Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Itaas ang iyong noong aliwalas,
Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.

Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.

O, ikaw na iyang may pakpak ng nais
At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.

Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,
Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot
Lunas na mabisa sa dusa't himutok
Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.

Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,
Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.

At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.

Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.

O dakilang araw ng tuwa at galak,
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,
Umakay sa iyo sa magandang palad.
Jose P. Rizal
Mark Ipil Sep 2015
Paulit-ulit na nagtatanong,
Palaging may binubulong,
Hanggang kailan ikukulong,
Huling sigaw ay tulong.

Puso’t isip ko’y nasasaktan,
Kailan kaya kita makakakamtan,
Kailan kaya ang tamang panahon,
Kung saan ang pagibig nati’y aahon.

Hanggang sa huli ay ikaw,
Sa mga sandaling ninakaw,
Sa piling mo aking giliw,
Oras nati’y walang maliw.
P.S. My very first tagalog poetry in hellopoetry, Sigaw ng Pagibig: Tulong!
M Apr 2018
Lumipas ang labindalawang taon
Nang tayo'y huling nag-kasama
Ako'y nilayuan, iniwasan
Dahil akala mo ay gusto kita

Ngunit kaibigan lamang
Ang pag tinigin sa isa't isa
Oo't ikaw ang huwaran
Sa bawat lalaking hinangaan

Hindi nasagi sa isip kailan man
Na ang tunay na mithi ay ikaw pala
Kaya't siguro nga, tama ka
Tama na ikaw ay lumayo at lumisan

Ako'y umibig sa isang tsinito
At ika'y nabighani ng haponesa
Nagkaroon ng sariling mundo
Mga kasintahan ang siyang naging pruweba

Mula elementarya at kolehiyo
Patuloy akong umasa at nag tanto
Kung ang ating mga destino
Ay muling magtatagpo

Sa loob ng labindalawang taon
Ikaw ay may mahal paring iba
Malapit man sa'kin, ika'y malayo parin
O giliw, hanggang pangarap na lang ba?
(A tagalog poem)



Tyaka na lang kita papansinin,
kapag kaya na kitang bigyan ng isang
matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi
nangangamoy usok ng sigarilyo.
Tyaka na lang kita kikilalanin,
kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip.
Tyaka na lang kita tatawagan,
kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog
bago pa magpalitan ang araw at buwan.
Tyaka na lang kita iisipin,
kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo
at hindi ang maaari kong gawin sa sarili
oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto.
Tyaka na lang kita papakatitigan,
kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula.
Tyaka na lang kita kakausapin,
sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig,
sa oras na kasiyahan na ang nasa isip
at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid".
Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay,
kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso,
kapag ang isip at kalooban ko'y
muli nang nagkasundo.
Tyaka na lang kita hahalikan,
kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi.
Tyaka na lang kita yayakapin,
tyaka ko na lang hahayaan ang sariling
maranasan na iyong mahagkan,
kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras.
Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan?

At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako.
Patawarin mo ang kototohanan na
binubuo ako
ng kalungkutan at kaguluhan.
Patawarin **** kung minsan
kapag bumuhos ang luha
ko'y mas malakas pa sa ulan.
Isang araw, aawit ako
ng awit ng pananalig at katiyakan.
Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan.
Ngunit sa ngayon,
dasal ko'y patawarin mo muna ako.

Giliw, tyaka na lang kita iibigin...
kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
poetman24 Oct 2017
Naulit na naman ang paalam
(poetman_24)

Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito
ngunit pagkatao ko'y laging ganito,
namutawi na naman ang paalam sa aking puso
bakit pag-ibig kayhirap **** matamo?

Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas
nagbabadya nang pagpatak na walang wakas,
wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas
napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas.

Bakit naman ganyan ang pagsubok
mga tinta'y naghihimutok,
ano ba ako sa pintig nang pagtibok
ako ba'y sawi sa bawat paglunok?

Hindi pala sapat ang likha kong tula
kaya lulukutin ko na lamang ang talata,
mauuwi na naman ang aking bigong diwa
sa 'di matatawarang luha.

Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin
nasasayang lamang ang taglay na damdamin,
nais kong isuko ang pagkatha sa hangin
sana masagot pa ang aking panalangin.

