Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Elle Manabat Jan 2016
Iyak.
Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit.
Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi.
Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot.
Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito.

Noon.
Hindi na ngayon.

Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na
ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos.
Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma.
Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon.

Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso.
Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan.
Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na.
Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan.

Sayang.

Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok.

Awat na.

Pihit.
Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak.

Pihit pa.
Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…”

Isang pihit nalang.
Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha.

Tama na.
Tahan na.

/e.m/
Meruem Aug 2015
Bakit sadyang mapagbiro ang tadhana?
Hinayaan na ikaw ay makilala.
Mabihag ang puso ko'y 'di inakala.
Nang lumaon, ako sayo'y nahalina.

Ikaw ay sinubukan na makausap,
At aking sinambit ay "Hi! Hello! What's Up?"
Inakala na ika'y sadyang mailap.
Pagkat mga salitang iyo'y ang saklap.

Dyahe, napaka-labo nga naman diba?
Maging ikaw at ako, 'ika ng iba.
Subalit 'di nagpadaig sa mga duda,
Hanggang loob mo'y tuluyan ng makuha.

Ang hangin ay malakas na umiihip,
Sa labas habang ako ay nag-iisip.
Kung pwede nga lang sana ito i-skip,
Ngunit ang dibdib ay lalo lang sisikip.
unang tula. #WalangPasokPH
thegirlwhowrites Jun 2015
panahon nang sumulat…
muli…
hubaran ang puso’t
bulatlatin ang mga alaala.

para saan pa’t
sa maraming tao’y
inimbak
ang luha
ng nakaraan,
kung ito’y kailanma’y
hindi mapapakinabangan?

kaya’t patawad, puso,
sa aking sayo’y pagpapaluhang muli.
salamat, isip,
sa iyong pagpapaunlak
sa hiling
na paminsan pa’y
isatitik silang kapagdaka’y
lumisan din.

*060915

— The End —