Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"humiling" poems
sa gabi ito nararamdaman ko ang lamig kung saan ang katawan ko ay nanginginig ang gabi na bilang lang ang natatamaan ng liwanag ng buwan sa daan nag lakad ako sa dilim para magpahangin at mag isip isip ng mga bagay na gumugulo at sumasagi sa utak ko ito ba mga bituin tinitingala ko ay totoo bang tinutupad ang hiling ng mga tao? o isa lang silang bagay na palamuti sa itaas ng kalawakan para maging matingkad ang mga gabi at mag bigay ng kislap sa itaas ng kalangitan para matawag itong maganda minsan naniwala ako sa kasabihan kapag nakita mo ito sa kalangitan kung saan ang pakiramdam mo ay hindi mo maintindihan. subukan mo ibulong sa bituin at pagkatapos sabihin mo dito ang mga gusto **** mag bago sa sitwasyon na naaayon sa kagustuhan mo at ibibigay at magkakatotoo sinubukan ko gawin ito ng mataimtim. sinabi ko na lahat ng aking hinanakit at sakit ibinulong ko ito sa mga bituin na may kasama pang luha baka sakali sakin ay maawa hiniling ko na sana ay bumalik ka. yakapin ako muli at hindi kana aalis pa hahawakan ang aking kamay at sasabihin sakin hindi mo kaya hiniling ko rin na sana sabihin **** mayroon tayo pa ilang gabi pa ang mga dumaan sinubukan ko mag lakad lakad sa madilim na daan at mag isip kung saan na ba napunta ang mga hiniling kung ito ba'y pagpapalain sakin o ito ba ay mababaliwala at mag lalaho lang din ng bula kasama ng mga hiling ko kung babalik ka pa ba napag tanto ko kaya hindi sinang ayunan ang aking mga hiling ay parehas tayong humiling sa bagay na ginusto na mangyari para satin ikaw na gusto **** bumalik sya at mahalin ka ulit ikaw na pinapangarap sya ikaw na sana hindi na ulit kayo maghihiwalay pa at ako na umaasa babalik kapa ako na nag hihintay at umaasa ako na humihiling pa ng pangalawang pagkatataon para mahalin. ako na sana ay piliin mo rin. nabaliwala ang lahat ng hiniling para sa ating dalawa. naisip ko na hindi naman natin kailangan ang mga bituin na to para hilingin ng mga bagay na gusto natin dahil tayo ang mga bituin sumabog sa kalangitan pagkatapos ng ating mga hiling para sa atin ay magpapasaya tayo ang mga bituin tutupad sa gusto natin mabago ang lahat tayo ang mga bituin noon ay nag ningning at nag sama pero mali ang tinalikdang daan tayo ang mga nawalang bituin sa kalangitan at pinag tagpo ng kapalaran at pagkakataon para hilingin sa bawat isa pero iba ang gustong makasama. tayo ang mga bituin na yon tayo ang mga bituin nag ningning noon tayo yon tayo ang bituin na yon.
0
Jan 12, 2019
Jan 12, 2019 at 8:24 AM UTC
Tayong dalawa ang nawawalang bituin sa langit

Continue reading...
