Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hinirang" poems
Minsan gagamit ng payak na salita Ngunit ito'y uusigin ng iilan; Minsa'y sisisid at muling hihinga Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita. Kung ang pagsusulat ay pagmulat Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala? Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma? Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado. Minsa'y wala namang nais ipahiwatig Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig Wala nga bang dahilan? O ayaw mo na lamang lumaban? Sa mundong ginagalawan Hindi lahat makaiintindi Hindi lahat makikiayon Pagkat hindi iisa ang bida May iilang ekstra sa eksena Kaya marapat na handa ka. Ang pagsulat ay malaya Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga Ganyan ang nadudulot ng demokrasya Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra. Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya? Ang pagsulat nga'y musika rin Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa. Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko. Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?" Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba Ang pluma ng ila'y wala palang tinta Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago. Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama Mayroong layong nakapag-iisa Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan Mayroong uusbong na himagsikan -- Mabuti man o masama. Abstract/ abstrak Mabuti pang ganyan ang pagsulat Nang hiwatig ay pansarili lamang Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon. Bale wala ang salita Kung ang mga ito'y walang aksyon; Bale wala ang salita.. Kung ang puso'y wala namang direksyon. (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 4:46 AM UTC
Ang Payak na Kasulatan, Pag-usbong rin ba ng Himagsikan?

Continue reading...
52
#032116 Tutugon iyong kamay Sa musikang natural na naririnig. Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y Turo na yan nila Ma'am at Sir -- Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso At saka umawit ng Lupang Hinirang. Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan, Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta. Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito, Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo. Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin. Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap. At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa. Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika? O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang? Para sa higit na salapi't oportunidad. Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan? Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa? O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula? Taglay mo pa ang pagmamahal, Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo? May kumpas pa ba sa puso mo Ang kislap ng watawat? Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito? O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino? Masasabi mo pa ba't matatayuan Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?" Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan? Walang Pilipinas, kung walang Pilipino. Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako, Walang Pilipinas kung wala tayo. Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 11:08 AM UTC
Lupang Hinirang
042522 Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw, At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman. Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga At mismong lipunan ang syang magpapasya. Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak. Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa? Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka. Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma? Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan, Paano nga ba ang ating pagtindig Para sa sinasabing mahal na bayan? Pilipinas nga ba ang ating pinipili? O kung saan lamang tayo kampante Habang nananatiling namamaypay At abala sa kabi-kabilang pag-uusig. Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na, Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising Sa dugo nating makabayan? At sapat ba ang ating paghiyaw Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas? Mga bibig natin, paminsan nga'y Puno lamang ng mga palatastas. Sapat ba na tayo-tayo na lamang Ang naghihilaan pababa't paitaas? Pagkat mismong pananampalataya'y Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak. Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan -- Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan. Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas -- Sana'y mapaninidigan kita't Hanggang sa huli'y maipaglaban Pagkat maging aking hininga'y Pansamantalata't pahiram lamang. At hindi ito lotto o binggo, Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino. Ngunit kung sinuman Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino Sana tayo pa ri'y magkaisa Para sa dangal na nais nating isulong. Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y May iisang hindi tayo tinalikuran, Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan -- At Hesus ang Kanyang Ngalan! Bangon Pilipinas!
