Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jay Co Nov 2019
Siguro, maaari natin makalimutan ang mga taong nanakit sa atin o ang mga nakaraan natin na hindi maganda.

Pero, hindi mo ito basta-basta makakalimutan dahil may pain kang naranasan.

Maaaring sinaktan ka ng bf/gf mo o kaya naman may mga bagay na nangyari sayo hindi maganda.

Oo maari natin to makalimutan pangsamantala, marami tayong paraan kung paano tayo mag move on sa isang bagay, pero babalik at babalik yung mga nakaraan mo.

Hindi na siya ganun kasakit gaya ng dati. Na naranasan mo. Maaalala mo, Oo, kapag na alala mo ang nga bagay na hindi magandang nangyari sa'yo,  itatawa mo nalang. Yong pain nawala na.

Ang atin mga nakaraan ay puno ng mga alala, maaaring ito ay hindi maganda o kaya naman masasayang alala.  Sa mundo marami tayong pinag dadaanan. Masasaya at masasakit.
Jay Co Jul 2019
Sa tuwing sumasapit ang dapit hapon
Ay aking nasisilayan ang paglubog ng araw
At aking naalala ang matatamis mo ng mga ngiti sa tuwing nakikita mo ang paglubog ng araw.

Ngiti na aking nasilayan sa iyong mga labi
Ngiti na nagbibigay pag-asa
Ngiti na bumubuo ng kulay sa'king mundo.
Ngunit ang mga ngiting yan bigla nang naglaho.

Ako'y naguguluhan kung bakit ang iyong mga ngiti ay unti-unting nagbabago?
Ang dati **** mga ngiti na kay gandang pagmasdan
Na ngayo'y nawawalan na nang pag-asa.
Jay Co Jan 2019
Pinipilit kong umiwas
Pinipilit kong lumayo
Pinipilit kong 'wag pumansin
Pinipilit kong ngumiti

Pero lahat ng pilit ko,
Mahal parin kita.
Jay Co Jan 2019
Tangapin nalang natin na may mga taong hindi talaga tayo gusto.
'Yong tipo na ikaw ang mag bibigay halaga, siya naman ang pag-iwas.
Talaga ang tadhana mapaglaro, kailanman sa mata ng tao ay ang mundo ay hindi pantay.
Jay Co Jan 2019
Minahal kita higit pa sa inaakala ko
Minahal kita higit pa sa sarili ko
Minahal kita higit pa sa buhay ko
Minahal kita higit pa sa pamilya ko
Minahal kita higit pa sa oras ko

Lahat nang 'yong minahal kita kasi akala ko mahal mo din ako.
Ibinigay ko ang lahat ng meroon ako.
Subalit, ako'y tila nagkamali.

Tila na pa-isip ako...

Balang araw makakalimotan din kaya kita?
Balang araw makakamove-on na ba ako?
O kaya naman, balang araw mamahalin mo na rin ba ako ?
Hulaan ko, hindi.

Kasi... alam ko naman, sa simula palang talo na ako.
Masaya ka sa mga taong kaya kang pangitiin, patawanin, paligayahin, at higit sa lahat kaya ka nilang mahalin, sapagkat malapit na sila sa puso mo.

Ano nga ba ako sayo ?

Ako lang naman 'yong tao na nag bibigay ng effort para lang makita ka.
Ako lang naman 'yong tao na, pupuntahan ka kasi alam ko nalulungkot ka.
Sa tuwing magtetext ka ng...
"Good am/pm gawa mo ?"
"Tara, Kape tayo ?"
"Tara sa tabing dagat?"

Ako namang itong si engot...
"Sige ***** na ako after 5mins"
"Wait lang paalam lang ako kay mama."

Dali-dali ako pupunta sa bahay niyo, dahil sabik akong makita ka.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong meroon sayo ?

Kahit anong pilit ko na iwasan ka, pero sadyang mahal talaga kita.
Jay Co Nov 2018
Patawad kung hindi ko nasabi amg mararamdaman ko.
Patawad kung hindi ko binigyang halaga ang mga oras na naibiga mo sakin.
Patawad kung nagkamali ako ng akala na hindi mo ako mahal.
Patawad kung pinag hintay kita ng matagal.

Kahit humingi pa ako ng tawad,
Dahil huli ko ng nalaman na may nararamdaman pala ako sayo.
Dalawa sana tayong mag kasama ngayon.
Kung hindi ko binaliwala ang nararamdaman mo.
Jay Co Nov 2018
Sa tuwing nakikita kita,
Masaya na ang araw ko.
Sa tuwing nakikita kita na ngumingiti,
Masaya na ang araw ko.
Subalit ng dumating Siya,
Nagbago ang mundo ko.
Mundo ko na sayo lang umiikot,
Ito ay napatigil ng dahil sa kanya.
Alam ko na walang lunas ang sakit ng nararamdam ko,
Ang tanging lunas nito ay kalimutan ka na nang tuluyan, na dumaan ka pa sa buhay ko.
Next page