Makatang walang taglay na panulat
mga tinta'y mantsa sa'king balat,
nasasawi ako nang hindi ko alam
isa ba akong tampalasan?

Kung masasaktan ka sa aking piling
layuan mo na lamang ako giliw,
itanim mo na sa akin ang pasakit
tatanggapin ko kahit anong pait.

Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala
at alalahanin na ikaw ay may halaga,
kalimutan mo na lamang ako sinta
kung 'yan ang palagay **** tama.

Babalik na muna ako sa sa karimlan
itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan,
ililibing ko na lamang sa diwang hagap
na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
katrina paula Jul 2015
Ikinulong mo na sa'yong sarili
Ang patinig sa'yong pangalan
Kung paanong itinatago ng 'yong mata
Ang katotohanan sa mga katanungan
Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso,
Kaya nasambit **** di lahat ay totoo?
Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga
Kaya tila naumid sa tugon yaring dila?

Giliw, di yata nalimot **** ang salita'y di pulos patinig lamang
Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig
Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig
Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig
Para sa iyo K.B.C.  At sa iyong mga itinatago
jeremejazz Dec 2010
Ako’y isa lamang pinuno,
Gumabay sa isang hukbo.
Oras ay itinataya upang magturo,
Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado.


May mga taong gusto akong tularan,
Mga nasa ikatlong taon ng paaralan.
Tungkulin ko sila’y turuan,
Upang sila’y magkaroon ng kaalaman.


Mga COCC kung sila’y tawagin,
Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin.
Mga katulad ko’y dapat sundin,
Upang makamit nila ang kanilang hangarin.


Meron akong isang CO na nakilala,
Pansin ko’y kanyang nakuha.
Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda,
Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata.

Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal,
pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal.
Ito’y aking gagawan ng paraan.
Kahit ito pa ang batas ng paaralan.




Tinataguan ko ang aking Commando,
Upang makipagkita sa giliw kong CO,
Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado,
Na umiibig naman sa isang pinuno.
                                          

Bakit ganito nalang ang pag-ibig,
Palagi nalang may humahadlang sa paligid.
Hindi ba nila alam kung gaano kasakit,
Ano ba ang kanilang naiisip.


Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang,
Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan.
Huwag sanang masira ang ating samahan,
O Aking Joana, hindi kita titigilan.
*this Poem is written in Filipino
112715 #4:25PM

“Banaag ko ang Wikang tugon;
O Giliw na siyang inaapuhap,
Sayo ang bituing salin sa tatsulok
Sayo ang kambal ng Langit at Dugo.”

Mala-unos ang bungang may diin.
Salawal ng kataga’t tugma’y banderitas na puti,
Doon nabuo ang Kasaysayang hindi makasarili.

May iilang Juang Hudas,
Bumalasubas sa Bayang itinakwil
Kaya’t suwail ang makabagong talinhaga
May lalim sa pag-unawa
Bagkus ang isip ay libingan ng mga diktador
Na siyang puspos sa paghihikahos.

“Paumanhin, Giliw
*Pagkat ang puso’y may gitgit.”
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
Rey Tidalgo Jul 2016
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak
Sa landas ng gabing / humahalimuyak
Doo'y tutuparin / ng ating pangarap
Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap

Kata'y aaliwin / ng mga kundiman
At patutulugin / ng hanging mahinay
Pag-ibig ang ating / magiging himlayan
Sa harap ng tala't / mga bulalakaw

Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog
Lilipas ang hirap / lahat malilimot
Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog
Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog

Kata'y maglalampong / nang buong hinahon
Wala ni sinuman / ang makatututol
Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon
Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong

Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin
Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw
Sukat na sa akin / na iyong ibigin
At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw!

