Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"saysay" poems
Umaasa ako Umaasa na may pag-asa tayo Umaasa na nagbabakasakali Umaasa na maging tayo Mahirap umasa Pero sa totoo lang Aasa ako para sayo Baka pwede... Sa isang sulyap ng ngiti mo Natutunaw ang puso ko Pilit na itinatago ang nararamdaman O tila manhid ka lamang Ngunit nakakapagod Nakakapagod na habulin ka Na bigyang saysay ang mayroon tayo Ano nga ba ang mayroon tayo?
0
Dec 5, 2016
Dec 5, 2016 at 4:59 AM UTC
Sa Saglit na Kilig
*Puso'y tumibok, Hindi hinimok. Kusang sumibol, Hindi naghabol. Naramdaman ang pintig, Binuhay ang pag-ibig. Nagmahal ng buong puso, Umibig ng totoo. Ngunit.. Hindi sinuklian. Hindi ipinaglaban. Ipinagpalit sa iba, Iniwang mag-isa. Luhaan ang mata, Damdami'y nagdusa. Piniga't sinaktan, Nawalang saysay ang ipinaglaban. Kaya... Nagmukmok sa kuwarto, Nagkulong, nagtago. Sarili'y inilayo, Nanlumo, tuliro. Tulala't mga mata'y mugto, Hindi kinakausap ibang tao. Nabaliw, nagpakatanga. Nagmahal na nga lang, nasaktan pa. Subalit.. Buhay mo'y mahalaga. Pamilya mo'y naririyan pa. Sarili mo'y nilikha, Nang isang Diyos na mapagpala. Maging matatag ka, Kalimutan ang sakit at magsimula. Matuto ka, Magbalik loob sa Kanya...*
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 12:01 PM UTC
Nagmahal, Nasaktan, Nabaliw, Natuto
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer. Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito. Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala. Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo? O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba? Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako. Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay? Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko. Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin? at ikaw naman mahal ko Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon? Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong. Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko. Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 1:58 AM UTC
Tinatamad ako

Continue reading...
14
Walang eksaktong kahulugan ang buhay, ang buhay ay buhay ganun lang kasimple yun, walang itong drama at lalong hindi kumplikado. Masdan ang galaw ng kalikasan. Sumisikat ang araw sa umaga at lumulubog ito pag hapon na. Ang buwan ganun din sumisinag ito sa pagsapit ng gabi at nagkukubli pagdating ng bukang-liwayway. Ganito rin ang mga bituin, lahat sila kumikilos nang ayon sa kanilang galaw at katalagahan. Kumbaga sa musika rock sila pero simple lang. Kalmante lang ang dagat pero minsan maligalig din s’ya kung kinakailangan. At ang hangin walang humpay sa kanyang pag-ihip. Walang kahulugan ang buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng kahulugan ng sarili nating buhay; tayo ang lumilikha ng sarili nating kasaysayan. Tayo ang pumipili ng sarili nating kahulugan. Doktor ka ba? Manggamot ka nang buong husay, sagipin mo ang maraming buhay. Sundalo ka ba? Makipaglaban ka nang buong giting, ialay mo ang buhay mo para sa bayan. Nagsusulat ka ba? Magsulat ka nang buong puso nang magliwanag ang isipan na malabo. Kung ano man ang napili **** gawin, gawin mo ito nang buong galing. Kung umiibig ka naman, umibig ka nang buong tapat at iaalay mo sa iyong sinta ang lahat. Maging mabuti ka sa kanya, mahalin mo s’ya nang higit sa lahat.   Walang kahulugan ang buhay, ‘wag mo itong hanapin sa relihiyon dahil wala ito roon. Panay kaulolan lang ang matutuhan mo sa mga nagbabanal-banalan at nag-aaring ganap, na kung umasta at magsalita akala mo ay kahuntahan nila ang Diyos. Wala rin ito sa pamahalaan at mga lingkod bayan kuno, lalong wala ito sa dami ng yaman. Walang kahulugan ang buhay tulad sa isang tapayan na walang laman kailangan mo itong sidlan. Hindi bukas kundi ngayon ang panahon ng pagsalok ng kaalaman at karanasan kaya ‘wag mo itong sayangin. Walang kahulugan ang buhay ‘pagkat ang buhay ay isang kawalan na kailangan **** punuan. Tulad ito sa blankong papel na kailangan **** sulatan. Isang hiwaga na kailangan ikaw ang tumuklas. Walang kahulugan ang buhay basahin mo man ang lahat ng aklat at kahit pakinggan mo pa ang lahat ng talumpati sa mundo hindi mo ito makikita. Walang kahulugan ang buhay ‘wag **** pagurin ang sarili mo sa paghahanap nito. Ang kahulugan ng buhay ay nand’yan sa loob ng puso mo. Kung saan ka maligaya naroon din ito. Aanhin mo ang maraming diploma at pagkilala kung hindi ka naman masaya? Ano’ng saysay ng mga palakpak kung huhupa rin pala ang mga ito? Hindi mo makikita ang kahulugan ng buhay sapagkat kailangan na ikaw mismo ang gumawa nito.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 12:58 AM UTC