87
Babalik si Jesus at alam kung hinding hindi niya tayo bibiguhin. Babalik ulit siya para pagtakpan ang ating mga kasalanan. mag bibilang Ako ng hanggang Sampu. isa,dalawa. dalawang hakbang ang inialay niya  tatlo,baka tatlong beses ulit siyang ipagkakaila Apat,Lima hindi siya tumigil sa paghakbang para sa atin Anim,pito,wallo,siyam,sampo Hinding hindi ako titigil sa pagbibilang hanggang sa maramdaman niyo na tayo ngayon ay nawawala.At patuloy parin si Jesus sa paghakbang para lang mahanap niya at maipakita niya ang tunay na mukha ng Pag-ibig. Pag ibig na nagdala sakanya sa kapahamakan. Pag ibig na siyang dahilan sa paghihirap niya at sa  sugatan niyang Katawan. Pag ibig na kung saan nag simula ang lahat. At dahil sa sakripisyo niya tayo ngayon ay nandito. Kapatid hindi pa huli ang lahat may mga panahon kapang itama ang iyong nga nagawang kasalanan. maniwala ka. Hinding hindi ka niya pababayaan. Dahil siya ang Diyos at siya ang Diyos ng sangkatauhan.At ito ang sinabi. "Ako si Jesus ang simula ang at katapusan. Ako ang Buhay ang Daan at ang Katotohanan" Marahil nagtataka ka kung bakit.bakit naging ganyan ang takbo ng buhay mo bakit naging ganyan bakit naging ganito. Kapatid uulitin ko hindi pa huli ang lahat. Tandaan ang balita ng Diyos na mas dapat pakinggan. isa puso, mahalin at higit sa lahat mas dapat tuparin. Wag kang mawalan ng Pag asa. At wag na tayong maglokohan pa. Dahil palagi siyang Nandiyan at hinding hindi siya mawawala para gabayan ka. Alam kung naniniwala ka. At alam kung didinggin niya ang iyong mga panalangin. Kapatid manalangin ka. Kayat hindi na natin kailangam pang humiling dahil matagal na niyang binigay ang ating Kagustuhan at iyon ay ang pagkakaligtas natin mula sa ating mga kasalanan. Alam kong alam mo na. Babalik at babalik si Jesus para sa atin. Ibabalik niya ang kapayapaan sa iyong mundo. Dahil siya ang ating Diyos wala nang iba.
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 8:28 AM UTC
Ang Hari (spoken word)

4
Parang alaala na ang sarap balikan, Lumipas man ang mga sandali sana'y ikaw andyan. Isang araw ako'y nakakita Ng bulalakaw sa kalangitan, Pumikit. Humiling. Na sana bigyan ako ng pagkakataon ikaw ay makapiling. Tayo daw ay nagkakilala sa maling panahon, Ngunit kailan ba naging mali ang pagibig na totoo? Sana tayo'y pagbigyan ni inang tadhana, Tatlo, dalawa o kahit isang araw lang, Maparamdam ko lang na ikaw... Oo, ikaw na nga at wala ng iba ang sinisigaw ng puso ko sinta. Maglalakad ako ng nakuluhod, Kahit pa saan sulok, Marinig lang ang dasal ko na maging tayo. Kahit kidlat man yan o bagyo ay susuungin ko, Para lang sa iyo. Kaya sana samahan mo ako, Hawakan ang mga kama'y ko, Pangako sa'yo hindi ko bibitawan ito. Dahil alam ko at ng puso ko, Na tayo sa habang panahon. Ngunit tulad ng bulalakaw nung araw na iyon, Ikaw'y naglaho kasama ng pangako, Ako'y binitawan sa gitna ng bagyo. Ngayon isa ka na lang alaala sa buhay ko na dati ay umiikot sa iyo.
0
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 12:34 PM UTC
Bulalakaw
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka May mga bulalakaw na nagpakita. Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik Sabay-sabay tayong pumikit. At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!" At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan: "Kailan kaya ulit mangyayari 'to?" Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan, Tayo ay masaya. Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito —Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga, Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay, Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito— Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan Sa huling pagkakataon tumingala tayo. Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata Hanggang sa huling bulalakaw, Kaibigan, humiling ka.
