Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Daniella Torino Jun 2017
Natatandaan ko pa
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating  o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.


Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.



Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.


Tapos heto,
hahanapin pa rin
ang kahulugan ng kahulugan,
ang salita ng salita
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang pag-ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
miski tumakbo pa-timog o hilaga
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,  
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.  
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang inakalang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang inakalang paghahanap ay kasunod ang kawalan.
Ngunit,
ako’y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
tumalon man sa iba’t-ibang pagkakataon,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba,
kahit daan ma’y baluktutin o gawing makitid,
walang pag-aalinlangan akong magpapatuloy
sapagkat bawat daan ko’y pabalik lamang sa’yo.  
Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at bubulong ng,
“ikaw ang dulo, gitna at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang kahapong ilang milyong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.

Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil,
hindi na ako naiinip sa bagal o bilis
ng paggalaw ng kamay sa aking relo
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
Kay tagal kong hinintay
ang pagkakataong mabuo ang aking ‘pagiging’
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.


Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
*sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang pag-ibig mo.
HAN Oct 2017
"Mahal na mahal kita" yan  ang sabi mo ng minsang yakap mo ako.
Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi.
Pero bat ganito ang nararamdaman ko?
May halong takot at pangamba.
Oo mahal kita, mahal na makal kita.
Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya,
ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa.

Natatakot ako na tuwing tinititigan kita
na bukas ay wala ka na
o baka, baka may mahal ka ng iba.
Natatakot ako.
Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba.
Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata.
na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba.
Ayoko na...
Gusto kitang yakapin at sabihing---
"Mahal wag mo akong iwan"
Ngunit sasabihin mo
"Mahal, ano nanaman ba yan?"

Akala mo biro-biruan lang
ang pag sabi ko nyan,
pero isang matinik na takot ang nararamdaman.
Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa.
Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi
ako'y nag-aalala sa lipi.
Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi
baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati.

Mahal, pasensya na
kung ganito ang aking nadarama
sa pang araw araw na kasama ka.
Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama.
Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na.
Mahal na mahal kita...
Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya.
Hindi dahil sa may mahal ng iba.
Kundi ako'y na tatakot na.
Hindi ko alam ngunit
sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga.
Puro pag-aalala ang nadarama.
Daladala sa mga minutong kasama ka
sa gabing malamig,
sa mga tanghaling mainit.
sa muling pag-luhat pag-iyak.
Sa pananabik sa iyong mga halik.

Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin.
Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba.
Dahil aking nadarama may mas mahigit pa.
Sa kaya kong alay sayo at ibigay
sa pusong na nanamlay
at nadudurog na kasing liit ng palay
At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y
Mayala ka na aking mahal,
Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
Have you ever  really really loved someone that you can set them free?
Jor Sep 2016
I. Kilig
Unang kita ko palang sa'yo—
Gusto na kita maging parte ng buhay ko
Sinong hindi kikiligin sa tuwing
Ngumingiti ka rin,
Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.

II. Kaba
Sa tuwing kakausapin kita,
Nauutal ako.
Nagbubuhol-buhol ang mga salita—
Na enensayo ko pa kaninang umaga.
Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na—
Ang tunay kong nadarama.

III. Saya
Dahil sa wakas nasabi ko na!
Hindi ko akalain na pareho ating nadarama.
Sinong hindi sasaya?
Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong—
Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng
Dating “ikaw” at “ako” lamang.

IV. Galak
Alam ng Diyos kung gaano nagagalak
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata.
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo.
Sa tuwing magkausap tayo magdamag
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Nung simula kang maging parte ng mundo ko.

V. Inis
Naramdaman ko rin ang inis
Sa tuwing binabalewala mo ako,
Sa tuwing iba ang kasama mo,
At hindi ko namamalayang
Nagseselos na pala ako.

VI. Pangamba
Nangangamba ako,
Sa tuwing aalis ka ng walang permiso.
Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo.
Nangangamba ako,
Sa anong pwedeng gawin mo—
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.

