Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Createย freeย account
"sarado" poems
Ang isinulat ko ay isang pagtatala mula sa bulag, na matagal nang ninanais na makakita ng liwanag, dahil kumpara sa atin, kahit ipikit ang mga mata, kahit takpan pa 'yan, mayroon pa rin tayong nakikita, mapa-asul, mapa-dilaw, mapa-pula, hinding hindi ito aabot sa dilim, dahil mayroon pa ring mga bituin. Ito ang pagtatala ng bulag, "'Nak, kagabi lang ako nakaramdam ng galit sa isang tao, sa buong buhay kong nakatira sa tapat ng simbahan, kagabi lang ako nakaranas ng kulo sa puso ko, kagabi lang ako natulog nang galit, sana patawarin ako ng Diyos. Lumapit sa akin ang isang lalaki, sabi niya, 'Lo, mahirap bang magmahal?', 'Oo, hijo. May asawa ka na ba?', 'Meron ** E lagi ** kaming nagaaway, kaya umalis nalang ako ng bahay, ayoko na siyang kausapin, dahil baka husgahan nanaman ako, baka masaktan lang ulit ako, baka sabihin nanaman niyang ang hina-hina ko, sasabihin nanaman niyang hindi na ako natuto sa mga kasalanan ko, ang dami ko raw nasaktang tao, wala na silang nagawa kundi tumungo, dahil sa lungkot, dahil sa insulto, dahil sa mga salita kong galing sa puso. Naalala ko sabi ng nanay ko, na lahat ng sinasabi ko ay galing sa puso, pero bakit kung kailan ko gustong mabuo, napakahirap ibalik ang dating ako?' Ito ang iyak ng isang nangangailangan ng pagmamahal, isang lalaking may pusong bakal, ito ang naging payo ko, 'Hijo, kausapin mo ang asawa mo.' Biglang sigaw niya, 'E ayaw ko nga! Nagkasala rin naman siya, pareho lang kami, siya dapat ang lumapit sa akin.' Parang tinamaan ako ng bala ng baril, at ang puso ko'y biglang tumigil, dahil hindi ko naman kayo pinalaki nang mayabang, kaya hinawaan na ako ng galit, 'Ang yabang mo! sarado ang utak mo sarado ang tainga mo sarado ang puso mo mas bingi ka pa sa bingi at mas bulag ka pa sa bulag ayaw **** mahushagan kasi ayaw **** masaktan, ayaw **** masaktan kasi ayaw **** matuto, hindi ka natututo sa mga kasalanan mo, kasi akala mo na lahat ng ginagawa mo ay ayos na, hindi mo pinapansin ang kalagayan ng iba, na naghihirap sa kakaisip kung sila ba ang dahilan, kung bakit ka nagkaganyan. Minahal ka nila, pero hindi mo tinanggap, minahal ka nila, pero tinulak mo sila, minahal ka nila... hindi mo ba sila mamahalin? Lalo silang napalayo sa'yo, nung kinailangan mo ng tulong, pamilya at pagmamahal' Wala na akong narinig na boses, umalis na siya, sana lang kinausap niya ang asawa niya. 'Nak, tandaan niyo ang payo ko sa inyong magkakapatid, na 'wag na 'wag kayong maghihiwalay, dahil pag ako'y nawala, sana manatili kayong nakadilat sa katotohanan, na ang kayabangan ay nakakasira ng isang pamilya.".
0
Mar 24, 2018
Mar 24, 2018 at 1:12 AM UTC
Bulag

Continue reading...
72
Nahanap ko na! Nahanap ko na ang pagibig! Ako'y sabik na sabik nung una. Ako'y parang nakahanap ng ginto sa kalsada. Gumawa ng mga pangako. Para sa atin ay hindi susuko! Nagplano para sa kinabukasan. Lahat ng pinto sa puso'y binuksan! Lumipas ang bawat oras, araw, at taon. Tinanong ang sarili kung bakit naging ganon. Mga pangako'y nasira, Kinabukasan ay naging basura. Nagiba ang ihip ng hangin. Mistula ang taginit ay naging taglamig. Liyab ng puso'y nawala. Ako'y giniginaw na. Mga pintuan ay sarado Mga ilaw ay patay. Nagdilim ang paningin. At ako'y nahulog sa bangin. Huling sabi sa sarili. Ang puso ko'y sira na. Ako'y nagsisi. Ito pala ang pagibig.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 2:59 AM UTC
Ito Ba Ang Pagibig?
