko na, sinubukan ko
Sinubukan kong gustuhin ka pero di ko magawa
Pinilit na ibalik ang pagtingin pero hindi ko kaya
Talagang hanggang kaibigan lang tayo
Mali!
Hanggang kaibigan lang, walang tayo

Magiging totoo lang ako
Hindi ko ‘to ginusto. Pati ikaw
Di rin kita gusto
Sasaktan na kita kasi sasabihin na naman nila pinapaasa kita
Baka ikaw meron, pero ako walang pake sa sinasabi nila
May pake ako, sa’yo
May pake ako sa’yo kaya alam ko na di ako yung lalaki na nakatadhana para ibigin mo
Di kita gusto, at alam kong di mo na rin ako gugustuhin pag nakita mo to
Walang may alam kung kailan mo to makikita
Anong taon, pang-ilang dekada
Huling mga linya, kung binabasa mo to, alam mo na kung sino ka, pasensya na sinubukan ko pero wala talaga
At least kaibigan na kita
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
Shiela Luna Nov 2015
Naiisip na naman kita.
Naalala ko yung mga panahon na kasama ka.
Mga panahon na tayo lang dalawa
Pero hindi tama na gustuhin ka.

Mahirap man sating dalawa.
Pasensya na wala akong magagawa
Kundi ang kalimutan ka.
Dahil ito ang alam kong tama.

Salamat ang huling salitang mababanggit.
At ito'y hinding hindi ko sayo ipagkakait
Kahit ito'y paulit paulit
Hindi ako magsasawa na ito'y laging mabanggit.

Sabagkat ang pagmamahal na iyong pinadama,
Ay tunay akong pinasaya.
Hindi ko man ito nasabi sayo
Kasi natatakot ako.

Ayokong umasa ka.
Ayokong masaktan ka.
Kaya ika'y iniiwasan na.
Para itong dadamin ko ay di na lumalim pa.
Sa pagkagat ng dilim
Ibinulong ko sa iyo ang nililihim
Patagong ipinaaalam sayo
Dahil gustuhin ko man isigaw kahit malayo
Hindi ako pwedeng magpadalos dalos
Dahil kagay nga ng sinabi ni Rommel Pamaos
Ang pusong ito na akin
Mahirap na kung ito lamang ay iyong pisil pislin
Lalo na't di mo naman bibilhin
At wala kang balak mahalin
Kaya hanggang dito na lamang
Ang puso kong nagaabang
Naibunyag ko na naman na sayo
Mula man sa malayo
Ang mga sikretong itinatago
Ng aking mumunting puso
Post-Valentine's poetry? I miss posting stuff here... ;-; I was running low on inspiration mehe... but anyway... MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO! :) ♡
HYA Feb 2018
Alam mo 'yon?

Yung titingin ka lang sa kawalan
Habang pinagmamasdan
Ang mga talang nag-aatubiling hagkan
Ang bawat taludtod na sa iyo ko ipinangalan

Sa una nating pagkikita
Sa iyo, ako'y sobrang namangha
Sa lakas ng iyong loob na magsalita
Sa para sa iyo ay totoong tama

Noong muling nagtama ang ating mga paningin
Isa lamang ang aking dinalangin
At iyon ay iyo sanang dinggin
Ang tinig na nagmimistulang hangin

Pero hindi na tayo pwede sa pangalawang pagkakataon
Gustuhin man ay hindi na dapat pang umahon
Sapagkat meroon ng ibang nagmamay-ari sa aking panahon
Ayaw ng maipatahan ang luhang nag-aapoy ng ambon

Ngunit, bakit? Ikaw pa rin ang aking dinadalangin
Baka maaari naman kitang hilingin
Sa Maykapal kahit sa isang pagkakataon
At baka dahil dito, ako ay muling makakabangon

Sa ikatatlong pagkislap ng ating damdamin
Inibig ko na sana ako ay iyong mahalin
Hindi na makapaghintay pa na sagutin
Mo ang aking nag-iisang panalangin