VII. Takot
Takot ako na magsawa ka sa gaya ko.
Takot ako na baka makahanap ka ng iba
Yung kayang higitan ang isang tulad ko.
Takot na baka isang araw—
Hindi na ako ang iyong mahal mo.

VIII. Lungkot
Madalas malumbay na gabi ko.
Sabik na sabik ako —
Sa mga yakap mo,
Sa mga dampi ng mga halik mo,
Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko.
At sa mga gabing natatakot ako.
Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.

IX. Pangungulila
Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan
Na wala ka nang oras sa akin,
Gusto sana kitang puntahan
Ngunit alam kong—
Na mas importante ka pang gagawin.
Naiintindihan ko naman
Pero anong magagawa ko?
Nangungulila ako sa’yo.
poetnamasakit Oct 2015
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”

Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”

Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”

Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”

Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko  ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..

Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin

Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta

Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko

“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin

Yung mga titig mo
Yung mga titig mo

Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo

Yung ikaw

Yung ako

Pero…
Yung akala kong may “tayo”

Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?

Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Loise Aug 2016
( written in Filipino )

Sisimulan ko na
Ang kwento nating dalwa
Natatandaan mo pa ba?
Wasak ka non, dahil sa kanya
Nariyan ako, para alalayan ka.
Iniiyakan mo siya.
Iniiyakan kita.

Siguro totoo nga
Na minamahal natin
Ang mga taong hindi sa atin.

Kalaunan, nagbago ang ihip ng hangin
Isang araw, ikaw ay lumapit sa akin
At may sinabing na aking ikinabigla
“ mahal kita “

Abot langit ang tuwa
Ng binanggit ang tatlong salita
Pero may konting pagdududa
Aking puso ay nangangamba
Nabigla ka lang ba?
O totoo ang iyong mga salita?

Pero siguro nga,
Isa akong malaking tanga
Dahil kahit may pangamba
Ay minahal parin kita

Sinagot kita
Naging tayong dalwa
Tayo’y masaya.
Tumatawa.
Nagmamahalan tayong dalwa

Pero ngayon?
Isa nalang itong mga alaala.
Ikaw.
Ako.
Tayo...
Tayong dalawa.
Ay tapos na.

Ito na ang huli.
Pangako.
Dahil alam ko
May mahal ka ng iba.
Masaya ka na
Tumatawa ka na...

Sa piling ng iba.

Hayaan mo.
Naniniwala ako.
Na balang araw,
Ngingiti nalang ako
Pag naalala ko.
Na nagkaroon pala ng ‘tayo’.
Argumentum Jul 2015
Paglisan

Pinangangambahan kong lubos na malaman
kung meron nga bang pangalawang buhay,
saan kaya ako tutungo?
gagala kaya ang aking diwa
o baka makukulong ito sa naaagnas at walang
buhay kong katawan habang buhay.
ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang
alikabok na hinipan sa mesa?
, o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa.

Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?,
kung may dumalo man,ano ang pakay nila?,
narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?,
o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan?
Narito kaya sila upang lumasap ng kape at
tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa?
o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?,
Natatakot akong malaman.

Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito,
hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal
kundi ang pagsisisi na aking dadalhin
sa bigong pag-usal at pagpaparamdam
kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na
sapagkat ang pinakamasakit na paglisan
ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at
hindi naipaliwanag.
love life sad pain thoughts depression you hope hurt heartbreak
deadwood Oct 2017
Hindi minsang naisip ng aking munting ulo na ika'y darating sa aking buhay.

Araw-araw nakikita kita mula sa pagpasok mo sa paaralan, pag-akyat ng hagdan, at paglagay ng bag sa ilalim ng upuan.

Araw-araw ako'y napapaisip, kung ano ba't lagi kang tahimik, laging malamig ang hangin, at laging tulala ka sa papel mo na walang laman kahit sulat man o doodle.

