Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphrosyne Mar 2020
Mahal, pasensya.
Alam kong galit ka
Ngunit sana'y pakinggan mo ito
Kahit mainit ang dugo mo sa akin
Ako'y nananalangin na mabasa mo ito
Dahil gusto kong humingi ng pasensya
Pasensya dahil nasaktan kita
Hindi ko pinakinggan ang sagot mo
Sa araw na iyon
Kung kailan pinaka kailangan kita
Mga salitang walang kapantay
Mga salita **** walang arte
Lahat sila diretso
Mas diretso pa sa
Pagsasalita ko
Pasensya dahil natagalan ka
Hindi ko naman sinasadya lahat ng ito
Ayoko lang masaktan ka
Ng ibang tao
Dahil mas masakit ang salita
Kesa sa mga gawa
Ngayon pasensya
Mahal
Sana'y tanggapin mo
Dahil ito nalang ang alam kong
Daan para masabi ko
Lahat ng nararamdaman ko saiyo
Dahil ako'y
Nauutal at kinakabahan
Sa tuwing kausap kita
Para bang may mawawala
Sa buhay ko
Sa kada salitang
Sasabihin ko.
Kaya mahal ko pasensya
Mahina ang loob ko
Subalit malakas naman yung
Nararamdaman ko para sayo
At doon ka sana'y
Maniwala.
Mahal, pasensya.
Spoken word poetry about a girl that I truly love.
inggo Jul 2015
Sabi mo ako ay iyong mahal
Pero nagsinungaling ka ng sobrang tagal
Nagmukhang tanga at walang kamalay malay
Ang mga mata mo sa iba na pala sumusubaybay

Sabi mo ay ako lang at wala ng iba
Tuwang tuwang ako at sobrang saya
Wala palang katotohanan ang lahat
Isa lang ang ating puso, hindi ba yun sapat?

Sabi ko ay kaya kang patawarin
Ang nagawa mo ay hindi na iisipin
Ngunit ayaw **** tanggapin at pilit pinagtabuyan
Dahil ba ang puso mo sakanya na nakalaan?

Sabi ko ay kakayanin ang lahat ng sakit
Titigil na at hindi na ipipilit
Kahit ang dugong dumadaloy na ay alak
Tuloy ang buhay at luha'y hindi na papatak
Anna Apr 2016
Pagod na ako sa mga gawain na paulit-ulit lamang
Pagod na ako sa mga bagay na kailangan intindihin at tanggapin ko lang
Pagod na ako sa paggawa ng mga bagay na wala namang saysay
Pagod na ako sa araw-araw na pag-alalang kakayanin ko ang lahat ng bagay

Kaya ko... Kaya ko...
Kaya ko pang gawan ng paraan
Kaya ko pang remedyohan
Kaya ko pang isalba ang lahat

Hindi na dapat ako nag-papakulong sa gantong emosyon
Hindi na dapat ako nag-iilusyon
Hindi na dapat ako nagkakaganito
Hindi na dapat ako nagiisip ng ganito

Sa layo na ng narating ko dapat kaya ko na ito
Sa dami na ng pinagdaanan ko dapat sisiw nalang sakin ito
Sa dami ng hirap na naranasan ko sanay na dapat ako sa mga ganito
Ngunit higit sa lahat, sa dami na ng naipundar kong oras at pagod, alam ko sa sarili kong kayang-kaya ko 'to
J De Belen Mar 2021
Pa-Yakap naman  kahit isang saglit lang
Kahit 'di ma-higpit
Kahit 'di kasing init ng aking bisig
Yakap na alam kong sapilitan lang
Yakap na kahit kunwari lang naman
At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman
Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap
Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat.

Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan
Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam
Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan
Ngunit ito ay bawal
Dahil madaming hadlang
Madaming may ayaw
Kaya tanging hiling ko nalang
Ay pa-yakap naman
Kahit saglit lang.

Pa-yakap bago ka  lumisan
Pa-yakap  bago mo ako iwan ng tuluyan.
At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan.
At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan
Dahil malugod ko itong tatanggapin  hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala.
Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon
'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon.
'Di ko alam kung kailan.
'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal?

At kung dumating man yung araw na puwede na,
Na puwede ka na?
Na puwede na tayong dalawa
Ay sumang-ayon na ang mundo
Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna"
At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan.

Sana ay puwede pa
Sana ay kaya ko pa
Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal
Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan.
Sa lugar kung saan tayo unang sumaya
Kahit puno na tayo ng problema
At sa lugar kung saan dati
Sa atin ay may na-mamagitan pa.