WALANG KAHULUGAN ANG BUHAY

5
Minsan gagamit ng payak na salita Ngunit ito'y uusigin ng iilan; Minsa'y sisisid at muling hihinga Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita. Kung ang pagsusulat ay pagmulat Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala? Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma? Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado. Minsa'y wala namang nais ipahiwatig Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig Wala nga bang dahilan? O ayaw mo na lamang lumaban? Sa mundong ginagalawan Hindi lahat makaiintindi Hindi lahat makikiayon Pagkat hindi iisa ang bida May iilang ekstra sa eksena Kaya marapat na handa ka. Ang pagsulat ay malaya Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga Ganyan ang nadudulot ng demokrasya Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra. Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya? Ang pagsulat nga'y musika rin Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa. Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko. Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?" Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba Ang pluma ng ila'y wala palang tinta Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago. Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama Mayroong layong nakapag-iisa Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan Mayroong uusbong na himagsikan -- Mabuti man o masama. Abstract/ abstrak Mabuti pang ganyan ang pagsulat Nang hiwatig ay pansarili lamang Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon. Bale wala ang salita Kung ang mga ito'y walang aksyon; Bale wala ang salita.. Kung ang puso'y wala namang direksyon. (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 4:46 AM UTC
Ang Payak na Kasulatan, Pag-usbong rin ba ng Himagsikan?

52
Tayo ay magkasalungat Magkaiba, hindi tugma At kahit baliktarin mo ang mundo Tayo ay dalawang taong Hindi maipagsasama, Hindi maipapares, hindi din maitutugma Pero mahal pa rin kita Ikaw, Ikaw, na nagmamahal ng iba Ikaw, na mayroon mga mata Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala Ikaw, na mayroong bibig Para ngumiti o sumimangot Sa tamis at pait ng buhay Ikaw, na mayroong kamay Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo Ikaw, na mayroong puso, Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito Ako, Ako, na nagmamahal sa'yo Ako, na mayroon ding mga mata Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao Ako, na mayroon ding bibig Para ngumiti, tumawa, humalakhak Kahit wala ka sa tabi ko Ako, na mayroon ding mga kamay Na dapat hawak ang iyo Ako, na mayroon ding puso Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin May nagsasabing Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo Pero nandiyan pala siya. Siya, na minamahal mo Siya, na parang buwan kasama ang mga tala Siya, na laging hawak ang kamay mo Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo. Tayo, Tayo ay parang tubig at langis, Liwanag at dilim, langit at lupa Mapait at matamis, madumi at malinis Maingay at tahimik, itim at puti Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat' Sana, Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay, At hindi din lagi naghahanap ng kapalit Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan Sana hindi na lang kayo nagkakilala Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana. Pangako, Pinangako ko sa sarili ko Na pagkatapos ng tulang 'to Titigil na akong isipin ka Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko Titigilan na kita sulatan ng tula Titigil na akong mahalin ka At ang huling sana na aasahan kong matupad Na sana tandaan mo, Minahal kita, Ginusto kita, Kahit siya na lang At sana masaya ka.
