Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikabubuti" poems
Noong minahal kita Naging matapang ako Na ipahayag ang aking damdamin, na minsa'y hindi ko nagawa kahit kanino Wala akong ibang hiling Kung di ako'y iyong ibigin rin Naging makata at lahat Wala pa rin Hindi pinilit ang damdamin Kahit seryoso na ang pagtingin Kahit masaktan, ayos lang din Basta't ika'y nasa aking paningin Minsan, naguguluhan Bakit ko hinayaang ganyan Bakit mas gusto kong ganito na lang Bakit mas gusto kong 'wag na lang Ako ay may hinanakit Alam mo naman na kung bakit Ayokong manakit Lalo na kung ikaw Wala na akong nararamdaman Panigurado iyan Wala na ang kilig Itinapon na kung saan Pinutol mo ang kuneksyon Ang tali na tayo lang ang may hawak May magbabago, naisip ko Para sa ikabubuti ko naman, siguro Noong minahal kita Naging matapang ako Na harapin at subukin ang pagsuko ng damdamin Dahil... Walang kwenta ang pag-ibig Kung ang iibig ay iisa lang din.
0
Mar 9, 2015
Mar 9, 2015 at 10:06 PM UTC
Huling Tula Para Sa Iyo
Patawad, Sa lahat ng mga bagay na nawala Sa mga oras na nasayang Sa mga tawanan at kwentuhang hindi na mauulit Sa mga luhang hindi alam kung kailan titigil Sa mga pagkakataong pinalipas Totoo nga Hindi sapat ang pagmamahal Kailangang paghirapan at pagtrabahuan Pero paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao? Kung puro sakit na lang ang nararanasan Hindi sapat ang pagmamahal Sa dinami-dami ng dahilan para umalis ka sa isang relasyon, bakit ka nga ba nananatili? Dahil sa pagmamahal na pinanghahawakan mo? Pero paano kung yung ka-isa isang dahilan kung bakit ka nananatili ay nararamdaman mo nang unti-unting nawawala? 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at ang minamahal mo o nagmamahal sa'yo 'Wag **** hintayin dumating sa punto na wala nang matira sa inyo pareho Hindi tama ang "ibigay mo ang lahat" Tandaan mo na bago ka magmahal ng ibang tao, kailangang buo ang sarili mo Sa isang relasyon, dalawang tao ang dapat na nagtutulungan Hindi isa lang Hindi isa lang ang masaya Hindi isa lang ang umiintindi Hindi sapat na "gagawin ko 'to para mapasaya siya" Siguro nga, mahirap talagang magmahal Pero ganun naman talaga diba? Pag para sa taong mahal mo, lahat kakayanin mo Pero sapat nga ba yun? Hindi. Dahil paano ka magmamahal kung ikaw mismo ubos na? Paano ka magbibigay kung ikaw mismo wala na? Hindi ka nagmamahal para buuin ang isang taong wasak Hindi ka nagmamahal para baguhin ang isang tao Hindi ka nagmamahal para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo Hindi ka nagmamahal para waldasin ang pera ng magulang mo Nagmamahal ka para sa ikabubuti ng pagkatao mo at ng minamahal mo Nagmamahal ka para malaman mo kung bakit ka talaga nandito sa mundong 'to Nagmamahal ka para maging masaya, hindi para maging miserable Dahil kung gusto mo lang din naman maging problemado, maraming problema ang Pilipinas na pwede **** atupagin Kung nagmamahal ka na lang para masaktan at makasakit, hindi na yan pagmamahal Ang pagmamahal ay hindi katumbas ng pagpapakatanga Oo, may mga bagay na magagawa mo lang dahil sa pag-ibig Pero kung magpapaka-tanga ka na rin lang, hindi mo ba mas gugustuhin na matuto at malaman ang mga mas importanteng bagay sa mundo? Totoo nga, there's more to life than love Hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig dahil marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo Marami ka pang makikilala 'Wag **** paikutin ang mundo mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na magtatagal sa buhay mo Bakit hindi mo muna buuin ang sarili mo hanggang sa dumating ang taong magmamahal sa'yo na kapantay ng pagmamahal na kaya **** ibigay?