Ngunit ngayon, ikaw na naman ang hindi pwede
Tayo ay parang kapre at duwende
Hindi itinadhana sa isa't isa upang ayusin ang pusong sira
At ipinagtagpo lamang upang ang mga puso ay mas maging masaya

Sabi mo, baka hindi naman talaga ikaw ang reyna ng buhay ko
Siguro. Ngunit ikaw ang araw ng umaapaw kong mundo
Hindi mo alam kung gaano kita iinibig
Na kahit puso't isip ko ay pumigil sa pagkabig

Mukhang tama ka nga rin naman
Tayo ay mga bangka lamang na pilit na ipinagkita
Upang kahit sanggayon ay makakaway sa isa't isa
Mga luha natin ay dapat ng punasan
Mailalayo man ang mga kamay, mga alaala ay hindi makakalimutan.

Hanggang dito nalang, Celeste Francisco.
Masakit man, kailangan na nating pakawalan ang damdaming ito.
Meet me in St. Gallen, please HAHAHAHAHA

-not necessary to read-

So, I was told to make a spoken poetry for Valentine's. The first thing I wrote was ****. Not kidding. Even I cringed when I read it HAHAHAHA
However I can't do anything about it since we needed to present it to the class after that day. Aannnd, thank the Almighty for giving me an inspiration wahahhaha. Well, I was hurt that night and it gave me the strength to write. ☺It had a looot of errors since I did not have the chance to proofread it LUL Kidding, I had all the time to do it but I was lazy. The presentation was moved to February 19 (today) so yes, you can call me lazy. I am talking about this because I was really flattered when I saw their reactions and when I heard their applause while I was presenting our piece. Mayghad, thank you, Lord. It is entitled 'Iba't Ibang Uri' and maybe I'll post it here some time.

You did not really need to read this hahahaa I'm just really joyful today hehe.
kingjay Dec 2018
Magtahi ng mga titik mula sa alibata
Ibalanse ang kataga
Ipakita ang sanhi
Sa hinaharap sana'y alinsunod
sa kagustuhang resulta
Sapat ang pagkinang ng bunga

Pinapagaan ng pakikidalamhati
ang tinamong latay
Hiram na hininga
Sa pag-usad ng rebolusyon ay na-iiwan dahil sa grabidad

Binansagan santwaryo ang periheo
nasa puntong humihiwalay ang umaapoy sa nagyeyelo
Taguan ng mga sugatan
pati na ang nagniningas na kalooban

Ang dangal ay naiga
Gustuhin man magbunyi
Hinihila pababa, parang natutunaw na sera
Nilalamon ng kadiliman ang siga

Matutunan din sumipol sa masalimuot na tinatahak
Matwa sa bawat liwaliw
kahit man ay undas
Patuloy ang pamumunga sa ginintuang oras
Paraluman Jul 2015
Ang sarap isipin
Na ika'y kapiling
Sana'y di magising
Sa mulat na panaginip
Atin may gustuhin
Ito'y totohanin
Ngunit di natin kakayanin
'Wag natin pilitin
Panatiliin na lang itong
Mulat na panaginip.
HugoTula #1
whomst Mar 2017
Hi! Alam mo bang crush kita?
Ay oo nga pala! Hindi mo ako kilala
Sino ba naman ako para sayo?
Isa lang naman akong estranghero

Napapaisip na lang ako
Kung may gusto ka ba sa isang katulad ko
Yung tipong magkakaroon ng salitang "tayo"
At hindi na ito sa panaginip, kung hindi ay totoo

Gustuhin ko man maging tayo,
Pero alam ko naman na hindi ako bagay sayo
Sana ay ma-appreciate mo yung mga ginawa ko
Lalo na yung mga papansin moves ko para sayo

Naalala ko pa yung mga pinagusapan natin
At yung moment na nahuli kita na nakatingin sa akin,
Ngunit tandaan mo na nandito lang ako
Sumusuporta kahit hanggang dito na lang tayo
ugh so lame ctshajkwef
Jamjam Feb 2018
Ito nga pala ay para, o tungkol, tungkol sa
babaeng aking ninanais, nakita kita sa hindi inaasahang oras at pagkakataon.
Kung alam mo lang, ang pagtalon nang aking puso sa tuwing nag sasalubong ang ating mga diwa

Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito. Lumalim ng lumalim ang inaakalang simpleng pagtingin ko para sayo.

