Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
renzo Apr 2020
Pumasok sa bulwagan, mga tao'y nagtipon.
Ang pagbukas ng kurtina ang siyang sa'kin sumalubong.
Mayroong isang dula, napukaw aking atensyon.
Nakamumulat ng mata at may malinaw na intensyon.

Tanaw ang isang dalaga, pagsalita niya'y mahinahon.
Nananawagan sa madla, naghahanap ng tulong.
Kumakalam daw ang sikmura, pansin kanyang tensyon.
Sigaw lang ng dalaga, "Pagkain para sa nagugutom."

Alagad ng batas ang nakakita, dalaga'y sinakay sa apat na gulong.
Minaltrato ng sistema, inabuso kanyang dunong.
Binaba kaniyang palda, rinig sa dalaga ang pag-ugong.
Dinala siya sa korte ang dalaga, makasalanan daw at siya'y nakulong.

Hanggang sa kasukdulan, pait ang kanyang dinaranas.
Sa kamay ng batas, sa kamay ng nakatataas.
Dalagang lumalaban hanggang mawalan na siya ng bukas,
Ang pag-gahasa sa bayan, ngalan ng dalaga'y Pilipinas.
Erikyle Aguilar Oct 2018
Si tatay,
siya yung tipong gagawin ang lahat,
kahit buong buhay niya ibibigay,
pupunta kahit saan, kahit kailan,
masuportahan lang ang buong pamilya.

Siya rin yung kahit na may mali ka,
pilit pa ring iintindihin ka,
grabe ‘yan kung magalit,
pero pagdating sayo, may pusong mamon.

Ang haligi ng tahanan, ang tagapagbantay,
hahanapin ka pag napapahiwalay,
walang sinumang pababayaan,
hangga’t kaya, ipaglalaban,

Kahit sobrang daming problema,
kinikimkim nalang, hndi pinapaalam,
kasi ayaw niya kayong mapahamak pa.

Kaya ‘tay, kahit marami kang ginagawa,
pinararamdam mo pa ring andiyan ka,
pero ‘tay, kamusta ka na?


Si nanay,
siya ang ilaw ng tahanan, totoo nga naman,
iingatan ka, pakakainin ka, ipagluluto ka,
minamahal ka,
hindi ka niya iiwanan, kahit gusto **** makapg-isa.

Siya yung sa simula palang,
naghihirap na, nasasaktan na, nagtitiis na,
lahat ng ginagawa niya mula sa simula ay para sa’yo,
siya yung kahit madaling araw na, gigising pa rin,
makita ka lang na natutulog nang mahimbing, sapat na,
at kahit walang tulog, pagsisilbihan ka pa rin.

Kahit galit, mahal ka niyan,
“makuha ka sa tingin”, lagi niyang sinasabi,
magbibilang pa siya, kasi mahaba ang pasensya niya sa’yo,
“isa, dalawa, dalawa’t kalahati, magtatatlo na”.

Kahit madalas siyang galit, mas umaapaw pa rin ang pagmamahal niya,
hahanapin ka hanggang makauwi ka, hindi pa ‘yan makakatulog nang wala ka,
makakailang tawag pa sa’yo,
kahit puro “asan ka na?” ang naririnig mo,
mamimiss mo, at hahanap-hanapin mo pag hindi tumawag.

Kahit may pasok, kahit may sakit, kahit pagos,
hindi siya magiging tamad, nagpapahinga lang,
kaya mahal ko ang nanay ko,
kasi siya ‘yong laging nasasandalan ko.

Walang kontrata ang pagmamahal ng mga magulang,
dahil kahit matanda na tayo, tatay pa rin si tatay, at nanay pa rin si nanay.


Si kuya,
siya yung kapatid na hindi mo maintindihan kung paano magmahal,
siya yung kapatid na grabe mangasar, mangulit, at magpahiya,
ganyan naman talaga 'yang si kuya,
ganyan niya pinapakita ang pagmamahal niya sa'yo.

Hindi man siya magsabi ng "I love you",
ipakikita naman niya ito sa pamamagitan ng
pagmamalasakit niya sa kaniyang mga kapatid,
ipapaubaya ang kahit ano,
kahit na mas kailangan niya pa.

Hanga ako kay kuya,
dahil hindi madali maging isang panganay,
lahat ng galit o sermon, sakaniya napupunta,
kahit madalas ang kapatid niya ang may kasalanan.

Walang papantay kay kuya,
kaya kuya.
andito lang ako kung hindi mo na kaya.


Si ate,
bibigyan ka ng atensyon kahit may ginagawa siyang iba,
madalas na nagbibigay ng payo,
mapagsasabihan mo ng mga lihim,
parang isang talaarawan.

Siya ang kanang kamay ni nanay,
kasama sa pamimili sa palengke, kasama sa kusina,
kasama sa pagluluto at pagkakain, kasama sa pagpupuyat.

Aasarin ka niyan, pero mahal ka niyan,
sasabihan ka niyang, "Uy, binata ka na".
o kaya, "Uy, dalaga ka na",
Maiiyak ka sa tuwa sa pang-aasar niya.

Siya ang unang yayakap sa'yo sa kalungkutan mo,
malambing, parang anghel ang boses, mainit ang yakap,
lahat ng init na kailangan mo sa malamig na gabi
ay mabibigay niya.

Parang mga bituin sa langit,
kaya si ate, mahal ko 'yan,
mahal na mahal ko 'yan.


Bunso,
siya yung pinakamakulit sa lahat,
kahit anumang suway mo,
sige, tuloy pa rin sa pagkakalat.

Siya yung nagpapasaya sa bahay,
ang kaniyang paglalaro
o presensya palang ay sapat na.

Siya yung nagmamakaawa,
makamit lang ang gusto niya.

Kahit na pagod na kayo,
tuloy pa rin ang pangungulit,
tuloy pa rin ang kaniyang pagpapatawa,
hanggang sa sumakit ang panga mo sa katatawa.

