Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kahibangan" poems
May mali sa nangyayare sa buhay ko. Bakit nagiisa lang ako? Tama ba tong ginagawa ko? Ginagawa kong dahilan yung pagkawala mo. Ganito ba dapat ang maramdaman ko? Para akong matutuluyan sa kahibangan ko. Isang pitik pa, isang kanta, isang malupit na alala. Kung matitimbang lang ang luha, siguro aabot na yung akin sa tonelada. Nakakatawa. Wala atang makakatapat sa narating nating dalawa. Hindi ko gusto tong estado na to. Ayokong kalimutan lahat ng masayang alaala. Sa lahat ng pagkakataon na namuhay ako magisa. Para sa lahat ng sama ng loob na sumabog at di ko natantya. Sa lahat ng gawain mo na anlakas magpaasa. *Yung ngiti **** tagilid pero nadadale pa din ako.* Yung balbas mo na ambilis tumubo. *Sa dalawang pusa na palagi **** alaga.* Nung mga oras na kailangan ko ng kasama tapos di ka nawala. Sa katangahan at kababawan ko na naniniwala na nandyan ka pa. Para sa lahat ng sakit na kailangan ko daanan mag isa. Lahat ng dating tropa na di na nakakakilala. Nakataas ang kamao ko pero nakaangat yung daliri sa gitna. Minsan ang sarap mawalan ng pakialam, ng pakiramdam. Yung mamuhay na parang dumaan ka lang. Ang sakit magmahal tapos sasaktan ka lang. Ang sakit magmahal tapos iiwan ka lang. Di ako galit sayo. Di kita papa salvage sa kanto. Di ko ipagkakalat kung san kiliti mo. Gusto ko lang mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Kasi isang taon na, ikaw pa rin laman ng poetry page ko. Sana isang beses makita ko na lang na masaya na tayo pareho. Yung tipong pag naalala kita, nakangiti ako nagkekwento. Ang hirap nga pala talagang kalimutan. *Yung minsan may taong kumilala sayo bukod sa sarili **** magulang.* Ang hirap umasa na may dadating pang iba. Ang sakit na kasi nung minsang binigay mo yung puso mo sa kanya pero iniwan ka din nya. Kanya kanyang dahilan, kanya kanyang pinaglalaban. Kung di din naman tayo magkasama sa huli bakit kailangan pa natin pagusapan. Nalulungkot ako, di ko itatanggi. Pakiiwasan mo na lang mag post na masaya ka palagi. Matagal pa siguro to maghihilom. Nakakaawa yung susunod kasi naka kandado na yung puso kong mamon. Yun ay kung meron pang susunod.
0
Mar 13, 2017
Mar 13, 2017 at 10:41 AM UTC
Flip-ino

Continue reading...
44
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya Nasa tono ang plawta, umiirog na nota Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong alulong ng multo na nanahan Sundin ang pagkabigo Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo Ngunit nakagapos ang mga ugat Nakapanlulumo man ito'y totoo Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago Itigil ang kahibangan ng bahaghari Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel Iwaksi ang pagtitibok Ang mga konstelasyon ang patunay Guhit ng relasyon sa hangin ialay Papalayo, hindi mamamatay paulit-ulit na mabibigo Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa Lunas sa damdaming mahapdi
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 8:05 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #3
Ano nga ba ang buhay? Isang kahibangan, What is life? A mania, Ano nga ba ang buhay? Isang ilusyon, What is life? An illusion, Isang anino, isang kasinungalingan, A shadow, a lie At ang malalaking biyaya'y maliliit pa rin, And the biggest blessings is still small, Dahil ang buhay ay isa lamang pangarap, Because life is only a dream, At ang pangarap ay pangarap lamang. And a dream is only a dream.
