Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
112615

Sa kwadradong hawla
Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit
Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina,
Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila.

Minsan sila'y naging malaya,
Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya
Tila martir ang minsang naging paslit,
Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa.

Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila,
Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan.
At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli,
Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali.

Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin,
Oras niya ngayong kabiyak sa salamin.
Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon,
Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
(Sabi ng Engineer namin, lahat ng sisiw, iiwan din ang nanay nila. Sa una, sunud-sunuran, pero tama nga siya. At matira matibay pa ang labanan.)

7:36 AM
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
kahel Dec 2016
Nandito tayo sa unang parte na di ko alam kung paano naiwasto
Hinihintay ang inaasam na pagbalik mo
Tulad ng aso na nag-aabang sa paguwi ng kanyang amo
Ikaw ang kalakasan at siya ding kahinaan ko
Daig ko pa ang isang tanga sa pagiging uto-uto

Nandito tayo sa iisang bangka ng ating paglalakbay
Ako yung nagsasagwan ngunit ikaw yung unang nangalay
Kaya pala nanlalamig na parang isang bangkay
Ang mundong nilisan ay hindi na maipapantay
Bulaklak na sabay itinanim ay simula ng mamatay

Nandito na ako at hawak ang libro, ililipat na sa huling pahina
Ang mga sigaw na naging mga bulong na sa hina
Hirap na tiniis at pighating matagal ng gustong kumawala
Nagwawala, nawawala, na parang ibong na sa hawla
Dalawang pusong pagod, na kailangan ng mag-pahinga at huminga
kingjay Dec 2018
Dapat mahigitan ang bilis ng segundo
Matarok ang hangganan ng langit
Upang matalos sa dapithapon ang pagkukulang
Sa susunod na pagsikat ng araw ay matiyak ang kapalaran

Itatwa ang pagkabuhay sa mundo
Ang awra ay nagpaalam sa hilagyo
Sawimpalad sa kinabukasan
Ang natitirang mga yapak ay hindi na nakagambala sa pagtulog

Magparaya, hayaan ang Amihan bumitbit ng kalahating puso na sabik
sa pagmamahal na di kayang ibigay ng dalaga
Mayroong kislap ng liwanag,
agiw sa sulok- nag-iisa

Yakapin ang talim ng punyal
Kay sarap masaktan, sa peligro humantong
kaysa malayang namumuhay
Ano ang kahalagahan ng buhay
Ang obalo na hubog ay binabaybay

Pakawalan ang ibon na nasa hawla
Huwag na umasa na babalik pa
Kalapati ay lumipad papunta sa lugar ng kapanganakan ng agaw-liwanag
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin,
Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin.
Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis.
At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis.

Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya
Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga?
Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero
Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla.

Sinisipat ang mga bulsang walang laman,
Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan.
May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig.
Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit.

Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y
Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa.
Sila sana ang pinakamakapangyarihan
Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan.
Sila sana ang pinapalakpakan,
Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan.

Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema.
Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din.
Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba
At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila.

Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag,
Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat
Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita.
Ano nga ba ang laban nila?
Ano nga ba ang tagumpay na maituturing
Sa labang tanong din ang katapusan?

Samu't saring lahi na may iisang kalaban
Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan?
May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan.
May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang.
Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin,
Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
solEmn oaSis Nov 2015
muli sa inyong harapan,walang kiyeme.Ako'y may luha ng galak  na sumasainyo
pigil hininga sa mga katotong bantayog na nakakasalamuha ko
halos hikahos kong kinu-kuyumos yaring mga mata ko na wala pang hilamos
pagkat sa tulad kong aba' ,kada rima ay sadya talagang mana nga o para sa tao etong aking paghangos!

isang nilalang na ang kara ay tila ba mapalad na albularyo
na di man lang kapara ng doktor na malawak ang bokabularyo
kaya't halina at ating paigtingin ang naturang tula at talumpati
sa tamang panahon at termino ng huwarang tupa at puting kalapati

ehem,,ayon daw sa isang bokasyon
dapat raw eh mag-bukas 'yon
Oo."ang hawla na seremonya sa KASAL
at tanging tali lamang ang may SAKAL

LAKAS sa paghila,manapa nama'y banayad
AKLAS man ang reaksiyon ng pagaspas sa paglipad
magsisitingala ay LAKSA hanggang ang pares ay magsidapo
mapapahangang gaya sa SAKLA.,tagos agad walang kahapo-hapo

edi wow aww aww...kahol ng bantay-bombang ASKAL
habang nababakas ang kasiyahan ng kapwa magpupulot-gata at ng mga saksing sabik sa sabaw
kapagdaka'y palakpakan naman ang siyang sa paligid ay pumaimbabaw
LASAK man na sa paningin ang pulang alpombra,hinde naman matatawaran mga alaalang duon ay naihalal!
to be continue......
na para bang KALyeSerye--
a Series of Love with KArats
Ilang dekada na
Lumaban ka raw para sa amin
Hindi ko man lamang naabutan
Patungo raw iyon sa demokrasya.