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 12:58 PM UTC
Plaza Maestranza

44
"Lihim" Kitang-kita ang iyong mga ngiti Malabo na ipakilala ko ang aking sarili Ako’y ni hindi man lang makapapantay sa kung ano ka Sa mata ng marami ika’y kakaiba Saaki’y napakasimple **** tao Dumaan saaking buhay at ako’y napatitig sayo Alam kong isa kang liwanag sa gabi Kay’hirap mapalapit sa tulad kong dyan lang sa tabi-tabi Lihim na binabasa ka Ngunit kailanma’y hindi makakapagsalita Marahil hindi mo alam na ikaw ito Ngumiti ka nga riyan ng ako’y mahanap mo Hindi na mahalaga na iyong maramdaman Sa isipan at salita ika’y nilalaman Simpleng hangin mula sa iyong paggalaw Bawat bagay saiyo’y sadyang aking pinipilit matanaw Minsan sa gabi’y napapaisip Buhay ko ba’y nais **** masilip Isa ka sa kulay ng aking bahaghari Baka nais mo akong makilala kung sakali Subalit ang tulad ko’y tahimik lamang Masaya at kumpleto na makita ka lang Pag-aalala ko sa tuwing ika’y nasasaktan Hiling huminto sa pag-iyak at ika’y pupuntahan Tuwing pakiramdam mo’y ika’y walang halaga Huwag kang humiling pa ng iba Saaki’y isa kang mahalagang parte ng isang tula Ikaw ang inspirasyon sa bawat isip ng gumagawa Iniingatan sa bawat oras upang mapanatili sa isip Kahit sa mga mahiwagang salita man lang ika’y mapalapit Sa ulap boses mo ang liwanag Malamig at malambing na tinig ay syang paliwanag Ika’y hinahangaan sa simpleng bagay Maaring marami nito sa iyong buhay Hanggang sa ako’y mapaupo na sa aking upuan Iniisip ang isang tao na labis kong hinahangaan Sana’y huwag kang saktan ng mga taong nakapaligid Utak kong minsa’y kumikitid Bawat paghinga mo saaking isip ay nagpapalawak Ikaw ma’y bumagsak, ligtas ka dahil ako’y handang humawak Imposible mang kamay mo ay maparito saakin Makaramdam man ng kakaiba, handa kitang mahalin
0
Jan 23, 2019
Jan 23, 2019 at 6:57 AM UTC
Paghanga Part 1 "Lihim"

43
-Binibining_Enilra nakatulala sa kawalan malayang naglalakbay ang isipan luha ay nagsisimula nang mag unahan di alam kung dapat na bang punasan bakit akoy lubusang nasasaktan? di alam kung ang hahantungan tanging ikaw lang ang laman kahit damdamin ko'y nahihirapan Mahal,patawad ng ika'y aking nilisan lubos ko itong pinagsisihan di kona inisip kung ikaw ba'y masasaktan basta't ang alam ko lang ito ang tanging paraan simula ng umalis ka't di na nagparamdam lubos akong nag nakakaramdam ng agam-agam kung bakit hindi mo man lang nakuhang magpaalam nahihirapan nakong unawain ka lalo na yung mga panahong sayo'y balewala na kinukulit kita ; sinusuyo bakit tila mas lalo kang lumalayo araw araw akong naghihintay iyong mensahe na baka mabigyan moko ng oras na walang bayad at libre kase alam ko hindi sayo pwede subalit di na bale Mahal naman kita,kaya kaya kung magtiis para sating dalawa kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal lahat ay kaya kung isugal dahil mahal kita! ngunit isang araw nagising ang aking diwa nagising na may luha na saaking mga mata naisip na baka wala na talaga walang nang pag-asang muling magbalik ka kung paano tayo nagsimula tulad nung umpisa kaya mahal , patawad! ako na yung unang sumuko dahil hindi kona alam kung kakayanin ko pang labanan ang tukso di ko na alam kung may puwang paba ako dyan sa puso mo ngunit ng dahil sa pinaggagawa ko mas lalo lang palang naagaw ang aking trono mas lalo ko lang palang sinasaktan ang sarili ko umiiyak;lumuluha labis akong nagdurusa dahil kasalanan konaman kung bakit pako nag desisyon ng hindi ka kasama labis akong nagsisi kung bakit iniwan kita pasensya! pasensya kung makapal ang aking mukha nakuha ko pang humiling na bumalik ka sa aking piling na baka sakaling muli kitang mahagkan kahit sa panaginip lamang sana'y muli **** pakinggan ang aking panalangin bumalik ka sana sakin at muli akong tanggapin dahil diko na alam ang gagawin hindi ko na alam kung paano kakayanin kung tuluyan na nga natin itong tatapusin. mahal patawad kung ako'y naging makasarili inisip na baka hindi talaga tayo sa huli patawad kung lagi akong wala sa iyong tabi patawad kung di kona kinayang manatili sana'y palagi **** tatandaan na mahal kita.. kahit wala na tayong dalawa #ManunulatPH