0
Aug 31, 2016
Aug 31, 2016 at 4:34 AM UTC
To Whom It May Concern:
Patawad, Sa lahat ng mga bagay na nawala Sa mga oras na nasayang Sa mga tawanan at kwentuhang hindi na mauulit Sa mga luhang hindi alam kung kailan titigil Sa mga pagkakataong pinalipas Totoo nga Hindi sapat ang pagmamahal Kailangang paghirapan at pagtrabahuan Pero paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao? Kung puro sakit na lang ang nararanasan Hindi sapat ang pagmamahal Sa dinami-dami ng dahilan para umalis ka sa isang relasyon, bakit ka nga ba nananatili? Dahil sa pagmamahal na pinanghahawakan mo? Pero paano kung yung ka-isa isang dahilan kung bakit ka nananatili ay nararamdaman mo nang unti-unting nawawala? 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at ang minamahal mo o nagmamahal sa'yo 'Wag **** hintayin dumating sa punto na wala nang matira sa inyo pareho Hindi tama ang "ibigay mo ang lahat" Tandaan mo na bago ka magmahal ng ibang tao, kailangang buo ang sarili mo Sa isang relasyon, dalawang tao ang dapat na nagtutulungan Hindi isa lang Hindi isa lang ang masaya Hindi isa lang ang umiintindi Hindi sapat na "gagawin ko 'to para mapasaya siya" Siguro nga, mahirap talagang magmahal Pero ganun naman talaga diba? Pag para sa taong mahal mo, lahat kakayanin mo Pero sapat nga ba yun? Hindi. Dahil paano ka magmamahal kung ikaw mismo ubos na? Paano ka magbibigay kung ikaw mismo wala na? Hindi ka nagmamahal para buuin ang isang taong wasak Hindi ka nagmamahal para baguhin ang isang tao Hindi ka nagmamahal para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo Hindi ka nagmamahal para waldasin ang pera ng magulang mo Nagmamahal ka para sa ikabubuti ng pagkatao mo at ng minamahal mo Nagmamahal ka para malaman mo kung bakit ka talaga nandito sa mundong 'to Nagmamahal ka para maging masaya, hindi para maging miserable Dahil kung gusto mo lang din naman maging problemado, maraming problema ang Pilipinas na pwede **** atupagin Kung nagmamahal ka na lang para masaktan at makasakit, hindi na yan pagmamahal Ang pagmamahal ay hindi katumbas ng pagpapakatanga Oo, may mga bagay na magagawa mo lang dahil sa pag-ibig Pero kung magpapaka-tanga ka na rin lang, hindi mo ba mas gugustuhin na matuto at malaman ang mga mas importanteng bagay sa mundo? Totoo nga, there's more to life than love Hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig dahil marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo Marami ka pang makikilala 'Wag **** paikutin ang mundo mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na magtatagal sa buhay mo Bakit hindi mo muna buuin ang sarili mo hanggang sa dumating ang taong magmamahal sa'yo na kapantay ng pagmamahal na kaya **** ibigay?
Continue reading...