0
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 11:13 AM UTC
Magkasalungat

65
Bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Pakinggan mo ang mga bulong sa isip ko tuwing nakikita ka Sana hindi ito maging isang alaalang makakalimutan Mga salitang papasok at lalabas din naman At sana dalhin mo 'to sa pag-gising at pag-tulog mo At alalahanin na para sa'yo to. Hindi na kita mahal Hindi na kita mahal Makinig ka sa'kin. Hindi. Kita. Minahal. Hindi. Kita. Minahal Ilang beses ko man ulit-ulitin sa sarili ko Na minsan nawawalan na ng saysay ang salitang mahal ang salitang ikaw, ang pangalan mo sa isip ko Pero hindi pa din nawawalan nang saysay ang mga alaalang naiwan mga alaalang nakalimutan, at 'di ko alam kung tama bang binabalikbalikan ko Ang gabing napagtanto ko na nahuhulog na pala ako sa'yo Hindi na kita mahal Na kahit lahat na siguro ng tulang sinulat ko ay para sa'yo kahit lahat na siguro ng metaporang alam ko ay na inahalintulad ko sa'yo Isa kang bulalakaw, isa kang bituin, ikaw ang buwan Ikaw ang bumubuo sa ganda ng gabi, Ikaw ang araw, ikaw ang mga ulap, ikaw ang langit, Ikaw ang buong kalawakan na hindi ko kailanman pagsasawaan Ikaw ang karagatan, mahiwaga at kapanga-pangambang sisirin, Ikaw ang apoy, na nagpapaliwanag at nagpapainit ng gabing malamig Ikaw ang librong 'di ko kinakailangan ng pahinga Para intindihin ang bawat salitang nakalimbag sa bawat pahina Ikaw ang sining ko Ikaw ang tulang ito. Para sa'yo at tungkol sa'yo. Hindi kita minahal, Kahit na lagi kong inaabangan ang mga storyang kwinekwento mo Na para bang hinahatak mo ako pabalik kung kailan nangyari ang mga 'to at sinamahan ako para panuorin natin Kung sino ba ang nandito at nandoon Kung nasaan ang mga silya, lamesa, pintuan, at bintana Ang mga pangalan ng mga minahal mo at nagmahal sa'yo na dapat mo na sigurong kalimutan Kung saan kayo nagkakilala, Kung anong naramdaman mo nung nahuli mo siyang nakatingin din sa'yo at nagkasalubong ang inyong mga mata At sa lahat ng storya mo, Napagtanto ko na ayoko maging parte ng mga storya **** nakalipas. Na sana ako ang storyang hindi mo kailanman iisipin na bibigyan ng wakas. At ikwento mo din sana ang gabing ito Ikwento mo ang bawat paghinga ko sa bawat puwang ng mga salita Ang pagbuka ng bibig ko para sambitin ng tama ang bawat pantig, ang pag nginig ng mga kamay at tuhod ko, At kung maririnig mo man, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ikwento mo. Ibulong mo sa pinakamalapit **** kaibigan, para manatiling sikreto. Ang tinatagong nararamdaman na 'di mo na siguro kailangan malaman. Tama lang siguro na magkaibigan tayo, Kasi Hindi na kita mahal. Hindi kita minahal. Pinilit ko lang ang sarili kong mahulog sa'yo Pinilit lang kitang mahalin Para makalimot, para iwanan ang dating naramdaman. Gustohin ko man ulit-ulitin sabihin sa'yo, Magsasawa ka sa bawat pantig, sa bawat letra. Kaya ibubulong ko na lang sa sarili ko, para manatiling sikreto Ang dating nararamdaman na hindi mo na kailanman malalaman. Kaya bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Sa huling pagkakataon pakinggan mo ang katotohanan Isantabi mo ang mga bulong sa isip ko na napakinggan mo. At sana tandaan mo na Dati, at dati lang Minahal kita.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 1:15 PM UTC
Dati at Dati Lang

67
110916 Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus. Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan. Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya. Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon. Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 11:15 AM UTC
kaSAYSAYan
Minsan gusto **** makalaya; Malaya sa mapanghusgang lipunan, Malaya sa mundong masyadong Magulo at maingay para sa isip **** Litong-lito kung ano ba talaga ang dapat. Ano ba ang mali? Ano ba ang tama? Minsan gusto **** mag-isa; Malayo sa ideolohiyang malabo, Malayo sa punyetang gulo ng Lugar na masalimuot. Doon sa eskinitang masikip na halos Nagtipon ang dumi at kalawang Na hindi na pinapansin. Kasi madumi. Kasi makalawang. Kasi walang silbi. Kasi hinusgahan. Gusto **** makaalis. Gusto **** pumiglas Sa mga kadenang ginagapos Ang nagdurugo at sugatan **** Katawan na ang tanging nais lang ay makalaya. Gusto **** tumakbo. Gusto **** tumakas, Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot; at hindi iyon ang dapat. Bakit? Bakit kailangang laging sundin? Bakit kailangang laging paalipin? Ang sikip sa dibdib lalo na't Alam **** wala kang kayang gawin. Lalo na't alam **** palaman ka lang Sa sistemang paikot-ikot ng walang tigil. Hilong-hilo ka na sa mga kagaguhang Nais nilang iguhit sa iyong kapalaran. Hindi mo na masikmura ang pait at Walang saysay na pagiintay sa pinangako nilang katahimikan; kapayapaan ng iyong isipan. Itinatanong mo, bakit di ko harapin? Bakit laging pagtakas ang gusto kong suungin? Hindi ko din alam gaya nang hindi mo pagintindi sa akin. Pagod na pagod na akong mag-isip. Alam ko naman, palagi akong mali. Palagi akong masama. Palagi akong walang silbi. Kasi nahusgahan.. Dahil sa isang mali. Dahil sa isang baluktot na desisyon, Hindi mo na naalalang, tao rin ako. May puso. May pakiramdam. Nasasaktan. Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong lumaya. Patuloy na lumaya. Sobrang pasakit dahil alam ko na sobra akong pabigat. Sana bumalik nalang ako sa pagiging tuldok. Para kahit anong pangungusap na masakit ang maririnig ko, matatapos ito. At hindi na kailanman babalik. Tuldok. Babalik ako sa pagiging tuldok dahil magulo.