Ano ba?

Kung sa tingin mo ay nagkakagusto ako saiyo ay hindi ka nagkakamali ngunit hindi ka rin tama.

Binibini, ako'y nangangamba kung ano man ang nasa isip mo.

Sa unang tingin pa lang ay makikitang hindi ka pangkaraniwang estudyante.

Ikaw yung tipong hindi magsasalita kahit na nahihirapan, yung tipong hahayaang magpasakal sa taong kaniyang iniibig, yung tipong kagaya ko.

Araw-araw tinatanong ko ang Panginoon at sarili kung ano ba't nakita kita at nakilala?

Hindi ako nagkamali, katulad na katulad mo nga ako.

Katulad mo akong ayaw bumitaw sa patalim ng pag-ibig kahit na paulit-ulit na itong isinaksak sa aking puso.

Katulad mo akong gagawin ang lahat maibalik lang ang nakaraan kahit na matagal na niya akong itinakwil at iniwan.

Katulad mo akong malungkot na nagmamahal araw-araw.

Kaya, binibini, sana'y makaabot sana saiyo ang mumunting mensaheng ito mula sa wasak kong puso:

Mahalin mo man siya o oo, mamahalin pa rin kita araw-araw.
Jamjam Apr 2018
"Mahal na mahal kita". Ang tangi tanging kataga na pumapasok sa isip ko pag kinakausap kita. Madaling sabihin, dalawang salita, siyam na letra
"Gusto kita" at "mahal kita" salitang kayang gawin ang lahat para sayo, mahirap man o madali dahil mahal kita

Sabi nga nila'y nababaliw na ako. Sa pag ngiti sa sulok tuwing nag iisa't walang kinakausap. tila ba'y nababaliw na. Pero di yan totoo. Di nila ako masisisi, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang iniisip ko?

Hindi kita maangkin.
Hindi ko masabing ikaw ay akin.
Sapagkat wala namang atin.
Dahil hindi ka naman akin, OO HINDI.
Hindi ka saakin dahil wala nga namang tayo.
Tila salta't dayo ang turing mo sa akin sa tuwing tayo'y naguusap, pigil sa salita.
Kahit ganon, ako'y nadadala't nagagalak sa tuwing naguusap tayo.

Hindi ko na mapigilan. Gusto na kita. O baka
mas maganda sigurong sabihin na bakit nga ba kita ginusto? Ginusto sa sobrang ikling panahon.
Hindi ko alam kung bakit o kung paano. Basta't pag gising ko alam ko sa sarili kong gusto na kita....

Natatakot ako! OO takot na takot ako.
Takot akong masaksihang may iba ka ng gusto.
At hindi na ako.
Pero mas takot ako,
Mas natatakot akong sabihin mo ang mga katagang.
"WALA NAMANG TAYO, ANONG KARAPATAN MO"

Ano bang dapat kong gawin, para mahalin mo?
Anong dapat gawin, para mag karoon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo, sa mundo ko.

Bakit minahal mo ako? Yan ang tanong na alam kong itatanong mo sa akin, at alam kong wala akong maisasagot, dahil wala namang sagot kung bakit mahal kita, basta mahal kita.

Bakit ako? Bakit ganyan ka sa akin?
Ang mga salitang yan ang palaging sumasagi sa isipan mo sa tuwing magkausap tayong dalawa.

Bakit ikaw? Bakit ako ganto sayo?
Mukang alam mo naman siguro ang sagot sa mga tanong mo na yan. Ang kaisa isang salitang minumutawi ng aking mga labi...Mahal kita

Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita
Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga

Ika'y nangangamba na baka may makilala pa akong iba. Natatakot ka sa kadahilanang kilokilometro ang agwat nating dalawa.
MAHAL magbigay ka ng kahit konteng tiwala, pangako't hindi ka magsisisi.

