Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2017
Hindi mo man aminin
Mas mahalaga sya kesa sa akin.
Sa akin na nagpapahalaga ng nakaraan natin.
Ayos lang, hindi naman kita mapipilit na maging akin.

Bato, sya ang mas timbang sa puso mo.
Bato, na nagpapa- adik sayo,
isang ngiti nga lang iba na ang pintig ng puso mo.
Ako? Buhangin ang halaga sayo.
Buhangin lang din ako na naging pira-piraso dahil sa pagmamahal na alay ko.

Hindi man ito masusuklian,
Isang ngiti mo lang napapawi ang karamdaman.
Masakit man sa kalooban,
Ngunit kailangan kong tanggapin na ako'y hanggang titig na lang.
                                       -HAN
HAN
Written by
HAN
1.3k
 
Please log in to view and add comments on poems