Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 Nov 2023
unknown
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
 Nov 2023
unknown
ilang beses na akong naniwala,
naniwala sa mga mapanlinlang na salita,
naniwala sa mga mapagpanggap na gawa,
ngunit sa bandang huli'y trinato na parang wala.

ilang beses na rin akong pinangakuan,
pinangakuan na hindi ako sasaktan,
pinangakuan na ako'y aalagaan,
ngunit sa bandang huli ako pala'y iiwan.

kaya ako'y may gustong hilingin,
sana ito'y iyong dinggin,
sa bawat salitang aking babanggitin,
sana ito'y iyong tuparin.

dahil sayo ako'y susubok muli,
sana ika'y manatili sa aking tabi,
kung maaari sana'y 'wag akong isantabi,
'wag tratuhin na isang pagkakamali.

simple lamang ang hiling ko aking sinta,
mahalin mo ako ng tapat at walang pagdududa,
sa bawat salita ay sana maging totoo ka,
'pagkat mahal kita at sa akin ay mahalaga ka.
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
 Nov 2023
unknown
mukha mo’y paulit-ulit na inaalala,
kasabay ng paulit-ulit kong pagluha,
mata ko’y pasulyap-sulyap,
ikaw ang palaging hinahanap-hanap.

tuluyan na akong nalunod,
at tuluyan na akong inanod,
sa aking bawat pagtingin,
bumubugso ang aking damdamin.

sa oras ng iyong paglingon,
tila naguluhan ako sa sitwasyon,
ang lahat ba ng akala ko ay umaayon?
mahal mo na ba ako ngayon?

sa iyong paglakad, ako’y napatagilid,
sa aking mata’y may luhang nangingilid,
sapagkat sa iba ka lumapit,
at heto ako, tiniis na lamang ang nadaramang sakit.
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
 Nov 2023
unknown
maaaring pwede at maaaring hindi,
lungkot laban sa ngiti,
ikaw laban sa ako,
tayo laban sa mundo.

sa bawat sandali na nakakasama ka,
ang mga ngiti sa labi’y ‘di maipinta,
ngunit sa kabila nito’y may mga humuhusga,
mabuting itigil daw ito dahil hindi tama.

ano nga bang dapat na gawin?
sa mga alaalang ginawa natin,
mga bugso ng ating damdamin,
itutuloy pa ba o pipilitin na lamang pigilin?
ig: seluring
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
 Nov 2023
unknown
sa ilalim ng mga ngiti sa aking labi,
ay may nakatagong lungkot at pighati,
naguguluhan sa mga desisyong pinipili,
patuloy na pagku-kuwestiyon sa sarili.

pilit inaalam kung ako ba'y may importansya,
sa mga taong tinulungan kong magkaroon ng pag-asa,
lubos ang pagbibigay at aking isinakripisyo,
ngunit bakit tila wala naman yatang epekto?

pipilin lamang sa oras ng pangangailangan,
babalewalain sa oras na hindi mabigay ang kanilang kailangan,
ganito ba talaga ang mundo?
kilala ka lang kapag kaya **** ibigay ang kanilang gusto?

hindi nila nakikita ang aking kalungkutan,
dahil hindi naman nila gustong malaman,
at sino ba naman ako para magreklamo?
isang taong tumulong sa kanilang bumagon sa mundong magulo.
ig: seluring
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
 Nov 2023
unknown
Sana sa mga oras na ako’y ubos na,
Andyan ka sana para bigyan ako ng pag-asa.
Sa mga pagkakataong ayaw ko na,
Yakapin mo sana ako at ‘di na pakawalan pa.

Mga yakap na siyang nagbibigay lakas,
Na wari’y isang lakas na nagsisilbing lunas,
Lunas sa mga sakit na hindi maipaliwanag,
Sa pagsasamang tila nauubusan na ng liwanag.

Mahal, isang mahipit na yakap,
Pantakip sa katotohanang hindi natin matanggap
you feel the sadness???? lol
 Nov 2023
unknown
Sa mundong puno ng libu-libong pagdududa,
Bukod tanging sayo lang sumugal at nagtiwala.
Ngunit bakit sarili’y tila akin nang nalimutan,
Mas inuuna ang sayo kaysa sa aking nararamdaman.

Labis ang mga tanong na “paano na tayo?”,
Hindi na maisip kung “paano na ako?”,
Tama ba na sumugal at ilaban ko pa?
O mas mabuti na lang mag-isa?
 Nov 2023
unknown
Hindi inaasahang napadpad ako sa iyong kaharian,
Kung saan ako’y pinagsilbihan at inalagaan,
At sa bawat minuto na nasa piling mo ako,
Tila ba isang panaginip na ayaw kong huminto.

Ngunit mali ‘tong nararamdaman ko,
Sandata ko’y hindi kumpleto,
Hindi ka nga pala handa’t sigurado,
Para ipaglaban yung nararamdaman mo.

Heto ako paulit-ulit na naniniwala,
Pilit pa rin na umaasa,
Na baka bukas kamay ko’y hawak mo na,
Wala ng takot at pangangamba.

Pero kahit ako lang ang lumalaban,
Kathang isip lamang ang “tayo” sa aking isipan,
Hindi man ako yung prinsesa na para sayo,
Mananatili ka sa aking puso, prinsepe ko.

— The End —