0
Jun 14, 2020
Jun 14, 2020 at 12:24 AM UTC
"patawad aking mahal"

67
siguro magtatagpo ulit tayo kapag tayo ay handa na para sa isat'isa hindi... mali... tangina ng linyang yun! minahal kita ng buong buo gamit ang tangina kong puso pero hindi mo manlang ako minahal ginamot ko ang sarili ko kahit ngayon ginagamot ko pa at gagamutin ko bukas at gagamutin ko sa isang araw hanggang sa isang linggo sa susunod na buwan hanggang sa isang taon gagamutin kopa ang sarili ko at gagamutin ko pa habang nabubuhay pa ako kaya pakiusap... mga tatlong taon bago matapos ang ngayon kung magkita man tayong dalawa sa tambayan na dati tayong magkasama ay sana wag ka nang lang lumapit ilalabas ang apoy sa iyong pagbati ng "kamusta" sisindihan ang pag-ibig na sumunog sa aking pusong natusta na ginawang abo ng iyong pagmamahal wag ka nalang lumapit... ipagpatuloy mo lang ang iyong paglakad kung saan ka man papunta iniwan mo ako nung sabi ko "teka lang" iniwan mo ako nung sinabi kong "pahinga muna" humiling ako ng panandaliang paghinto sa giyera ng ating mga puso dahil sa walang tigil nating pagaaway na ikaw ay biglang bibitaw dahil sa simpleng bagay iniwan mo ako nung sinabi kong "sandali lang" iniwan mo ako nung sinabi kong "itigil na natin" napagod sa pagtakbo sa paghabol sa nauunang hindi naghintay sumuko sa batuhan ng ako ang tama at ikaw ay mali - - kahit kailan hindi ka magiging sapat para sa akin kahit kailan hindi mo magagamot ang nasirang ako ang nawasak na pag-ibig ang nawalang pagmamahal kahit kailan hindi na mababalik ang dati kahit kailan hindi mo mapapapoy ang abo hindi mo maaalis ang sakit na pinagdaanan nito hindi mo matatanggal ang pilat na naging sanhi mo maitatago mo lang ito magpapanggap na hindi nangyare ito lolokohin ang sarili pakiusap lang.. papakawalan na kita na ito ay hindi panandalian na ito ay panghanggang dulo papakawalan na kita na ito ay hindi biro na ito ay totoo na ito ay ang katotohanang palagi **** isusuka pasensya na mahal.. para sa iyo binigay ko ang lahat alam ko hindi pa yun sapat pero ginago mo ako kaya nagbago na ako kaya pakiusap.. wag mo nang gamitin ang oras hindi makakalimutang ang dilim ng nakalipas hindi mapapaltan ng bagong memorya ang masamang ala-ala hindi tayo magiging handa para sa isat isa hindi tayo para sa isat isa isa kang magandang halimbawa na kailan man hindi ko matututunang paghandaan kung pwede lang ibalik ang nakaraan ikaw ay aking tatanggihan
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:22 PM UTC
tula ni VJ: "hindi tayo para sa isa't isa"

71
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Aking Pangarap Dito sa aking tabi. Sinag Damahin Luntiang Dahon Sa hangin ay Liparin Dala ay Dasal Ang Pusong ito Kay tagal na naghintay Irog kong Mahal Pusong Taimtim Sa Bathala humiling Iyong pagdating Sa tabing dagat Kung s'an huling nagkita Ating Pagsinta Dito ay Saksi Ang Langit at ang Lupa Pati ang Tala Wagas at Tunay Pagsintang ating Alay Sadyang Dalisay Nasaan ka na? Ako'y lubos na sabik Sa'yong Pagbalik Huni ng Ibon Tila sumasayaw din Kanta'y Malambing Ilang araw pa Alam kong darating ka Irog kong Mahal Dito lang ako Maghihintay sa iyo Sa muling Sibol.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 8:15 PM UTC
Aurora (5-7-5)
Sa t’wing sasapit ang sariwang umaga Ang himig mo ang aming ninanais marinig Hinihintay ang hagkan sa umaalpas na luha Nagsusumamong mahaplos pagod na tinig Inang Bayan, paumanhin sa aming sinapit Bagamat nakatakas noon sa pagkakatali Panibagong gapos ang mahigpit na pumilipit Ngayon nga’y ang lahat ay muling nahahati Kaya sa iyong kaarawan, maaari bang ika’y humiling? Kaayusan ng bayan, nawa’y makamtan namin Daop-palad, kami’y paglapitin at pagbatiin Gulo sa bawat puso’t isipan, sana’y pawiin Katulad ng kahapon, ang dilim ay matatapos Bukang-liwayway ay muling masisilayan Ganoon din sana, ang tunay na kalayaan— Muling masisilayan.