0
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 12:05 PM UTC
Preso

45
“Naaalala mo pa ba ako?” Iyan ang pangungusap na maaaring itanong sa’yo ng mga laruan mo noong iyong kabataan. Mga laruang naitabi’t nakalimutan na at maaaring nasa talampas na ng mga bagay na malapit nang mailagay sa tapunan. Mga nagsilbing matalik **** kaibigan noong ika’y talagang nangangailangan. “Naaalala mo pa ba ako?” Tanong na hindi mahirap sagutin ngunit sakit lamang ang maibibigay. Naalala mo man ngunit hindi na nabigyan ng pansin at tuluyan nang nawalan ng taglay Tanong ng mga laruan mo na tuluyan nang nakalimutan at hindi na nabigyan ng hanay
 Kung ang mga laruan mo ay makakapagsalita, ano kaya ang sasabihin nila sa’yo? “Kaibigan, naalala mo pa ba noong tayo’y magkasamaa? Noong ako at ikaw lang ang natatanging tao sa mundong ating tinatayuan. Noong araw araw pag uwi mo galing sa paaralan ay hahanapin mo agad ako at kakausapin. Hindi napapansin na ako ay pinaglalaruan mo lamang. At iyon ang natatanging silbi ko. Isang laruang posibleng mapalitan pag nakahanap ng katapat na mas karapat dapat… Masakit maging laruan.” Siguro nga hindi nakapagsasalita ang mga laruan. At iyon ang tanging rason kung bakit sila naimbento; para magsilbing panlibang sa mga naiinip. Pagdating ng panahon ay itinakda silang ipamigay o kaya nama’y kalimutan na at itabi sa isang madilim na kahon ng walang hanggan. Ang mga laruang minsann nang itinakda na maging panangga sa kainipan. Masakit maging laruan. Pero bakit ako na hindi laruan ay napapatanong na rin? “Naaalala mo pa ba ako?” Kasi minsan nagtataka na ako kung pumapasok pa ba ako sa isip mo. Tuluyan na ba akong nawalan ng taglay na hindi mo na ako maihanay sa oras **** mamahalin? Alam ko na hindi ako itinakda na maging panangga sa kainipan pero bakit ganoon na ang aking nararamdaman? Tuluyan na nga bang nakalimutan? Ako na natatanging andyan tuwing ika’y nangangailangan, ngayon naging laruan na di man lang masulyapan. Masakit maging laruan Masakit mapaglaruan Masakit na gumawa ng sakripisyo kung hindi mo rin naman ito bibigyan ng pakinabang. Kung magsisilbi lang ako na libangan tuwing iyong kailangan. Mahirap umasa sa mga bagay na matagal nang hindi nagpapakita. Pero kahit na minsa’y napapatanong narin ako… Nagbubulag-bulagan ako dahil… Mahal kita Mahal kita kahit na matagal mo na akong itinambak sa kahon kasama ang mga papeles na mayroong mga walang saysay na salitang nakalimbag. Mahal kita kahit na ginawa mo akong laruan sa panahon na ika’y nangangaliangan. Mahal kita kahit na ni isang sulyap ay hindi mo ko mabigyan. Mahal kita kahit masakit na. Pero minsan, napapatanong na rin ako; Naaalala mo pa ba ako?