0
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
Pilipinas Kong Mahal

50
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan? Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan. Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon Magiinat at babangon. Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema Hindi na po kami makapaghintay Ama Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba. Nagkaroon man ng isang pandemya Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya Narito pa rin at masigla Tunay na maawain at magpamahal Ka. Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta. Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala. Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko Ang magpunta sa tahanan Mo Sa madaling araw na pagsamba Bumabangon ng maaga at mapapasabing, "Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:30 PM UTC
Sa Tahanan Mo
Ang haplos ay malamig di man naninigas nanatili walang kibo Sa paghagok ay naninibago -walang malay parang nag-iidlip Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos -magbigay pugay Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti Ginto at pilak, walang katumbas Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan Parirala ng buhay ay papintig-pintig sa ibang dimensyon na ng daigdig Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay Sa kuko matatanto habang nakaratay Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan Maraming kakaibiganin maging sinuman Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad Pagbubuklodin ng pagsinta Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi Paalalang ipirmi, di iwaksi Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 6:20 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #10
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Ilang linggong puro nakaw ang sulyap sa'yo Ilang araw na walang hinangad kundi pansinin mo Ilang beses nang nilalapitan at pilit na nagsusumamo Ilang beses pa bang magpapapansin para sa atensyon mo? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula Hindi ko rin alam kung lahat ba ng ito ay tama Ang tanging pinanghahawakan ay ang lakas ng loob Ang aking hiling ay tanging maging sa'yo Sa bawat araw na hinirang ng Maykapal Sa bawat pintig ng puso, ngalan mo ang sinisigaw Sa impyernong ito na ating ginagalawan Ikaw ang tanging langit sa aking buhay na kawalan Ako'y sa'yo, nais kong malaman mo Ako'y sa'yo, sana'y pagbigyan ako Ako'y sa'yo, hayaan **** ibigin kita Ako'y sa'yo, sa lungkot at sa ligaya Tanging sa'yo, lumipas man ang mahabang panahon Tanging sa'yo, sa bawat pagdapa at sa bawat pagbangon Tanging sa'yo, magunaw man ngayon ang mundo Tanging sa'yo, at sa'yo lamang ang puso ko Ikaw ang ilaw sa madilim kong landas Ang parolang gabay sa bagyong malakas Ikaw ang laman ng damdaming puno ng lakas Ikaw din ang kahinaan, ang pag-ibig na wagas Tandaan mo na kahit saan man mapunta Kahit saan mapadpad at ako man ay maligaw Sa libong tula at liham na aking isusulat Tanging ngalan mo ang laman, tanging ikaw Ang gusto lang makamit ay ang 'oo' **** matamis At mamahalin kita sa habang buhay ng labis-labis Hindi man perpekto, magkaron man ng mga mintis Basta't ikaw ang kasama, lahat ng problema'y matitiis Ako'y sayo, aking uulit-ulitin Ako'y sa'yo, ika'y kukulit-kulitin Ako'y sa'yo sa hirap at ginhawa Ako'y sa'yo, dahil mahal kita
0
Sep 6, 2017
Sep 6, 2017 at 3:06 AM UTC
Hiling

36
Wagas ang paglilingkod Sa bayan niyang sinisinta. Nagsilbing pananggalang Ng mga sugatang paa. Walang pag-iimbot Na hatid ang bawat galaw. Katapatan niya'y 'di matinag Sa baluwarte niyang saklaw. Siya ay anak-dalita Kaya may puso sa maralita. Hinirang dahil may bilang At hindi lang puro salita. Maaga man ang paglisan Habambuhay magmamarka Bansag na "Reyna ng Tsinelas" Na kanyang naipinta.
0
Jun 25, 2021
Jun 25, 2021 at 2:41 AM UTC
Konsi
May mga pagkakataong ako'y nanghihina dahil sa sunod-sunod na problema Mga pagkakataong akala ko hindi ko na makakaya Ngunit pinatatag ako ng Panginoon Kung hindi dahil sa Kaniya ay hindi ako makararating sa kung nasaan man ako ngayon. Hamunin man ako ng mga pagsubok at problema Panalangin ang aking sandata. Hahayaan ko lang muna ang aking sarili na lumuha sandali Pagkatapos ay lalaban muli. Kapag ako'y nalulungkot, sinasarado ko bawat bintana at pintuan ng aking mundo Nagninilay-nilay tungkol sa nararamdaman ko Hindi ako nag-iisa, kasama ko ang Ama Pinaparamdam Niya sa akin ang kaniyang pagmamahal at awa. Pangako Ama Paglilingkuran Kita Itong kaloob **** lakas at buhay Hinding hindi ko gagamitin sa pagsuway. Patatagin Mo nawa Iyong hinirang ay bigyan mo ng pag-asa Gawin Mo akong malakas Ama Sa mga panahong ako ay nanghihina.