Pero ito'y magiging ala-ala nalang
Dahil ako na ay iyong iiwan
At sana lang,
At tanging hiling ko lang
Sana
Kaya ko pa na ika'y ipaglaban
Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
kingjay Dec 2018
Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos
Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog
Sa tigang na kaanyuan

Puso'y parang pipi
Patulak ang mga lumalabas na salita
Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin
Datapwa't bulagin ang mga mata
Si Dessa ay di na makita

Ibinuhat ang korona
Sa hari kung saan nakatungtong
At ang hiling habang buhay na magkapiling
Di palalampasin ang sandaling magkasama

Kahangalan ang sabi ng pari
Halikan ang paa di ang labi
Laging nabibiyak ang kasunduan
Pinermahang papel isampal at ihati
Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig

Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik
Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta
Ngunit hindi maalis ang ligalig
Eugene Feb 2018
Tama na! Tama na ang mga pagtangis.
Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso.
Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon.
Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta!

Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba?
Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan?
Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan?
Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang?

Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin,
at bigyan ng pagkakataong
patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon?
Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito?

Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin?

Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila!
Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko.
Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit.
Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako.

Tama na!
Tama na ang mga baluktot na katwiran!
Tama na ang mga salitang iyong binibitawang
Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan.

Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba,
Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila?
Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba
kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan?

Saan ka nga ba nagkamali?
Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo?
O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita
Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
mahirap ba akong mahalin?
mahirap ba itong tanggapin?
oo, minsan sinabi mo nga na ako ay mahal,
at ikaw sa aki'y humahanga
ngunit salita at salita mo lamang
minsan, mga labi di mo pa maiawang
upang sabihin sa akin kung ako ba'y mahalaga
dahil sa totoo, masakit na sinta
mahal kita, kahit alam kong masakit na mahal kita,
kahit batid, wala itong patutunguhan pa
mahal kita, kahit hindi mo magawang mangako
na ako lamang ang mahal ng ganid **** puso!
JOJO C PINCA Nov 2017
Hindi ako susuko
patuloy akong titindig at lalaban.
Sa kabila ng mga kabiguan
mananatili akong nakatayo,
hindi na ako muling luluhod
upang humingi ng awa sa diyos.

Malungkot man ang aking pinagdaanan,
kahit hindi naging masaya ang aking kabataan
hindi ako manghihina at mawawalan ng pag-asa.

Hindi ako mayaman
hindi ako tanyag
hindi rin ako makapangyarihan
ako ay isang hamak lamang.
Subalit natuto ang puso ko na
maging matatag kaya't hindi na ito
muling susuko.

Wala na akong Bathala na sinasamba
hindi na ako malilinlang ng mga hangal na lider ng relihiyon
na nagbabanal-banalan at naglilinis-linisan.
Tangan ko sa aking mga kamay ang aking kapalaran.

Mas lalo akong hindi magpapa-uto
sa mga mapagsamantalang pulitiko
na nagsasalita ng puro katangahan
para silang mga lata ng sardinas na walang laman.

Hindi ako padadaig
ilang beses man ako bumagsak,
hindi dadaing at magpapalimos ng habag;
hanggat tumitibok ang puso ko hindi ako patatalo
sa bigwas ng malupit na buhay.

Hindi ako natatakot na sabihin
ang laman ng isipan ko,
hindi ako mangingimi na isigaw
ang nilalaman ng aking dibdib.

Pag-uusig at pagkutya
ay laging naka-abang
parang halimaw na nagkukubli sa dilim
ano mang sandali ay handang sumalakay.

Hindi n'yo man ako tanggapin
ay wala akong pakialam
ako'y ako at mananatiling ganito
hanggang sa buhay ko ay mapatid.
Andy May 2020
Isa kang manunula na karapat-dapat
magmahal at maging masaya.
Isa kang tula
Na may angking ganda
Na minsan ay hindi maintindihan
Kung hindi nilalaan ang oras upang pag-isipan

Minsan pinupuna ng iba
Dahil hindi sila nito pinapasaya
Hindi nila alam
Paano mahalin ang tula
Tanggapin ang lahat ng tayutay at salita nito
Na hindi na kailangan ng kapalit o salitang panibago

Wag kang makinig sa kanila
Ikaw ang tula at manunula
Ikaw ang may hawak ng sarili **** istorya
Ikaw ang magdedesisyon sa bawat salita, linya o stanza
Yakapin mo ang sarili **** ganda
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa iba

Ako’y tanging nagbabasa lamang
Nagmamahal at nagsusuporta
Kung kakailanganin **** humiram ng ilang salita mula sa akin
Wag kang magdalawang-isip na ako’y kausapin
Alam kong balang-araw, malayo ang iyong mararating
Kung hindi ka naniniwala, magtiwala ka lamang sa akin
This was a poem I wrote for a friend's 18th birthday. The original title had her name on it but I tweaked it to make it more general. :>>
Agatha Prideaux Mar 2020
Pwede ba, na sa bawat pag-gising
At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok
Ang sinag ng araw sa aking bintana
Ay makakalimutan ka na?