0
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 8:07 AM UTC
Poem by Pedro Calderon
murahin mo ako aking kaibigan gisingin mo ako mula sa kahibangan higit mo pang lakasan at huwag tigilan pigilan mo ang lamig ng tagulan ang daplis ng suntok mo'y mainit ngunit kulang pa sa lakas upang ako'y magising sa sumunod **** sipa ako'y namilipit naalimpungatan lang ako sa iyong pagpilit ihampas mo na lang ako sa lupa para cool
0
Jul 27, 2011
Jul 27, 2011 at 7:33 AM UTC
Ihampas mo ako sa lupa
Ayan na naman ang araw, ngunit heto ako gising na gising. Ayan na naman ang araw, sinasabing itigil ko na itong kahibangan ko para sa'yo. Ayan na naman ang araw, nagsisilbing gabay na wala kana sa akin.
0
Oct 21, 2015
Oct 21, 2015 at 5:17 PM UTC
''Araw''
"May mga nararamdaman na umaagos sa pamamagitan ng mga salita, Meron din naman ginagapos sa pamamagitan ng tula Pinalilipad sa liriko at pagkanta Pinasasayaw sa papel at tinta Ngunit sumagi sa aking isipan May mga nararamdamang tila Di mapaliwanag ng lubusan Parang sumpa sa karanasan Na magpapalesyon ng sistema at isipan Kahit Ubusin ko man ang bawat letra At lumikha ng bagong salita Ubusin ko man lahat ng papel at tinta Di ko pa din maipakita, mailatag at ipahayag Tila walang katapusan Kahibangan Hindi ba sapat o sadyang kulang ang aking kaalaman? Kulang pa ba ang karanasan? O wala lang talagang katapusan ang ganitong pakiramdam?
0
Mar 13, 2015
Mar 13, 2015 at 4:26 AM UTC
Hindi ko kayang tapusin
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka, Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa, Bakit pa nga ba aasa pa? Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga. Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya, Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa, Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”, At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”. Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na, Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula, Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba, Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa. Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin, Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin, At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon, Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon. Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba, Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga, Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?” At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?” Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na, Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda, At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya, At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya. Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo, At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako, Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga, Hindi pala dapat ako umasa.
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 4:48 PM UTC
Kasi Kung Hindi

28
ayaw niya saiyo kaya tama na hindi pa ba sapat na ipinagtulakan ka niya? kahit anong pilit mo hindi ka mapapasakanya maawa ka naman sa puso **** wasak na wasak na tigilan mo na ang kahibangan mo pangarap moy hindi matutupad dahil siyay di para sayo madudurog at madudurog lamang ang puso mo sinasabi ko, siya ay para sa iba at hindi sayo tama na, maawa ka naman sa sarili mo uulitin ko wala kang mapapala dahil siya ay isang gago darating din ang tamang lalaki para sayo malay mo makasungkit ka ng sobrang gwapo
0
Apr 20, 2018
Apr 20, 2018 at 3:38 AM UTC
Tama na!
Paano ko kalilimutan ang taong hindi naging akin? Mayroon bang off-switch na pwede kong pindutin? Gusto kong sabihin sa sarili ko "tama na! huwag ka na umasa!" Pero bakit nasa larawan mo pa rin ang aking mga mata? Paano ko kalilimutan ang matang hindi ako tinignan? Mga matang mapupungay at kaysarap pagmasdan Kung pwede lang pumikit, tapos pagkadilat ay wala ka na Para tumigil na ako sa walang humpay na pagluha. Paano ko kalilimutan ang mga ngiting ubod ng tamis na iginuhit ng mga labi **** tila seda sa nipis? Gusto kong isigaw kung gaano kita iniibig! Ngunit kung sarado ang tainga mo, paano mo ako maririnig? Marahil sasabihin mo, OA na ang tama ko hindi ko pa kilala, pero ang drama ko ay ganito Kasalanan ko bang umasa na ang mga daan namin ay magtatagpo lalo na kung alam kong andyan lang siya sa kabilang kanto? Paano ko tatalikdan ang pusong hindi naangkin? May bukas pa ba na nakalaan para sa atin? Kailangan ko na bang itigil ang kahibangan kong ito? Natatakot ako sa sagot, dahil madudurog lang ako.