0
Dec 17, 2016
Dec 17, 2016 at 9:18 AM UTC
Laruan (naaalala mo pa ba ako?)

22
Nandito nanaman ako sa isang silid, malungkot , nagiisip kung anong mangyayari sa paligid Bukas ba ay payapa muli ang isip o bibilis nanaman ang tibok ng dibdib Sa bawat nangyayaring karanasan sa buhay ko may mga bagay akong naiisip na lumalait sa sarili kong pagkatao, sa pagkatao kong , pagiging mahina , na puro salita walang gawa, sa pagkatao kong kulang sa tiyaga umaasa sa kasiyahan na napupunta sa wala...At Paglipas nang taon sa kolehiyo , nanatili parin akong talo sa pag angat , pinili ang kurso na hindi naman kasing bigat ng abogado, Oo inaamin ko naiwan ako sa larangan ng akademika , alam ko naman na ginawa ko tong landas na to para sumaya pero, Dati yon iba na ang nasa isip ko ngayon, sana pala pinagbutihan ko nung mga araw na nakakahabol pa ko Pero ngayon ,ito natupad nga ang mga pangarap ko sa sarili ko , Pero di ko naman naisip ang kapalaran na darating sa kinabukasan ko Ano nga ba ang magiging kinabukasan ko ? Kung sariling kaligayan nalang palagi nag nasa isip ko Palagi nalang bang ganto ang buhay ko o isang araw , babagsak ang katawan ko katulad ng pagbagsak ng utak ko Tuwing naiisip ang mga malalagim na nakaraan sa buhay ko Mula sa palangiting tao na nakikita nyo , Maganda lang tignan parang takip ng libro, Pero ang totoo ay iba ang nilalaman nito, Magulo ang takbo ng buhay ko , Pero salamat narin may mga tao na nagbibigay ng halaga at pagmamahal Upang magpursigi pa akong mabuhay dito sa mundo... Salamat Ina,Itay,Lolo,Lola, Kaibigan,Katunggali Salamat sa walang hupay na pag intindi sakin sa lahat ng galit , panunukso Pagmamahal , pakikisama at sa mga bagay na nakalagay dito sa memorya ko, Isa kayong tagapagligtas dahil kung wala kayo Wala rin saysay ang pagkatao ko...
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 2:02 AM UTC
Malungkot ang Kwento sa Silid

31
Sa pagdating **** napabalita Unang sulyap palang namangha na Gayak na sinauna Sa paningin mahalina Musikang kaytanda na Sa pandinig mahiwaga Mahalaga ang gabi Simula ng pagsaksi Kwento kong inabangan Hatid niyang kasaysayan Sa aking talambuhay Gabing iyon may saysay Nasa pagtitipon Mga kaklase noon Kapitbahay inuman Masaya ang kwentuhan Subalit ako’y saglit Umuwi sa malapit Iyon ay dahil batid ko Simula na ng kwento Ng kanyang unang yugto Gabing Trenta ng Mayo Mula nang araw na ‘yon Pagsubaybay tradisyon Naging makabuluhan Likhang pampanitikan Subalit ‘di naglaon Nawalan telebisyon ‘Di hadlang gayunpaman Sa radyo’y pinakinggan Mula pagkabinukot Hanggang aliping tulot Babaylang naging **** Mandirigmang pinuno Nilupig at nanlupig Inusig at nang-usig Natulig at nanulig Inibig at umibig Nagtago at naglakbay Namatay at nabuhay Tinanggap at nagpanggap Naghirap at nilingap Sakay ng karakoa Tinungo ibang banwa Naghanda sa pagbalik Upang ganti’y ihalik Sa mabagsik na raha Na pumatay sa ama Sa pinunong baluktot At sa harang nanalot Mangubat at Angaway Mga rahang kaaway Lamitan na ninanay Nais siyang maging bangkay Sa kahuli-hulihan Lahat sila’y talunan Sa babae ng tagna Walang iba – Amaya Salamat, umalagad Maging hanggang sa sulad Salamat, kapanalig Laban sa manlulupig Salamat, Uray Hilway Mga tinuran gabay Salamat kay Bagani Pag-ibig nanatili Salamat sa Banal na Laon Diyos ng mga ninuno noon Kina Amaya’y panginoon Tagapagpala ng kanilang nayon Ang dulo ng epikong kapapanaw Akala’y ‘di na matatanaw Salamat sa unang Christmas bonus May TV na bago taon ay matapos Mahalaga rin ang gabi Katapusan ng pagsaksi Huling yugtong tinunghayan Ang kamatayan ni Lamitan Sa aking talambuhay Gabing iyon rin ay may saysay Nasa huling burol at lamayan Bago at matapos subaybayan Iyon ay kakaibang alaala ko Sa katapusan ng kwento Ng kanyang huling yugto Biyernes – Trese ng Enero Nagbrown-out pa nga Habang oras ng balita Buti nalang at umilaw Sa tuwa ako’y napahiyaw Sa pagtunog ng huling musika At paggalaw ng katapusang eksena Bukas TV at radyo Sa makasaysayang mga tagpo Ngayong gabi ng paglikha Ng tulang handog sa programa Unang gabing kapani-panibago Dahil wala na sa ere ang paborito ko Subalit ang Alaala ni Amaya Mga gayak, musika, tauhan at kultura Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya Mananatiling buhay sa aking diwa! -01/16-17/2012 (Dumarao) *missing my favorite program