Wag kang mag alala. Ako yung taong maihahalintulad mo sa sinaing sa rice cooker, ok lang kahit hindi mo bantayan..

Minsan hindi mo inaakala na magkakagusto ka sa isang tao ng ganon kadali o sa ganon kaigsing panahon, kaya siguro hindi mo matanggap na nagkagusto ka sa taong hindi mo pa gaanong nakakausap, nakikilala't nakita manlang. Yakapin ang katotohanan at walang hanggang saya ang idudulot sayo nito.

Ang namumuong pagtingin ay sobrang hirap pigilan. Pero sa palagay kuy di mapipigilan ang pilit na sumisigaw at naninibughong nararamdaman na nagtatago sa takot na dumadaloy sa bawat laman at kasukasuan ng iyong katawan.

Sana'y wag mo ng pigilan dahil lalo ka lamang mahihirapan, hayaan at wag pigiling umibig ang pusong nanghihingi ng tamis ng aking pag ibig. Ialis sa isip ang takot, at pabayaang puso ang mag desisyon. Baka sa paraang iyon ay lumaya at maging masaya ka sa araw araw na lilipas.

Hindi ko nga magawang makipagusap sa iba ibang babae o tumingin kase alam kong meron akong ikaw.

Meron nga ba akong ikaw? Ako'y umaasa.
Alam kong maluwag pa ang pagkakatali at hindi pa kita pagmamay ari. Kaya sanay hayaan mo akong mahalin ka, at mahalin ako pabalik.

Kilometro man ang layo natin sa isat isa. Pero hindi nito mapipigilan ang pagmamahal ko sayo. Ang ninanais ko lamang ay tanggapin mo at ilais ang pangambang bumabalot sa iyong isipan.

Masasabi kong sugal nga ang pag ibig. Dahil maaari kang matalo at masaktan. At sa kabilang dulo naman ay mananalo ka at walang hanggang saya.

Minsan sa buhay naten pumapasok ang takot at pumipigil sa mga bagay na maaari tayong mas maging masaya.

Ang takot ay kasinungalingan lamang na lumalason sa ating isipan, kaya siguro hindi natin nagagawa ang mga bagay na maaari tayong sumaya.

Hayaang ating puso ang magpasya. Nang sa gayoy mawala ang tinik sa lalamunan, at hayaang lumigaya at guminhawa ang nararamdaman

Ang takot ay panandalian lamang. Pero habang buhay na bumabasag sa ating kasiyahan. Sanay ialis ang takot, nang sa gayoy hindi ang pagsisisi ang manirahan sa iyong puso.
Sorry di pa po masyado revised
JK Cabresos Nov 2011
Bawat hakbang sa buhay na aking tinatamasa
binibilang ko't, nag-aasam ika'y makasama;
wari'y may 'sang tinig na nagsasabing hintayin ka
dahil sa pangakong binitawan mo sa 'sang umaga.

Ni walang bagay na maihahambing sa 'yo,
sakripisyo't hinagpis, alay ko sa kahapong bigo:
puso'y nangangamba, mababalikan pa ba kaya
dahil sa pangakong tinatanghali na't, wala ka pa.

Tambad sa 'king isipan, nag-iisang ikaw
pawang pag-asang makita ka lang sa pagdungaw:
isipa'y kaygulo kung nasaan ka na, aking sinta;
ang pangakong dapit-hapon na't, batid na yaring mga luha.
© 2010
mikhachuuu Apr 2017
Bakit nga ba?
Bakit nga ba ang hirap sumagot sa bawat tanong,
sa bawat tanong na pilit na binubulong?
May mga sagot nga sa mga tanong, ngunit ito naman ay nakukulong

Bakit nga ba nagmamahal,
nagmamahal sa taong di kamahal mahal
Bakit nga ba sa umpisa lang ang kiligan
tas habang tumatagal naglalaho naman

Bakit nga ba kailangan muna masaktan,
kailangan muna masaktan bago natin malaman
bago natin malaman na hindi siya yung "right one"
hindi siya yung "right one" para sa puso nating baka maging ewan

Bakit nga ba ang sakit sakit,
ang sakit kapag tayo'y pinagpapalit
Ginawa mo na lahat pero di parin sapat?
di parin ba sapat na minahal mo siya ng tapat?

