Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinakamasakit" poems
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin, Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin, Isang bagay na tumuldok sa aking naisin, Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin. Kaibigan, isang taong laging nandiyan, Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman, Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan, Hindi ka matiis kahit mapunta saanman. Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway, Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway, Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away, Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:40 AM UTC
TATLONG LEBEL NG KAIBIGAN.
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
Tahimik at tila nawalan na ng ganang huminga ang mundo Nakasarado ang mga labing to pero alam kong punong puno ng mga sigaw ng mga hagulgol ng mga mura na pinipilit na hindi makawala Dahil alam ko na kahit ang boses ay maubos hanggang sa tuluyan nang mapaos Hindi mo pa rin pakikinggan Dinadaan nalang ang mga sakit na naipon sa pagsulat sa basang pahinang pinipilit mang pagtagpiin ay tuluyan nang napupunit Gawa ng mga luhang kumakawala sa mga matang bulag Marahang pinapahid dahil sa namamagang pisngi Katulad ng pag-iibigan natin Sa pahinang ito Tuluyan nang nawasak at paunti unti nang naglalaho Nabura na ang tinta at naging malabo na ang mga salitang Mahal na mahal kita Ipipikit nalang ang mga mata para tumigil na Kasabay ang paghaplos sa nanlalamig na espasyo Sa bandang kaliwa ng ating kama Dito dating nakahimlay ang isang nilalang na nagbigay halaga sa kalawakan Ang nagparamdam ng tunay na kahulugan ng buhay at pagmamahal Pinapaniwalang ang pag-iibigan ay tunay at magtatagal Pero mahal Bakit ang mga halik ay napalitan ng mga mura Ang mga yakap ay napalitan ng mga sampal At ang mga matamis na ngiti ay napalitan na ng matalim na mata Nasaan na ang pinangakong walang hanggan? Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan Alam ko kung paano mawasak ang mundo ng isang iniwan Pero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit? Magkatabi tayo at magkadikit ang mga balikat Walang matitirang espasyo sa gitna dahil sa liit ng higaan Pero hindi ko maramdaman na nariyan ka Mali.. Alam kong andiyan ka pero alam ko rin na ang pagmamahal mo ay naglaho na Sabi nila masakit makita ang mahal **** may kasamang iba o hanggang kaibigan lang ang tingin niya o wala na siyang ibang nabanggit kundi ang isang taong ayaw sa kanya Putang ina Hindi nila alam na mas masakit ang nararamdaman ng isang tangang katulad ko Na pinipilit pinapaniwala ang sariling mahal mo pa ako Mas masakit yun Mahal hindi mo ba nakikita ang mga mapuputlang labi na minsan mo nang nahagkan? Hindi mo ba naririnig ang mga hikbi na pinipilit kong itago pero hinihila pa rin palabas ng pighati? Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kahangal? Gusto ko lang naman pakinggan mo ako Gusto kong malaman mo na ayoko na Na kahit ayoko na ay ayoko pa Ayoko pang bumitaw Dahil natatakot akong maligaw Sa paniniwalang ang iyong palad ang gabay sa mundo kong minsan nang naging bughaw Ayoko pang mawalay sayo Ayoko pang ako’y iwan mo Tawagin mo na akong tanga, gaga, boba Pero Mahal kita Pero Ayoko na Ayoko na sana Sana pigilan mo ako sa pagtangka kong pagbitaw Pigilan mo sa pagsulat muli sa mga basang pahina dahil huli na to Halikan ang mga nakasaradong labi nang mapalitan ang mga mura ng mahal Mahal kita Oo na hanggang sa huli Kahit matagal nang sinasabi ng mga mata, labi at puso ko At nakasulat sa huling basang pahina na ito Na Ayoko pa, mahal ayoko na.
0
Jan 26, 2018
Jan 26, 2018 at 10:07 AM UTC
Huling Basang Pahina

Continue reading...