0
Apr 9, 2021
Apr 9, 2021 at 4:50 AM UTC
Sa mga oras na ako ay mahina, doon ako lumalakas
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman. samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan... at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay. Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw. Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan. Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman, Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam ! Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos. Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang... Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang, Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga.. Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog Sukdol Nga Ba O Sakdal Kung Dumatal At Kumintal Ang Alimpuyo't Tagtuyot Sa Panahon Ng Tagdahon At Sa Di Kalayoan Akin Ngang Naulinigan Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan Kung Saan Ang Aking Katayoan Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan... Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
0
Mar 22, 2022
Mar 22, 2022 at 10:42 PM UTC
" kapag natuyo ang ilog...hintayin mo ang mga ulap "
060624 Hindi ako nangangambang Tabunan ng dilim ang liwanag ng araw Na sa kanyang pagsilang ay manlalabo rin Ang aking pananaw. Pagkat mananatili ang Langit Hanggang sa aking huling Lupang Hinirang. At wala akong ibang nais na gawin Kundi pagmasdan ito At tingalain ang yaman nitong kagandahan. Sa aking paggayak sa tabing dagat Ay tatawagin din ako ng Kanyang mga alon. At ang tanong ko’y Kanyang aakuin. “Gaano nga ba kalawak ang Iyong pag-ibig?” Wari ko’y ilang dipa pa ba Hanggang sa marating ko Siya. Ngunit ako’y aakapin ng sumisipol na hangin. At ‘yan na marahil ang tugon Niya. Sa aking pagsuyod Maabot lamang ang Kalangitan, At sa aking pagsisid Matiyak lamang ang lalim ng Karagatan — Walang ibang kasagutan Kundi ang natatangi **** Ngalan.
0
Jun 6, 2024
Jun 6, 2024 at 7:40 AM UTC
Intersection
Punasan ang luha sa iyong mukha, ika'y umapak sa lupa. Anak ng dukha, sa iyo ang bukas, ang kalayaan at pag-asa, sa kamay mo'y umaalab ang pag-ibig ng masa. Buksan ang bibig, uminom ng tubig, butas man ang pag-ibig, paghihilom ay darating, sa iyo ang kapayapaan, hawak mo ang sandata ng tapang. sa iyo ang kapangyarihan, hatak mo ang tanikalang di kailanman mangangalawang. Pagkahupa ng baha ay nasa iyong kamay at paa, ika'y lumakad, lumusong, lumikha. Anak ng hinirang na lupa, sa iyo ang kapatagan, karagatan, walang hanggang kalayaan, sa iyo ang kabundukan, kapuluan, wala nang hadlang sa iyong kaginhawaan at kinabukasan.
0
Sep 20, 2025
Sep 20, 2025 at 8:06 PM UTC
Trust The Protests
022524 Kalakip ng bawat “oo” Ang mapapait na “hindi” ng Tadhana. Kung sa’yong palad ko ikakahon ang sarili’y Mauubos ako sa sarili kong lakas Habang sumusuntok ako sa buwan. Mananatili akong aliping Nakagapos sa sarılı kong mga pangarap At marahil ito ang maging mista Ng tuluyan kong pagkabulag Pagkat sarili ang aking naging Lupang Hinirang. Ni hindi masasaklawan ninuman Ang bawat sumisirit na imahe sa aking balintataw. At walang sinuman ang makapag-papahele Sa akin hanggang makaidlip Pagkat iba ang ritmo ng Pagsintang aking kinapapanabikan. Kung sarili ang magiging lason Ng aking pagkalimot sa aking unang sinumpaan… Ay mas nais ko nang tuldukan Ang bawat silakbo ng damdaming Hanggang lupa lamang ang kasarinlan.
0
Feb 25, 2024
Feb 25, 2024 at 10:23 AM UTC
Higit Ka sa Lupang Hinirang
Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas Mula pagiging **** sa Capiz kumatawan Hinirang na heneral nang sa Hapon makaalpas Pinagtuunang pansin pagbangon ng bayan. -12/20/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahing Tanso Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:26 PM UTC
Ama ng Liberal (Manuel Roxas)