Tingnan mo kami ngayon
Ang daang matuwid ay putikan
Ganito pala ang lasa ng imoralidad
Na kayo-kayo rin ang nagtimpla.

Marami nang nakatikim
Ng pait at kakunatan ng inyong hain
Ilan pa ba ang papalasapin?
Kaawa-awang mga dila
Mapapaso't kikirot
Dulot ng sarili ninyong mantika.

Katulad ng ibang baboy,
Ilalabas ka sa hawla
Nakalilihi ba doon?
Kaya nanlumo kayo sa taba
Tabang walang kainaman
Hindi magamit panggisa ng kamalian.

Sandamakmak pala kayo
Nagsanib-puwersa sa looban
Pinakakain nang tama, pinagsisilbihan
Bagkus tambay sa kurapsyon
Sa kulungang may posisyon.

Bakal ang tali nyo
Kaya't sumuko na't wag pumiglas
Pagkat sa putikan ang  ruta
Yang putikang kayo rin ang may gawa.
Napanood ko sa TV ang pagpa-check up ni Enrile.
031224

Gusto ko nang magwala,
Gusto ko nang kumawala —
Hahanap ng pluma
At kakatha ng isang tula.

Isa na namang piyesa
Susulpot na parang bula,
Mawawala nang kusa
Lilisanin ang mga tugma.

Alay ko ang aking awit
Minsang mga bala’y mapanakit.
Isisigaw na may dawit
Ang sukli’y kaakit-akit.

Ilang libong mga salita,
Papalibutan ng mga katha.
Isang araw ng pagkukusa —
Isang obra ang maipipinta.
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka,
Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa,
Bakit pa nga ba aasa pa?
Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga.

Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya,
Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa,
Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”,
At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”.

Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na,
Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula,
Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba,
Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa.

Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin,
Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin,
At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon,
Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon.

Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba,
Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga,
Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?”
At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?”

Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na,
Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda,
At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya,
At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya.

Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo,
At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako,
Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga,
Hindi pala dapat ako umasa.
Eunoia Aug 2017
Igawa mo ako ng isang istorya,
Ito ang huling hiling ng babaeng iyong pinagtabuyan,
Igawa mo ako ng isang Istorya,
Wala siyang pakielam kahit siya pa ang gawin **** kontrabida,

Igawa mo ako ng isang istorya,
At hahayaan ka na niyang bumuo ng sarili **** tema,
Patayin mo man siya sa dulo,
Hindi man siya ang iyong makatuluyan,

Wala kang maririnig na anumang sumbat,
Tuparin mo lamang ang munti niyang pangarap,
Igawa mo ako ng isang Istorya,
Huwag mo lamang sana itong pagkaitan ng emosyon at oras,

Nakakaiyak, Nakakatakot, Nakakakilig, Nakatutuwa-
Hindi siya magdaramdam,
Basta't gawan mo lamang siya ng isang istoryang may wakas,

Wakas na ipinagkait mo sakaniya sa inyong realidad,
Wakas na kaniyang hinahanap upang makalaya sa hawla ng "Bakit?" at "Paano?"
Igawa mo ako ng isang istorya,
At ako nama'y aawit saiyo ng isang elehiya.
Walang bahid
Ng dugo
Ang kagustuhang
Kumawala sa hawla.

Nais kong magwala
Buhat sa isang lipunang tulala
mawala
habang nakatingala
malayo ang tingin
maging mapagmasid
at hindi manhid
pipi o bingi
hindi tulad nila
paralisado ang pandama
daig pa ang makina
naka-program
naging utusan
walang alam
walang pakialam
tinatapakan na
hindi pa rin makaramdam.

(11/29/13 @xirlleelang)
Michelle Yao Dec 2017
Mahal ko, ika'y hinahanap-hanap ko,
ang iyong ngiti at pagmamahal kailangan ko,
Bakit kailangan tayo'y magkalayo?

Ikaw aking buhay't pag-asa.
pero ako na lamang pala ang umaasa,
Naglaho na nga bang tuluyan iyong pagsinta?

Mga tao sa aking paligid,
Lahat sila'y nagmamasid,
Kung ako ba'y sa lawa ng pag-ibig pa din sumisisid.

Pero aking natutunan,
ika'y pakawalan,
Sa hawla ng pag-ibig na walang katapusan at patutunguhan.

Malay ka na aking mahal,
ito ay dapat **** pakatandaan,
mahal pa din kita magpakailan pa man.
No Name Feb 2022
Anu ba ang pandemya?
ito ba ay parang hawla
na lahat tayo ay naka kubli
naka kulong sa apat na sulok
na wala na magawa
kung hindi naka totok telepono
naka tingin sa telebisyon
na araw araw di nag nagbabago!
nagbabago ang balita
na ang maralita ,
maralita lng ang nabubuhay ng normal?
pero hindi lahat tayo ay tinamaan
ibat ibang kwento
ibat ibang karasanan.