Oo ikaw!

Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng aking ninanais.
Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng nag bibigay kabog sa aking dibdib.
Ikaw, ikaw yung babaeng pinapangarap kong makamit.
Ikaw, ikaw yung babaeng simple lang pero anlakas ng dating.

At ako, ako nga pala yung taong sumusulyap sayo ng palihim.
Ako, ako nga pala yung taong hindi magkanda ugaga sa tuwing ikaw ay paparating o dadaan sa aking harapan.
Ako, ako nga pala yung taong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang.

Kung alam mo lang kung gaano kita hinahangad tuwing nakikita kita.
Pero bakit nga ba ganoon? Hindi ko magawang umamin? Siguro'y dahil sa pautal utal na pananalita ang dahilan o sadyang wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang aking nararamdaman.

Ako'y simpleng tao lang,
Hindi makisig gaya nang ninanais ng nakararami, pero pangako lahat gagawin ko mapasaya ka lang.
Mukang hindi ako yung tipo ng lalake na maaari **** gustuhin

Ako yung taong tahimik lang sa isang tabi
Ako yung tipo ng tao na hindi pang angas sa tropa, pero pangako, araw araw ipagmamayabang kita.

Subalit bakit ganito ang tadhana, ika'y nakakulong sa isang sitwasyon.
Sitwasyon na akin ding hinihiling, siguro nga ay hindi ko ginusto na magkagusto sayo kase alam kong masasaktan lang ako.

Sana ako na lang. Inisip ko na sana ako na lang sya na sayo'y nagpapaligaya
Sana ako na lang sya, na mahal mo ng sobra
Sana ako yung taong lagi **** kausap,
Sana ako yung nagbibigay ng ngiti sa tuwing malungkot ka.

Ikaw yung babaeng nagbibigay ngiti at kalungkutan sa akin. Dahil sa tuwing naiisip kita, pumapasok den sa isip ko na ikaw at ako ay malabong maging tayo.

Dapat bang tanggapin na lang ang katotohanang hindi na mababago? na hindi talaga pwede maging tayo?
Hanggang dito na lang ba talaga ako? na nangagarap na maging tayo?
Siguro ngay maihahalimtulad ka sa ulap sa langit
Kase abot tanaw ka nga, ngunit mahirap ka naman makamit.

Siguro nga'y masakit masampal ng babae no?, pero mas masakit parin siguro na masampal ng katotohanang hindi talaga pwede na maging tayo. Sakit diba?

Namaos ang puso ko kasisigaw sa pangalan mo.
Namaos ang puso ko kalilimos ng barya ng pag ibig mo.
Napagod ako kasisigaw. Pero walang magbabago, lilipas paren ang gabi na walang nangyayare.

Kase kahit na ano pang gawin ko, ikaw at ako ay malabong maging tayo.
Ano bang dapat kong gawin? Para magkaroon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo.

May mga bagay talaga sa mundo na kahit hindi mo man makuha, makita mo lang masaya ka na..
JOJO C PINCA Nov 2017
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel

Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.

Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.

Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.

Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.

Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.

At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.

Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.

Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
twenty-six Nov 2018
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan
ang mga ngiti **** umaabot sa buwan
ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan
ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan

puso't isip ko'y nagtatalo
ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako
hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko
ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao

ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa
ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha
bawat umaga'y unti unting nanghihina
bawat gabi'y unti unting hindi makahinga

gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa
ngunit oras na para ako'y magpaalam na
huwag ka na mag-alala
malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa

hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya
sa huling linya na ito
paalam na,
aking sinta.
oras na siguro.
Luna Sea Mar 2017
Mahigit tatlong buwan na akong parang isang timang,
laging madilim laman ng isipan.
Gustuhin ko mang makita ngunit walang liwanag.
Walang direksyon, Walang sinag  
Nakakauhaw ang mga panahong puros na lang ulan
Nakakabulag ang sinag ng araw at ng buwan
Nakakapagud ang takbo ng utak ko
nakakalunod ang lawa ng pagsasamo.