0
Jun 12, 2020
Jun 12, 2020 at 7:03 AM UTC
Araw ng Kalayaan
Ika'y tanging nagniningning Parang mga bituin sa langit Na nagbibigay liwanag sa lalim ng gabi At kahit gaano ka man kalayo Tila ika'y maabot Sapagkat nang mahulog ang mga bituin Sayo ako'y humiling
0
Oct 12, 2015
Oct 12, 2015 at 2:05 PM UTC
Kislap
"Ikaw at Ako -Walang Tayo" Gusto kita, Gusto mo sya Hahaha nakakatawa Sa loob ng ilang taon, nagawa Kong mangarap ng gising At wala akong ibang ginawa kundi Ang humiling Pero kapag sinusuwerte ka nga naman --- Teka swerte nga bang mababansagan? Tng**! Ano 'to lokohan? Ni minsan di ko ginustong maging "Siya" Kasi ako 'to Pero ikaw? Pinangarap mo? Hindi ko kailanman hinangad na magustuhan mo dahil sa awa! Oo! Sabihin na nating nagustuhan mo 'ko -- Pero iba naman ang iyong nakikita! Hindi ko kailangan ng atensyon mo Kung gagawin mo lang panakip butas Ang puso ko! Kung magmamahal ka din lang naman , Siguraduhin mo nang totohanan! Tng**! Tao ako at may damdamin Oo! Hindi ko magawang maamin Na hanggang ngayon gusto kita! At hanggang ngayon,ikaw lang at walang iba Pero tng**! Matuto kang makaramdam! Di porke't nakangiti, di na nasasaktan! Pinipilit ko lang maging masaya sa t'wing kausap ka Ngunit sa totoo lang? Bumibigay din ako. Alam ko namang napaglaruan lang ako ng pagkakataon Kaya sana naman, matuto kang makiramdam sa sitwasyon, "Sana nga ikaw na lang" Oo ! Sana nga ako nalang! Masakit pakinggan. Dahil patuloy nitong pinapaalala na kahit kailan, Di mo ako magugustuhan. Kase "Siya" at "Siya" pa din ang laman ng puso mo "Siya" parin Ang nag-iisang tao sa buhay mo "Siya" pa rin Ang tanging nagpapasaya sayo At sa kanya pa din umiikot Ang mundo mo! Nakakainggit "siya" pero kahit kailan, Di ko nanaisin na magpalit kami ng katauhan. Mahal ko Ang sarili ko! Ako kaya 'to! At ito lang ang tanging mayroon ako Dahil sa mundong ginagalawan natin pareho, Mayroong ikaw, mayroong ako Pero kailanman, walang mabubuong Tayo!
0
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:37 AM UTC
"Ikaw at Ako -Walang Tayo"

Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina Maaring tawanan at magduda Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula Ay nasaktan na Hayaang ihayag kahit bahagya Na ang salitang minahal at mahal kita Ay hindi salita ng isang bata Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga Sa bagong kuwento na sisimulan niya Humiling sa tala na ito na ang huling pahina Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya Kaya ginoo, mahalin mo sana siya Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana Sa Pag agos ng alon Hayaan **** sumabay ka sa indayog Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon Isang metapora na ang ibigsabihin ay “Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon” -kabanata
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 11:56 PM UTC
Kabanata
#112815 #3:50PM #ISIS “Kami’y may balitang Banta ng kaimbihan Lipon nami’y Ni hindi ninyo matitiktikan!” “Humihikbi kami’t di titikim sa pauso. Lisan ninyo ang bayang hindi pag-aari! Baya’y pangako, kayo’y hindi kasapi!” “Nakatalaga ang bala Para sa hindi patitikom-bibig, Walang bantulot buhat sa grasya Kaya’t kami’y gawaran!” “Langit ang uukil sa inyong pagtataksil! Hukom ay dalisay at may patas na tingin. Kung dugo ang kapalit, Kami’y hindi patitikom, Ni hindi yuyuko Sa nabinat nyong kariktan.” “Patiyad kayo’t magmakaawa, Humiling na sa Hari nyong may dunong!” Naghihilakbot sila bagkus di paaayon, Sa yungib ng kaluluwa’y Ginagagap ang pangako. Sila’y bayaning tigmak sa pakikibaka’t Bilang ang mga martir na Maharlika. Naulinigan ang mga sumirit na armas, Kanilang patibong Na may nanlilisik na batas. Bagkus ang atungal ng lupon ng Liwanag, Espada’y tatangayin Hanggang sa huling paghinga.