Dala na ang kamao **** tila nakabalot
Sa aking pinunong dibdib
Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong
Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?

Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad
Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating
Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw
Balang araw, sana nga.

Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman
Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon
Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo
Ako'y pagod na.

Pagod nang magparamdam, makiramdam
Makaramdam ng purong pagdamdam
Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman
Tama na.

Kung maaaring mawalay na
Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang
Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo
Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.

Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha
Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal
Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak
Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!

At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong
Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita
Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak
Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.

Gusto sana kitang tanungin
Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati
Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan
Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.

Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor
Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro
Lahat ng barikan na aking nalalaman
Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.

Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro
Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing
Nangangamoy alak at naglalasang halik mo
Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.

Ngayon, ika'y masaya na at kuntento
Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin
Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili
Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil

Tila tintang nakamansta sa puting palamuti
Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin
Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin
Kay hirap nang hubarin at tanggalin

Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang
Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana
Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko
Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso

Pero, sa huli, kinailangang limutin
At iparaya ang damdaming nakakulong parin
Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig
At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim

Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip
Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit
Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay
Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.

Aking nawalay na sinta
Maaari bang ika'y pakawalan na?
Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang
Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.
JOJO C PINCA Nov 2017
"Gather ye rosebuds while ye may,
    Old Time is still a-flying;
    And this same flower that smiles today
    To-morrow will be dying. "

Robert Herrick


Ang buhay ng tao ay sadyang maiksi at walang tibay, katulad lang ito sa kastilyong buhangin na agad gumuguho sa hampas ng alon at ihip ng hangin. Kaya marapat lang na ito ay ating samantalahin habang may panahon pa, hindi dapat na masayang ang bawat sandali ‘pagkat hindi na ito muling magbabalik pa.

Bakit ka nagsusumiksik sa isang tabi at nagmumukmok? Walang saysay ang maging malungkot sapagkat sandali lang itong ating buhay. Tumindig ka at gawin mo kung ano ang nararapat, piliin mo ang maging maligaya at kapakipakinabang. Tuklasin mo ang pilosopiya at kahulugan ng iyong sariling buhay nang hindi umaasa sa iba.

Kumawala ka sa tanikala ng mga maling akala at walang kwentang panukala, ang mga patakaran ay mga paraan upang ang tao ay alipinin kaya hindi ito dapat na tanggapin. Maging hari ka at panginoon ng sarili **** buhay sa ganitong paraan ka lang magiging totoong hayahay.

Huwag **** lingunin ng paulit-ulit ang kahapon dahil kahit anong gawin mo hindi na ito muling magbabalik pa, walang time machine na maghahatid saiyo pabalik sa nakaraan.

Huwag mo rin masyadong tanawin ang malayong hinaharap pagkat baka nga hindi mo na makita ang bukas na iyong pinapangarap.

Ang “ngayon” ang tanging panahon na iyong hawak at wala ka nang ibang mapanghahawakan pa. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon na parang ito na ang huling araw mo.

Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng iba sa halip ang puso mo ang iyong sundin at umasa ka na hindi ka nito kailanman ililigaw, gamitin mo ito na ilaw **** gabay.

At huwag **** sayangin ang nalalabi **** panahon, umahon ka mula sa iyong pagkakabaon at magsimula ka.

Katulad sa mabango at magandang bulaklak na iyong nakikita ang buhay **** tunay ngang maikli ay malalanta at mawawalan rin ng sigla kaya’t bago ka pumanaw gawin **** makasaysayan ang iyong bawat ngayon.
l Aug 2015
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko,
Ginusto ko naman ba 'to?
Pinakawalan nga kita,
Ngunit ako'y naging masaya ba?

Ang mga dating alaala,
Parang bula'y naglaho na
Kung maibabalik lang ang dating samahan
Gagawin ko ito ng agad-agaran

Ang pagkawala ng tulad mo'y
Sadyang ikinalulungkot ko
Ang malaking parte ng buhay ko,
Tila tuluyan ng nagbago.

Nasaan na nga ba napunta,
Ang pangakong binitawan
Nung tayo'y masaya pa,
Sabi mo'y di mo ko iiwanan.

Ngayon ay aking napagtanto,
Lahat ng tao ay nagbabago
At wala na akong magagawa pa
Kundi tanggapin nalang ito.
Ryan Joseph Aug 2024
kung sa dulo'y gusto lang naman ang sumaya,
hindi nalang sana nag-aksaya pa
ng oras kung hindi naman kayang tanggapin ang sakit na na-idulot
at 'di mo rin karapat-dapat ang mahalin
dahil ikaw mismo ay ang taong mapili,
ngunit sa katunayan, hindi naman pinili.
you don't deserve love at all
Eindeinne Moon Sep 2020
Ang kalayaang ipinagkait sa akin ng tadhana,  
ang kalayaang gumala na naglaho parang bula.  
Singlayo ng mga tala, hindi maabot,  
nawala dahil sa isang pagkakamali—  
isang pagkakamaling hindi sinasadya.  