Ading,
salamat dahil andiyan ka,
salamat sa pangangamusta,
mahal ka naming lahat.
a collab work of Chester Cueto, Jose De Leon, Danver Marquez, Erikyle Aguilar, and Ericka Kalong
64 Ngayon ay para sa dalaga
May dalawang pagsubok ang nakahanda

65 Una ay magtungo sa Silangan
Kay lalaki na tahanan

66 Upang doon gawin
Ang pagsubok na hinain

67 Iyon ay ang ipagluto si lalaki
Ng pagkain na marami

68 Maging mga magulang ng binata
Nasarapan sa mga niluto niya

69 Ang ikalawa naman ay ipaglaba
Ng damit ang sinisinta

70 Kaydali niya itong natapos
May linis at bangong tumatagos.

-07/11/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 167
mac azanes Feb 2016
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila.
Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama.
Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo.
Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay  at hahanapin ang bawat isa.
Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay.
Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay.
Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal.
Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan.
At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban.
Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin.
Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay.
Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa.
Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka.
Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
VJ BRIONES Jul 2017
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata
kapag nakakakita ng magandang dalaga
na naglalakad sa kalsada
isipin na nating..
maikli ang kanyang palda
maputi ang hita
malaki ang dibdib
teka
tama na
nakaklibog na diba!?
o kaya naman ang pagmamahal
ay parang
yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat
ay nakakapagtindig balahibo
dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak
o ito ba
ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi
kapag tayo ay kinikilig ng lubusan
dahil nga ang sweet sweet niya
kulang nalang magkadiyabetes ang puta
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?

ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung kapag dalawa lamang kayo
nakahiga sa mga damuhan
o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan
habang nilalanghap ang simoy ng hangin
sa taas ng gusali o kaya bubungan
na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin
at sinasabi na ang bituwin na yan
ang parang hugis puso
kahit hindi naman talaga
para masabi kolang na meron tayong pag-ibig
para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa
kahit hindi naman talaga
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung may nakilala kang tao
na wala kang ideya kung sino
na ang inyong bigalang tagpuan
ay hindi niyo naman pinaghandaan
o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao
na tayo ay hindi basta tao
tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan
na kailangan man tayo ay tao
napapagod din
natututong sumuko at bumitaw
sa kapit ng "kaya ko pa"
dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan
para hindi tayo masaktan
ganun ba ang pag-ibig?
ang pagbitaw ba ay pagmamahal?
ang pagsuko ba ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung paguubos natin ng oras
kahit na alam natin na ito ay walang kwenta
pero wala nakong pakialam
dahil nga kasama kita
na ang saya saya natin dalawa
nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan
hinuhusgahan ang mundo
sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto
wala kanang pakialam
kase nga kasama mo ako
na sana
hindi na matapos to
tayong dalawa
ikaw
ako
at ang ating magagandang mermorya
ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko
ganun ba ang pag-ibig?
ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung galak kapag nakikita kita
o kaya yung kapag kasama kita
kapag ako'y ubos na
pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta
andiyan ka palage
nakaaalalay
handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung pakiramdam
kapag tayo'y nagpapaulan
na para bang gusto na nating sumuko
sumuko dahil tayo ay pagod na
sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal
ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa
iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay
sige ibigay mo ang lahat
hindi ako basta basta natutumba
hinihiling na sana magkasama tayo sa huli
sana wala nang huli
sana wala tayong dulo
dahil ayoko, na ito ay magwakas pa
o kaya hindi na natin ito inintindi
dahil ang gulo na ng  isipan
nandun parin ako
nagpapaulan
hinahayan na mabasa ang sarili
walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan
basta ako ay basang basa na
niyayakap ang ngayon
tinalikuran ang masamang kahapon

anung alam natin sa pag-ibig?
meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal?
anung alam natin?

ang unti
ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal
napakaonti
na nagbibigay sa atin ng galak
ng sige gusto ko pa
ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira
dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig
bigyan moko ng pagibig
bigyan moko ng pagmamahal
mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
Reign Apr 2018
Sa dinami-dami ng mga palpak sa mundo,
Bakit laging kabataan ang napapansin niyo?
Dahil ba sabi ni Rizal
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan?"

Hindi ba dahil sa pagpuna niyo
At pangiinsulto niyo kaya dumadami kami?
Oo kami,
Kaming mga palpak at puro walang patutunguhan sa mundo

Nabuntis sa maagang edad
Nagbisyo sa hindi pa tamang panahon
Mas inuuna ang pangarap kaysa pag-aaral
Tambay doon, tambay dito

Hindi niyo ba napapansin?
Dumadami na kami,
Hindi dahil sa gusto lang namin
Kundi dahil alam naman naming wala nang maniniwala samin

Nahihirapan rin kami
Hindi lang kayo,
Sa tingin ko hindi lang kaming mga bata, dalaga o binata
Ang kabataan sa mundo

Lahat tayo kabataan dito
Lahat tayo ginawa ng Diyos
Kaya nagtataka ako bakit laging kabataan ang paos
At ang kabataan ang laging wala sa mundo

Sa lahat ng panghuhusgang nakukuha namin
Galing sa mga magulang at mga taong hindi naman malapit saamin
Alam ko, at naniniwala pa rin ako
Na lahat tayo ay iisa at kaming kabataan pa rin ang magpapatunay na nasa amin ang pag-asa
kingjay Jul 2019
Sa madilim na sulok ay inaalala
ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela
at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga

Lipos ng rosas ang kapaligiran
Kapag siya'y nakikita sa paaralan
Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan

Hinati na ng imahinasyon
ang daigdig ko na may limitasyon
Itinago muna ang katotohanan
Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan

Sa alon ay nagpapaanod
Sa hangin ay naninikluhod
Ibinulong ang tanging hangarin
na sana sa isang araw kami'y magkapiling

Anong saya sa tuwing pasukan
Singko kong baon ay iniipon
Upang sa pagdating ng tamang panahon
Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan

Bakit ko pa ikinakahiya
ang maging isang dukha
Hindi na nga makakain
Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba

Marupok ang aking katatagan
Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin
Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin

Duwag kapag ako'y salingin
Nanginginig ang himig
Sa gabi'y pinapangarap
si Dessa na nagluningning

Siya'y prinsesa na nakahilig
Sa luklukan
Haring handang pagsisilbihan
Walang mali sa kanyang kagustuhan

Kapag lumalayo na ang araw
na tila pumapa-kanluran
Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan

Sana'y noong nagkakatitigan
Lumapit kapagdaka'y nagpakilala
Kung sakaling ngumiti
Hindi na siya pakakawalan

Sana'y sa simula pa lang
niligawan na ang Paraluman
Kahit tumanggi sa pagmamahal
Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo
Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo
Mahirap man - tumanda nang
nagagalak kahit sa isipan

Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan
Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan
Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
G A Lopez Apr 2020
Noong ako'y nasa elementarya,
Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga.
Hindi ko maintindihan
Kung ano nga ba ang kahulugan.