0
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 7:10 PM UTC
Abuloy
Sabay nating isinulat ang ating kwento. Ngunit 'di mo sinabi na lapis lang pala ang iyong gagamitin Habang naisulat ko na ang panimula sa matingkad na tinta. Nang dumating na ang inasahan kong wakas ng ating istorya, Madali **** binura ang lahat ng ala-ala Sa akin lamang ang natira ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang ng salita. Nang subukan burahin ang kwentong alanganin mas mabuti na lang sana na ito'y gusutin At nang ito'y nauwi sa gupitin, ako'y humiling sa mga bituin na sana'y may panibagong kwentong kinabukasang bubuuin.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 2:24 PM UTC
sa pagsulat ng kwento
taksil ang mga labing naghahangad ng higit sa dampi katulad ng buwan sa duyog, na kung sa madalas ay hinahayaan ang pagsisiping ng araw at mga bundok sa umaga may mga minsang hindi mapigilan ang alibuyboy at pilit isisingit ang sarili sa pagitan ng dapat at hindi, kapalit ng panandaliang saya; balutin man ng dilim. ngunit isa pa nga bang kataksilan ang humiling, kahit na pakiwari ko’y isa kang hiningang hindi mauulit, na sana kinabukasang paggising ay hindi ka na umalis, na hayaan mo namang masilayan ko kung paano ka ipipinta ng araw para naman din makita mo sa liwanag kung paano ka aaralin. bigyan mo lang ako ng isang sandali dahil katulad ng buwan, miminsan ding makasarili baka sa susunod na kinabukasan kahit ikaw ang tinatangi, sa iba na maghahain.
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 8:32 PM UTC
Sana'y manatili
Sa simula't sapol, sa kuwento lamang ng matatanda, sa pelikula at mga takilya doon lamang ako nag-papaniwala. Talastas ng isipan, hindi ito makatotohanan. Ngunit sa likod ng aking isipan, naroon ang munting katanungan. Totoo nga ba o sadyang kathang isip lamang? Hindi nag-papaniwala, hanggang sa hindi ito nakikita. Pagkaka-tanda ko'y minsan akong humiling at matulin naman itong dumating. Hindi makapaniwala, halos nanlaki aking mga mata, isang diwata tugon na mula puso, di mawari, napalukso ito sa tuwa. Tila inagaw **** lahat ng liwanag at sa likuran mo'y napakalibot. Dumarating ka mula sa mga ulap at pagdaka'y isang binibini, tumambad at sa akin ay pumukaw. Tunay at totoo pala ang Diwata, at yun nga ay ikaw! Diwata ka sa aking paningin, ano pa ba ang aking hiling? Minsan ako nangarap at nanalangin, sana may enkantadang handang magpa-angkin. Nakakatunaw ka sa mata, pagkat walang kasing tulad ng iyong Ganda. Di masambitla, mga salita ko'y ayaw ngang lumabas sa kanilang mga lungga, kaya narito na muna ang aking tula. Ano pa't pupurihin na lamang muna kitang pansamantala, ililihim na muna ang mga kataga at sa aking mga mata ko na lamang muna mababasa. Diwata ka sa aking paningin. Pananambitam, dalangin at hiling na sa munti kong paraiso, sana'y doon mo piliing manahan, gawin **** iyong engkantadia at handang pasakop sa lahat ng iyong kagustuhan at nasa. ...Handang paalipin at magsilbi, basta't ikaw ang siyang laging aking kapiling...."