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Alaala ni Amaya

105
(1:30 AM/ Brownout) Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan. Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao. Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo. Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo. Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao. Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay. May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok. At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin. Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon. Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay. Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa. (5/13/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
Ang Paghihimagsik ng Paupos nang Kandila

58
#040816 Tulang nakatulala, Tulang lutang sa mga salita. Tulang may pag-aalinlangan, Tulang tumatawid sa kawalan. Sinubukan kong maghimay ng mga letra, Pero lahat sila'y mawawalan ng saysay. Hinabi ko ang bawat parirala, Pero may mga saknong na puno ng mga tanong. Umaatras abante ang mga kuwit at tuldok, Mga damdaming may padamdam, Mga nagugulat na pananda, Tila nakasalamin buhat sa panahon ng pagkatanda. Iluluto ko ang mga salitang walang tugma, Sa kalan at kawali nang walang sandok ng damdamin. Titikman ko ang sabaw na pag-ibig Na siya palang papaso sa dilang malambing. Poot kanyang madarama Sa mapait na tadhanang may konting kaanghangan. Isasantabi ko ang hinain, Saka na lang, pag malamig na ito Saka ko na lamang titikman. Nakakapaso kasi, hindi ko malasahan. Tulang kulang sa rekado, Tulang mangmang at kabado. Tulang maraming halo, Tulang sana'y hindi talo.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 10:16 AM UTC
Tumula Nga Tayo
Tangan ko ang pag-ibig **** pangako Tangan ko ang durog kong puso Tangan ko ang basang panyo Tangan ko ang nawawalang ako Tangan ko ang sirang pangarap Tangan ko, ngayon sadyang kay hirap Tangan ko ang pag-asang ikaw Tangan ko, pag-ibig kong uhaw Bibitaw na ako, siguro nga, tama na Bibitaw na ako, wala ng saysay pa Bibitaw na ako, ayaw ko ng talaga Bibitaw na ako, sana kaya ko nga... Bibitawan na ang pag-ibig sa iyo Bibitawan na ang mga tangan ko Bibitawan na at palalayain ka Bibitawan upang maging ako, lumaya na...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:58 AM UTC
Tangan Ko't Bibitiwan Na
Mahal ko ang Filipino, pagdiriwa’y walang plano Malaking palaisipan pag-alala ng gobyerno Samantalang ‘di naisip prayoridad wala rito, Pagpapayaman sa Ingles hindi na magkandatuto. Paggunita anong saysay, pagsasabuhay sa wikà Makakapagpamulat ba lalo na sa mag-aaral; Pagsambit sa mga ito maging sa mga parangal, Ito ba’y nakagugulat isang buwang itinakdà. Totoo namang ginamit sa pakipagtalastasan Filipino’y instrumento sadyang hindi matumbasan; Kahit na karamihan pa napagkakamalang Kanô Pakikinig sa istasyong bumibilib na napunô. Ang tanong sa puntong ito, napapayaman ba kayâ? Sa mga naging konteksto, ang masa ba’y nakukutyâ? Sa mga nakakarinig, nahalua’y kabaduyan Maging mga komentaryo, kalaswaa’y kinantsawan. Kung bastos ang naging dating, anong magiging termino? Ang mga dapat ilimbag sa papel ng mga dyaryo; Sa pagbibigay ng aliw,ito’y pulos kababawan Inisip ng mamamayan, may ganitong katangian. Kapuri-puri ang iba, may mahahalgang paksà Ito’y kinakikitaan na may seryosong diskurso; Sa kabilang banda pala, ito’y nawalan ng bisà, Tulog