48
Nagalit ako sa’yo kasi feeling ko nabigo ako Naghangad lang naman ako ng ikabubuti mo ... Pero choice mo kasi yun kaya wala akong magagawa Kahit pinagpipilitan kong choice ko ang tama ... Ang dami ko rin namang pangugumbinsing ginawa Kaso wala naman akong napala Pabalik na ko, papunta ka palang Pero hindi naman lagi yang makatotohanan Lalo na kung iba yung gusto **** daanan Pero alam mo natutunan ko? Wag ipilit sa iba ang ayaw nila Sa huli kasi pag ginawa ko, Ako lang ang masasaktan ng todo Kaya sige, gamitin mo ang panahon Para hanapin ano ang gusto **** gawin Maging Malaya ka sa pagpili ng daan Wag magpadala sa gusto ng karamihan Wag kang mag-alala napatawad na kita Kita mo nag-uusap na tayo, di ba? Namimiss na nga kita, eh. Pag uuwi ako ng weekday, wala ka. Galingan mo sa trabaho Hindi yan madali, pero sana kayanin mo. Matagal ko ng gustong sulatan ka, Iparating sayo ang nadarama Kaya sana kahit papaano Gumaang ang pakiramdam mo. Na malaman ang nararamdaman ko ... Sa pamamagitan ng liham na ito
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 12:15 AM UTC
Namimiss ka na ni ate
Lola una kong nasilayang maging tunay na nanay. Pagmamahal sayo'y tunay na naramdaman. Mabuting Pangaral ay sayo unang natutunan. Minsan mo mang napapagalitan at napapalo ito'y sa ikabubuti ko naman. Katuwaan ay nakakamtan pag ikaw ay nasisilayan lalo't makita sa mga mata at labi ang iyong kasiyahan sa twing kami sayo ay dumadalaw. Mga anak mo at apo ay nakukompleto para pangungulila mo ay maibsan. Sa twing pasko ay paparating pananabik sa puso ay walang mapaglagyan dahil sa ikaw at ibang pamilya ay makakasalo. Lola ikaw ang una kong naging tunay at tapat na kaibigan.sa tuwing ang puso ay may dinaramdam ikaw ang unang sinasabihan.mga pangaral na ibinibigay mo ay malugod kong pinapakingan. Ngunit isang araw kami ay nagimbal ikaw daw ay may karamdaman,pilit ang oras ay hinahabol upang ikaw ay masilayan at makausap man lang. Ngunit tadhana ikaw ay ipinagkait at damdamin ay sinaktan,nang malaman na ikaw ay tuluyan ng namaalam. Masakit ang yong paglisan,kirot sa puso hangang ngayon ay nararamdaman. Pasko ay paparating na ngunit ikaw ay wala na Sabi nila tangapin na lang ang yung paglisan,ngunit paano tatangapin kung ang puso ay hindi pa handa sayong pamamaalam. Puso ay hindi parin matangap na kami ay tuluyan mo ng nilisan. Pangungulila sa puso sana ay iyong maibsan,sa panaginip ko sana ikaw ay dumalaw.
0
Dec 12, 2020
Dec 12, 2020 at 11:05 PM UTC
LOLA
032417 "Mahal Kita, tandaan mo sana" Ilang beses **** pinaulit-ulit sakin Pero minsan, napupuno pa rin ako ng kaba "Magtiwala ka kasi.. wag ka nang umuo, Gawin mo na lang." Natuto akong itiklop ang bawat sanang nais sambitin Pagkat sabi mo'y maging buo ang tiwala ko. Walang himpil kung paano mo ipinaaalala ang lahat Ang lahat ng kabutihang ipinatamasa mo sa akin Gamit ang iyong pagmamahal Na minsan ko nang pinagdudahan. "Ganyan talaga pag nagmamahal, Pero wag kang matakot Kasi di kita iiwan." Di ko mapigilang hindi umiyak Sa bawat pagsambit mo ng "mahal kita" Nagiging kampante yung puso kong Ikaw lang naman ang nais maging parte. "Wag muna tayo masyadong mag-usap," Wika mo para rin sa ikabubuti ko. Pero hihintayin ko ang pagbabalik mo At patuloy akong kakapit sa bawat pangakong Binitawan mo hindi para ipatangay lang sa hangin Pero para buohin yung kulang na ako. "Mahal kita," at diyan ako lubos na kumakapit Sa pagbalik mo'y hawak mo ang aking mga kamay At sabay tayong lilisan sa lugar na'to Sasabay ako sa pagbangon mo. "Oo, payag na ako," Tara na.