Ngunit ang pagkakamaling iyon,  
nauwi sa paulit-ulit na pagkakasala,  
hanggang naging bahagi ng bawat araw.  
Dalawampung taon akong nabuhay  
sa mundong walang tiwala  
mula sa aking mga magulang.  

Ilang beses kong binalikan  
ang mga tanong,  
nagbabakasakaling hanapin ang sagot.  
O, kalungkutan, lubayan mo na ako!  
Naririnig ko ang ulap, umiiyak,  
pumapatak ang luha nito.  

Ang kanilang tingin sa akin—  
isang nilalang na walang halaga,  
isang pagkakamali na kailanman  
ay hindi mababawi.  
Hawak ko ang katotohanan—  
ang katotohanang natatakot akong tanggapin.  
Balang araw, tatawagin akong salot sa lipunan.  
Milyon-milyong mata, tenga, at bibig  
ang naghusga sa akin,  
tila alam ang bawat lihim ng aking pagkatao.  

Sa pagitan ng pag-alis at pagbalik,  
paaralan man o klinika ng espesyalista,  
ang paghihintay ay tila isang habambuhay.  
Limang taon kong idinalangin sa Diyos  
na tupdin ang aking hiling,  
at nangyari nga.  
Ngunit kahit nakakulong ka na,  
hindi ko magawang maging masaya.  
Pagkakamali nating dalawa ito,  
ngunit ikaw lamang ang pinarusahan.  

Ikaw ang naging katahimikan  
sa maingay kong mundo.  
Ngunit nang muli kitang makita,  
sa presinto, harap-harapan,  
tila apoy ang bumalot sa kapaligiran.  
Tanim na poot at galit  
ang bumalot sa aking puso.  

Sa pagtulog ko,  
rinig ko ang tiktak ng relo.  
Minsan, nilaro ako ng panaginip—  
kasama raw kita.  
Gising, natutulala ako,  
nalulunod sa lalim ng iniisip.  

Sa gitna ng pagbalik-tanaw,  
nananatili ako sa kama,  
hinihintay ang sagot  
sa mga tanong ng aking isipan.  
Sapagkat ang buhay,  
tulad ng gulong—  
minsan nasa itaas,  
minsan nasa ibaba.
Taltoy Jun 2017
Hay nalang pag-ibig,
Kailangan pa ba ng taga-usig?
Pero sana hindi na,
Sana maintindihan ko 'to nang mag-isa.

Hetong salita na ito, oo,
Talagang sakit sa ulo,
Sinasabing ito daw ako,
Ha? seryoso ka? ako? inlababo?

Di ko maintindihan,
Google aking kinailangan,
Buti nalang hawak nya ang kasagutan,
Kasagutang gumimbal sa aking katauhan.

"In love" ang nasabing kahulugan,
Diyos ko po, ako'y inyong tigil-tigilan,
Nahihibang na yata kayo  aking mga kaibigan,
Pero sa katotohanan di ko rin alam ang katotohanan.

Kaya tinanong ko ang aking sarili,
Tinanong nang walang pagaatubili,
Tinanong kung ako nga ba'y umiibig na,
Umiibig sa dilag na sa aki'y minsang nagpasaya.

Sarili ko, bigyan mo ako ng kasagutan,
"Oo" o "hindi" lang naman yan,
Ganyan lang naman ka simple,
Subalit di ko parin masabi.

Dahil di ko maamin,
Di ko kayang sabihin,
Di ko kayang tanggapin,
Ikaw nga siguro'y iniibig ko na, iyo sanang ipagpaumanhin.
lol. omayghad, ewan, di ko alam bakit ko 'to sinulat.
John AD Mar 2019
Lungkot ng sistema , Pag-gising sa umaga tulala ang eksena
Nakasanayan na ang pagpatak ng tubig sa mata, Basang-basa na ang tela
Pinipilit ko kasing punasan ang sakit , pagkalumbay , dala ng kalungkutan
Alaala mo na di mawawala,lumipas man ang panahon dala dala ko ito sa libingan

Kahapon lang ngiti mo'y hindi maipaliwanag , yun na pala ang huli nating pagkikita
Di man lang ako nakapagmano at nakahalik sa iyong mga noo , hanggang mawalan na ng hininga
Ang Nais ko pa naman sana maabutan ka ng magiging apo mo sa hinaharap , upang makita mo sila
Pero huwag magaalala , ituturo ko naman lahat ng bagay na natutunan ko sayo lola