Marahil hindi ko pa nararanasan
Ang umibig at ibigin ng lubusan
Ngunit mayroong dalawang tao
Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento.

Maganda at payapa
Ganiyan ilarawan ng dalaga
Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata
Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala.

Wala pa sa isipan ng dalaga
Ang pag-aasawa
Hanggang sa dumating ang binata
Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa

Hindi niya alam ang kaniyang motibo
Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo
Basta't ang alam niya siya ay masaya
Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa.

Ang babae ay nalinlang
Sa mukha ng isang lalakeng nilalang
Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita
Ang lalake ay labis na natutuwa

Nagtagumpay ang plano
Sa likod ng kaniyang mukhang maamo
Dala nito'y tukso
Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo.

Kaniyang ibinigay ang lahat
Pati ang mga bagay na hindi dapat
Hindi inisip ang bukas
Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan
Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan
Nagdaan ang mga araw
Ang lalake ay hindi na muling tumanaw.

Umalis na ng tuluyan
Mag-isa na lamang siyang nagduduyan.
Ang nasa kaniyang isipan,
Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina
Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama
Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban
Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan.

Ako ang naging bunga
Ng kanilang pagsasama
Sa katunayan
Ako ay bunga ng kasalanan.
I WAS RAISED IN A FAMILY WHERE WOMEN MADE IT HAPPEN WITHOUT MAN.
Pakibasa po ang kasunod ng aking tula'ng ito na pinamagatang "Tunay Na Pag-ibig"
Support natin ang isa't isa HAHAHAHA
Euphrosyne Mar 2020
Asa labas ng inyong bahay ako'y haharana
Lumabas ang iyong angkan ikaw nalamang ang hinihintay halina
Lumabas ka na diyan sa iyong bintana aking dalaga
At pakinggan ng mabuti ang aking aawitin kong kanta
Na naka paloob ang tamang sukat at tugma

Itong pag ibig ayokong masayang at pumanaw
Hindi naman sa nagmamadali at uhaw
Sadyang binigay lang ang simpleng babaeng mamahalin ko sino pa ba iyon kundi ikaw
Kaya't hindi na magpapaligoy pa dahil ayoko ng may kaagaw

Ito na haharanahin na kita na masarap pakinggan
Huwag kang umalis at makinig ka lamang
Pasensya kahit sintunado ako
Ang mahalaga ay payagan ako ng magulang mo at ikaw na maging tayo

Marami na naka silay nagmumuka na akong tanga
Itutuloy ko parin ang pag awit sa isang dalaga
Siya lang naman kasi ang rason ng aking pag gising tuwing umaga

Tatapusin ko ang pag harana
Sa isang napaka marikit na salita
Na tatatak sa utak nila
Na aking sinta, mahal kita.

Bawat sukat at tugma
Ng aking kanta
Ikaw ang aking inspirasyon na pinagmulan ng aking harana
Na siya naman nagtulak sa akin gawan ng tono at musika

Kaya pagdating ko sa dulo ng kanta
Sa aking hinaharana hindi ka mapapahiya
Dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na magmahal ng katulad mo aking dalaga
Haharanahin kita ng mga tulang sulat ko na may sukat at tugma
Wala ka nang kailangan gawin pa dahil  sapat na sa akin ang sabihin **** allen mahal kita
Joseph Floreta Nov 2016
Pusong mamon kung ikaw ay tawagin,
Sa lupaing pangako tunay kang maa-angkin,
Taglay **** kagandahan likas sayo'y mapapansin,
Bigay sayo ni Bathala,
Sapagkat ika'y ginigiliw.
#aPoem for all pilipina #Makatang tagalog
_inspired by: EMD <3
Taltoy May 2017
Di ko alam kung paano ko gagawin,
Ako'y di mapakali, aking inaamin,
Dahil ako'y kinakabahan,
Mga ginagawa ko'y di mo magustuhan.

Dahil ito lang aking makakaya,
Sa kasamaang palad ito lang talaga,
Itong aking mga kalatas at tula,
Ito lang at wala nang iba.

Damdamin ang naging panulat,
Inspirasyon ang syang nagtulak,
Musika ang sa aki'y umalalay,
Sa katahimikan ng umagang walang kapantay.

Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak,
Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak,
Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay,
Upang mapasaya ka ng tunay.

Kay rami nga ng aking naiisip,
Mga "sana", parang panaginip,
Inaasam, nais makamtan,
Kahit yung man lang, mapagtagumpayan.

Sana ikay napasaya ko,
sana napangiti ka kahit papano,
Sana naunawaan mo,
Mga sanang tulad nito.

Sana tanggapin mo,
Sana paniwalaan mo,
Sana pagpasensyahan mo,
Sana, sana, sana, hay nako.

Sana man lang naramdaman mo,
Ang damdaming ikinubli ko,
Sa mga salita ng aking tula,
Na sana, sa puso mo'y tumama.

Sana man lang ika'y aking naantig,
Sana man lang ika'y aking napakilig,
Sapagkat di kaya ng aking mga bibig,
Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig.

"sana" na higit sa aking pang-unawa,
Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga",
Ngunit iyo'y parang isang malayong tala,
Hanggang tingin lang, mata ko lang ang nakakakita.

Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba,
Liniligawan na ba kita?
Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo,
Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto.

Ako'y natatawa,
Ang landi ba naman nitong binata,
binatang naghahangad na sana,
Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama.