Tena at humimbing / sa gabing tahimik
Na nilalambungan / ng nunungong langit
Mga puso'y sabay / na mananaginip
Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
***
Kata - Tayo
Kundiman - Awit ng Pag-ibig
Bungang-tulog - Panaginip
Lipos - Puspos
Maglalampong - Maglalambing
Nanalong - Matulaing anyo ng bumabalong
Mamalasin - Mamasdan
Pintuho - Pagsuyo
Tena - Tara na
Hele - Awit na pampatulog
Nakaukit na ang ngalan mo sa akin.
Ito ang katotohanan na alam ko.
Tila ba paulit-ulit nang ipinipilit ng panahon
na tayo'y pag-lapitin, na pag-lapatin pang muli ang ating mga palad. Ang ating mga labi.
Ngunit sa pagkakataong ito, nagpapanggap at nagsusumiksik ang panahon sa likod ng aking katawan at pagkatao.
Matagal nang kumawala ang tunay,
tangay nito ang ating awit at binitawang
mga sambit.
Hinalughog kong muli ang bawat tula mula sa pagkakawala ng mga ito sa lawak ng tagpuan ng makisig na buwan at payak na lupa.
Pilit kong isinaboy ang nakakapuwing na buhangin upang balutin nito ang mga bituin.
Upang mapadali ang sa kanila'y pag-dakip at sa mga pangamba mo'y aking itinakip.
Sinubukan kong gawing sigwa ang natitirang patak ng tuyot nang lawa.
Isang kasalanang pagbabayaran ng ilan mo pa kayang lihim na pagluha?
Sa dampi ng ginaw, isang ihip lang iyan, at hinding hindi na tayo muling magugunaw.
Ibinulong sa mga alitaptap na kung mabibigo at masusugatan man sa isa pang himagsik,
hindi alintana kung ang gantimpala ay
isa pang halik sa labi **** nilikha para sa akin, oo, ito'y para sa akin
ngunit mananatili ka namang naglilibot.
Kahit isa pang himagsik.

At isinumpa ko ang panahon. Ang relihiyon.
Hindi mo ba alam na ang pagmamahal ko sa'yo ang aking relihiyon?
Tawag ko ang ngalan mo hanggang sa pagbubukang-liwayway.
Dinarasal sa tuwina ang pamamalagi na lang sana ng iyong ngiti.
Niluhuran ang nagniningas na lahar,
nakayapak na nagtungo sa paanan ng iyong pagkabahala. Ito ang aking altar.
Patuloy ka pa rin namang maglalakbay.
Lingid sa iyong kaalaman na hinamon ko na ang araw sa gitna ng tag-ulan;
"Husgahan mo na ako. At kung mananatiling magmamahal itong puso,
maka-ilang ulit mang apak-apakan at kaladkarin, sa bawat araw man ay magalusan at mag-langib, habangbuhay mo pa akong sunugin at ito'y malugod kong titiisin! Sa araw na ang aking katawan ay masasawi, hanapin mo ako sa anyo at kulay ng mga puno at damo at siyang parusahan din."
Ngunit itong pag-ibig ay tila ba nagmimilagro o ito ang milagro mismo.
Araw na mismo ang tumanggi, pinasinayaan pa ng mga agila at payo ng mga talampas.
Anito'y mauubos raw ang sansinukob sa ugnayang ito. Natatawa kong tugon; "iyon nga ang aking punto!"
At ito ang naging kapanganakan ng kawalan ng ginaw dito sa piling ko.
Pinarusahan pa akong muli na mananatili kang maglalakbay, maglilibot, malayo sa aking tabi.
Na patuloy **** hahanapin ang lamig ng hatinggabi.
Kahit halinghing lang sana ng iyong tinig,
malaman ko man lang na tayo'y tumatanaw sa iisang langit.
Manatili ka lang na nakatungtong sa sansinukob na minsan ko na ring isinumpa.
Manatili ka lang na naglalakbay at naglalakad sa kulay ng damo na minsan ko nang inalay sa saliw ng pagkabalisa.
Manatili ka lang, giliw...
kahit hindi na sa aking bisig.

