Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"patibong" poems
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala." yan ang sabi mo sa akin noon buti nalang hindi na ako naniwala dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko "patawad" lang ang naisagot ko hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip dahil ang salitang ito salitang nanghihingi ng kapatawaran mo ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan ng "patawad" noong simula palang "patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko hindi na ako naniwala "patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to kaya hindi na ako naniwala "patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad" halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad" sana patawarin mo ako dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw at akala mo ako ang nauna pero hindi, hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
0
Jun 22, 2017
Jun 22, 2017 at 4:51 AM UTC
Untitled

Continue reading...
36
Nagsimula ang lahat sa kanta Sa kanta na nagsilbing tulay sa'ting dalawa Na parang tubig at langis- Sa wakas nagsama 'Di inakala na magkakaganito Dahil wala naman talagang pagtingin sayo Ni hindi nakitang magiging magkaibigan Hanggang nagkaroon ng tiyansang baka pwede ng walang hanggan Walang hanggan na paguusap Walang hanggang pagtatawanan Walang hanggang pagiintindi ng mga Tingin na hindi alam kung ano ang sinasabi Pero tila takot parin Ang pusong napagod sa mga sakit Na idinulot ng mundong mapait Takot makaramdam, tumibok Sumubok ng bagay na hindi sigurado kung saan patungo Na baka isa na namang patibong Na kukulong sa isip kong lunod na lunod na Sa mga kathang isip at imahinasyon Kaya hanggang dito na lang muna siguro Pipigilan ang mga ilusyon at delusyon Na sisimilan na namang gawin ng puso Para kahit hindi matupad ang salitang "tayo" Mananatili parin akong buo kahit papaano
0
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 7:21 PM UTC
12/23/16
Isang tula para sa pusong Walang ginawa kung hindi lumaban Ni hindi alam kung anong pupuntahan – Naliligaw, nagwawari Nagdedepende sa mga salitang “hindi maaari” Hindi maaaring sumuko Hindi maaaring malumpo Hindi maaaring tumakbo palayo Sa mundong umuubos sayo Natatakot sumugal muli Natatakot mahulog sa patibong ng pag-ibig Dahil minsan nang nasaktan Minsan nang inabuso Pumapalagay na lamang sa mga panandaliang aliw Nagpapanggap na siya’y mabubuo ulit Kahit saglit.. Kahit saglit.. Isa lang ang gusto kong sabihin sa’yo – sa pusong hindi alam kung saan patungo Huwag **** parusahan ang sarili mo Dahil balang araw ikaw ang aani nito Hinuhubog ka ng panahon Sa pagdating ng tadhanang Nakalaan sa iyong pag-ahon Huwag kang matakot sumugal Dahil doon mo malalaman kung Ano ang para sa iyo, mahal.
0
Mar 10, 2019
Mar 10, 2019 at 5:09 PM UTC
03/11/19
061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit **** pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat **** ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa **** ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
0
Jun 10, 2017
Jun 10, 2017 at 9:23 AM UTC
Parang Kailan Lang

73
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

68
ang kaakit-akit **** bating- pangwakas ang siyang wagas na nagdala ng madamdaming mga katanungan mula sa iyong puso patungo sa iyong kasintahan, gamit ang ibabaw ng mga matikas na alon... walang pasubali na ipinahayag mo ang iyong pangmatagalang paglalarawan sa marami, bagaman ang mundo ng magkabilang dako ay pansamatalang natutulog na ... ang kagandahan niyon ay mananatiling gising pa rin. Dahil siya ang natatangi **** daigdig at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig! At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag habang heto si Ako...mananatili ring tapat at gaya niya na di nakakalimot sa akin! Kaya naman sa iyo aking mahal, Malayo ka man sa akin ngayon, lagi pa rin namang merong "tayo" Maulap man ang papawirin Ating babagtasin ang araw at sinag nito hanggang sa isang kabilogan na lang ng buwan ang aking pananabikan at bibilangin ko! Sa pagsapit niyon matamis na katahimikan ang siya nating mabubuo! tanging sa ating pagniniig nang may buong kasabikan ang mga himig na maririnig! mula sa simula hanggang sa ang wakas ay magsilbing hudyat na sa langit nating inaasam ay magigisnan ang malakidlat na tilamsik ng ating pagsusuyuan Di-kapara ng naunang magsing-irog mula sa bukana ng talon ay nahulog at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog! patutunayan nating Hindi tayo ang tipong mauuwi sa TaLiwaS dahil sa katunayan nga mahal ko sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT labo na nananahan sa pagitan ng tukso at ng bahay na inaakala nilang panghabang-buhay na tahanan!