Paalam lola , Hindi ko man lang nasulit na ika'y makasama
Wala na tuloy magkwkwento sakin nung ako'y bata pa
Wala ding kasabay kumain kapag ako'y magisa na
Nakakalungkot pero kailangang tanggapin , ang buhay natin ay sakanya

Salamat , Alam kong maaliwalas na ang iyong pakiramdam
Nakatakas ka na kasi sa parisukat na mundo na kasuklam-suklam
Payapa na ang sistema , darating din kami dyan

Ang mga rosas ay nalanta , at may uusbong muli na maganda...
RIP Lola Rose
Sep 24 1955 - March 3 , 2019
Edgel Escomen Nov 2017
Matagal ko na gusto itong sabihin sa iyo
Ang pag-ibig katulad ng ihip ng hangin ay nagbabago
Sa magulong mundong makikita saan mang dako
Iisa lamang ang pag-ibig na totoo.

Bangon kaibigan sa iyong kinasasadlakan
Tunay na pag-ibig na ito ay walang hangganan
Ito ang tagapagsilbing gabay sa iyong buhay
Ng makamit mo ang saya na tunay at walang humpay.

Kaibigan sa iyong paglalakbay sino ba ang gumagabay?
Masalimuot na mundo, marami ang patunay
Marami ang temptasyon sa atin ang sumasabay
Kailangan ang Panginoon ang pag-ibig Niyang alay.

Minsan ba sa iyong buhay problemay napakalaki?
Lahat ng solusyong naisip puro walang silbi
Subukan **** bilangin ang biyayang pinagkaloob
Ng Diyos Ama sa Langit na Siyang may handog.

Kaya kung inaakala mo ang buhay mo ay patapon
Wala ng silbi, wala ng pag-asang maiahon
Mayroon isang Diyos sa atin naroon
Kumakalinga sa Iyo sa lahat ng panahon.

Matapos ang araw na ito sana maintindihan mo
Kung gaano kalaki ang biyayang nasa sa iyo
Tanggapin lamang ito ng bukal at buong puso
Ang bukal ng buhay ay tanging kay Kristo.
sana maisip mo ang laman nito
Vincent Liberato Feb 2019
Mangangata ako sa madaling
araw ng panggagalaiti, nang mga panahong mas malalim pa sa dagat, ang panghahaplos sa
kaluluwa na kinulang sa pagpapahinga at sa wakas: makakapagpahinga.

Ako, ang sisidlan ng kalatas na nagpaagos
sa rumaragasang ilog pagkatapos ipasok sa isang bote, sa pag-asang makararating sa iyo ito.

Ayaw ko nang bumalik ang kalatas na 'to, baka sa susunod na bumalik sa akin ito, ay naglalaman na ng bulgarang pagtugon ng pagkalas.

Ayaw ko na.

Manghihipo na lang ako sa gabi sa pamamagitan ng paggunita
sa mga alaala para sundan ang anino
na unti-unting nawawala sa kusina, sa kuwarto, sa kama, at sa hapag-kainan.

Sandali, may idadagdag pa pala ako, hindi ko kakayaning tanggapin ang pagtanggap na namamalikmata lamang ako,
habang naglalaho ang pangalan mo
sa kuwaderno ko.

Mawawala na lamang ang pagkamarahas
ng prosa o tula ko. Isasantabi muna kita sa mga susunod na tula o prosa, painda-indayog ang paksa, pero binabalik-balikan ka sa masusing pagsusuri ng konteksto.

Magiging humpak na lamang ang dating matunog na ikaw at ang dating laksa-laksang paglalarawan sa bawat pag-ikot at paggalaw mo, na maingat na sinusundan ng mga mata ko.

Sa kabila ng pagpipigil sa pagkatapos ng isang nakakainsultong nakakapagod na araw ay magsisilakbo muli ang damdamin, at 'di magpapaawat ang pintig na parang bumabalik ang mga mata sa unang pag-angat ng mga titig.

Mahal, mangangata na lamang ako hanggang umaga,
habang nginangata ako ng panggagalaiti
sa pagsapit ng umaga.
HAN Oct 2017
Hindi mo man aminin
Mas mahalaga sya kesa sa akin.
Sa akin na nagpapahalaga ng nakaraan natin.
Ayos lang, hindi naman kita mapipilit na maging akin.

Bato, sya ang mas timbang sa puso mo.
Bato, na nagpapa- adik sayo,
isang ngiti nga lang iba na ang pintig ng puso mo.
Ako? Buhangin ang halaga sayo.
Buhangin lang din ako na naging pira-piraso dahil sa pagmamahal na alay ko.