Kapag Namulat ka sa katotohanan Kasalanan na ang Pumikit Babalik sa pinanggalingan Kalmado at hindi iimik Ititikom ang bibig at lulunukin ang mga salita Papalipasin ang kanina Ipipikit ang mga mata Dahil sa bagong umaga Magpapanggap na walang nag-iba Kaya Magbubulag-bulagan Sa pangyayari nakita Ngunit kinakalabit ng konsensya Kinakabahan sa nakita Binubulong na magsalita na At Kailangan may gawin na, Kailangan may aksyon na Hindi dahil sa natatakot Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala Hindi pagpansin sa biglang nakita Huhulaan magiging epekto Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao Kaya mananatili nalang sarado Nakabaon Hindi iimik at itatago ang mga salita Kahit nagpupumilit iluwa
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:15 AM UTC
Nabulag sa Katotohanan
Kung sakaling ikaw ay magbalik, huwag mag-atubiling hanapin ako. Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik na buksan muli ang matagal nang sarado. Bumisita ka sa amin, kumatok sa pinto at mag-abang. Kapag hindi ka agad papasukin, dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang. Maaaring hindi ko lamang narinig ang katok **** nag-aalinlangan. Paki-usap, huwag hayaang manaig ang dudang tatlong taong napag-ipunan. Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako paminsan-minsan kung may tao sa labas. Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas. Kapag magkasalubong ang ating sulyap at tayo'y muling sapian ng pagnanasa, kimkimin muna natin, idaan sa yakap pag-isipan kung handa nang muling magtaya. Anumang daan ang tahakin, pag-ibig nati'y walang kupas Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin, mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas. Kung sakaling hindi ka magbalik, sisikapin kong maghanap sa'yo. Aabalahin kita, dahil ako'y sabik na mapagsaluhan natin ang mundo.
0
Jul 25, 2012
Jul 25, 2012 at 3:01 PM UTC
Kung Sakaling Ikaw ay Magbalik (If Ever You Return)
kung sakali man malihis ng landas, lingunin nawa ako ng pagmamahal. kung sakali mang mapagod sa kakalakad, tangayin nawa ako ng hanging payapa patungo sa bisig na mapagkalinga. kung sakali mang hapuin at maubusan na ng hininga, dugtungan nawa ako ng buhay na kung saan ang kamatayan ay hindi kinikilala. nang matapos lamang ang laban na wala akong laban. walang salitang naririnig, walang hikbi, walang palag. wala. dahil walang handang makinig kapag sarado ang isip.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 7:30 AM UTC
Kahit ngayon lang
Paano ko kalilimutan ang taong hindi naging akin? Mayroon bang off-switch na pwede kong pindutin? Gusto kong sabihin sa sarili ko "tama na! huwag ka na umasa!" Pero bakit nasa larawan mo pa rin ang aking mga mata? Paano ko kalilimutan ang matang hindi ako tinignan? Mga matang mapupungay at kaysarap pagmasdan Kung pwede lang pumikit, tapos pagkadilat ay wala ka na Para tumigil na ako sa walang humpay na pagluha. Paano ko kalilimutan ang mga ngiting ubod ng tamis na iginuhit ng mga labi **** tila seda sa nipis? Gusto kong isigaw kung gaano kita iniibig! Ngunit kung sarado ang tainga mo, paano mo ako maririnig? Marahil sasabihin mo, OA na ang tama ko hindi ko pa kilala, pero ang drama ko ay ganito Kasalanan ko bang umasa na ang mga daan namin ay magtatagpo lalo na kung alam kong andyan lang siya sa kabilang kanto? Paano ko tatalikdan ang pusong hindi naangkin? May bukas pa ba na nakalaan para sa atin? Kailangan ko na bang itigil ang kahibangan kong ito? Natatakot ako sa sagot, dahil madudurog lang ako.