Ang pinapangarap nyang dalaga.
Angelito D Libay Jun 2020
Sa imo ra nipitik ning akong dughan
Buntag, udto, ug gabieng tanan
Na bisan ug namalandong ko sa makadaghan
Dinasaysay gihapon niini ang imong ngalan.

Sa imo ra nitotok ang akong mga mata
Sa matag pilok niini, imong nawong ang makita.
Ug bisan paman ug motan-aw ko sa ubang dalaga
Ikaw raman jud akong makit-an na gwapa.

Sa imo ra nilupad ang akong hunahuna
Nagahandom na makauban ka sa matag takna
Nahigam ko, lisod jud ning mahigugma
Magpanikad sa adlaw na makaanha ko sa imoha

Ug sa imo ra iukit ang akong ugma
Hugot sa pagtoo na dili ko sa imo mawala
Ubanan teka sa kasakit, hilak, ug pagmaya
Hangtod kitang duha husgahan na niining kalibotana.

Sa imo ra.
derek Jan 2016
Hindi ko alam kung mababasa mo ito.
Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko.
Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa
Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa?

Kagagaling ko lang sa isang bagyo
Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako.
Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli
nang makita ko ang matamis **** mga ngiti.

Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin
Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin.
Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita
Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa?

Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko
Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito
Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay
Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay?

Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan
Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan.
Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata.
Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala.

Sinulatan kita, makailang ulit
Para alam mo na ako yung nangungulit.
Kaso hindi ko alam kung bakit
Ni isang sagot, wala kang binalik.

Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal
Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman.
Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado
pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo.

Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko
Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo!

"Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo
"hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko
"Pagkat may iniibig na itong aking puso
"Pasensya ka na, patawarin mo na ako".

Matagal akong natulala sa aking nabasa
Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga.
Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko
"salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo".

Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito,
walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko.
Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako
Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo.

Hindi ko gugustuhing agawin ka.
Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba.
Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko
kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
Luna May 2019
Dalaga na si kuya,
Kaya hindi ko na siya ginagaya
Sabi kasi ni papa
Kasalanan daw ito at masama

Dalaga na si kuya
Gamit niya ang palda ni mama
Kasama si ate rumarampa
Sa mga mapanghusgang mata

Dalaga na si kuya
Sa pagupitan siya’y makikita
Ibang tao kaniyang pinapaganda
Upang may maiuwing pera

Dalaga na si kuya
Ngunit, nagkakamali si papa
Pagka’t si kuya ang pumupuna
Ng mga pagkukulang niya
22 Isang araw na itinadhana
Nagtagpo si Ihib at si Pina

23 Nang sila’y pumaroon
Sa dalisdis ng bundok na iyon

24 Ang binata’y sa silangan
Ang dalaga’y sa kanluran

25 Inihanda ng lalaki ang bato
Inihasa ng babae ang palaso

26 Sabay nilang pinalipad
Sa inakalang ibong napadpad

27 At pagbulusok ng saranggola
Sa kinabagsakan nito’y dali-dali sila

28 Iyon ang unang pagkikita
Nina Ihib at Pina.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 160
15 Ikalabingwalong kaarawan na
Ng binukot na prinsesa

16 Ang pagiging dalaga niya’y ganap
Isang prinsipe ang ihaharap

17 Panahon na upang lumabas sa palasyo
Humarap sa mga mamamayan at mga dayo

18 Ngayong nasa harapan na ng madla
Ipakikilala sari-saring mga binata

19 Tangan ang mga regalo
Sa prinsesang sinusuyo

20 At pagtunog ng mga tambol at plawta
Si Dara’y makikisayaw na

21 Sa mga lalaking napupusuan
Na sa mga pagsubok idadaan.

-06/23/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 143
1.
Noong unang panahon, may isang diyosa
Ang ngalan niya’y Alunsina, marikit na dalaga
Mula sa langit na pinagmulan niya
Siya’y pumanaog sa lupa
(Once upon a time, there was a divine woman
Her name was Alunsina, the Unmarried One
From heaven above where she had gone
The earth below she landed upon)

2.
Isang araw, habang namamasyal siya
Kanyang nasilayan bayang kahali-halina
(One day, while she was roaming
Saw her a town so captivating)

3.
Ang nasabing pook, may makisig na hari
Siya ang butihin at maginoong Datu Paubari
(On that place ruled a king so handsome
He was Datu Paubari, so gentle and awesome)

4.
Sa kabila ng mga pagsubok, sila’y nagsanib
Walang nakapigil sa kanilang pag-iisang dibdib
(Despite the setbacks, they still united
They were able to marry undaunted)

5.
Sila’y biniyayaan ng magigiting na anak –
Sina Labaw Donggon, Humadapnon at Dumalapdap
(They were given courageous sons –
Labaw Donggon, Humadapnon & Dumalapdap)

6.
Si Labaw Donggon na panganay, humarap sa pagsubok
Ng mangkukulam na si Sikay Padalogdog
(Labaw Donggon, the eldest, faced all challenges
Of Sikay Padalogdog, a sorceress)

7.
Makuha lamang ang sinisinta
Na si Angoy Ginbitinan, kaakit-akit na dalaga
(In order to win her beloved one
The charming maiden, Angoy Ginbitinan)

8.
Marami pang paghamon ang kanyang nalagpasan
Upang pag-ibig sa sinisinta’y kanyang mapatunayan
(Came all other odds which he kept on surpassing
In order to prove the love for his darling)

9.
Tulad nalang ni Abyang Durunuun
Ang naging pangalawang asawa niya sa paglaon
(Just like Abyang Durunuun
Who became his second wife soon)

10.
Sa pangatlong pagkakataong umibig si Labaw Donggon
Kailangan niyang harapin ang pinakamabigat na paghamon
(On the time Labaw Donggon fell in love with someone
He needed to face a trial – the hardest one)

11.
Iyon ay ang talunin ang hari ng karimlan
Walang iba kundi ang demonyong si Sinagnayan
(That was to defeat the King of the Underworld
No other than Sinagnayan the demon)

12.
Sa kasamaaang palad, si Labaw Donggon ang pinatumba
Binihag at pinahirapan; gayunpaman, hindi pinaslang ang bida
(Unfortunately, Labaw Donggon was the one defeated
Was made captive and tortured; nonetheless, he wasn’t killed)