Bakit nga ba ang daming paasa
akala natin tayo nga ay may pagasa
Sila tong nagbibigay motibo
tapos sa huli tayo naman ay naloloko

Bakit nga ba ang hirap tanggapin
ang hirap tanggapin na hindi ikaw yung pinili
Ginawa mo na lahat para sa kanya, pati na ang maging alipin
pero wala rin, sa huli siya parin ang pinili

Bakit nga ba
Paulit ulit na bakit nga ba
Pasensiya na ako'y nangangamba
Naghahanap lang naman ako ng sagot sa mga tanong na bakit nga ba...
Bakit?! Bakit?! Bakiiiit??!! Char
solEmn oaSis Nov 2015
sa dami ng puting buhangin,,may ugong ang paligid
sapantaha koy taimtim na nagmamasid
sapagkat pikit-mata akong napatitig ng isang iglap
dahil sa aking hinagap tanging puwing ang nasagap

o luntiang hugis-bakit ang kaanyuan
meron akong mumunting katanungan
hiraya manawari,, maibsan itong alinlangan
kapara ng hardinero sa kanyang halamanan

hanggang kailan pa kaya ang pagkapa ko sa dilim?
at sa aking pagdilat,,di na ba matatakam sa pagtikim?
sa samyo ng mahiwagang halaman,, sa tubig ay tigib
sa nakaambang mga tinik,,pahiwatig ay kutob sa king dibdib

Tanong Ko Lang?,,,,,,,

KANINONG ANINO NGA BA
ANG TILA NANGANGAMBA,
SA SILWETA O SA TALABABA?
DI KASI HALATA,SINTOMAS NG AMIBA!
---the talent i've been hiding?Well...
well,,,it comes from-by being well
or specially if am a little bit unwell
Dan Mills i'm glad you appeared to my home,tonight,to your poem i will dwell!
solEmn oaSis Nov 2020
Kung hindi ngayon kailan?
hanggang kailan mapipigilan
malikmata sa abang isipan?
Lumulobog nga ba
o sadyang pasikat pa
lang ang araw Kong nagigisnan?
Hanggang saan pa ba
ang kayang tanawin ng inyong kalooban?
'gang sa likod ba ng mga lilang
ulap at mala-kahel na papawirin?
Tulad rin ba niya ang inyong mga mata na mayroong tanglaw at panglaw?
Sa kung gaano kalalim ang lawak ng karagatan sa taglay nitong saklaw?
Kung kayo ang nasa katayuan ng namamasdan **** katauhan..
Mababatid ninyo kaya kung paano niya
minamalas ang nasa kanyang harapan?
Sa pakiwari ko'y hindi sapagkat talos kong nadaramang higit ng inyong mga puso...
Na ang nilikhang inyong nakikita ay walang nakikita sa malayong ibayo !
Hindi dahil sa siya ay naiinip lang na makita na ang kanyang minamahal..
Ang tutoo nangangamba na ako na baka hindi na niya maantay ang resulta ng aking pagpapagal.
Sapagkat kung ano man ang nilalarawan ng bawat kapaligiran..
Pikit mata ko na ipinipinta ang mga sandali kung paano ko siya daratnan !
Kaya ngayon na ang tamang oras
At di ko na kaya na ipagpabukas
upang sabihin sa kanya na hindi na ako mamamalakaya.
Mahal heto na ako sa iyong likuran..
'Wala akong hilang sagwan',
Ang bulong ko sa aking isipan..
Tatakpan ko ang iyong mga matang namamalakaya
Hanggang sa ang aninag mo muling maging malaya..
Dahil ang araw na ito ay hindi takipsilim para sa ating dalawa
Bagkos ang liwanag nating inaasam ay binibigay na ng bukang-liwayway !!!