Nawalan ng trabaho
Nalugi ang negosyo
Naiwan ng mga minamahal
at wala namang maayus na tugon
walang kasiguraduhan
kung meron mag babago
sa mga bukas na haharapin
sapagkat tayo ay naging alipin
naging lumpo, tayo dahil sa pademya
lahat bay randam na?
ang pahirap at pasakit

Ramdam ko at ramdam nyu
ang malaking pagbabago
tinatawag nilang bagong normal.
bagong normal na di natin ginusto,
pero wala na tayong magagawa
andito na to.

Kaibigan , kapatid
sana tayo ay di sumuko
alam ko mahirap
pero tayo ay mag sumikap
tayo ay tumulong.
tayo mag kaisa
para ating boses ay umugong
Isigaw ng sabay sabay
na ngayun pandemya tayo
ay pantay pantay
lahat tayo ay may maitutulong
maliit man o malaki.
patuloy sa pagdarasal
na sa huli
tayong Pilipino parin ang magbunyi
Jermon Aug 2018
la hawla wala quwwatha illa Billah
there is no power nor might except in Allah

the trees, Who caused, them, from the earth to sprout and grow?
water, Who caused, from the skies, to fall and by the torrents, pour?
the planets, Who caused, to align by the ellipse, by sheer gravity?
the heavens, Who adorned, with stars, of utmost clarity?

which of the blessings of your Lord will you deny?

the sun, Who caused, to shine, to set and rise at appointed times?
the poet, Who caused, the words to flow in deliberate rhymes?
the human, Who caused, to electrify the messages of time?
the offspring, Who caused, to arise from a mix, minuscule?
oh, to men of ancient times, did all this be of ridicule.

indeed, man is flawed.

science is merely an implemented plan.
how can we believe there is a plan, with no Planner?
how can we expect, the gears to turn on their own, with no Turner?

the workings of the universe is defined by science,
but certainly, there must be a Definer?

do you not see the workings of your Lord, now unfurled?
surely, if even then, man does not believe, he has erred.
27.08.2018
I haven't capitalized the words at the beginning of the sentences to show that compared to His superiority, they are minors.
The trees, the rain, the planets, the stars, the sun all have a methodical system which nearly all of us know so I won't explain it here.
By the actions of the poet, I am referring to the activity of the brain involved in all of that, linguistic and whatnot.
By the human, I am referring to mainly the brain and heart, and the nervous system, (which work by neuron signals/ electrochemical reactions) as well as the intelligence He gave us to be able to discover all the electronic advancements of today's technology.
And further. All of these have very deep meanings and loads of references.
I have used the word Allah, because it is the name God chose for Himself and which He prefers to be called by, and that it is free of all blemishes. The word God, is flawed, for it can be made plural (Gods), and be assigned gender (God, Goddess).
The name Allah, is neither male or female, and is singular, and is very divine since Allah, Creator and Owner of all Knowledge and Power, chose it for Himself.
(I use pronouns like He, Himself because there are no pronouns in the English language that are gender neutral and singular)
Mix refers to Nutfah, the Arabic word for mixed ****** discharge, the ***** and ****, which anyone who has access to the Qur'an (which is everyone [Internet], can look up as it appears countless times in the Qur'an.
The only source that proposed these ideas, 1400 years ago, was Islam and the Qur'an. So to disbelieving folk of those days, who did not believe in their Lord, all this, science, was ridiculous. They did not believe Allah when clearly, He sent down the revelation. Except for the believers.
To all those who didn't know, yes, there is SCIENCE in Islam, a RELIGION, which many argue don't go together.
Science as we know it, is what man has found out of the truth, with Guidance from His Lord.  Islam, is the truth, which includes all of science. The Truth that Allah revealed very clearly.
I did say the workings of our Lord unfurled as in we've discovered Allah's Plan. But that doesn't mean we can implement it ourselves. Which people argue on today.
But yet, we've only unfurled a fraction of what He has done. Barely a fraction. Indeed, man is a creation. He can only comprehend so much. So it is up to us to be smart enough to listen when it comes knocking at our door.

I am only human. I can only portray what is within my ability with the permission of my Lord. For those who want to read an astoundingly better version of this, look up Chapter 55, Surah Rahman in The Qur'an.
(WARNING: This is not only based on Surah Rahman, it also includes references from many other parts of the Qur'an)
We, as speakers of English can only understand the translation of the original poem. And as anyone knows, to get the complete amazingness of a poem, you need to read it in the language it was written in, especially in this case, since the original Arabic is by Allah, and the translation by humans.
But it still maintains certain literary techniques.
In Surah Rahman, Allah asks the same question, over and over again.  It is because humans are forgetful and we need to be reminded. Repetition instills remembrance and then we think deeply about it.
Plus, we need to be told something countless times, until we understand it.
Thank You for taking the time to read all of this. I hope it helped and opened up a better understanding of this world in your minds.
We are the creation most loved by Allah, and indeed, we can do AMAZING things! Inshaallah (If Allah Wills)
:) SMILE!

If you have anything you want to ask, you can always message me, and I will try my best to answer. But you can ask any others who are knowledgeable on this topic (I must admit I am not as knowledgeable as most).

— The End —