Hindi man ito masusuklian,
Isang ngiti mo lang napapawi ang karamdaman.
Masakit man sa kalooban,
Ngunit kailangan kong tanggapin na ako'y hanggang titig na lang.
                                       -HAN
balrogEX Nov 2024
ilan pang mga paalam
at mga luha pa
na kailangan ko nang
tanggapin
sa pait nitong katotohanan
na syang humubog bilang
bago kong sarili
upang ako'y makausad na
rito sa bagong yugto
na aking buhay na hindi ko na
matatakasan pa?

bakit kay kagyat kang lumisan?
buhat ba nang ika'y iniwan?
'lam kong 'di mo tanggap ang lahat
at 'yong tamo, lihim **** sugat
bubura sa tamis **** kulay
at syang kikitil sa 'yong buhay
tangi **** handog sa 'king diwa:
ang iyong pambihirang luha
a jamb-jitsu format
Demi Mar 2018
confused.
i'm sorry but i'm confused.
being sober is a bad idea now. i need the alcohol to take over me because my tears won't do its job anymore.

tangina lasingin niyo ako. lasingin nyo ako sa dagat-dagatang alak. lunurin niyo ako sa ideyang alak ang makakapagpalaya sa mga naiisip kong nakakulong sa kaibuturan ng utak ko. hindi na kaya ilabas sa luha sapagkat natuto na sila magtago ulit.

why does it feel like i'm playing with fire? why do i feel the heaviness, the pain, the burn? why am i still staying? why am i still around?

nasa iyo na. buong-puso kong ibinigay sayo ang lahat sa akin. binigay ko sayo na wala akong inaabangang kapalit. pero bakit ngayon, umaasa ako ng sukli? bakit ako naghahangad ng pagmamahal sa isang taong alam kong nakapulupot pa rin sa nakaraan?

hurt me. hurt me in every way you can. drag me everywhere until my insides come out. bring me to hell with you. leave me lifeless. kick me in the ribs. slap me hard enough for me to wake up.

kasi tangina ko. mahal kita. ito ang realidad na kinakaharap natin ngayon na dapat nating tanggapin. mahal. kita. mahal kita. pasensya na mahal kita. di ko naman mapipigilan. hindi ko alam pano nagsimula at mas lalong di ko alam pano magtatapos. ang alam ko lang ay puputok na ang puso ko. puputok na sa dami ng laman. tangina ko, diba?

i wish i could be anyone. then i would transform into your favorite girl. i would transform into your greatest kiss. your greatest moment. i would have the eyes that you would never look away from. i would have the softest hands that you would never let go of. i would have the greatest ideas that you will ever hear. i would be that girl. i would finally be someone else.

ayoko sa sarili ko eh. hindi kaaya-aya. hindi magaling humalik. bagsak at palaging mugto ang mga mata dala ng antok, pagod, at kakaiyak sa mga bagay na di naman dapat binibigyan ng pansin. magaspang ang mga kamay kakatrabaho ng mga bagay na hindi rin naman nabibigyan ng pansin. PUTANGINA PAGOD NA AKO. pagod na ako sa sarili ko kaya sana maging ibang tao na lang ako.

i'll wait for that miracle. i'll try to. i hope my heart doesn't stop beating when that time comes.

pero sana dumating na kaagad. kasi sa bawat minutong lumilipas na wala akong nakikitang iba, eh siyang daloy ng oras na gusto kong kitilin ang pagtibok ng puso ko. sabagay, para wala na rin ako nararamdaman o iniisip. uuwi na lang ako. kung tatanggapin ako sa bahay.

i'm sorry if i wanna go home now.

pasensya na kung gusto ko na umuwi. Umuwi.
Jazex Apr 2020
"Sakit"


SAKIT, limang letra ngunit pag naramdaman mo parang mawawasak ang mundo.

Limang letra ngunit pag naramdaman mo parang ayaw mo ng kumain ng husto.

Bakit ba kasi nararamdaman to?
Bakit ba kasi naimbinto ang salitang ito?
At huli sa lahat, bakit ba kasi nararamdaman ko to?

Nakakatawa lang dahil noon ikaw ang nagpapasaya sa sistema ko ngunit bakit ngayon ikaw na ang nagdudulot ng sakit na nararamdaman ko?

Ba't kasi lumisan?
Ba't kasi nangaliwa?
Ba't kasi hindi nakuntento?

Hindi ba ako sapat para sa iyo? O sadyang hindi ka lang nakuntento?

Nagkulang ba ang pagmamahal sa iyo? O gusto mo lang talaga ng malaking suso?

Minahal naman kita ng higit pa sa sarili ko ha? Kaya nga ako naghihirap at nasasaktan na hindi dapat nararapat sa pagkatao ko.

Napakawalang hiya mo din ano?
Minahal lang naman kita pero ang isinukli mo ay sakit na panghabang buhay na paghihirapan ko.