0
Oct 23, 2020
Oct 23, 2020 at 9:08 AM UTC
' SiwaLaT '

55
#112815 #3:50PM #ISIS “Kami’y may balitang Banta ng kaimbihan Lipon nami’y Ni hindi ninyo matitiktikan!” “Humihikbi kami’t di titikim sa pauso. Lisan ninyo ang bayang hindi pag-aari! Baya’y pangako, kayo’y hindi kasapi!” “Nakatalaga ang bala Para sa hindi patitikom-bibig, Walang bantulot buhat sa grasya Kaya’t kami’y gawaran!” “Langit ang uukil sa inyong pagtataksil! Hukom ay dalisay at may patas na tingin. Kung dugo ang kapalit, Kami’y hindi patitikom, Ni hindi yuyuko Sa nabinat nyong kariktan.” “Patiyad kayo’t magmakaawa, Humiling na sa Hari nyong may dunong!” Naghihilakbot sila bagkus di paaayon, Sa yungib ng kaluluwa’y Ginagagap ang pangako. Sila’y bayaning tigmak sa pakikibaka’t Bilang ang mga martir na Maharlika. Naulinigan ang mga sumirit na armas, Kanilang patibong Na may nanlilisik na batas. Bagkus ang atungal ng lupon ng Liwanag, Espada’y tatangayin Hanggang sa huling paghinga.
0
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 7:10 PM UTC
Abuloy
*Hindi na ako natuto Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo Minsan ako'y tutulungan Minsan ay hahayaan Para kang isang elevator Dadalhin mo ako sa 9th floor Tapos iiwan mo ako doon Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button Ang gulo-gulo na ng aking isip Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa dagsin ng aking pagmamahal Ikaw yung paborito kong patibong Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong*
0
Nov 8, 2015
Nov 8, 2015 at 10:44 AM UTC
Ang Paboritong Patibong
120522 Kaba ng puso ko’y Iyong pasan Pilit ko mang labanan Ang mga delubyong namamasukan Ay kusa kong ibinabaling Sa’yo ang tingin. Pagkat kailanma’y hindi ako nag-iisa At sa bawat giyera’y Ikaw ang aking Sandata. Ang hiwaga ng Iyong pag-ibig Ay higit pa sa kung anumang bala’t palaso Na sa akin ay hinahagis upang ako’y sumuko na. Hindi ako nagmamataas Na kaya kong patuloy na tumayo Sa kabila ng mga patibong Habang ako’y nakapikit pa. Ngunit sa aking paniniwalang Ikaw ang aking Buhay, Ay Ikaw rin ang magbibigay daan Sa patuloy kong paglagay Patungo sa aking patutunguhan. Sa aking pagbimbing Ay palagi Kang gising — Nakamulat at ako’y pinagmamasdan At patuloy na hinihingahan ng buhay. Nang sa aking paggising Ay hindi kung kani-kaninong tinig Ang aking hahanapin. Pagkat ang nais ng puso ko’y Sa’yo ako pumisan habambuhay At Ikaw ay makapiling at maranasan Sa mga susunod pang bukas Nang wala nang pangamba pa.