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 2:06 AM UTC
Diwata
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula. hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan. muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita. hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin. bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan. sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
0
May 2, 2020
May 2, 2020 at 10:50 AM UTC
PANIMULA

6
010121 Magsusulat na naman ako Gaya ng dati -- Nagsusulat na naman ako Para sayo -- Nagbabakasakali. Ilang beses kong nilimot Na ikaw ang aking unang panalangin, Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y Nalililimot ko ang 'yong pangalan At wala akong ibang hangad Kundi purihin Siya. Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo, Ay naroon tayo sa presensya Nya. Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y Tayo'y pinagigitnaan Nya At wala tayong ibang dahilang pumarito Kundi magpasakop sa Kanya. Parang tayong mga ekstranghero Sa mundo ng isa't isa. Lilihis at lalayo, Yan ang kusa kong pagsinta. Siguro nga, Hindi ako nakapaghintay Pinangunahan kita.. At nakaraang taon di'y Naging masaya ka na rin sa iba. Nagsusulat ako -- Bilang aking pagtugon Sa panalangin ko noong Ikaw lang ang hihintayin, Ang mamahalin. At sabi ko pa nga sa'king sarili'y, "Kung ikaw talaga, Handa akong iwan lahat.." Tila ba kaybigat ng aking panalangin Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya. Sana malaman **** -- Minsan kang naging paksa sa'king mga tula, Ako'y naghintay nang ilang taon Ngunit siguro nga, Nauna akong sumuko -- Pagkat hindi ka naman tumugon. Hindi ako nakaramdam Ng anumang galit o tampo Nang minsan mo akong iwan sa ere, Matapos **** magtapat ng pag-ibig. Nautal din ako noong mga panahong iyon, At tanging dasal ko'y, "Kung hindi pa natin panaho'y, Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.." Ni hindi ko alam kung saan nanggaling Ang lalim ng ganoong panalangin, Ang lakas ng loob kong humiling At tinugon naman iyon agad ng Langit. Ngayon lang kita ulit napagmasdan, Nahagip ang puso ko gaya ng dati.. Alam ko, wala ka naman sa lugar Para muling magtanong sa'kin Pagkat iba na ang himig Ng sarili kong damdamin. At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli, Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo -- Pagkat sa bawat oras Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y, Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo Nang "Ikaw na," Hanggang sa muli nating pagsinta.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 10:31 AM UTC
Landas

68
Isangdaan at limamput limang araw simula noon kahapon na iyon. Parang kahapon lang ang iyong mga kamay ay akin lamang. Parang kahapon lang ang mata mo'y ako lang ang nakikita. Parang kahapon, ang bawat daan ay tila paraiso sa ating mga mata. Parang kahapon na ang simoy ng hangin ay ang iyong mga salita. Parang kahapon lahat ng tala sa kalangitan ay nagniningning na parang walang umagang darating. Parang kahapon ako'y naniwala sa walang hanggan. Ngunit ang kahapon ay parang mga bulalakaw sa langit. Sa iyo pagpikit ikaw'y humiling. At sa iyong pagdilat ay nawala. Umaasa na ikaw ay narinig ng mga tala. Kung ako'y tatanungin kung gusto kong balikan ang kahapon natin? Oo. Paulit ulit. Kahit na alam ko na masakit ang bukas na naghihintay. Pero ang kahapon ay pawang kahapon na lamang. Hindi ito pahina sa libro na pwde **** balik balikan. Walang na ko magagawa kundi harapin ang bukas. Ang bukas na gagawa pa ng madami kahapon sa buhay ko. Maari ikaw ay parte ng kahapon ko. At sa pagdaan ng panahon ang kahapon natin ay mababaon sa limot. Kaya ito ang huli mensahe ko sa iyo, Ikaw ang akin kahapon. Ang pinakapaborito ko sa lahat. Isang daan at limamput limang araw simula ng naging parte ka ng kahapon ko. Isa kang pahina sa libro ko na pilit ko binabasa paulit ulit. Isa kang bulalakaw na hindi nakarinig. Darating ang araw ikaw ay mapapalitan ng iba pangkahapon na mas mahalaga
0
Dec 5, 2017
Dec 5, 2017 at 7:08 PM UTC
Kahapon
nakakatuwang isipin na ako pa din ang 'yong sinisinta sa bawat oras na pumapatak ang 'yong naiisip sa bawat awit na mariringgan ang 'yong pampakalma sa tuwing lugmok na lugmok ka na nakakatuwa isipin na tayo pa din ang nais **** dala sa bawat tagumpay mo ang nais **** makamtan kahit tila maglalaho na ang lahat ang nais **** marinig sa bawat galaw at tibok ng 'yong puso nakakatuwa isipin na ikaw pa din ang kasama ko matapos ng masasamang nangyari ang kasama ko sa bawat halakhak at pag hubog ng ngiti sa aking labi ang kasama ko sa tuwing akong mag kakaroon ng panibagong biyaya nakakatuwa nga talaga...... alalahanin ang masasaya nating memorya humiling sa itaas na sana hanggang ngayo'y ganon parin nakakatuwang isipin na hanggang ngayon eto ako humihiling parin