Siguro ganon nga talaga.
Siguro hindi ka lang talaga para sa tulad ko'ng higit kung magmahal.
Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.

Masakit mang aminin pero kailangang tanggapin.
Masakit mang sabihin pero kailangan kang mawala sa akin.

Hindi mamadaliin puso'ng umiiyak at humihiling na sana'y maging akin pagmamahal mo'ng hindi matutumbasan ni'no man.

Ngunit sa ngayon, puso'y papahingahin dahil nasaktan ng husto ng ikaw ay aking mahalin.

Hindi ko man gusto'ng magpaalam ngunit kailangan dahil may masasaktan at patuloy na masasaktan.

Sa ngayon, paalam aking mahal.
Nawa'y maging masaya ang puso mo sa taong pinili mo.

Ngayon ko sasabihin ang mga katagang 'Mahal kita ngunit pagod na ang puso ko'ng masaktan at umasa kung ikaw ba'y babalik pa.'
To the boy I loved
Louise Mar 2024
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko.
Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo.
Ang puso kong pasan-pasan ko,
at hila hila ko rin pati na ang sa'yo.
Ang pagkahulog ko ay akin lamang,
ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala.
Ano ang sasabihin ng aking ina,
ang luha pag nakita ang duguang mukha?
Abutin mo ang aking kamay,
at tulungan mo akong tumayo sa aking paa.
At ang mukha ko'y punasan mo,
ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo.
Ang aking ikalawang pagkakahulog,
alam kong wala nang sasaklolo.
At wag kang iiyak sa ngalan ko
ang luha mo'y para lamang sa'yo.
Ang ikatlong pagkakahulog,
ang iyong kapatawaran ay ibigay mo.
Aking kasuotan ay tanggalin mo,
aking kabayaran ay tanggapin mo.
Ang mga braso ko'y pigilan mo,
ang mga binti ko ay isunod.
Alisin mo ang paghihirap ko sinta,
ang paghinga ko'y wakasan na.
Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso,
ang isip ko'y isunod mo pagkatapos.
At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo,
hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos.
At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
"Semana Santa Sadgirl Series": no. 7
Manunula T Oct 2018
WAG NA DI NA KAILANGAN NG RASON
WAG NANG MAGPANGGAP NA KAKAYANIN MO HANGGANG NGAYON
DI KANAMAN PINAPAHALGAHAN NG NASA PALIGID MO
WALA NA DIN NAMAN PAKE ANG BAWAT KAIBIGAN MO
SO PARA SAAN PA ANG PAKIKIPAG TUNGALI SA SARILI MO ?
WAG KANG UMASTA NA IKAW ANG NASAKTAN
DAHIL UNANG UNA IKAW ANG TALAGANG DAHILAN.
NANG PROBLEMA SA LOOB AT LABAS NG  ISKWELAHAN
WALANG MAY GUSTO SAYONG MAKASAMA KA
NI KAHIT SINO ATA AY PINANDIDIRIHAN KA
WALA KANG RESPETO AT PANAY KANALANG PATAWA
PERO MAS MADALAS NA WALA KA SA TAMANG ORAS KUNG UMASINTA
WALA KANG SILBE.
YAN ANG SUSUNOD NA KANILANG SINASABE
MASKI KAUNTING GALAW MO PALANG LAHAT WALANG PAKE
KAHIT NA TUMANDA KA JAN O MAMATAY. WALANG MAY PAKE

MANHID KA BA ?
PANSININ MO YUNG TINGIN NILA
TINGIN NA MAGDIDIKTA SA BAWAT GALAW MO SA MADLA
ISANG KURAP ISANG NGISI LAHAT SILA AY MAGDIDIKTA
WALA KANG SILBE WAG KANANG MAG MARUNONG
WAG KA MAG MAKAAWANG MAY MAAWA SAYO NGAYON
TANGGAPIN MO ANG BAWAT SAKIT NG PINAPARANAS MO NOON
AT HAYAAN KANG MAGISA NG WALANG SASALUBONG SAYO ROON
DAHIL HINDI KA MAHALAGA.
WALANG MAGPAPAHALAGA SAYO
MASKI SINO SIGUROY LALAYUAN KA SA UGALI MO
MAMATAY KA NA
ISA KANG IRESPONSABLENG KAAWA AWANG WALANG MAY PAKE.
DAHIL IKAW AY MAKASARILE.
Anne Maureen B Apr 2018
Ang nilalaman nitong tula ay para sayo
Gusto ko na maging masaya kayo
Mahirap man para sa akin na tanggapin
Pero susubukan ko na kayanin

Andyan naman sila para tulungan ako
Hayaan mo at kakayanin ko
Hindi man ngayon
Pero baka sa darating na mga hapon