0
Jan 28, 2016
Jan 28, 2016 at 2:49 AM UTC
Paano?
Abalang-abala ka sa pakikipag-usap sa iyong kustomer at hindi mo na namalayang tumatakbo ang oras. Ang nasa isip mo lamang nang mga oras na iyon ay matapos mo ang iyong trabaho nang walang palya at walang ano mang iisipin pa. Nang iyong tanggalin ang headset ay doon mo lamang napansing ikaw na lamang pala ang nag-iisang ahente sa ikatlong palapag ng opisinang iyong pinapasukan sa isang call center. Tanging ang liwanag na lamang sa iyong station ang tanglaw nang mga oras na iyon. Kaya naman ay sinipat mo ang orasan sa iyong wrist watch at napagtantong isang oras na lamang at sarado na rin ang buong building at kailangan mo ng umuwi. Inayos mo na ang iyong mga gamit at siniguradong na-i-document mo nang maayos ang mga calls recordings mo. Nag-inat-inat ka pa muna bago mo pinatay ang monitor at CPU ng iyong kompyuter. Hinintay mo munang naka-shut down na ito bago ka tumayo. Nang tuluyan na nga itong namatay ay agad **** binitbit ang iyong back pack. Nang tatalikod ka na ay isang malamig na simoy ng hangin ang nanuot sa iyong balat. Sa iyong pagkakaalam ay sarado naman ang mga bintana sa opisinang iyon at sigurado kang pinapatay na rin ang aircon kapag isang tao o walang tao nang naiiwan roon. Ngunit, kakaibang lamig ang iyong naramdaman. Hindi lang iyon dahil isa, dalawa, at talong beses kang nakarinig na may nagtitipa sa keyboard. Halos lumabas na ang iyong mata sa takot pero nanatili ka pa ring matapang. Huminga ka muna nang malalim at agad nilingon ang kanina pang nagtitipang bagay sa iyong likuran. At doon ay lalo kang nanginig nang makita ng iyong dalawang mata ang biglang pagliwanag ng monitor at sunod-sunod na pagtitipa ng wala namang kamay na mga letra sa keyboard. Nang mag-flash sa screen ang mga letra ay doon ka na nagtatakbo palabas dahil nakasulat doon ang mga katagang TYPING KEYBOARD na may kasamang pigura ng duguang bungo.
0
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 10:24 PM UTC
Typing Keyboard

6
At sumibol ang mga mapagbunying isipan sa makapal na balat ng lupa. ang pinagtatakhan ko lang ay bakit tila tinatangay tayo ng malakas na daluyong ng karunungan patungo sa dagat ng kalituhan? ito ba'y matatawag na kamangmangan sa sarili o sakit na nagdudulot ng panghihinang tumayo sa paa, na taas ang noo, at may pagkukusa? ano nga kaya ang nagtatago sa likod nitong makulay na isipan? nanatili ang karamihan na pikit-mata sa pagtanggap ng mga kaisipan ng kapwa habang ang iilan ay abala sa paghubog ng mga bagong panaginip na syang lililok o lilipol sa buong sanlibutan. hindi man sinasadya, o inaasahan, nagsilbing mantsa sa puso't puson ang mga panaginip na ito. kahit na sa mga pagkakataong sarado tayo. walang malay nating sinasagap ang mga pakalat-kalat na talino na para bang pagkain kung ito'y manukso sa nagugutom na kalamnan. kahit pa ito'y ikamatay, mapagbigyan lamang ang uhaw na nararamdaman. hanggang sa tuluyan na itong umalipin sa sinumang magtangka na kumawala. o sumpa ng galit na apoy ng nagbabagang impyerno? tayo lang ang inaasahang sumaksi, maging alin mang panig ay tama o mali. malaya tayong mag-isip at mawalan ng saysay na parang alikabok sa higanteng pusod ng mabangis na lipunan. o kaya naman, palihim na sumibol sa gitna ng disyerto kahit na nag-iisa.