Sa hagupit, sa kamalasan na lamang ako makikipaghimagsik.
Hindi na magmamakaawa ngunit hindi pa rin magsasawa.
Tatanawin ka sa kabila ng ginaw,
ngunit ang awit ng pag-ibig para sayo'y hindi na malulusaw kahit sa tag-araw.
Ang tagtuyot ay pababayaan na lang o hihintayin kahit ang pag-ambon, hindi na ipagdarasal ang sa atin ay isa pang unos.
Mga buhangin ay isasauli na sa dalampasigan, upang sa pagbalik ng tag-init, mga halakhak natin ay mananatiling nakakabingi.
Sa iyong mata'y manatili sana ang mga bituin.
Marahil hihinto na rin sa paghahalughog ng nawawalang mga tula at prosa,
lilikha na lamang ng mga hungkag na pangungusap na tila ba pang-hele sa
sarili sa mga gabing nasasabik pa sanang basahin ang pagpapatuloy ng ating nakabitin na akda.
Ang iyong mga awit, ang iyong pag-awit... ipinagdarasal na aking mapagtagumpayan ang pagpapanggap na hindi na ito kailanman balak pang marinig.
Ang ika'y makadaupang-palad, ang sayo'y makipagpalitan ng maiinit na halik...
ay, para lamang dito'y lilikha na naman ba ng isa pang tula?
Panahon, isumpa mo ako pabalik.
Susukuan na ang pagpilit sa iyo.
Wag ka lang sukuan ng pag-asa na sa iyong nais at tunay na matungtungan ay pihitin ka pa-usbong. Ako na lamang sana ang gantihan ng panahon.
Ang katotohanan na sa kasaysayan at mga katha ay hindi na maaalis; kailanman, anuman at saan man...
nakaukit na ang ngalan mo sa akin.
George Andres Jul 2016
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang
Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang!
Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman
Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang
At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan
Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang
At di kayang punan ang puso kong kulang kulang

Nais kong umibig sa kalayaan
Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan
Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap
Sa buhay kong kay tagal di hinagap

Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo
At agawin ka man ng kahit kanino
Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo
Dahil ikaw ng pinili kong ibigin
Sa sibat o bala handa kang sagipin
Ialay ang boses na para sayo lamang
At walang ibang magkakamkam

Ikaw lamang ang hindi mamamatay
Na maski pagkaraan ng daan taong namatay
Ay muli ring mabubuhay
Kung mawala ka man saakin o aking giliw
Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw
Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas
Ay kahangalan ng isang batang mapangahas
O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas

Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man
Hindi ka nila maaagaw o kalayaan

Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan
Ubos ang laman, ginahasa't binayaran
Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan
Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan?
Di pa sapat ang aking kamalasan
Binaligtad aking katotohanan
Maging ang pagkapantay pantay
Na siya rin mismo ang pumatay
7816
jia Jul 2018
takbo mo'y karipas
sa bawat ahon na humahampas.
pinipilit tumakas
sa mga buhanging nakakalas.

ngiti mo'y di mapawi,
tingin ko'y di mawari.
sinasabi mo'y sari-sari,
buhok ko'y lagi **** hinahawi.

buntong hininga ang tanging ipinalit.
wala ka manlang bang kamalit-malit?
kama'y mo ay sa aki'y ikinawit,
sa akin ay ngumiti ka saglit.

pilit tinutugunan,
salita mo'y ako ay naambunan.
tayo'y nagtatawagan,
diri sa isang munting dalampasigan.

ikaw lamang ay maging masaya.
o aking sintang giliw, ako'y kuntento na.
makita kang nakangiti't tawa,
sa aki'y iyo'y sapat na.
012116 #Genesis

"Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa,
Habang ako'y hamak na ligaw lamang,
Sa lupaing yaong paraiso sa inyo.
At kagandahan mo'y
Siyang bukas kong may sigla."

"Ginoo, ako'y hanga sa iyo
Pagkat tupa ko'y iyong diniligan.
Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin."

"Hayaan **** pagsilbihan kita,
Kahit pitong taon pa.
Giliw, ako'y maghihintay.
Mabilis lang ang araw
Sa pusong tunay na nagmamahal."

"Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal.
Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban?
Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo
Nang maarok ko ang tugon mo."

"Sinta, ako ma'y subukin pa
Ng pitong taong muli.
Ipaglalaban pa rin kita,
Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon."

"Salamat pagkat ikaw ang kabiyak,
Puso mo't lakas, tila'y napagod.
Hayaan **** ako mismo
Ang siyang magbigay kapahingahan."
MPS12 May 2017
Dinggin ang bawat salita
mula sa puso ko mahal.
Ikaw lang ang sinisigaw
ng damdamin kung tunay.
Araw araw at gabi gabi,
isip ay hindi mapakali.
Puso'y laging kumakabog
habang ikaw ay nasa tabi.

