Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Kurt De Castro Apr 2016
sa tabi ng dagat, sa may dalampasigan
kung saan kinikiliti ng buhangin ang ating mga talampakan
at ang mga alon ng tubig ay mapayapang naghahabulan

sa lugar ng berde, iyong may kaparangan
tahimik tayong nakalatag sa damuhan
katabi ang mga bulaklak at halaman
habang ang mga itim ng iyong mata’y aking tinititigan
at ang paggapang ng mga ulap sa itaas ay ating pinagmamasdan

sa ibang bansa, sa ibang pook
hawak ang iyong kamay, lilibutin ang bawat sulok
lalakbayin ang mundo habang bumubulusok
itong damdamin at pusong ikaw lang ang nagpapatibok

sa malalim na yungib, sa mapanganib na kuweba
pinapakinggan ang iyong boses, haplos mo’y kinakapa
sa kadlimang ito, hinahanap ka
naniniwala sa sarilng nariyan lang siya

sa tabi ng ilog, iyong rumaragasa
kung saan ang ating paglalakabay ay nagsimula
ang linaw ng tubig ay siyang nakamamangha
at ating mga sarili ay kitang-kita

sa ilalim ng talon, kung saan unang nagtagpo
ang mga labi nating nanlalamig at hapo
tinatahak ang mga salitang hindi pa nahihipo
at ibinubuklod ang mga damdaming sa mga anino nagtatago

ako’y lulusot, gagapang, lulubog, at lalangoy nang walang alintana
sa tuktok ng bundok, sa dulo ng tulay, at sa kahit anong lungga
kahit saan ay susundan ka
dahil kahit saan papunta
ay sa iyo ako tatahan at mapupunta
Pusang Tahimik Mar 2019
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana
Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana
Mula sa silangan ng iyong bintana
Ang yungib at sulok ay aking pinapana

Pagmasdan ako'y walang nakagagawa
Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa
Huwag nang subukan pakiusap ko nawa
Sa payo ko ay makinig at matuwa

Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa
Sa paghihirap mo ako ang nananawa
Sanggol na nagugutom na nagngangawa
Hala gawa, nasa Diyos ang awa!

Pakanluran ang aking binabagtas
Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas
Paumanhin sa kapangyarihan kong batas
Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas

Lulubog kung marating ang hangganan
Magbabadya na ang kadiliman
Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan
Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
by: JGA
M e l l o Jul 2019
lulubog lilitaw
haharap sa'yo
tila kahapon
hindi nagkasakitan
mangangamusta ngayon
bukas wala na naman
ang gulo mo
ano ba talaga ang sadya mo?
andito ka na naman
babalik na tila
parang wala lang
maawa ka naman
utak ko naguguluhan
mga mensahe kong iyong binabalewala
kahit seen hindi mo magawa
parang tanga nag-aantay
may pag-asa pa ba o wala?
kaya ako'y titigil na
sa kahibangang kay tagal kong inalagaan
tatakbo palayo
sa anino **** nagmistulang
naging multo na ng nakaraan ko
Poem of the day. July 28
Thank you to my new officemate her stories inspires me to write this poem. Sabi ko na sayo isusulat ko to.
Sy Lilang Sep 2016
091916 #FarrahLilyBeachResort

Aakyat at bababa
Ganyan ang alon.
Sisikat at lulubog
Ganyan ang araw.
Ihihip at bubulong
Ganyan ang hangin.

Maaksyon, parang damdamin
Nagbabago, ganyan ang pag-ibig
Pag-ibig ng likha pero di ng May Likha.
Eugene Jan 2016
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.


Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.

Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.


Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.


Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.



Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
AnxiousOcean Jun 2019
Rinig mo man lamang ba ang bawat peklat sa iyong puso?
O wari'y tanaw mo ang mantsa ng luha sa bawat **** tawa?
Sabihin mo mang hindi, hindi mo maikukubli.
Eh sa rami ba naman ng pagkakataong ika'y nasawi.

Aakalain **** napaka-inosenteng porselana.
Ngunit lingid sa mata ng karamihan ang hapdi sa ngiti niya.
Nanawagan nga'y minsan, at siya'y nagulumihanan.

Viola nga'y umatras; sa kanya'y 'di makapagpatulog,
Iginiit pa ng gabi ang lamig na nahubog.
Zambales man o kung saan,
Ang araw ay iisa lang.
Ginhawa ma'y manalaytay sa bawat espada ng buhay,
Aahon, lulubog, minsa'y matatangay; datapwat sa loob ng tasa,
Raragasa sa baha ng problema, ang kaibigang pangalan ay "Rosa."
This is for my friend who is celebrating her 18th birthday today!
Jun Lit May 2019
Lulubog ang araw upang magpahinga.
Anuman ang nangyari’y may aral na bunga
Bukas sa pagsikat babantayan ko s’ya
Magpapasalamat na kasama kita.
Each day is a gift

The tired sun is about to set, it needs to rest.
Whatever had transpired are lessons we've been blessed
Tomorrow at sunrise, I've got words to be said
I'll say my thanks that you're with me, and that's the best.
Xian Obrero Mar 30
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw
Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw
Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw
Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw.


Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon
Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon
Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon
Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon.



Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya"
Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda
Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata
Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya.



Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon
Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon
Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon
Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
Alex May 2018
Akala ko okay na ako...
Ngunit bakit parang biglang bumalik,
Kasing bilis ng isang kidlat, Kasing bagal mawala sa aking isipan,
Kaibigan nangaling sa dilim, akap akap ka hanggang mag gabi,

Sigaw ng isipan ay mawala kana,
Ngunit para saan pa kung hindi na ako magiging masaya,
Ako'y nasa isang bangkang lulubog sa ilog,
Sa pagkakataong ito'y wala nang sasagip sayo,

Mga matang dilat hanggang umabot ng alas tres,
Pabalik balik na kongklusyon walang sagot,
Gusto kong matulog sa kabila ng aking mga mugtong mata,
Gusto kong huminga pagkatapos kong isipin ang lahat,

Tama ba to?? O Mali??, Katotohanan o kasinungalingan??
Ano ba ang dapat kong gawin??
Ang lahat ng ito ay parang mga letrang nagkawatak-watak,
Kailangan mag ingat at baka mali ang masabi at magawa,

Akala ko'y ang aking boses ay isang sigaw,
Nagpagtanto ko ako ay mag isa sa kwarto,
Walang makarinig, Walang makakita, Walang makaramdam,
Akala ko talaga okay na ako....
Skye Oct 2018
Matagal ko nang napagtanto na hindi tayo itinadhana
At batid na sisikat at lulubog ang araw nang hindi tayo magkasama
Hindi kasabay ng bawat pagbilog ng buwan ang ating pagtanda
Pagkat ikaw at ako ay nagmahal at bigla,

Saka ka kumawala
Jun Lit Nov 2018
Sa sulok ng isipang dinadaluyong
ng mga sanlibong sala-salabat na tanong
may paanyaya kang pagdamay ang layon
mula unang lagok, mainit ang pagsalubong.

Maraming katanungang pumapatak sa diwa
Tila ulang tikatik, ulang walang sawa
Hindi lang ‘ano?’, ‘sino?’, o ‘saan?’ ang humiwa
Puso’y sinugatan ng ‘paano?’, ‘bakit’ at ‘kailan kaya?’

Sa bawat pagsikat ng araw sa Malarayat sa Silangan
Lulubog din ito tan’aw ang Maculot sa kinahapunan
Tagumpay at sigla noong kapanahunan
Mga bituing nawawala, pagsapit ng sangang-daan

Kaya’t hindi dapat malasing, malango
Sa naabot na rurok o kayamanang lumago
Pagka’t batas ng Kalikasan ang siyang nagtuturo
Na lahat ng ito sa malaon o madali’y maglalaho

Pag-ibig na busilak, mananatiling buo.
My eighth in my Brewed Coffee Poems series; poems much influenced by my memories of my old home and childhood in Lipa, Batangas.
Mae Feb 2019
lumulubog , lumilitaw.
ang mga nararamdaman.
di maipaliwanag,
tila'y unti-unti nang nawawala.

sisikat ang araw.
aasahang babalik balang araw.
lulubog na ito,
at mag papahinga na ako.

pasyensya ngunit hindi na kaya,
ang mundo'y hindi na na awa.
ako'y mag papaalam na.
at ako'y magiging malaya na.
a tagalog poetry.
Rhon Epino Apr 2018
Buwan ang nakatitig saakin
Yakap ang lamig ng hangin
Kandong ng puting buhangin
Tangay ng alon ang damdamin

Ramdam ang pag iisa
Gabing walang kasama
Dala ang mga alaala
At tanging mga alaala

Naghangad at nag asam
Umasang aakayin ng lumbay
Papawiin ng daluyong
Ang pusong napagod maghintay

Naglakbay ang mga mata
Naghanap ng makakasama
Ngunit isang pagkakamali pala
Ang libutin ang dilim na nag iisa

Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam
Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap
Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat
Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi
Sabay sa pagpatak ng ulan
Ang pagpatak ng luha
Sumigaw ng walang pag aalinlangan
Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan

Tumayo't inihampas ang galit na kamao
Sabay sa pagbato
Ng mga tanong, kung ano at paano
Paanong lahat ay nagbago

Binuhay ng lamig ng ulan
Alaalang matagal nang humimlay
Alaalang akala'y patay
Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay

Sumariwa ang mga alaala
Magmula ng unang magkita
Hanggang sa patapos na
Hanggang matapos na

Isang halik mula sa kinatatayuan mismo
Isang halik na nakapagpabago
Ng ayoko muna sa salitang oo
Isang halik kung paanong naging tayo

Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao
Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo
Dahil ibang tao na ang pumawi
Sa tuyo nyang mga labi

Tumangis.
Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon
Lulubog at di na muling aahon.

En el mar me encontrarás
Sa dagat mo ako matatagpuan.
masakit kapag sila na lang yung dating kayo

— The End —