0
Aug 18, 2020
Aug 18, 2020 at 9:48 AM UTC
Henyo
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha? Napapaiyak na lamang sa sulok Unti-unting kinakain ng maitim na usok Namamanhid na't halos di makilala ang sarili Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari Ang mga ngiti ko noong kay tamis Mga tawang walang halong lumbay at hapis. Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan. Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa, Paano maaalis ang galit sa aking puso Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao? Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso Bawat pintuan ay may kandado Bawat bintana ay sarado Ibang-iba na sa dating ako.
0
Jun 10, 2020
Jun 10, 2020 at 1:43 AM UTC
PUSONG BATO
Gusto niyong matuto kami mag-isip pero sarado naman kayo sa mungkahe namin. Para sa inyo lahat ng salita na lumalabas sa aming labi ay isang uri ng paghihimagsik. Yan ba ang ehemplo na gusto niyo namin sundin? Na isara ang inyong tenga at ipilit ang inyong paraan, hangang sa punto na bantaan mo pa kami na palayasin sa inyong bahay? Yan ba ang gusto niyong ibakat sa aming pagiisip, na walang kwenta makipag-usap sa inyo dahil walang kwenta ang aming opinyon? Tapos nagtataka kayo kung bakit gustong gusto namin magsarili at talikuran ang inyong paraan ng pamumuhay? Hindi ito resulta ng katamaran o pagiging rebelde, resulta to ng inyong di-makatuwirang ugali
0
Jun 26, 2018
Jun 26, 2018 at 2:46 AM UTC
Wag kayong magtaka
Napakadaya nang buhay,Kanya-kanyang palusot para tumakas at maglakbay Nagsinungaling ang tadhana ganun nga ba ang dahilan kung bakit sarado ang bintana Tunog lang ang iyong naririnig , dahil hindi mo pedeng husgaan ang nasa loob ng kanyang bibig Nagtataka ka dahil wala kang ebidensya sa mga narinig , Subalit umaatake padin ang mga daga sa dibdib Nanginginig , dahil di ka sigurado sa tono , tama nga siguro ang hinala ko Nakakalungkot lang isipin sarili nating kaibigan,kamag-anak,kapatid Ay nagsisinungaling upang makamit ang kasiyahang dapat talagang ilihim Ang daya naman dito , gusto ko nalang tumakas dito at ipunas ang mga luha ko na hindi mo makikita dahil nakatago sa dilim Balang araw dudungaw nalang ako sa isang butas na gawa sa abaka, At tatakasan ang ilusyong mundo at maglakbay sa reyalidad
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 12:53 PM UTC
Ah Baka ? Bintana
Kulang ka sa tulog, Kaya 'di ka nananaginip, Mulat ang mga mata, Ngunit sarado ang isip, Lumilipad sa kalawakan, Habang humihigop ng hangin, Mayrong puting usok, Pumapalibot sa paligid, May batong gumugulong, Pinapaikot yung plastik, tik, tik, tik, Dinig mo ang pag-ikot ng kamay ng orasan, Para bang may nagbabantay, Andun sa dilim, Pati yung nakaraan, Dinadalaw ang buhay, Takot ang sumisilip, Ayaw kang lubayan, Pag huminto ka saglit, Mauubusan ka ng laman, Gusto mo ay palaban, Maglalaro ka ng apoy, Kahit magka-sunugan, Dahil matindi ang pangangailangan, Yung tawag ng laman, Pag nariyan sa harapan, Hindi mo na matanggihan
0
Aug 30, 2021
Aug 30, 2021 at 2:51 AM UTC
Ronaldo M.