Totoo ba talaga and nararamdaman?
Na ang pag ibig ko sa'yo ay walang hangganan.
Na sana ako'y mahalin din ng walang katapusan.
Sa paglalakbay,  kamay mo lang and lagi kong hahawakan kung saan man ang patutunguhan.

Ligaya s'akin mga mata habang ikaw ay pinagmamasdan.
Hindi kapanipaniwala na ang pagibig mo'y s'akin lamang.
Ingatan mo ang puso kong madaling masaktan.
At ang hiling, o giliw, ay mahalin ng sapat at ng lubusan.

-MPS12
082121

O giliw at ginintuan kong bayan,
Sa mga galamay ng may burdang hinagpis
Ay ‘di patitinag ang katapatan kong sayo’y itinatangis
Panaghoy ko’y ‘wag sanang lisanin
Ang pangako nating hanggang sa dulo’y mananatili.

Hindi man sa ngayon
Ang paggawad ng medalyang kailanma’y hindi mangangalawang,
Ako’y magtitiis sa muling paglipad
Ng kalapating pilit na itinatali’t ikinakahon
Sa mga islang tanging anino na lamang ang kasarinlan.

Kung mamarapatin lang ng may Likha
Na ako’y tupukin na lamang ng apoy na hindi nakasusunog
At ako’y ayain sa hardin nang walang kamalayan
Kundi pagpuri sa Kanyang kagandahan.
Ngunit kailanma’y hindi ako mangingimasok
Sa kung anumang inilatag sa aking harapan.

Gustong lumuha ng dugo
Ng aking mga matang may iisang tinitingnan.
Sa mga kamay Niya’y
Hahayaan ko na lamang na dumungis ang mga butil
At ang Kanyang pagkalinga’y
Magsilbing panlaman-tiyan.

Kung makararating man sa lahat ng mga pinili
Na ang aking pananatili’y hindi pansarili lamang
Kundi ito’y aking pagpasyang piliin pa rin
Ang tahanan bagamat ito’y pinagtaksilan ng karamihan.

Sa mga pulong walang kapanatagan
At walang kapaliwanagan ang may kapangyarihan,
Ay naniniwala akong hindi paglisan ang solusyon.
At kung takot at pangamba ang kanilang mga naging dahilan,
Ay hindi ko kokonsintihin
Ang puso kong anumang oras
Ay kayang piliin na rin ang paglisan.
RV Mar 2016
Kurap.

Ng isang sandali
Para lamang siguraduhin na
Ating mga haplos sa bawat gabi
Ay hindi isang panaginip

O giliw, o akin
Kumurap muli - kahit paulit-ulit
Kumurap. Pumikit.
Hangga't kakailanganin
Hangga't sigurado na tayo
Sa ating mga hakbangin.

Pero aking giliw,
Alam kong alam natin
Na ang mga umaga natin
Ay hindi na madadatnan na magkatabi.
Pangalawa.

R. V.
kingjay Dec 2018
Binura ang sinalungguhitang alyas
Ang nag-alsa na biyas
Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat
Dahil sumunong nang kapalaluan,
tumiklop ang tuhod

Simulang pagtingin ay noong una na nabighani
Nababaliw sa sinundang pag-ibig
Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin

Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan
Kung sumandig man sa ataul ang katawan
Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa

Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika
Mamangha sa mahika na taglay
Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin

Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok
Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot
Ginupit at lumikha ng damit ng manika
Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig
justayasantos Jun 2018
Malaya kong isinulat
Upang marinig
Salitang bibihira ng sambitin
Tanging sayo nais iparating

Malaya kong binigkas
Sintang giliw
Upang ikaw ay lubos na mahalin
Puso’y sayo lang tanging ibabaling

Malaya kong ibibitaw
Lahat ng nasaakin
Sa sintang iisa lamang ang nais
Puso’y maangkin

Malaya kong namaalam
Na ika’y makapiling
Sa sintang giliw
Na nais makamit
ilang beses ko din sinubukang agawin ang iyong pansin
ngunit kahit bahagya ay hindi ka napatingin
matagal-tagal ko din itong kinimkim
hanggang ngayon ay natatakot pa rin
na baka sa huli,
sa huli ako'y iyong balewalain

gayunpaman
sa kadahilanang meron akong pagkakataong aminin
giliw
ako, sayo ay may lihim na pagtingin
Jud May 2019
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita
Saan na kaya? Sana'y bumalik kana
Hininitay ka na niya
Matagal Tagal naring  ikay nawala
Nalilibang kana ata?

Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito
Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo
Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo


Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ilang bundok na ang kanyang inakyat
Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na
Habang ikaw ay naaaliw
Bulong niya'y, oh aking giliw
Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako.

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak
Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak
Niyakap ka niya at sinabing
Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ikay hinahabol niya
Bamalik ka na daw sakaniya
Basahin mo ulit ang kanyang mga salita
Dahil ang mundong Ito ay mawawala
Ngunit ang kanyang salita ay mananatili

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Pagmamahal na walang hanggan
Mamahalin ka hanggang katapusan
Kahit di tayo'y karapatdapat
Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Oh Diba ang Hirap makawala?
Ang Hirap ng walang ama
Kaya't Tara na at bumalik sakanya

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap.
Kay Tagal rin bago ka na hagilap
Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap
Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama.

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa.
Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay
Para sa aming buhay
God loves you so much! ❤️
brandon nagley Aug 2015
i

I'm stuck inside her panaginip lip's, she's ****** me all in
She cast a spell, of amour' swell, chain's of cabochon to her hips;
Oh mine giliw, thine finger's art sweated, locking mine own
We'll treck thine mountain's, and rule the slopes, then back home

ii

We shalt Kench the white puffies, floating above ourn observation, making elephant's and giraffe's with touched finger,
Two strange unknown attainer's, strapped with starry wit
We shalt never forget another, always to be closer as lovers, bliss

iii

As Beowulf, I shalt slayeth the dragon's, and pain-seekers of hate
For plentiness shalt be by bucket's, as gold dust falls as ourn date;
An Iniibig kita from thou, a Lagi kitang iniisip from mineself
An Gusto kitang tawagan from thou when I'm gone, Pahalik!!!!





©Brandon nagley
©Lonesome poet's poetry
©Pilipino rosas/ あある じぇえん
panaginip- means a dream in Filipino
cabochon is a polished gem but not held down.
giliw- is darling and other words like it in Filipino
Iniibig kita means I love you In filipino
Lagi kitang iniisip means I always think of you in Filipino.....
Gusto kitang tawagan means I want to call you in Filipino...
Pahalik means let me have a kiss..
deadwood Dec 2017
Darating ka pa nga ba?
Mukhang marahil di na
Totoong ika’y nanlimot, aking sinta,
Sa pangakong pagmamahalan nating dalawa.

Maaaring sabihin **** ako’y baliw, di-karapat-dapat,
Ngunit ikaw, giliw, ay kailanman naging sapat,
Sapat na upang patuloy kong ibigin,
Ibigin kahit na iyong di mapansin.

Pero bakit?
Bakit nga ba di ka na darating?
Bakit ba labis ang lungkot na aking tinatamasa sa iyong di pagsipot?
Tanggap kong hindi mo nga talaga ako kailanman magugustuhan,
Subalit matindi pa rin ang hapdi ng puso kong iyong sinugatan.

Sabi nga nila, ang tulad mo ay tipong paasa,
Yung tipong mangangako at di sasama,
Marahil ako nga ang siyang problema,
Ako nga ang taong umasa,
Pero tangina,
Salita mo ay iyong bigyang halaga.
yv Jun 2019
Nangungulila ako sa iyo
Sa iyong mga ngiti't halik
Nangungulila ako,
Sa iyong mainit na pagyapos

Giliw, patuloy akong nangungulila
Sa iyong wagas na pagmamahal
Na pillit **** ipinagkakait