0
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 4:55 AM UTC
nakakatuwa
ikaw lamang ang nakaganito ko sana’y pakinggan mo mga dahilan kung bakit kita gusto hindi ka man yung tipong lalaki na pinapangarap ko pero ikaw yung umakit sa damdamin ko madaling tawanan pero seryoso ang pagtingin ko alam kong isang katoto mo lang ako pero bakit mas higit pa dun ang nararamdaman ko nag simula sa pang aasaran hanggang sa may nag kagusto ilang araw akong nagmasid at nagisip kung paano paano ako humantong sa ganito hanggang sa sinabi ko sa isa rin nating katoto naging tayong tatlo hanggang sa dulo pero nag tapos din pagkatapos ng kaarawan mo isang gabi humiling ako sa oras na ika’y makita ko pero yun din pala ang simula ng tukso humakbang tayo sa isang grado unang araw ngingitian mo ako at dun na nag tapos ito pero hindi ako nawalan ng pag asa na maibabalik pa natin ang tayo at nangyari ilang beses ito pero malabo pa rin ang mga ito masakit pero gumaan ito takot akong kausapin baka ako’y mabigo hanggang sa dulo etong relasyon ay naging malabo at humantong na naman ulit sa panibago eto yung dati ko pang hinihiling sayo at hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwala sa sarili ko nananaginip na ba ako? kasi dati hiniling ko lang ito pero ngayon nag kakatotoo sana ay hindi na maputol ang kasiyahang ito at sana’y mag patuloy tuloy ito salamat at ikaw ay naging insipirasyon ko salamat dahil kung hindi dahil sayo hindi mangyayari sa akin ito ang insipirasyon ko salamat at dumating ka sa buhay ko
0
May 13, 2019
May 13, 2019 at 7:47 PM UTC
Ewan
Sa kalangitan ay puno ng tala Buhay nga ba sila o tila? Tanong ko habang nakatingala Sa langit habang nakatulala Sa unang sulyap wari'y kakaunti Ngunit kung pagmamasdan ay di mawari Sa dami na tila kulisap na nangingiliti Sa mga mata'ng nangangarap at nagmimithi Hayun! may isang dumaan Oras na'ng humiling sa kalangitan Nawa'y tuparin ang kahilingan Talang nahulog sa kalangitan Leeg ko'y sumakit na sa kahaharap Sa langit pagmasdan sila ay kaysarap Ngunit ang abutin tila ba ay kayhirap Na maihahalintulad mo sa isang pangarap Parang ikaw na kayhirap abutin Nagniningning na parang isang bituin Pangarap ko'y kaya mo'ng tuparin Ang bumaba ka riyan at ako ay mahalin -JGA
0
Feb 15, 2019
Feb 15, 2019 at 3:19 PM UTC
BITUIN
Samo't saring emosyon Tila bulkan na gustong sumabog. Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan. Maririnig ang hibik sa may dapit sulok. Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi. Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa. Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi. Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat. Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat. At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso, Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'. Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran. Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat. Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot. Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan. Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit. Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko. At upang maibsan ang pakiramdam nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon. Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan. Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan. Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran. Tanging hiling lamang, na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan. Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa. Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
0
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
'SA MATA NG DIYOS'
kung hahayaan ko ang aking puso magdesisyon, tatakbo pa rin ako sa iyong mga bisig para yakapin ka kahit ako pa'y mapaso pilit kong pasisiklabin ang liyab na malapit nang mamatay kahit na masaktan ay ayos lang kung ikaw— ikaw na bukod tanging sakit na kaya kong tiisin. siguro nga'y ako'y tagahatid lang sa'yo papunta sa tamang tao at ika'y ganoon din sa'kin. maari bang humiling sa huling pagkakataon? pwede bang dalhin mo na 'ko sa kanya, nang ika'y malimutan na?
0
Jun 9, 2021
Jun 9, 2021 at 11:02 AM UTC
ika'y iniisip