Luna tama na.
Reign Oct 2018
Dumadaloy nanaman sa dugo
Ang madilim na lungkot
Bumubulong sa isip
At bumibilis ang tibok ng puso

Sa bawat higpit ng damdamin
Siya ring patuloy
Na pagdaloy
Ng mga luhang walang tigil kung umagos

Nandito nanaman ako,
Kung saan sa parteng ayaw ko
Pero kailangang gustuhin ko
Kailangang gustuhin ko...

Lungkot na nadarama
Hindi ko naman nais na mahalin ka
Pero tila bakit ikaw ang nasa tabi ko sinta
Hindi ang kasiyahang hinahabol habol ko noon pa.

Siguro nga tama sila
'Wag **** hanapin ang wala
'Wag **** habulin ang wala
Kung ayaw **** matalo at ikaw lang ang matuto sa dulo.

Umaangat, bumababa
Umaabante, umaatras
Bumabalik, nawawala
Parang pag-ibig, parang dalawang tao sa isang pelikula

Parang kasiyahan at kalungkutan ko
Siguro nga ganto ang kapalaran
Kahit saan
Susundan ng kalungkutan

Kahit ayaw,
Kahit pigilan
At sabihing tama na
Pagod na ako

Mas papagurin ka pa ng mga dilim lalo
Mas lalamunin ka pa ng mga maliliit na boses galing sa isip mo
Magulo,
Magulo... parang ako
Angela Gregorio May 2017
Wag mo akong kaibiganin baka ika'y mahulog rin
Wag mo kong gustuhin mahirap akong intindihin
Wag mo na akong isama sa iyong mga dalangin
hindi ko rin gustong ako'y pinapanalangin
Wag kang aamin hindi kita kayang tanggapin

At kung maari wag mo akong mahalin
dahil di ko kakayanin.
Tanging mga siyap ng ibon aking naririnig
Nadidinig lamang ay pusong pumipintig
Magdamag ika'y tumatakbo sa isip,
Habang nilalasap ang tahimik na paligid

Malakas na humampas simoy ng hangin
Tila ipinapabatid na di ka para sakin
Mula pa man, wala kang pagtingin
Isang tulad ko'y di kayang ibigin

Gustuhin mang ipagsigawan,
Hindi ko na maipaglalaban
Sapagkat takot ang naninimbang
Nagmahal lang naman, ngunit bakit tayo nahusgahan?
Anna Feb 2018
Gusto kita, ilang ulit ko ng binigkas
ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko
tuwing umaga sa pagdilat ng aking mga mata,
tuwing sasapit ang gabi kayakap ang unan habang iniisip ka

Pinipilit itali at ikulong itong pakiramdam
Na walang ulit ang pagsabog pero pahapyaw lang.
Dahan dahan lang sabi ng puso
pero pag hindi na ginamitan ng utak
ito’y bigla na lamang titibok ng walang humpay
at sa pagtibok nito kasabay ang pagbigkas ulit sayo - gusto kita. Sobra.

Ang dami kong tanong, araw araw ako nagtatanong,
nagiisip ng bakit, pano, ano?
Ano ba talagang tama ko sayo?
Pogi ka pero di naman ako mahilig sa pogi.
Pangit ba ko, anong mali sakin bakit hindi ko makuha
ang iyong pagibig?

Hindi ba may mga bagay naman na ayaw natin
nung una pero nagugustuhan din sa huli.
Ako kaya? Kelan yung oras na ako naman yung gustuhin mo.
Gusto ko na malaman, ibigay mo na sakin kasi nababaliw na ko.
Karen Nicole Apr 2018
sanay na sa sakit,
na paulit- ulit
hinihiling na sa bawat hikbi
ito'y mapapawi

ang malalakas niyang tawa,
ay may kapalit na mga luha
marami siyang katanungan
ni isa dito'y hindi niya masagutan

