Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
lorainne Dec 2018
naghihingalo na naman
ang pusong humihingi ng tulong,
na iligtas sa nararamdaman.

lalim ng dinaramdam,
lalim ng iniisip, at ang
lalim ng karagatan,
kung susukatin ang
pagmamahal sa iyo.
panghimakas—huling pamamaalam, mula sa aking nararamdaman. damdamin ng pagmamahal, pag-aalaga, at pagkataranta sa tuwing ika’y lalapit ay nagwakas na.
WizardsPen Oct 2018
Bagong Kabanata ng buhay natin
May makikilala kang panibagong tao
Na makakapag pasaya sa buhay mo
At kakalimutan ang taong pasakit
Lang ang dulot sa buhay mo.
Para po ito sa mga nagmahal, nasaktan at nabigo. Chin up mga erp. Malay niyo dadating ang tamang tao para sa inyo nang hindi niyo napapansin. Syempre, sa tamang panahon.
lorainne Aug 2018
malamig na simoy ng hangin
may kasamang pighati at lungkot
sa bawat paghinga,
ramdam ang pagbagsak ng luha.

isa, dalawa, tatlo, iniwan mo ako
sakit na tila kinukurot ang puso,
sakit na walang ibang lunas
kundi ikaw.

sinulat ko ang tulang ito
para kahit ika’y umalis na
maaari ko pang mabalikan lahat.
asan na nga ba ako?

ako’y naguguluhan, nalilito,
ikaw ba’y nandito pa? o ikaw ay
nananatiling ilusyon na lamang?
asan ako?

ako yata ay naliligaw,
sumisigaw, humihingi ng tulong,
iligtas ako sa aking nararamdaman,
iligtas at sana’y ibalik sa’yo.
damdaming walang makahihigit pa. pagmamahal, masaya, ngunit lumulungkot. mainit, ngunit pag tumagal ay nanlalamig.
Maggie Aug 2017
Isang buntong hininga
Kapalit ng libo-libong alaala
Na dala ng mga kanta
Na dati'y inalay niya sayo, sinta
"Traded music for hearts"

— The End —