na ‘pag pinalabas, ito’y kadalasang kaso. Paano papaunlarin kung iba’y pinagpilitan Tunay na nakalulungkot ito’y naging panambitan; Sa halip pa ngang gamitin bilang makatwirang midyum, Sa mga usap-usapan, maging sa mga simposyum. Ang pagpapaunlad nito ay hindi sa balarila Hanggang sa pag-uunawa pati ng ortograpiya; Kinailangang mawala ang mga maling pananaw, Ito’y nangangahulugang pagkilatis ‘di papanaw. Ang natanging lingua franca nagbibigay identidad Sambayanang sumasambit pagka- Pinoy lumalantad; Sa bansa’y nagbigay-linaw, paggamit ng isang wikà, Kaysa sa salitang- dayo, nagturan ng hakahakà. Oo, Agosto na naman, dapat pa bang magkamayan? Wika nati’y maging ilaw siyang magsisilbing lakas, Juan, gumising ka naman, kamtan mo’y tuwid na landas; Kung hindi tayo kikilos, mayroong paglalamayan.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:26 AM UTC
“Tinig ng Nagdarahop 2” Ni P.T. Simon

40
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
May mga  tibok na tumututol, nililigalig Ang daloy ng damdaming nag-uumapaw. Wala itong ano mang kaugnayan sa likas At samut-saring kulay ng buhay at pag-ibig. Ito ang ninanasa ng sugatang kaluluwa. Ang araw na ito ay tampok na simula Ng muling pagtibok ng isang puso. Tila muling pagsilang --- pagtalikod sa kahapon; Isang bukang-liwayway, bagong-bihis na layon, Nanunuot itong balintataw ng buhay Upang mahalagilap ang sarili, Ngunit hindi upang angkinin, manapa'y upang Salungatin ang kinagisnang saysay ng pag-ibig. Ang araw na ito ang tampok na simula.
0
Sep 28, 2013
Sep 28, 2013 at 3:25 AM UTC
Ika-17 ng Setyembre
#071816 #3:18PM #RobPalawan Muling mauutal ang puso Buhat sa naantalang pagtatapat. Ninais ko noong lisanin ang paghihintay At magbakasakaling Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan. Ni minsan, Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido, pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso. Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas, Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas, At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan -- Kawalang hindi tunay, Pagkat pag-ibig, aking buhay. Ilalaan ko sa kalawakan Ang talatang tila walang saysay, Makikipagbalagtasan sa pagkitil Ng mga linyang nahihimbing. Ako'y saksi sa malawak at malalim Na mahikang di naglalaho, Sa eksperimentong walang kemikal Bagkus puro't siyang natural, Sa paglalambitin ng mga bombilyang Hindi papupundi, At mga tuldok na hindi katapusan. Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado, Bituin ng pagtatapat ay aangkinin, Pagkat halaga nito'y Wagas na pag-ibig. Hindi ako susuko, Tatagpiin nang kusa Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 4:44 AM UTC
Puzzled Feelings
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya Tumataghoy sa kweba ng kapusuan Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban Himutok ay hindi na lumubay Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan Napatingala sa langit na lipos ng estrelya Sa kubo na hinati ng dingding Sa loob ay ang buhay na ikinatha Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan Sa tugmaang ito'y nasawan Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan Kipkipin at itago ang lampin Sa ambon, sa bintana ay napaisip Paano kung hindi natutong magmahal
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 4:21 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #37
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa Pakinggan ang himutok sa kwadradong kahoy nakapatong ng bangkay na  nangangapa pa Buuin ang palaisipan Kung may itsura ay hugutin ang kasagutan sa bugtong Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito Nababalisa ang gabi at di makatulog Munting daliri ay igalaw Ngunit nanatiling tamad ang mga braso Sa pagkabog ng dibdib Ang halinghing ay maririnig Sa kalaunan ay parang di na humihinga Kinakalawang sa silid Nakahandusay sa silyang rektanggulo Tiisin ang katahimikan Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala Magbuntong-hininga ito makipag-usap Isinalaysay ang pagdaralita Nakatikom ang bibig Maghihilom din bagkus di makatawa Magmumukmok sa loob ang walang saysay na uwak Idagit ang kabuluhan Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:02 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #5