0
Dec 5, 2022
Dec 5, 2022 at 5:59 AM UTC
Sa Susunod Pang Mga Bukas
Hindi na ako natuto Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo Minsan ako'y tutulungan Minsan ay hahayaan Para kang isang elevator Dadalhin mo ako sa 13th floor Tapos iiwan mo ako doon Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button Ang gulo-gulo na ng aking isip Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa aking pagmamahal Ikaw yung paborito kong patibong Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 5:00 AM UTC
Untitled
072124 Iduduyan Kita sa kalawakan At aaliwin ng mga nagniningning na mga tala. Hahayaang marahang mapagmasdan Ang mga palamuting bunga ng Aking hininga. Aawitan Kita ng kundiman na hehele sa’yong pagtulog. At sa pagsilang ng panibagong Araw Ay hahagkan ka ng mga sinag Nito At lulusawin ang mga pangamba’t pag-aalinlangan. Ang mga pira-pirasong liham ng kasaysayan Ay nagmistulang mga tagubilin At ilaw sa’yong paglalakbay. Habang ang hantungan ng bawat Salita’y Ang puso **** patuloy Kong sinusuyo — Sinusuyo ng aking Katapatan at Kadakilaan. At habang ang mga matutulis na palaso’y Hindi magkamayaw sa pag-uunahan; Maging ang mga payasong nakapalibot sayo’y Nag-aabang lamang sa’yong kahinaan. Narito Ako — Narito, upang waksian ang bawat pagpapanggap Nang hindi ka na mahulog pa Sa mga patibong na iginagawad nila sa’yo Na tila ba totoong mga parangal. Bagamat naging isang pamilyar na tahanan Ang mundong iyong ginagalawa’y Hindi ito ang habambuhay na alay Ko sa’yo. Sa piling Ko’y magiging buo ka — At ang Aking pag-anyaya’y kusang loob. Sa piling Ko’y dito ka na mamahinga’t Ako ang maging Sandigan at Sandata. Ako ang Simula at ang Katapusan; At nasa Akin ang huling Salita. Magbalik ka na, anak — Magbalik sa yaman ng Pag-ibig Ko.
0
Jul 21, 2024
Jul 21, 2024 at 9:09 AM UTC
Turista
081721 Bagamat dumadaplis lamang sa atin Ang mga palaso ng kalaba’y Hindi moog ang ating mga damdamin At hindi rin bulag ang ating mga pananaw Sa hayag na pagsasalitan ng mga balang ligaw. Gaya ng durungawang nakasilip Ay bukas na rin ang ating mga isipan Sa mga di kanais-nais na mga patibong Na ilang ulit inilagan sa katahimikan. Bagkus, ang mga ito’y nagmistulang mga laruang papel Na madaling napunit at bumigay Buhat sa walang awang pamimihasa Ng mga ahas at linta sa lipunan. Tila sila’y nakasilid na lamang Sa kahong hindi de-baterya Habang tayo’y nagsisilipat Sa tuwing nagsusulputan ang sari’t saring palatastas. At habang tayo’y nananatiling panatag Buhat sa ating mga kinatitirika’t kinalalagyan, Kasabay naman nito ang pagyurak sa mga dangal Buhat sa mga ideolohiyang kumikitil sa mga pangarap At nagsisilbing diktador sa kani-kaniyang mga tahanang Wala nang makita pang ibang dahilan upang tumahan pa. Ang mga luhang hindi natin makayang punasa’y Nagmimistulang mga tinik na lamang sa’ting mga pagkatao. Syang susulpot at tutusok sa pakiramdam nating Minsan nga’y malapit lamang tayo sa isa’t isa At sana’y kaya nga nating patahimikin Ang walang himpil na pag-usok sa kanilang ipinagbabaka. At sa ating paghimlay sa ating mga kumot Ay sabay din silang mangungulila Sa mga akap at lambing ng kanilang mga mahal sa buhay At hihilinging huminto na lamang ang mga sandali’t Makatakbo sila’t makalisan nang walang nakakapansin.