13.
Ang masamang balita’y nakarating sa kapatid na si Humadapnon
At sa mga anak niyang sina Aso Mangga at Buyung Baranugon
(The bad news reached his brother Humadapnon
And also his sons, Aso Mangga and Buyung Baranugon)

14.
Ang kadugong tatlo
Kaagad na sumaklolo
(The three kinsmen instantly
Came to set him free)

15.
Si Humadapnon ay napagtagumpayan
Na pabagsakin si Sinagnayan
(Humadapnon succeeded
Sinagnayan he defeated)

16.
Samantalang sina Buyung Baranugon at Aso Mangga
Tinanggal sa pagkakagapos ang ama
(While Buyung Baranugon and Aso Mangga proceeded
To their enchained father whom they soon liberated)

17.
Nang si Sinagnayan ay nagapi na
Si Humadapnon ay may nakilalang marikit na dalaga
(After Sinagnayan had just fallen
Humadapnon met a lovely maiden)

18.
Siya ay si Nagmalitong Yawa
Kay Humadapnon naging asawa
(Nagmalitong Yawa was her
To Humadapnon she became partner)

19.
Si Humadapnon ay may pangalawa ring kinagiliwan
Siya ay si Burigadang Bulawan
(Humadapnon also had a second one
She was Burigadang Bulawan)

20.
Samantalang si Dumalapdap, kinalaban ang halimaw
Na si Uyutang, sa apoy tumatampisaw
(While Dumalapdap fought a monster
That was Uyutang who splashes on fire)

21.
Kanya ring dinaluhong ang basang halimaw
Na si Balanakon sa tubig nakasawsaw
(He also struggled against a wet monster
That was Balanakon who soaked in water)

22.
Nang ang dalawang halimaw nagapi sa kahuli-hulihan
Napaibig ni Dumalapdap si Mahuyuk-huyukan
(In the end, when the two monsters were killed
Dumalapdap and Mahuyuk-huyukan then married)

23.
At sa pinakakahuli-hulihan,
Ang tatlong magkakapatid ay masayang nagkabalikan.
(And in the very end,
The three brothers happily met one another again.)

-03/11/2012
(Dumarao)
*for Lit. Day 2012
My Poem No. 103
kingjay Dec 2018
Dapat mahigitan ang bilis ng segundo
Matarok ang hangganan ng langit
Upang matalos sa dapithapon ang pagkukulang
Sa susunod na pagsikat ng araw ay matiyak ang kapalaran

Itatwa ang pagkabuhay sa mundo
Ang awra ay nagpaalam sa hilagyo
Sawimpalad sa kinabukasan
Ang natitirang mga yapak ay hindi na nakagambala sa pagtulog

Magparaya, hayaan ang Amihan bumitbit ng kalahating puso na sabik
sa pagmamahal na di kayang ibigay ng dalaga
Mayroong kislap ng liwanag,
agiw sa sulok- nag-iisa

Yakapin ang talim ng punyal
Kay sarap masaktan, sa peligro humantong
kaysa malayang namumuhay
Ano ang kahalagahan ng buhay
Ang obalo na hubog ay binabaybay

Pakawalan ang ibon na nasa hawla
Huwag na umasa na babalik pa
Kalapati ay lumipad papunta sa lugar ng kapanganakan ng agaw-liwanag
Euphrosyne Feb 2020
Di ko alam kung paano ko gagawin,
Ako'y di mapakali, sa aking aaminin,
Dahil ako'y kinakabahan,
Mga ginagawa ko'y baka di mo magustuhan.

Dahil ito lang aking makakaya,
Sa kasamaang palad ito lang talaga,
Itong aking mga kalatas at tula,
Ito lang at wala nang iba.

Damdamin ang naging panulat,
Inspirasyon ang syang nagtulak,
Musika ang sa aki'y umalalay,
Sa katahimikan ng umagang walang kapantay.

Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak,
Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak,
Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay,
Upang mapasaya ka ng tunay.

Kay rami nga ng aking naiisip,
Mga "sana", parang panaginip,
Inaasam, nais makamtan,
Kahit yung man lang, mapagtagumpayan.

Sana ikay napasaya ko,
sana napangiti ka kahit papano,
Sana naunawaan mo,
Mga sanang tulad nito.

Sana tanggapin mo,
Sana paniwalaan mo,
Sana pagpasensyahan mo,
Sana, sana, sana, hay nako.

Sana man lang naramdaman mo,
Ang damdaming ikinubli ko,
Sa mga salita ng aking tula,
Na sana, sa puso mo'y tumama.

Sana man lang ika'y aking naantig,
Sana man lang ika'y aking napakilig,
Sapagkat di kaya ng aking mga bibig,
Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig.

"sana" na higit sa aking pang-unawa,
Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga",
Ngunit iyo'y parang isang malayong tala,
Hanggang tingin nalamang, mata ko lang ang nakakakita.

Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba,
Liniligawan na ba kita?
Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo,
Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto.

Ako'y natatawa,
Ang landi ba naman nitong binata,
binatang naghahangad na sana,
Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama.

Ang pinapangarap nyang dalaga.
PARA SAYO ITO DIANE SANA MABASA MO ITO LAHAT.
Aisrah Misch Apr 2015
Atras, abante
ang mga along natotorpe.

Atras.
Natakot, nahiya
baka raw mabasa
Ang mga paa
ng mayuming dalaga.