.......Nang umamen Marunong , Hindi lang ikaw Tumalima kasi nga.... Ikaw lamang ang dehado, sa madumi obligado, Pihadong kakapit ka muli at tiyak nga babalik ka. ayy puta tang-ina Ang bawat pahina Kahit pa maibenta Ikaw Ang Kwento na Wala ka mang Kwenta Para ka na lang sa akin kahit pa sa loob ko ay labag pahalagahan walang iba na yaman, kundi Binabagtas nag-iisang lawa sa Sagwan at Bangka Yaring Ako ay Panimpla Ganyan ka ba talaga Waring mala-mapa rumehistro na sa wankata na di mo pa mahahalata Batid ang maha- hatid pa Lalo kapag ito ay hina- yaan maging kuwintas na bi🌟uin OO ! Hindi nga Siya. Pero mali naman na sabihing Tama ka ! Bagay na bagay na talaga kami sa isa't isa. Gaya baga ng mga kaibigan ko sa kanilang salita... " kahit Wala Naman Siya Mabubuhay pa din Ako Nang Wala na Ngang Patumangga ! " Sabi sa mapag-imbot na tibok ng puso kong hugis-mangga ! Siya na nga daw Ang naturang Pag-ibig Ng aking Buhay at Giliw na hinirang Subalit sa aking magiting na Diwa na tanging saad ay hayag na hidwa Hula sa Amin ay Laho kahit na humadlang pa ang Tadhana... Halo sa aking nangingilid at napupuwing kong pananaw sa pigil na pigil Kong Luha na may umaapaw na paniniwalang Siya pa mismo ang nagpahayag , na di kami patuloy na MagLalayag ! Alam ko naman Kahit di na kami tatagal sa 'ming pagsasama ,,, Sinasabi ko lagi sa aking loob Ang pabulong na ... mahaL kitA ! " o o t o t o o " Wala na ngang PatLang na diringgin mo ,,, lamang na ika'y hibang Sa Binabasa mo ... " atiK lahaM " Mga sambit Kataga Bali-baliktarin man, sa larangan ng Agos Ng Kabalintunaan, Itong aking pinaglalaban tunay at mananatili alaala na Lamang ,,, sa radar ang pawang sukat sabihin ko hanggang sa aking Pagsigaw.... !!!! Siya ay Ikaw ! Pagtatapat kong muli Mahal Ko Siya ! Minsan pa... ay huwag mo na lang muna Tangkain pa ang Pagbabasa Buhat pa dun sa pinakababa na kinakatok sa Tinanikala Patungo sa nakakalula na pagtutok Don sa tinitingala Try to start reading verses from the bottom of a Loving heart , All the way into up above until you reaches in top of a hurty part ! magmula pa sa salin-wika Binabaybay at binibigKas Tila Binalatang sinKamas Pagkat nawala sa itaas, ang hinahanap ko po na Titulo... Panustos ko pinapatas, taimtim ang inaalyas sa Liriko... Wala na ngang PatLang na diringgin mo ,,, habang Ikaw ay Libang Sa Binabasa mo ... " o o t o t o o "
0
Nov 27, 2023
Nov 27, 2023 at 3:53 AM UTC
TM naaRi nA Libag ®

106
43 Mula sa hanay Ng sa mga pagsubok nagtagumpay 44 Pinili ang nangunguna Sa palakasan, pabilisan at pangingisda 45 Bilang prinsipe ng bayan Prinsesa’y pakakasalan 46 Si Agus wala nang iba Ang hinirang na prinsipe ng bayan nila 47 Ngunit hindi ito natanggap Ng pumangalawang humagilap 48 Sa parehong pangarap na matayog Na sa sikmura’y bubusog 49 Anong pait sa pumangalawa Ang ‘di mapanalunan ang prinsesa. -06/25/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 10:02 PM UTC
Daragus 7 -Panibugho ng Talunan-
Bumalikwas ang madaling araw Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi Isang paos na tilaok pinilit magsabi Tila inutil na tuod ang unan at papag Walang tugon ni tikhim man lang para sa likod at ulong lumapat Mapagkunwari ang kulambo Lamok pala’y kalaguyo Akala ng balana’y karamay Sa magdamag na paglalamay Batang ipinaglihi sa Sto Niño Ibebenta pala sa demonyo Naglaga ng kape ang among kapre Butil daw ay hinirang ng musang na tumae Galapong pala’y napanis na sapal Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal Bang-aw na ang panatikong tagasunod Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:           Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!           Copy-paste-post - sige pa!           Ang perang kikitain ay mas mahalaga           May paburger pa sina konsi at mayora           O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa? Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga Kinain na ng anay ang papel at pluma.
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 4:41 PM UTC
Kapeng Barako XII
92 Lingid sa kaalaman ng lahat Sa katotohanan sila ay sinalat 93 Sapagkat ang kanilang prinsesa At hinirang na prinsipe sa tuwina 94 Ay ‘di naman tuluyang naglaho Sila lang naman ay napalayo 95 Tulad nina Sibo at Loria Mahiwagang bubuli nilamon sila 96 Buhay pa naman Itong magkasintahan 97 Pagdating ng mahiwagang nilalang Sa lupaing takdang hirang 98 Sila ay iniluwa Sa Gintong Lupa. -06/28/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:46 PM UTC
Daragus 14 -Ang Alamat ng Ikalawang Lahi sa Gintong Lupa-