binuwag ng sariling bigat uusal ng dasal na ang tanging hiling ay pumanaw. Hindi ito ang buhay at hindi ito ang pamumuhay. Kung dito sa lupa ay aangat, anong wika ang isasalin sa laman kung pagal na? Turuan mo akong dumaan nang walang iniiwanang labi kundi misteryo na inimbak sa pagtiwalag sa bawat sandali. Sa ilalim ng bawat tulay na ginagawa ng winiwikang salita ay isang kontrata: hindi nang luluha pa at kung pumikit ay panibagong mundo ang tatambad. Sasalubungin ito sa pamamagitan ng isang paanyaya at kung makitang muli ay pakakawalan ang kapit sa sarili. Tatantusan ang bawat kinauupuan at itatala ang mga natutunan. Paham ang liham ng pagtitipon at kung hindi sinipot ay sadyang isang malaking kakulangan. Walang ibang transaksyon kundi ang palitan ng salitang maghuhugis-kamay, hahaplos sa bawat tigib na parte, ililikas ang katawang hapo sa paulit-ulit na katanungan nang pagiging mortal at lalakipan nang panibagong saysay. Umigkas palayo at bagtasin ang bagong mundo: ang tao kung ilalaan sa tao at pakikinggan ay bubuong muli ng katiyakang panandalian sa payak na panahon: hanggat tayo’y naglalakad pasulong, tayo’y gagawa’t gagawa ng tulay.
0
Jun 7, 2016
Jun 7, 2016 at 5:09 AM UTC
kay Maria
Nagdasal at humingi ng isang tao Na magtutulak sa akin para bitiwan na ang panulat na ito Isang tonelada at mahigit na ang mga salitang pasan ngunit hindi pa rin ako nabibigatan. Mali ang akala. Hindi pa pala. Lalo lang umitim ang tinta. Dumiin sa papel ang pluma. Nanatili pa ding naka-dantay ang mga salita sa namimitig kong kamay. Hinihintay nalang mamanhid para hindi manatiling nakasilid ang mga naipon na tula't sanaysay na wala nang saysay. Hindi na ko humihiling ng isang dahilan na dadating na aalayan nitong mga salitang naririnig at binabasa lamang. Mga letra na binibigyang kulay, nagkakaiba lamang sa kung sino ang bumubuhay. Nakakapagod mag pinta kung ang bawat makakakita ng obra, babaguhin ang imahe sa kung ano ang nasa harapan nila hindi man lang isipin na magkakaiba tayo ng mata. Inilarawan **** berde, gagawin nilang kahel. Tinta mo na asul, hahawakan at magiging pula. Siguro nga itong mga kamay na biyaya, hindi na para sa papel at tinta. Kasabay ng maraming paalam ang huling isinulat na liham.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 10:56 AM UTC
Hunos
Parang ako yung nag-aabang sa kanto Yung ang tagal makasakay Yung umulan, umaraw makapaghihintay Yung kahit naiinitan na, mag-aabang pa rin. *Aasa pa ba ako sa muli **** pagdating?* Pano pag dumaan ka’t hindi pala nakatingin? Pano pag bumalik ka pero may sakay na pala? Kaya nga ayoko ng laro Minsan madaya kasi Seryoso na, pero ba’t nakikipagbiro pa? Hindi laruan ang puso Na pwede may mag “Time First” Pag na-checkmate na ang isa. Pilit ko mang ikubli sayo Pero sana hindi na lang Tinanggap ang hamon Ang hirap pala mag-move on Tutulak ka nga Pero may pasan pa rin. Walang pasintabi, Katapusan na pala. May nabibigo pala talaga sa laban Hindi man lubos na maintindihan May istratehiya pala Pero sa bawat laban, bawat laro May sasalo pa rin pala sa bawat kabiguan. Titingin pa rin sa Kalangitan Titiklupin ng Hari ng Sanlibutan Ang pahinang walang saysay May maisusulat pa rin pala Kahit sa pusong naging sugatan. Ang Amang may Likha, nagbigay-pag-asa Patuloy na iibig nang tunay Pagkat simula pa lang nang pagsagwan Hindi ko alam kung kailan hihinto Pero alam kong may mararating ito.
0
Feb 15, 2015
Feb 15, 2015 at 11:45 PM UTC
Martyr Love Nga Ba?