balik sa kanyang dating gawi,
siya'y matutulog ng may luha sa pisngi
gustuhin man niyang mawala sa mundong madaya,
siya'y kumakapit pa rin sa katiting na pag-asa
im sad . im back
Crissel Famorcan Dec 2019
#82
Gusto kitang isayaw ng mabagal.
Gusto kitang isayaw.
Gusto kita.
Gus—
Gusto kong ibaling ang pagtingin ko sa iba,
Pero bakit kahit na pilitin kong okupahin ang malaking parte
ng oras para kalimutan ka,
Hindi ko mapanindigan?
Bakit patuloy ka pa ring bumabalik at nangungulit sa isipan;
Kung alam mo namang madalas akong umaaasang baka sakali,
May maganda tayong patutunguhan?
Paano ko magagawang makalayo sa lungkot,
Kung simpleng alaala mo,hindi ko magawang malimot?
Dumarating ka sa oras ng katahimikan—
Dumadalaw sa mga panahon ng pag-iisa,
Dinadamayan ang sakit ng luhaan kong mata;
Bumabalik-balik at sumisilip-silip,
para iparamdam ang presensiya ng pag-ibig na kailanma'y hindi masusuklian~
Gusto kitang isayaw ng mabagal,
Sa saliw ng paborito kong musika,
Sa tugtog na gigising sa'kin, magpapa-alala:
•Pagmamay-ari ka ng iba,
Gusto kitang isayaw ng mabagal—
Hanggang sa hindi matapos na tugtugin;
Hanggang sa magawa ko ng pilitin,
ang tadhana~
Na ibigay ka nalang sa akin,
Gusto kita ng isayaw ng mabagal.
Gusto kitang isayaw.
Gusto kita.
Gus—
Tama na.
Husto na.
Gustuhin ko man na mapasa'kin ka,
Wala akong magagawa.
Kaya sige.
Tatanawin nalang kita.
Hihiling na sana minsan, maisayaw kita—
Sa saliw ng paborito kong musika;
Sa tugtog na patuloy sa'king magpapa-alala,
Kaibigan lang dapat kita
At pagmamay-ari ka ng  iba.
Gusto kitang isayaw ng mabagal.
Gusto kitang isayaw.
Gusto kita.
Hindi magbabago kahit nakatadhana ka sa iba.
Llanerarjay Oct 2018
Alam ko tong daan na to,
Daang patungo sa'yo.
Daang paulit ulit na lalakarin,
Makita ka lang, ang laging hangarin.

Paa'y di mapapagod sa paglakad,
Hindi mapipigilan na kahit na sino man.
Ako sana'y iyong mapatawad
Sa mga pagkukulang ko noon paman.

Hinahanap-hanap ang mga ngiti mo
Ngiti **** nagbibigay ng saya sa katulad ko.
Gustong-gustong marinig yung boses mo.
Boses **** tila magandang awit sa mga tenga ko.

Kaya't kahit gaano man kalayo, gaano man katagal
Hindi mapapagod ang pusong magmahal.
Kahit ano pang pagsubok ang harapin sa daan,
Makita ka lamang, mahawakan at mahagkan.

Gustuhin man nila akong lumakad palayo sa'yo.
Lagi ko paring tatahakin ang daang patungo sa'yo
Gusto kong magalit
Kahit walang dahilan.

Gusto Kong magtampo
Kahit ngayon lang.

Gusto Kong umiyak
Kahit sandali lang.

Gusto Kong manahimik nalang
sa isang tabi
At magisip.

Mag isip ng mga bagay na
posibleng mangyari.
Mga bagay na hanggang
imahinasyon nalang.

Gustuhin ko man gawin yung
mga bagay na iyon hindi ko magawa.

Kasi naalala ko,
Ano nga bang meron tayo?
Ay mali.
Uulitin ko.
Walang tayo.
Wala naman talaga 'di ba?
Sino ako para para iyakan ka?
Sino ako para magtampo?
Sino ako para magalit?
Sino ako para sayo?
Walang ako sayo
Walang ikaw sa'kin
Walang tayo.

Walang makapagsasabi kung hanggang kailan ako
magiging wala lang sayo.
Kasi nga walang tayo.

— The End —