wala na rin namang bago kung isasara mo kahit ang nagiisang bukas na libro upang mabasa ko ang mga nasa isipan mo ginagawa mo saloobin mo dahil wala na rin namang bago matagal na naman ding sarado ang pinto, ang libro at kung ano pa mang representasyon na meron tayo
0
Sep 30, 2020
Sep 30, 2020 at 9:26 AM UTC
wala na rin namang bago
At marami na akong naisulat. Mga salitang hinubog ng kawalan. Hinugot mula sa kaila ilaliman. Mga salitang bumuo at bumubuo sa ating kasarinlan. Naisulat ko na. Naisulat ko na ang mga bagay na gustong ipamulat. Naisulat ko na ang mga bagay na gusto kong iparinig. Naisulat ko na. Ngunit hindi mo pa nababasa. Hindi mo magawang mabasa ang mga kataga. Pikit ang iyong mga mata. Sarado na ang iyong diwa. At mas ninais **** tapusin na Ang aking mga talata.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 7:47 AM UTC
Pahina
Ang sabi mo mahal mo ko, Sambit ng iyong mga labi. Ipinakita **** lahat ay totoo, Subalit lahat pala ay Mali. Mahal, o mahal ko, Bakit iyong nagawa? Gamitin salitang "Mahal kita" Upang ang puso ko'y mahiwa? Ngayon ang lahat ay nagbago, Hindi maintindihan. Ikaw ay nilisan ng puso, Ikaw ay iniwan. Subalit mayroon nga bang kapatawaran, Isang taong panloloko na sa akin ay tinuran? Sa pagmulat sa umaga Hindi ka na kausap, Bago matulog sa gabi, Hindi ka na napupuyat. Laging bukambibig ang nag-iisang pangarap, Pangarap na nawala, nawasak na lahat. Huwag mo sana muling bigkasin, Salitang "Mahal kita" sa akin. Sapagkat ang isip ay sarado na, Sayo'y Hindi na magtitiwala.
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:56 AM UTC
Ikinubling Kasinungalingan
Ako'y kakatok sa pintuan ng Diyos Dala-dala ang mga kasalanang inipon Sa paglalakad Tangan-tangan ang pagsisisi At labis na pangamba Na baka sa bakod pa lamang ng hardin Ay tanaw ko nang sarado ang Pintuan ng Maykapal Ako'y tatangis na parang paslit Sa mga panahong alam kong gawin ang tama Pero ipinilit na mali Ako'y nagsusumamong pakinggan Ang mga panalangin para sa kamag-anak Gabayan sana ang minamahal na nahihimbing Naghihikahos kong ipinagdarasal Ang aking kaluluwa Kasama ng bawat putik at sangsang na nakadikit Bawat pintas at kahambugan Ako sana'y pagbuksan muli ng pinto O Diyos na makapangyarihan
0
Jun 25, 2020
Jun 25, 2020 at 7:39 AM UTC
Munting Samba
Harayo ba it tikadto ha iyo? Akos ba hin motor, tricycle, o awto? O bangin pwede la liwat baktason Kay pastilan, nalilingaw gad ak ha sarakyan intawon. Kikitaon ko nala ada ha Google maps an iyo balay Tuturutansyahon kun hain mahaw-as ngan masakay Ig ba-budjet ko nala nga daan it ak' pamasahe Mamamakiana kun hain dapit nga eskina o kalye. Nahadlok man liwat ako mawara Kay bangin iba nga balay tak hikadtuan O bangin liwat waray ka dida ha iyo Bangin an portahan ngan gate parehas sarado. Matuktok ba ako? O tatawgon ko't im' ngaran? Dire ak maaramโ€”bangin ka liwat kalasan Nagpipinangusig na ngan didi it iyo kaayaman Kay dire nira kilala kun hin o taada hit iyo bungsaran.
0
Jan 27, 2025
Jan 27, 2025 at 3:55 AM UTC
Kikitaon ko nala ha Google maps
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. kibit balikat nalang ako At hindi papansinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang. Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagulo lang nman ako nung may ikaw. Kasi nung may ikaw Para akong baliw. Baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi Ayaw ko na non. Kaya aaraw arawin ko na to. wala ng atrasan to. kakayanin ko kase malakas ako.ย ย  Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko. ultimo Sa pagising sa umaga pag papasok excited pa kasi ikaw ang bungad sa mata ko. tapos makukunteto sa sandali. kuntento sa sandali? HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo โ€œpasulyap sulyapโ€ Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na ginugol ko Ang gusto ko tumitig lang sayoย ย  Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko. Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita ko Para akong nasa madilim na kwarto na tanging ilaw mo lang ang hindi sarado. Sa mga sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok na kong magsalita pero lumalayo kana tinawag ka ng kaibigan mo, dahil ang oras ay nalalapit na. ย ย  Patapos na ang sandali at biglang may nagkamali pagkakataon ko na muli hakbang tatahakin na ang daan palapit sayo pero tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang humihiling ako madagdagan lang kahit limang segundo. Pero sa orasย ย na yun ikaw ang unang lumabas ng silid Wala ng sandali hindi dininig ang hiling ko Tapos na. Ang huling isang oras ko sayo.