0
Mar 23, 2017
Mar 23, 2017 at 11:53 PM UTC
Oo, Payag Na Ako
Salamat! Ilang buwan na akong nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan Ang dami ng bagay at tao ang ginamit mo para ako ay malinawan Pero iba pa ring tinig ang aking pinapakinggan Yung mensahe na ang nais sabihin na ika'y layuan Kahapon natagpuan ko ang sagot sa katanungan Ang puso ko ay parang yelong inilabas sa freezer at natunaw Akala ko ang manhid ay forever nang hindi tatablan Lalambot rin pala sa kalaunan Salamat at hindi mo sinukuan ang tulad ko Na walang ginawa kundi umiyak at isiping kawawa ako Ang akala ko nga mensahe mo’y tapos na Ngayon ay may pahabol ka pa pala Una ang sabi mo'y lumapit sa’yo at kausapin ka Palalimin ang ating relasyon at ibigin ka Ngayon pinaalala mo naman kung paanong mabuhay sa mundong ito Na ikalulugod mo at ikabubuti ng tulad ko Paano bang hindi ka mamahalin? Eh ang dami mo nang ginawa para sa akin Hindi ko na tuloy alam ang gagawin Iaalay nalang sayo ang buhay at damdamin Salamat sa pag-ibig **** walang kapantay Sa akin nagpapaalala na masarap ang mabuhay Dahil mayroong nagmamahal ng tunay Ang buhay niya para sa akin ay inialay
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 12:20 AM UTC
Manhid
Bakit nga ba hindi? Bakit nga ba hindi at hindi oo? Bakit nga ba hindi ang naging sagot ko? Bakit nga ba hindi kahit gusto ko? Bakit nga ba hindi kahit nagbabakasakali? Bakit nga ba hindi? pwede namang siguro? Bakit nga ba hindi ang naging kasagutan? Bakit nga ba hindi? di ko rin maintindihan. Sa relasyon, maraming maaaring mangyari, Pagkat ang nais ko'y iyong ikabubuti, Kahit man masakit, yung ang pinili, Piniling kasaguta'y maging hindi. Pinairal ang utak bago damdamin, Pinag-isipan ang gagawin, Kahit na naging labag sa'king saloobin, Pagkat sa kasalukuyan, ito'y aanhin? Oo nga may kasiyahan, Makasama ang hinahangaan, Ngunit ano ang susunod? Pagpatak ng luha? pagkapagod? Ito'y ninanais, ngunit hindi pangangailangan, Di biro, di pangkaraniwan, Di sa lahat ng oras, tamis at saya ang dala, Baka magkamali't ika'y masaktan pa. Kahit na ikay mahal ko na, Kahit na "tayo" ay ninanais na, Kahit na ako'y may tyansa, Pagkat di kailangan, wag muna. Dahil ang lahat ng bagay ay may takdang panahon, Takdang panahong inilaan ng Panginoon, Dahil kung ikaw nga talaga at ako, Hahayaan ko nalang na ang panahon at tadhana ang bumuo.
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 11:02 AM UTC
Bakit
Ang mga bati mo Ay laging may ngiti At ang bawat bulaslas ng iyong labi Ay may kasamang tawa Na kay tamis sa pandinig Pero Nung tiningnan ko Ang iyong mga kumikinang na mata Aking napansin na ang mga ito'y sanay Na pala sa luha at nung Hinawakan ko Ang iyong mga matipunong kamay Naramdaman ko na ikaw pala'y Nanginginig Sa takot at galit *Ewan ko sa 'yo pero Hindi ko na matiis ang iyong hinagpis.* Lumabas ka na sa iyong pagtatago. Walang ikabubuti Ang iyong makasariling pagsasarili At Higit sa lahat Huwag na huwag **** kakalimutan Na ako ay para sa iyo at Nandito lang ako palagi.