O aking sinta, iniirog kitang sobra
Hindi mo lamang namamalayan
Ako'y nangungulila sa iyo
I just love how sincere this sounds in my mother tongue. As Jose Rizal said: Nakakapagbugso ng damdamin or in present days, nakakakilig <3
RV Jan 2016
Ayoko nang mag-isip
Dahil baka aking ma-isip
Na kahit hanggang ngayon
Ay wala ako sa'yong isip, giliw

Ayoko nang pumikit
At ayoko nang mangarap sa bituin
Dahil sinta ko,
Ikaw ang aking panaginip

Ikaw ang nasa talukab ng aking mga mata
Na nawawalang parang bula
'Pag dating ng umaga

Pero aking mahal,
Hindi ka nawawala pag-umaga,
Dati

Kaya sa dati na lang ako kakapit
At sa dati na lang ako titingin
At sa dati na lang ako mananatili
At hindi sa aking mga panaginip na mapagsinungaling.
R. V.
kingjay Apr 2020
Sa ulan naligo nang nagagalak
Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid
At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik
Paggugunita sa mga araw ng paggiliw

Noong kami pa ay parang langit
Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip
Walang gabi na tahimik
Sapagkat parating may malamyos na awit

Ang pakiramdam ko sa panganorin
Walang hanggan-kataasaan ay di malirip
Ngunit unti-unting nawawari
Kalangitan ay isa lamang bahagi

Kung ituturing ay isangpanig-ibig
Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir
Tinakasan na nakalupasay sa pananabik
Ang sinta ko sa iba kumapit

Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti
Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik
Yakap niya sa akin ay napakahigpit
Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit

Binigyan man ng malapad na bagwis
Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t
Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit
Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil

Tinuring na reyna sa kahariang panaginip
Kahit na inaalila niya' t inaalipin
Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip
Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim

Kung maparool man ay hindi itatanggi
Na minamahal siya' t itinatangi
Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin
Namumukod tangi siya, walang kahulilip

Huli na nang malaman ang ibig
Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais
At upang sa isang tao' y mapalapit
Ginawa niya akong tulay - pantawid

Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig
Tiyak na maluluray, at dadaing
Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis
Duro sa puso' t wasak na damdamin

Nararamdaman ang masidhing lunggati
Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing
Nasang na sana ay laging magkapiling
Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim

Larawan niya' y kinikimkim
Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip
Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari
Hubog nito' y lumbay hindi aliw

Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw
Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig
Kung may pagkakataon ay aking hihilingin
Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin
Kay gandang tanawin ng iyong ganda.
Kay sarap pagmasdan,
ngiti ng yong mga mata.
At sa bawat sulyap mo,
mundo ko'y humihinto.
Sabay ng pag bilis,
pintig nitong aking puso.

Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka.
Hindi naman nito napapawi,
tuwang aking naipipinta.
Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta,
Tiyak namang pag-ibig,
itong aking nadarama.

Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta.
Ngunit syang tunay,
ito ang batid ko sa twina.
Malabis man na kabilisan,
itong aking pagsinta.
Pangako ika'y iingatan,
saksi man ang mga tala.

Sa bawat taludturan ng tula kung ito.
Ipinababatid ko,
ang pag giliw ko sayo.
Ngunit kailan ma'y,
hindi aasang susuklian mo,
Mabasa mo lang ito'y,
lubusang ikasisiya ko.
Ito yung tula na inialay ko sa kauna-unahang babaeng binigyan ko ng bulaklak. Pero hindi rin naman nagtagal ang pag-ibig, nawala at naglaho.
Cal Ashiq Aug 2022
Tara na sa bahagharing kay ganda
Kasabay ng kislap ng iyong mata
Mga ngiting di alintana
Hiling kong makita sana

Halimuyak na iyong dala
Sa akin ay nagpapangulila
Tamis ng iyong tinig
Labis kong iniibig

Giliw ako'y ilagay sa iyong isipan
Kaagapay sa kahirapan
Pagkat ikaw man ay lilisan
Magtatagpo pa rin kinabukasan

Isang banayad na panalangin
Aking laging sasambitin
Sa iyo'y ipagkaloob itong dinidingin
Wagas na pagmamahal ng Diyos na mahabagin

Kay Hesus aking sasambitin
Na ika'y lagi nyang mamahalin
Hihingin kay Birheng Maria
Na kailanma'y di ka mangulila

Sana'y lagi **** madama
Sa tuwing ika'y nag iisa
Yakap nilang kay Tamis at Ganda
Di mawawala itong pagsinta

Kailanma'y sa puso at diwa
Sumasaiyo itong magandang gunita
RV Mar 2016
Titig.