Ngunit mga katoto kung ang sagot ninyo ay Oo..
Marahil inyo nang napag-isipan mga binibini at mga ginoo
"... Na kung minsan bago pa tayo may mapagmasdan
Madalas hindi agad namamasid ang lihim na kagandahan"
Bihira man bigkasin ang kasabihang...
" magkaiba yung may tinitingnan
sa mayroong tinititigan "
mula sa malikot kong balintataw
nailibing ko na ang pandemya ngayong araw ng undas at binuhay ang larawan ng masasayang
" ALAALA "
Nang ikaw ay aking nakilala
Buhay ko ay sadyang nag-iba,
Sa lambing mo at pagiging maalaga
Mundo ko ay lalong sumaya...

Paano ko sasabihing gusto na kita
Kung ako naman etong nangangamba,
Kung malaman mo aking nararamdaman
Baka ako naman ay iyong iwanan...

Natutuhan na kitang ibigin
Ako pa kay ay muling mapansin
Magawa mo kayang ako'y mahalin
At sabihin **** "ako'y sayo at ika'y sa akin"...

Handa na akong ika'y makasama
Basta makapiling ka aking sinisinta,
Pagkat ang mabuhay sa mundo ng wala ka,
Labis kong pagsisisihan at di ko makakaya.


©2016 John Vincent Obiena. All rights reserved.
This poem was written last year 2016 requested by a friend
NoctOwl Oct 2017
Kay bilis din ng panahon aking kaibigan
Tulad ng paglaho ng pangalan mo sa inbox ng cellphone na gamit ko
Na dati ay napupuyat upang makatext lamang ang isang tulad mo
Ngayon ay nagtatanong kung mayroon ka pa ba ng mga numero ko?

Kay dali nga siguro lumipas ang oras
Tulad ng chat box sa facebook na hindi na kita mahanap
Na noon ay laging nasa unahan at puno ng tawanan ang nilalaman
Ngayon ay tila nalulumbay at ayaw tumahan

Salamat sa lahat ng mga alala na ito aking mahal
Masaya akong ulit ulitin ito sa aking isipan
Huwag ka mag alala dahil ako ay hindi nangangamba
May langit pa naman, kung saan walang time limit ay makakapiling ka.
Zaki Aug 2019
Dati ako'y nagagalak sa dilim–tahimik at payapa.
Nakakaramdam na ako'y malaya.
Sa paglipas ng panahon,
nagbago na ang aking pananaw.
Hindi na tuwa,
kundi takot na ang nangingibabaw.
Sa pagsapit ng dilim, heto nanaman.
Nangangamba sa mga munting tinig na umaalingawngaw.
Pagdurusang walang makarinig kahit gaano kalakas ang iyong sigaw.
Christien Ramos May 2020
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.

Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,


hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.

Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.

Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.

Uulitin ko.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi

kita iiwan.

Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
I miss you, mei ;(
UUWI KA NA

Ilang buwan ang hinintay ko sa iyong pagbabalik
Tinitingnan ang itsura sa salamin kung paano ako maging sabik
Siguro'y magliliwanag ang paligid
Na tila'y matinding saya talaga ang iyong hatid
Sa iyong pagbabalik sa lugar kung sa'n ka nanggaling
Matutupad na kaya ang matagal kong hiling?
Uuwi ka na
At ako'y sabik na sabik na
Sa iyong pag-uwi bitbitin mo ang mukhang puno ng saya
Ipakita mo sa lahat ng ika'y talagang nagbalik na
Uuwi ka na

Mararamdaman ko na naman uli ang kaba
Ang malakas na tibok ng puso kong masaya
Na tila'y ang paligid ay hindi ko na alintana
Dahil tinatanaw ko na ang iyong mukha

Ano kaya ang aking magiging reaksyon?
Ako ba'y tatakbo o magtatago?
Ako ba 'y kakabahan o masisiyahan?
Ako ba'y mabibigla o matutulala?
O baka naman, sa pagbalik mo, ako'y muling masasaktan at maiiwang sugatan.