Abante.
Sinisante na ang kimi,
alon ay nagbaka-sakali.
Kaya't dalaga ay nakiliti
nang ang tubig ay dumampi
sa kanyang mga daliri.
*paumanhin kay Ricky Lee
Elizabeth Nov 2015
guni- guni lang ba?

mayroon akong sikreto
nakatago sa kuwaderno
nakabaon sa isang pahina
doon ako naglabas ng luha

basahin ang kuwento ko
sa isang eksena sa may puno
nakikinig sa iyong mga pangarap
habang ako'y naninigarilyo

di ko batid kung iyong napansin
panay ang titig ko sa iyong labi
palaisipan sa aking damdamin
kung bakit ba ikay di makatingin

sa tuwing akoy nagsasalita
malayo ang isip mo sinta
nakatulala sa ibang dalaga
ang masdan ka'y impyerno na


ako ba talaga ay buhay pa?
8 Nang gabi ding iyon
Sila’y napuno ng imahinasyon

9 Pawang tuliro’t nahirapan
Sa pagtulog ang mga naturan

10 Ang prinsipe’y sobrang namangha
Sa ganda’t alindog ng dalaga

11 Ang dalaga’y puspos kilig
Sa prinsipeng kumabig

12 Animo’y lumulutang sa mga tala
Ang pakiramdam ng binata’t dalaga

13 Ninais-nais ng prinsipe
Na muling makita ang babae

14 Inasam-asam ng dalaga
Na makatagpo muli ang binata.

-06/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 128
Euphrosyne Mar 2020
Mga sulat kong tula
Mga sukat at tugma
Hindi ba tumatak sayo sinta
Mga gawa kong tula?
Na sa iyo lamang ilalathala

Mga maririkit na salita
Mga nagtutugmang salita
Hindi ka ba kinilig aking sinta?
Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga?

Mga nakaka kilig na banat
Bakit parang walang tama
Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma

Nakukulangan ka ba
Kailangan bang deretsuhin ko na?
Okaya isigaw ko pa?
Na mahal kita sinta?

Walang halong biro
Dahil nahulog na sayo
Kaya nung iniwasan mo na ako
Parang nasa burol, napakatahimik ko
Para bang nagluluksa ang sarili ko
Nawalan ng ngiti ang labi ko

Umaasa parin na tumatak sayo
Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito
Dahil nakakaiba ka sa
ibang mga dalaga mahal ko
Kaya lahat ng itong sukat at tugma
Mga obrang pinagisipan ng mahaba
Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
Nagbabaka sakaling tumatak man lang kahit konti sa iyong isipan at puso mga likha kong para saiyo lamang.
solEmn oaSis Dec 2018
i just can't remember the exact date
but yes i can still recall when was the time
i saw you walking across that aisle
because from then on i found you sublime

what a sunny day on that very moment
and it so funny that i was born
as if my dark skin felt so dry
unto your look so wet

yet the significance of essence
was relevant when we get inside
hand in hand you and i
meet and greet so sigh

wala akong ibang inisip kundi
ang paano kita mapapangiti
nang mayroong kislap sa iyong mga mata
gayong sa mga hugot at banat hindi handa

yaong mga piraso at piyesa
nitong mabulaklak kong dila
nagkusang tumimo sa aking puso
dahilan para makasumpong ng sulo

sa sandaling matamang kong napagmasdan
malinaw kong imahe habang ako'y iyong tinitigan
wala pa akong sinasabi noong tayo'y nasa hapag-kainan
wala mang nakahain,sarap-sarap na ng ating mga tawanan

as a matter of fact
we don't care about clock
as we alter our talk
in the middle of flock

minamahal kong dalaga naa-alala mo na nga ba?
how much we had important fun
on that prominent fast food-chain
iyon yung mga panahon nawala ako sa talababa!
practical jokes
do create pokes
huwag maging pikon
i-tawa lang ang tugon
Karen Nicole Jul 2017
III
sa likod ng matatamis niyang ngiti,
malungkot na dalaga'y makikita
ang mga tawang nakakarindi,
ay mga iyak na tinago niya

mga problema, kailan matatapos?
aking buhay ay wala nang kulay.
bakit parang ako'y naka-gapos?
ganito ba talaga ang buhay?
sinulat dahil gustong makatakas.
1 Siboloria – ang lupaing ito ay ipinangalan
Sa dalawang magkasintahan

2 Si Sibo ay lalaking makisig
Si Loria ang babaeng iniibig

3 Si Sibo ay anak ng hari’t reyna
Si Loria ay supling ng aliping dukha

4 Una silang nagkakilala
Habang prinsipe’y nagmamasid sa mga magsasaka

5 Natapilok ang binata
Sa bandang pwesto ng dalaga

6 Pumaibabaw ang lalaki
Sa natumbahang binibini

7 Parehong napahiya’t namula
Nang mapatitig sa isa’t isa.

-06/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 127
Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma
Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala
Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba
Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento
Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina

Maaring tawanan at magduda
Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula
Ay nasaktan na
Hayaang ihayag kahit bahagya
Na ang salitang minahal at mahal kita
Ay hindi salita ng isang bata
Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga

Sa bagong kuwento na sisimulan niya
Humiling sa tala na ito na ang huling pahina
Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata
Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya
Kaya ginoo, mahalin mo sana siya
Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana

Sa Pag agos ng alon
Hayaan **** sumabay ka sa indayog
Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso
Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon
Isang metapora na ang ibigsabihin ay
“Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon”


-kabanata
G A Lopez Jul 2020
Halika't dumako tayo —
Uunahan na kita — hindi ito isang paraiso
Ito ay lugar kung saan maraming hindi natupad na pangako
Lugar kung saan maraming iniwan, sinaktan at pinangakuan —

Ngunit sa huli, hindi rin pala kayang panagutan.
Natanaw ko mula sa labas ang malakas na pagbuhos ng ulan
Narito ako sa loob ng isang silid na hindi ko maipaliwanag kung papaanong ako'y napunta dito
Napatingin ako sa paligid at mga taong narito

Lahat sila'y nakaitim katulad ng suot kong bestida
Marami sa kanila'y nakatingin mula sa bintana
Nakatayo lamang ako sa gitna
May isang babaeng nasa harap ng pintuan na animo'y may sasalubunging bisita.

Lumapit ako ng kaunti at tama nga!
Abot tenga ang kaniyang ngiti habang sinasalubong ang taong hinihintay niya
Kitang kita sa mga mata ng dalawang taong ito na mahal nila ang isa't isa
Siguro'y naghintay ng kay tagal na panahon ang dalaga upang masilayan muli ang mahal niya — tuluyan na silang
umalis bitbit ang kanilang ala-ala.