0
Jun 4, 2014
Jun 4, 2014 at 10:18 AM UTC
TNT
Samo't saring emosyon Tila bulkan na gustong sumabog. Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan. Maririnig ang hibik sa may dapit sulok. Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi. Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa. Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi. Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat. Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat. At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso, Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'. Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran. Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat. Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot. Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan. Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit. Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko. At upang maibsan ang pakiramdam nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon. Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan. Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan. Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran. Tanging hiling lamang, na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan. Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa. Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
0
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
'SA MATA NG DIYOS'
May mga bagay na kahit gusto mo hindi mo makukuha. Hindi sa lahat ng oras Nakaayon sa'yo ang panahon. Kaya kahit masakit mas pinili kong lumayo Dahil 'yon ang mas ikabubuti na'ting dalawa. Kaya lalayo na ako kasi masakit na. Lalayo na ako dahil alam kong 'yon ang tama. Lalayo dahil sa'kin ay 'di ka na masaya. Dahil alam kong 'yon ang mas ikatatahimik nating dalawa. Oo, ang tanga ko. Ang tanga ko dahil nahulog ako sa'yo Kahit alam kong sahig lang ang sasalo sa'kin. Ang tanga ko kasi patuloy kitang minahal Kahit na alam 'kong may mahal kang iba. At mamahalin ka kahit na sa kabila ng lahat nang ito'y nagmumukha lang akong tanga. Oo, mahirap kang kalimutan nang basta-basta. Kaya mas madali sigurong layuan ka na lang Kesa naman manatili ako sa isang relasyon Na walang kasiguraduhan. Wala na. Tapos na. Nagtapos tayo ng hindi nagsisimula. Tama na. Ayoko na. Ayoko na dahil ako'y pagod na. Kaya ako'y lalayo na. Lalayo upang ika'y tuluyang makalimutan. Sadyang nakakapagod lang magmahal Lalo na kung pakiramdam mo hindi ka naman pinapahalagahan. Pero sa huling pagkakataon gusto ko lang na sabihin sayo— Mahal kita. Mamimiss kita. Magiingat ka palagi, Pero tanggap ko na. Pagod na akong umasa at masaktan sa parehong dahilan at parehong tao. Kaya ngayon, pinapalaya na kita kahit hindi ka naman talaga naging akin. Salamat sa lahat ng alaala. Hindi ko ito makakalimutan
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:14 AM UTC
Handa na akong lumayo sayo
Kumusta? Kukumustahin pa ba? Hihintayin ka ba? Meron pa ba? Nasa akin ba? Respeto. Sa gagawing mga desisiyon Sa bawat saya at lungkot Sa lahat ng sumulpot Sa ikabubuti o ikalulugmok Hahayaan kita! Maghilom ang mga sugat Mapagod kakukwento’t kakahalungkat Maghanap ng ikaliligayang tapat Matagpuan ang sarili, maging sapat Maaaring Magkatagpung muli bilang magkaibigan Magbalik sa dating nadaramang handa naman Maging estranghero’t magkalimutan Sa malayo masubaybayan. Ako’y nandirito; Sa dinami rami ng pwedeng mangyari Dumaan man sa lubos na pighati Alalahanin **** mabuti Pag-isipan **** maigi Kaya ko na.. Tanggapin, panindigan Patawarin, kamtan Harapin, sundan Hanapin, malaman
0
Feb 10, 2021
Feb 10, 2021 at 12:16 PM UTC
Kumusta?
Heto na naman ang madaling araw Walang kausap, walang natatanaw Paulit-ulit na ang aking mga sigaw, At ang luhang galing sa aking mata'y umaapaw Hindi ko alam ang aking gagawin Para sabihin ang aking mga damdamin Aking puso't isipan ba'y susundin? Kahit masalimuot pa ang nakikitang pangitain Pilit na pinapalakas ang angking kalooban Para tuparin ang maaring nakalaan Sa pag-iirog kong tagal ko nang inaasahan Na ngayo'y pilit kong gustong maintindihan Pero biglang nawasak ang puso Biglang bumilis ang tibok ng aking pulso Nang sinabi mo ang mga katagang mapanukso Ang mga salitang sinabi mo nang walang tuso "Lumayo ka" at lumayo nga akong nagdadalamhati Ngayo'y hinahatid ka sa kanyang may ngiti Kahit sobrang sakit na ang aking pighati Magpapakalayo na lamang saiyong ikabubuti
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 9:53 AM UTC
lumalayo
Di naman masama, Ang mga pinagdaanan, Sana kahit papaano, Kahit papaano ika'aking napasaya. Haaaays, nakakalungkot isipin, Na heto na, umabot na sa puntong, Tila bibigay na tayong dalawa. Wala naman tayong magagawa, Kung di na nga talaga natin kaya. Para saan pa nga ba't naging tayo, Kung di naman natin mahal ang isa't-isa. Tinanong ko ang aking sarili, Kung bibitawan na ba kita, Sabi ko, di ko alam, Hanggang ngayon ako'y naguguluhan, Baka nga para sa ikabubuti nating dalawa, Kaya, kaya, kaya ika'y palihim nalang na mamahalin aking sinta, Subalit sa puntong ito, Paalam sa "tayo" nating dalawa.
0
Nov 15, 2019
Nov 15, 2019 at 8:02 AM UTC
Wakas(?)