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 10:39 AM UTC
Takas
1 Mayroong isang liblib na lambak Na kung tutunguhin ay ikapapahamak 2 Ng mga sawing-palad na kalalakihan Kahit lamang mapadaan 3 Kalupaang sa punungkahoy mayabong Naglipana ang mga patibong 4 Gawa ng mga binibini Upang manghuli ng mga lalaki 5 “Amazona” sila kung tawagin Dapat silang katakutan at galangin 6 Sinumang magtangkang mangahas Ibubuhos ng mga Amazona bangis at dahas 7 Kaawa-awa kang lalaki ka Kung padadakip ka sa kanila. -07/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:02 PM UTC
Tumatarok -Ang Lambak ng mga Amazona-
57 Sa bisperas ng kasalan muling nagkita Sa kanilang tagpuan sina Birio at Alyna 58 Napagpasyahan nilang maagang umuwi Bandang tanghali at ‘di na gabi 59 Subalit nang sila’y pauwi na May pagsubok pa pala 60 Paligid nila’y umapoy Mga nakapalibot na punungkahoy 61 Paano na sila makababalik ngayon Sa kani-kanilang mga nayon 62 Mistula silang nakakulong Sa isang naglalagablab na patibong 63 Sila’y tumaghoy ng saklolo Sa lahat ng sulok at dako. -07/19/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC
Alabir 9 -Sunog sa Kagubatan-
Nagbago na ang lahat Lumitaw na rin ang tunay mo'ng balat Tila katulad ng aklat Na malayo ang istorya sa pamagat Sa patibong mo'y muntik na akong kumagat Ngunit kahit ganoon ako sayo'y naging tapat Ikaw'y ay ahas na naghihintay na kumagat At ang kamandag mo'y walang lunas na katapat Ako sayo'y hindi pa ba sapat? Turing ko'y iisa ang dugo sa ating mga ugat Ngunit ang pangil mo'y sa leeg ko'y lumapat Hindi mo na maibabalik kung ano man ang dapat. -JGA
0
Jun 19, 2021
Jun 19, 2021 at 12:08 PM UTC
Ahas
121622 Mga pangarap ay nasa alapaap pa, Susungkitin gamit ang pagsisikap Pag-asa at pananampalataya. Minsan, hinahanap ko pa rin ang sarili — Habang sa mga mata ng iba'y Doon pa rin pala ako nananalamin. At baka sa paligid ay naroon ang ligaya Kahit alam ko namang Isa lamang itong patibong. May mga katauhang nagpapaalala saking Gusto ko ring marating kung nasaan man sila. O makihati man lang sa mga bituing Nasa kamay na nila ngayon Habang ako’y naghihintay pa rin Sa sarili kong panahon. Binabalot ng dilim ang aking puso Bagamat ako’y lumalantad sa liwanag. Naghihikahos at nangugusap Ang damdaming namahay na sa parang. Nakakapagod palang mangarap Na tila ba ako’y pinaglipasan na ng panahon. Tila ba wala nang tala para sa’kin. Akala mo ‘yun na, Kaya ibibigay mo ang lahat Ngunit uuwi ka pa ring luhaan Pagkat paulit-ulit ka na ring nasaktan. Saan na nga ba ibabaling ang tingin? Kung ang lahat ng pinto ay kusang sumasara… Kung ang lahat ng balik ay pait at hagupit… Kanino na nga ba magtitiwala pa? Sa sarili ba o sa kanila? Sa kabila ng bigat ng aking mundo'y Nariyan pa rin ang Liwanag Ni hindi Sya natitinag Kahit ako mismo ang mang-iwan… At kung ang Liwanay ay walang kapaguran, Ay baka 'yun na rin ang dahilan Kung bakit mas nararapat ko pa ring piliin Ang pag-usad kahit pa nasasaktan. At baka sa dulo ng Liwanag, Ay naroon ang gantimpala Na kahit ang mundong ito'y Hindi makapagbibigay.
0
Dec 5, 2022
Dec 5, 2022 at 9:11 PM UTC
Walang Katapusang Liwanag
Pagbilang ko ng tatlo, hahayaan ko ang sarili kong mahulog sa'yo Isa Dalawa Tatlo Heto ako't sugatan, luhaan, nagtatanong kung bakit ito nagawa sa akin? Asan ka? Bakit hindi mo ako sinalo? Noong nakilala kita, takot pa akong sumugal muli dahil nasaktan na ako ng maraming beses Pero sa'yong patibong, ako'y nahulog Sumugal ako, at heto ngayon, sugatan, luhaan, naiwan na naman na puno ng katanungan
0
Nov 21, 2020
Nov 21, 2020 at 8:15 AM UTC
Patibong
15 Ang mga lalaki’y ‘di alintana Na may nagmamanman sa kanila 16 Sila ay tatlong Amazona Matinik na mga espiya 17 Noong mga nakaraaang araw Nang sila ay mabulahaw 18 Ang mga manlalakbay na lalaki Sa mga patibong sinuwerte iri 19 Subalit wala silang takas Sa mga mandirigmang marahas 20 Isang gabi habang natutulog Sa kanila’y may nambulabog 21 Nang sila’y manumbalik sa ulirat Nagulat sa mga nakatutok na sibat. -07/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC
Tumatarok 3 -Ang Pitong Bihag-