Ako na'y kinakabahan sa pag-iisip na ika'y babalik na
Nalilito at di ko mawari ang nadarama
Baka ito'y magiging dahilan ng aking di pagtahan
Kasabay ng aking pagkasabik, ako din ay nangangamba
Na baka ang puso ko'y dudurugin mo pa
Na kaya dahil ka bumalik para muling saktan ang puso kong sirang-sira na

Tinitingnan ko ang paligid
Hinahanap kung saan kita posibleng mahagip
Doon ba sa lugar kung saan kita unang nakita
O baka sa lugar kung saan ko nakitang kasama mo sya?

Uuwi ka na
At sana'y sa iyong pag-uwi
Ako'y mapapansin mo na
Mali
Uuwi ka na
Pero hindi sa akin
Kundi sa piling nya
Hindi na ako makahinga,
pinipilit ang sariling bumangon.
Nasa ilalim ng mabigat na bunga,
ng aking mga pagkakamaling naglaon.

Natatakot, nangangamba,
sa pagsilang ng umaga.
Sa hudyat nitong kasama, laging dala,
ang siklo ko'y muli nang nagsimula.

Lalaban, lalarga, makikibaka,
sa alon ng buhay, mabagal, nalunod na.
Ngunit nang mata'y nagkasalubong, nagkita,
aksidente nga ba o matamis na tadhana.

Sa pagitan ng pawis at dugo at luha
ng mga tao na ngayon tayo ay nasa gitna.
Mayroon ako, ikaw, gustong ipahiwatig,
pero pareho tayo, boses, napatid.

Pagkakataon lumisan na,
ikaw ang nauna, ako'y nasakal ng pangamba.
Muling sinubukan, ipagtagpo ang mga mata,
hindi kita malilimutan.
Inspired by an Instagram post
Pusang Tahimik Jul 2020
Kaynipis ng hangin sa paligid
Kahit pa bentilador ay nakatutok sa magkabilang gilid
Nangangamba sa mga taong kasama sa silid
Naway tiyak nga ang aking lingid

Ngunit di nagsisinungaling ang mga senyales
Kahit na hindi na isulat pa sa papeles
Tiyak ang paghinga na may pagtitiis
Na tila inaagaw ang hangin na kay nipis

Pinarurusahan nga yata ako
Sapagkat sobrang nakalimot na nga ako
Maging sa pagkain nauuna ang subo ko
Kaysa pasasalamat at dalangin ko

Tiyak na nga, tiyak na nga...
Masakit ang ulo sa paghiga
Barado ang ilong magkabila
At pang amoy ko'y wala na nga

Ako ba ay makatatagal kaya?
Tanong sa isip na nawawala
Sa wasto dahil masakit na nga
Diyos ko bahala ka na nga!
'JGA
marqz Oct 2017
Tila –  simbolo ng kawalang kasiguraduhan
Tila bagyo ng pangamba’t agam-agam
Tila di na sapat
Pero tila 'di man matanaw sikat ng araw
Laging tatandaan na ang tila
Sa kabilang banda’y paghupa.
Pagtila – sa gitna ng iyak ng langit
Tila na puputol sa daluyong ng unos.

Kaya kung tila nangangamba
Asahang titila rin,
At darating pangibagong umaga
Ms Oloc May 2020
Aakyat sa entablado
Dala dala ang aking talento
Haharap sa mga hurado
Habang ako’y kabado

Magsasalita sa harap ng maraming tao
Kahit ako’y problemado
At nangangamba kung ano ang magiging grado
Ako ba’y bagsak o pasado

— The End —