0
Mar 24, 2023
Mar 24, 2023 at 10:32 AM UTC
Isang Oras

71
Here is a list of things that are bigger, greater than all of the world's oceans, bigger than the storms in the seas, than all the islands in the Pacific, connecting all of us together, being one great channel of culture... Telenovela, chismes, galeones, teleserye, chismis, galleon. ๐˜š๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜“๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ-๐˜“๐˜ข๐˜ฑ๐˜ถ, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜Œ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ? ๐˜’๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ. Sangrรญa? No, sangre de Magallanes. ๐˜•๐˜ชรฑ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ค๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ป ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ป๐˜ข๐˜ณ ๐˜ค๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฐ ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด. And believe it or not; Bulerรญas, danza, bachata, habaneras. How do you like your coffee, bebe? Con leche? Bueno. Evaporada and condensada? Tequila, San Miguel, Mezcal, Corona, Cerveza, Serbesa, Cerrado, Sarado. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ. Actually, how do you like your coffee? ๐˜›๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ค๐˜ข๐˜งรฉ? ๐˜š๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ถ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ๐˜ฐ. So do you like it hot or con hielo? And of course; Canciones, c/kanta, And nowใ…กreggateon, budots. Gasolina? Aserejรฉ? Macarena? Bad Bunny, being our new Columbus. Playitas, islas, karagatan, nuestro paraรญso. Mas chismes, mas tazas de cafe. How do you think we're so far yet so alike? Of all these things? Con chisme? Claro. So which one first? The juiciest or latest?
0
Jul 22, 2024
Jul 22, 2024 at 4:20 AM UTC
Telenovela, Chisme, Galeรณn

36
Hindi naman masakit. Hindi naman masakit malait-lait. Kahit anong sabihin, iyo pa ring ipipilit. Kumalma ka, wag ka munang magalit. Hindi ako perpekto para hindi magkamali. Hindi ako plastic, ayokong magkunwari. Sana naniwala ka, Sana inuna **** makinig, kesa manghusga. Sarado ang bintana at pinto, Sarado ang utak at puso mo, Handa na akong sabihin, Ayoko na, sigaw ng aking damdamin. Kung kaya ko lang maging manhid, Babalewalain ko ang sakit na 'yong hatid. Hindi talaga laging panalo, Lalo na kung ikaw na yung magpapatalo. Itinapon mo ako, gaya ng bato, Hinagis mo na parang wala lang sayo, Alam mo, Sana nga bato nalang ako, Para di ko maramdaman Kahit durog na durog na ako..
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 11:50 AM UTC
"Bato"
Ikaw baโ€™yganado na akoโ€™y makita? Bawat kilos ko baโ€™y parating nakaabang ka? Interesadong-interesado sa susunod kong ipapakita? Kung gayon, akoโ€™y sinubaybayan mo na parang pelikula! Ikaw baโ€™y nababahala na akoโ€™y magsalita? Bawat galaw ko baโ€™y nag-aalinlangan ka? Sa aking pagpapaliwanag, sarado ba ang mga tainga? Kung gayon, akoโ€™y minamanmanan mo pala! -03/30/2012 (Dumarao) *Walong Maiikling Tula ng Kahapon, Ngayon at Bukas
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:24 PM UTC
Pagmanman o Pagsubaybay?
78 Bilang kaparusahan Sa kanilang kapalaluhan 79 Ang prinsipeโ€™y bantay-sarado Sa mga kawal ng palasyo 80 Hindi siya tinulutan Na lumabas sa silid-tulugan 81 Si Siboโ€™y ikinulong Na animoโ€™y mandarambong 82 Samantalang ang kawawang alipin โ€˜Di na sa palasyo papapasukin 83 Mula sa kawanihan Ng mga tagapaglingkod at utusan 84 Si Loriaโ€™y itinaboy At naging palaboy. -06/20/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:55 PM UTC
Siboloria 12 -Kaparusahan-