Napansin ko kanina ang pag-iba ng kaniyang suot na damit
Na dati ay kulay itim ngayo'y kulay puti.
Mabuti pa sila'y parehong nakapaghintay
Iyong ibang naririto ay magpahanggang ngayon ay wala pa ring mahintay—

May naghahanda na para sa panibago, may sumuko na at nawalan ng pag-asa,  may tanggap na at handa ng magparaya, at syempre mayroon pa ring mga taong umaasa at naniniwala.


Kanina'y nagtataka ako kung bakit ako nandito,
hindi ko alam na kabilang pala ako sa mga taong pinangakuan ngunit hindi kayang panagutan
Kabilang pala ako sa mga taong umaasa at naniniwala
kahit napakaimposible at sobrang labo na

Lumapit sa akin ang isang lalake na tantya ko'y kaedad ko lamang
Isa rin pala siya sa mga taong "tanggap na at handa ng magparaya"
Tinanong niya kung pwede daw ba siyang makipagkaibigan
Mabilis lamang niyang nakuha ang aking atensyon at mula no'n —

sinabi ko sa aking sarili, handa na akong maniwala at magmahal muli

Ngayong kami'y handa na upang magpalaam sa aming mga nakasama
Malapit na kami mula sa pintuan habang magkahawak kamay at nakangiti sa isa't isa
Sabay ang paghakbang ng aming mga paa
Sabay din naming naririnig ang malakas na pagtibok ng aming puso dulot ng kaba

Sa malayo, natanaw ko ang isang lalakeng may hawak na bulaklak at panyo
Biglang tumigil ng saglit ang pagtibok ng aking puso,
at tumigil ang paggalaw ng aking relo.
Napahigpit ang hawak niya sa akin habang ako'y naguguluhan sa aking damdamin.

Narito ngayon sa harap ko
— ang lalakeng hinintay ko ng taon
Iniabot niya sa akin ang bulaklak at panyo
Aalis na sana siya ngunit mabilis kong binitawan ang kamay na hawak ko
at hinigit ko ang kaniyang suot na polo

Humarap siya at inalis niya ng dahan dahan ang kamay ko sabay sabing,
"Patawarin mo sana ako dahil pinaghintay kita ng mas matagal kaysa sa ipinangako ko. Dumating pa rin ako kahit na alam kong maaaring nakatagpo ka na ng ibang magmamahal sa iyo. Ayos lang ako 'wag kang mag-alala maging masaya sana kayong dalawa."

Akala ko'y handa na ako para sa "panibago" ngunit heto ako,
Ako naman ngayon ang hindi tutupad sa pangako
Ako naman ngayon ang bibitiw sa mga hawak ng taong akala ko'y mahal ko
Ako naman ngayon ang mananakit ngunit hindi ito ang intensyon ko

Babalik na muli siya sa lugar na minsan kaming nagkasama
Sana'y sinigurado muna ang nararamdaman kung tunay ba
Lumipat ako sa ibang lugar suot ang aking itim na bestida
Ngunit hindi na siya ang kasama

Lugar kung saan may nangako ngunit hindi tinotoo
Lugar kung saan maraming walang kwentang tao na nagbitiw ng walang kwentang pangako.
wala akong jowa nagffeeling lang 😂✌
Para 'to sa mga taong mahilig magbitiw ng pangako pero hindi naman marunong tumupad at mga taong pinangakuan pero hindi naman marunong maghintay.
1 Ang mag-uuling na si Alyna
Bahid man ng itim, ang kutis sutla

2 Ipinaglihi sa labanos itong binibini
Kaya ang balat ay napakaputi

3 Subalit mukhang hindi bagay
Kung saan siya nakalagay

4 Araw-araw nagsisiga
Ng mga kahoy at sanga

5 Nagbabagang kahoy hinihintay
Na ang apoy ay mamatay

6 Iyon ang tanging kabuhayan
Nitong dalaga ng silangan

7 Tuwing dapit-hapon
Mga uling pinupunpon.

-07/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 169
Euphrosyne Feb 2020
Maraming magagandang tanawin
Ngunit sayo parin ako nakatingin
Magagandang lalawigan
Subalit sa tabi mo parin babagsakan

Mga magagandang bulubundukin
Mga magagandang ilog
Mga magagandang tanawin
Sabay nating pinaginip

Alam kong umiiwas ka na
Alam kong huli na
Alam ko ring lumisan ka na
Ngunit ang tanging alam ko'y mahal parin kita

Sinta pagbigyan mo na ako
Alam kong marami pang babae sa mundo
Ngunit ikaw at ikaw lamang ang pipiliin ko
Kahit hindi mo na ako piliin sinta ko

Kahit gano pa katagal yan sinta
Kahit mahigit tatlong taon pa yan
Hihintayin kita ng hihintayin marikit na dalaga
Kahit magalit na ang mundo sa akin sinta

Parang mga binhi lamang ito
Hihintayin kita umusbong muli mahal ko
Didiligan kita ng pagibig ko
Hanggang maging magandang tanawin na muli tayo.
Diane ikaw ay parang isang magandang tanawin napaka natural at walang kupas ang ganda.
50 At masayang nagpaalam ang dalaga
Sa nag-iisang pauwi na binata

51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan
Agimat inihandog ng babaeng kasintahan

52 At sa kanyang daan pauwi
Panibagong halimaw sumalakay muli

53 Ito naman ay sa itaas nagmula
Isang bulalakaw na hugis dalaga

54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit
Dumampi sa lalaki ang katawang mainit

55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang
Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang

56 At sa isang saksak ng espada
Bulalakaw naglahong parang bula.

-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 177
kingjay Jan 2019
Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit
ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod
Pagsisilbihan ang prinsesa
Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na

Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho
Malago ang mga paragis
Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya
Nahahagkan ang mukha

Kulang sa init at lamig
Walang lasa ang inihaing pag-ibig
na di tumagal sa panlasa
Paano lubusan na ipangangahulugan
kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga

Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana
habang sinusulyapan ang kasaysayan
Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa

Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman
Sa hubog na baywang
balingkinitang katawan ay di magsasawa
Nagsusumamo ang puso sa kalangitan
Andrei Corre Aug 21
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman
'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin
Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'?
Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na
Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang
Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang,
Sabay ang galaw ng ating katawan
Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan

Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo:
Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo
At sa mapupula **** labi ko narinig ang
Sinabi ****: ganiyan din ang nararamdaman ko
Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi
Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi
Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa
Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba
O kahit pareho pa tayong nakapalda
Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y
Maputulan ng hiniga

Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala
Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa
At mas maingay pa ang bulungan
Kaysa awit ng banda
O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa
Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo
Mapapagod din sila

Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga
Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko
Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa
Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga

Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal
Pero huwag ka sanang mabibigla
Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit
Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat
Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula
Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad
Ng agos na pilit kong nilabanan
At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang
Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan
Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan
Sa walang hanggan nating habulan
Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang
Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa

Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam?
May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha
Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang
Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw
Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw
Ang dalaga noong una't huli kong sayaw
Na alam kong imposible nang balikan
Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na
Lahat ng 'yon ay tunay
At mahal kita, maniwala ka
Kahit ako pa ang unang bumitaw

#
2017 spoken poetry piece
Levin Antukin Jun 2020
sumasampalataya ako
sa diyos sa aking kaibuturan.
walang langit sa makamundong isipan.

sumasampalataya ako
sa baong panandaliang hiram,
nabubulok, nalalanta.
hiwaga ang bunga ng pagmamahal.
hindi kailan man mamamatay ang kaluluwa
kahit sa ikatlong araw, ang laman ay abo na.
nanatili sa balat ng lupa.
naluklok sa kanan ng mira at ginto,
pati na rin ng insensong bumabalot sa espiritu.
tinago ang amoy ng isang alipin.
alipin ng sarili.
alipin ng iniwang mundo.

sumasampalataya ako sa isang dalaga,
sa leeg ng manok ng banal na tinola,
sa kapatawaran ng kasalanang sirang-plaka.
paulit-ulit gigibain at bubuuin
ang simbahang ako lamang ang sumasamba.
magpasawalang-hanggan.
Reign Mar 2020
sa bawat pagpikit sumisilip pagtitig sa dilim, unti-unting sumisikip ang dibdib mga luhang handa na sa pagpatak, at halo halong katanungan ang nakapila sa isipan.

katahimikan, ang tahimik ng paligid wala kang maririnig kundi hikbi ng isang dalagang nakahiga at nakasubsob sa kanyang higaan. unang tanong na bigla nalang sumagi sa isipan, '𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘬𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯?'

kadiliman, ang kanyang tanging nasusulyapan na kahit sindihan ang ilaw ay dilim pa rin ang makikita sa paligid ng silid. pangalawang tanong na sumagi sa isipan, '𝘵𝘢𝘮𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘴𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘨𝘴𝘰 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢?'

kalungkutan, ang nararamdaman nasasaktan at unti-unting nabubuo na naman ang pader na matagal nang binuo ngunit hinayaang masira ng ibang tao. pangatlo at hinihiling na huling tanong na sasagi sa isipan, '𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢'𝘵 𝘪𝘴𝘢?'

napatigil sa paghikbi at dahan-dahang umupo sa pagkahiga at mabilis na pinunasan ang mga bakas ng luha napatitig sa kawalan at naisip na wala sakanya ang kasagutan sa una at pangalawa. mahinang sambit ng dalaga, '𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘨𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘺𝘶𝘯 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭.'
#tagalogpoetry #tula
22 Mula takipsilim ng kabayanihan
Sila Alyna’t Birio’y nagkagustuhan

23 Lumipas ang mga araw at nagkakilala pa
Nang lubusan ang dalawa

24 Loob mas lalong napalapit
Tulad ng mga tinginang malagkit

25 Ang dalaga na ang naghatid mismo
Nang mga uling sa bahay nina Birio

26 Binigyan si Alyna ng pulseras
Gawang hikaw, singsing at kwintas

27 Pag-ibig naglulubos umapaw
Kasalan na ang tinatanaw

28 Ng mga kaanak ng magkasintahan
Madali ring nasang-ayunan.

-07/16/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 172
8 Isang hamak na mangingisda
Itong si Agus na makisig at masigla

9 Mga magulang niya’y kaytagal nang payapa
Kaya natutong mamuhay mag-isa

10 Gamit ang mga gawang-kamay nito –
Lambat, sibat, panggaid at isang baroto

11 Sa ‘di pangkaraniwang palad ay kasinggulang niya
Ang natatanging prinsesa ng bayan nila

12 Lingid sa kanyang kaalaman
Si Dara ay lagi siyang pinagmamasdan

13 Halinang-halina sa binatang kaygwapo
Dagdag pa ang katawang matipuno

14 Minsan naring natikman ng dalaga
Ang mga huling lamang-dagat ng binata.

-06/22/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 142
29 Doon sa may pusod ng kagubatan
Kung saan una silang nagkakilanlan

30 Pumapalagi ang dalawang magsing-irog
Tuwing palubog ang araw na bilog

31 Sapagkat iyon din ang tuktok ng bundok
Kaya kita lahat ng sulok

32 Doon sila palaging nagkukwentuhan
Ng kanya-kanyang mga karanasan

33 Nireregaluhan ng lalaki linggu-linggo
Ang natatanging kasintahan nito

34 Lubos ligaya ang dalaga
Kaya ‘di rin napatitingin pa sa iba

35 Pareho silang unang beses umiibig
Sa sintang lubos na kinakabig.

-07/17/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 173
43 Dalawang araw bago ang kasalan
My mga nilalang na bumulabog sa magkasintahan

44 Habang si babae ay sa daan pauwi
Na lagi namang hatid ni lalaki

45 May mistulang apoy na nilalang
Sa daraanan ay humambalang

46 Siya ay mukhang nasusunog na tao
Nagmula sa lupa at kung tawagin ay santelmo

47 Inilabas ng binata ang kanyang espada
Dinaluhong ang halimaw ng sandata

48 Napuksa naman iyon kaagad
Oh ang dalaga’y kaybuti ng palad

49 Nang dahil kay Biriong sinisinta
Muling nailigtas sa panganib si Alyna.

-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 176

— The End —