0
Jan 28, 2016
Jan 28, 2016 at 2:49 AM UTC
Paano?
Akala ko, tadhana lamang ang mapaglaro. Ngunit aking natanto, ika'y mas mapaglaro. Binuhay mo ang pihikan kong puso at ito ay pinaibig ng husto. Yun pala, ako'y iyong iiwanan sa dulo. Ginawa mo lamang akong tanga. Tao sa aking paligid ay natatawa. Kasawian ko ay iyong kasiyahan. Sana maaga akong nagising sa aking kahibangan. Ako sana ay hindi nagdurusa ng lubusan.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 11:51 AM UTC
Mapaglaro
Ayan ka na naman dumadaan sa 'king harapan pero kahit na minsan hindi mo ako tinitingnan Ayan ka na naman alam kong ika'y nasa malapitan pero kahit na minsan hindi ko kayang ika'y lapitan Ayan ka na naman bakit lagi kang nasa isipan pero kahit na minsan hindi kita kayang kalimutan Alam ko naman presensya ko hindi mo maramdaman dahil palihim lang kitang tinitingnan sa malayuan Ayan ka na naman sana matapos na ang kahibangan dahil kahit na minsan ay di mo ako makikilala kailanman
0
Aug 29, 2019
Aug 29, 2019 at 10:23 AM UTC
Ayan Ka Na Naman
Bibilang ng lima upang sarili'y mapakalma sabay bugtong-hininga mga luha'y nagsitulo na pala dahil hindi na kinaya ang sakit na dala, akala nila wala akong problema akala ng iba ako ay masaya akala nila wala akong iniinda nasanay kasi silang lagi kang nakatawa nasanay kasi silang lagi kang masaya nasanay kasi sila na ganyan ka, napakahirap na sitwasyon hindi nila alam na saking pag ngiti sa loob nito'y pighati iniisip ng iba na nagbibiro lang ako iniisip nila na hindi ito totoo pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito, dinadaan ko nalang sa pagpapatawa upang ang iba'y mapasaya ngunit sakabilang banda ay may salitang nag nanais na "ako naman sana." nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko sakabila ng aking pagtawa ay may lungkot na dinarama, ginawa ko naman ang lahat, ngunit bakit hindi parin sapat hindi ba nila nakikita o ayaw lang talaga nila bigyang halaga, siguro nga talagang walang nagmamahal sakin dahil walang umiintindi sa aking pag inda lunod na lunod na ako sa kalungkutan labis-labis na akong nahihirapan, puso ko'y hirap na Ayoko ng magpanggap pa magpanggap na masaya ako sa harap ng iba dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya, ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan biktima ng kahibangan biktima ng kapighatian biktima ng pusong mapanlinlang at biktima ng isip na nais ng lumisan, hindi ko na kilala kung sino ako, hindi ko na kilala ang sarili ko kailan ba ako makakatakas dito sa higpit ng kadilimang bumabalot sa isip ko alam kong hindi ko na kaya pero kakayanin ko pa kakayanin kong muling makatayo sa sarili kong mga paa upang masolusyonan ang aking problema kakayanin kong lumaban dahil ayaw kong maging talunan at hinding hindi ako magiging talunan kakayanin kong labanan ang lungkot upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot, alam kong may kwenta akong tao dito sa mundo. alam kong may nagmamahal pa sa akin ng totoo alam kong ang Diyos ay lagi kong kasama sa lahat ng dako alam kong Sya ay laging nasa tabi ko alam kong yayakapin nya ako sa bawat pighating ito! hindi ako magpapalamon sa aking depresyon lalaban ako kahit problema'y kasing lakas ng alon lilipas din ang hapti ng kahapon hindi man ngayon ngunit darating ang bukas at itong kalungkuta'y magwawakas.
0
May 14, 2023
May 14, 2023 at 12:40 PM UTC
Untitled

76