68
Kumapit ka. 'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit, Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit. 'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit, At makinig sa lahat ng aking mababanggit. Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit. Hindi lahat ng bituin ay naaabot. Hindi lahat ng bundok ay naaakyat, At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot. Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko, Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko? Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig, Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig? Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa, Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya. Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa, Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala. Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit, Ang bituing nais maabot, Ang bundok na iniibig kong akyatin, Ang kapatagang gustong malibot. Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko, Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari, Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso, At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din. Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin. At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
0
Jan 6, 2017
Jan 6, 2017 at 11:18 AM UTC
Ang Makamit Ka
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi, Malakas man, mahina o pag-pipigil Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog Sabay tayong lumuha Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos, Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit Narinig ang bawat kilos at galaw Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 8:41 AM UTC
91
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam. Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang. Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam. Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita. Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama. Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa. Nagagawa **** maging matapang - Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan. Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi. Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan. Ngunit sa lahat ng iyan, Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka. Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang Sa pakikisama mo sa karamihan O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan. Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam. Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan Na mag-isa ka - Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama. © Tres
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 4:38 AM UTC
Sa Pag-iisa
Masarap na Pangakong atin ay napagkasunduan tuparin hangang dulo. Pangakong sa atin ay nag nagbibigay saya, Pangakong sa atin ay nagpakilig talaga, Pangakong pinanghahawakan na akala hangang dulo na, Pangakong sa una ay pilit tinutupad, Pangakong sa Una lang pala, Kasi ngayon yung mga Pangakong atin ay napag kasunduan sakit lang pala ang dala. Pangakong sa tuwing maaalala ay nag bibigay na lang nang lungkot sa puso ng bawat isa, Pangakong  nagbibigay sakit sa Damdaming nating dalawa, Pangakong sa alaala na lang pala. Pangakong Ngayon ay Binitawan mo na, Pangakong hindi naging sapat para manatili ka sa tabi ko at mahalin ako hangang dulo, at ang  pinakamasakit na Pangako, Pangako sa isat isa na ngayon ay Tinutupad mo na sa Iba.
0
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 12:15 AM UTC
Pangako
Nangarap lang naman ng isang pag-ibig Na kayang magtagal sa aking mga bisig Ngunit bakit ganoon kadaya ang tadhana? Parati na lamang naiiwan at namamaalam. Wagas na pagmamahal ay kayang ialay Ngunit kahit nilalako na ang pag-ibig Walang sinuman ang tumatanggap Walang sinuman ang kayang tumagal Hanggang dito na lang ba talaga tayo? Wala na bang pwede pang iareglo? Pinagdasal na umabot sana sa simbahan Ngunit mukhang ako lang talaga ang umasa Ang pinakamasakit sa lahat ng 'to? Yung naiwan kang nag-iisip na baka Pwede pang isalba kung anong meron Pero hindi ka pinayagang gumawa ng hakbang Kaya 'eto't nagmumukmok sa isang tabi Iniisip kung ano bang nagawang mali Kasi ang mga rasong "hindi ikaw, ako" Ay mas masakit pa sa "may iba ako" Mas maiintindihan ko pa kung ang pag-ibig Na kay tagal kong pinaghirapan ay bigla na lang maglaho Kaysa sa mga rasong malabo namang basahin At ang mga mala-bugtong na sagot sa aking mga tanong Namamaalam muli sa pag-ibig na hindi nagtagal Na kahit anong pilit ang aking gawin, walang nararating Walang kapangyarihang baguhin ang kasalukuyan Ang mga pinanghawakan dumudulas sa aking mga kamay. Hanggang sa mawala sa puso Isisigaw ang pagmamahal sa'yo Sambit ng mga labi ang ngalan mo Hanggang ang pag-ibig ay maglaho.
0
Mar 25, 2019
Mar 25, 2019 at 6:40 AM UTC
Dulo
Dumating na ang araw na kailangan na nating magpaalam sa isa't isa Na bukas pagmulat ng mata ay di na kita masisilayan. Yung ngiting sa pagbukas nito ikaw agad ang makikita. Ayaw ko na ring isipin na ang landas kong tatahakin ay iba ng sa iyo, sapagkat sa lahat ang pinakamasakit ay umasa. Sana kung dumating ang araw na muli kitang makita ay matandaan **** minsan sa iisang bayan tayo ay naghuntahan. Tinawanan natin ang maraming bagay at nagpalitan tayo ng kwento ng buhay. Noong panahong naiinitan ay sumilong tayo sa kubong bahay-bahayan. Naglalakad tayo ng magkasabay habang ang puso'y mabilis na tumitibok. Pusong di alam kung bibitaw o mananatili na lang. Ngunit, kailangan nating maghiwalay at magpaalam. Unti-unti dumulas ang malambot **** kamay sa akin. Kasabay ng patak ng iyong luhang lalong nagpasakit sa damdamin. Hanggang sa muli. Paalam.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 9:26 AM UTC
Ysabel