Sana maging masaya kayo
Para hindi ka na mahirapang tumayo
Kasi andyan na sya para buhatin ka
At sa mga problema hayaan mo sya na maging iyong kasangga
Para sa mga broken na  one sided dyann
Bryant Arinos Jan 2018
Alam kong ako ang laman ng isip mo
Alam kong ako ang laging sambit ng bibig mo
Alam kong ako ang tinitibok ng puso mo
Alam kong mayroong 'ako' sa mundo mo

Puyat ka sabi mo
Kakahintay sa reply ko
Pagod ka na sabi mo
Kaka-dial sa number ko
Ayaw mo na sabi mo
Dahil wala man lang akong reply ni isa sa mga text mo

Alam kong ayaw mo na
Alam kong pagod ka na
Alam kong sobrang nahihirapan ka
Pero pasensya ka na
Hanggang dito lang talaga

Minsan naisip ko
Dapat nga magpasalamat pa ako
Dahil dumating ka sa buhay ko
Pero pasensya na... hindi ikaw ang pinangarap ko

Sinubukan kong isipin ka
Sinubukan kong mahalin ka
Pinilit kong maging masaya
Pinilit ko kahit hindi kaya
Paulit-ulit, walang palya
Araw-araw, gabi-gabi
Sinasabi sa sariling dapat ikaw lang
Naniniwala sa kasinungalingang 'tayo lang'

Sana nga ikaw na lang
Sana nga tayo na lang
Sana hindi na lang sya

Pero pasensya na talaga
Sinubukan ko naman
Pinilit ko naman

Pero tama na siguro na magising tayo pareho
Tanggapin mo na lang ang pasya ko
Dahil dito sa mundo ko walang ikaw at ako
May iba akong gusto at hindi ikaw ang taong iyon
Taltoy Apr 2017
Ninanais malaman,
Ninanais tuldukan,
Pagkat di ko kaya,
'tong bagay na mawala.

Araw-araw nanlulumo,
Mundo'y dahan-dahang gumuguho,
Mga luha'y para bang tutulo,
Kapag naisip sa paninibugho.

Di magawang magsalita,
Kahit man lang mangamusta,
Sadyang takot lang talaga,
Pagkat alam na nagkasala.

Di kayang sa lahat, ikaw,
Ikaw, na minsa'y aking ilaw,
Sa landas na kay tarik,
Di alam kung anong masasapit.

Mistulang imposible,
Na tanggapin mo 'tong aking "sorry",
Ngunit ako naman sana'y paniwalaan mo,
Ito'y totoo, o sinta ko.
I just want to write and post. LOL
twenty-six May 2019
iwanan ang lahat
bago pa lumalim
ang mga sugat ng puso
na hindi na gagaling

kung ngayon ako'y lilisan
ako'y humihingi ng kapatawaran
sapagkat ito ay nararapat
upang hindi na kayo masaktan

pagdating ng ilang buwan
unti-unti niyo akong malilimutan
sa aking pagpapaalam
sana'y tanggapin niyo ang aking pagbitaw
kim Nov 2020
at sa paglakad ko palayo,
kasabay nito'y pagbitaw sa kamay mo
hindi ko man mabanggit ang paalam
tanggapin mo itong huli kong liham

Minsan kitang natagpuan,
sa lugar ng mga nilisan
at nagbaka-sakali
na magiging tayo sa huli,
(pagkakamali)
JL Nov 2020
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!!
By: Lovely Joy / September 2020

Ilang araw at buwan na rin ang dumaan
Mga araw na pinagdaanan at naranasan
Na nagbigay ng aral, pasakit, kalungkutan
Pero nangibabaw pa rin ang kasiyahan
Salamat sa alaala at nakaraan, kaibigan.

Kalahati ng aking tula'y naabot na rin
Ilang piyesa, ilang titik, ilang salita na ang nabitawan
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng letra
Pero handa naman akong maubusan
Kung ang paglalaanan ng aking pagiging makata ay IKAW.

Naalala mo pa noong huling tinanong kita ng "Ayaw mo na maayos?"
Ni isang salita wala akong narinig mula sa'yo.
Sabi natin noon, laban lang tayo hanggang dulo
Siguro nga eto na yung dulo.
Siguro oras na... oras na...
Susubukan kong kalimutan ka na
Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka.
Bibitawan ko na ang natitirang "sana"
At pakakawalan ko na ang paniniwalang "baka.”

Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa
Sabi nga sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi itinadhana
Natatagpuan pero nakatakda ring umalis.
Merong babalik, at meron din na maglalaho na lang.
Oo nga't mahal kita..... mahal...pa... kita...
Mahal kita, pero siguro tama na.
Love your self. ♥♥♥

— The End —