Sa akin, sa akin.

Lagpasan na natin
Ang hangin na namamagitan
Sa ating mga panalangin
Na ipinagbabawal ng ating mabubuting tangkain.

Pero aking giliw,
Alam kong alam natin
Na wala nang mabuti
Sa ating mga dalangin.
Una.

R. V.
EJR Jun 2017
Kung awa na lang pala
Sana umalis ka na
Sana kaya **** sabihin
Pakiusap, wag mo nang pigilin
Saktan mo na ang aking damdamin
Wag mo nang patagalin

Wag mo nang dahan-dahanin
Tapusin na ang dapat tapusin
Ang paalam ay sambitin
Ang lubid ay putulin
Giliw, kung ako ay papatayin
Sa isang saksak na lang rin

Kung wala nang pagmamahal
Bakit mo pa pinatagal?
Pinagmukha mo pa akong hangal
Putanginang gagong kupal

Kung awa na lang pala
Utang na loob! Umalis ka na
Ika'y aking pagbubuksan pa
Ihahatid pa kita

Ngunit...

Wala na ba talaga?
Sigurado ka ba...
Na awa na lang ang natitira?

Kung awa na lang talaga..
Baka pwedeng ako'y kaawaan pa

Hanggang sa ako'y mahalin ulit..
Daynyel Jan 2018
Sariwa pa sa aking alaala,
Nakaraan nating dalawa
Pinangakong magsasama,
Habang buhay hari't reyna.

Mga panahon ay lumipas,
Pangako'y tilang kumupas,
Tinangay ng hangin pataas,
At pagmamahalan natin tila nagwakas.

Ako'y iyong naging tanggulan
Nang buhay mo'y inulan,
Ako'y iyong naging sandigan,
Giliw, bat mo ngayo'y iniwan?

Tingnan kay di ko magawa,
Kalimutan pa kaya?
Nakaraan nating dalawa
Hanggang ngayon dala-dala ko pa.
Tinawid ko ang karagatan,
binaybay din ang Kabisayaan.
Mula sa hilaga, sa Katagalugan,
mahanap ko lang ang katotohanan.
At makita ko lamang ang kasagutan,
malasap lang ang angkin nitong tabáng.
'Di lang karagatan ang handa kong tawirin,
mga ilog na may buwaya rin, aking giliw.
Makita ko lang sa'yong mata ang saliw
at dampi ng aking nadaramang sakit.
Babaybayin ang buong bayan at isla,
bibilangin ko ang bawat mga tala.
Lilibutin ko ang kabundukan,
lilituhin ating kapalaran.
"Santa Cruz de Siqujor" trilogy, 1 of 3
kingjay Sep 2019
Kapag natataruk mo na ang tanging ibig
Magawi sana sa pintuan muli
Sa dampang giba-giba
Ngunit tatahakin mo muna ang mga madawag na landas

Kung pagod na't nagbubuntong hininga
Magpahinga sa puno ng mangga
Ang lilim nito'y aking kalinga
Sa iyo kahit hindi naging tayong dalawa

Mag ingat ka sana sa mga malalaking bato
Baka matisod ka sinta ko
Lumakad ka nang mabini
Di ako mainipin para ika'y magmadali

Dahan-dahan na dumaplas
sa kawayan na matinik baka sumalubsob
Sa balat **** manipis na parang sanggol
Sapagkat sinadya na ginawang bakod

Kapag natatanaw na ang aking tirahan
Tawagin mo sana ang unang pangalan
Para agad kong malaman
Sa boses **** malamig sinlamig ng tag-ulan
Malalaman na ikaw na yan giliw
di na bibitawan
Randell Quitain Feb 2018
sa tuwing ako'y gigising,
pansin mo aking hiling,
sa "kamusta aking giliw?"
pag-ibig 'di magmamaliw.

— The End —