Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"luluha" poems
kaligayahan mo'y akin pa ring dalangin, kahit iyon man ay wala sa akin. kung sakali'y ikaw ay luluha, sana'y ikaw ay mapapatahan niya. ang magandang ngiti sa iyong mga labi ay sana'y mamalagi; ang kintab sa iyong mga mata, ay sana'y laging makikita; pagsinta niyo'y sana'y pang habang buhay, at higit pa sa kung anong kaya kong ibigay. kung sakaling umibig ka sa iba, sana'y ang tunay na ikaw ay sapat sa kanya; hangad ko sa inyo'y magagandang bagay, at sana'y bawat araw niyo ay makulay.
0
Aug 17, 2018
Aug 17, 2018 at 10:57 AM UTC
kung sakaling umibig ka sa iba.
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 3:43 PM UTC
Balang Araw
sana nandito ka para nayayakap  kita, sana nandito ka para mahagkan ka, sana kahit kaunting oras lang  makasama ka, mapakita ko lang kung gaano ka kahalaga. sana noon pa kita nakilala, sana naunahan ko sya, di ka sana nasaktan at lumuha, sa pagtataksil at mali nyang nagawa. sana nabuo ako ng mas maaga, baka sakaling nakilala kita, hindi man kita masyadong mapasaya, pero gagawin ko ang lahat para ika'y mapaligaya. sana hindi nalang naging komplikado, baka sakaling maipag mamalaki mo ko, baka masabi mo na ako talaga ang mahal mo, walang biro at hindi nag tatago. sana hindi nalang kita nakilala, para hindi na tayo nahihirapang dalawa, pero salamat parin at dumating ka, dahil tinuruan mo kong wag magpakatanga sakanya. sana pinigilan ko nalang nararamdaman ko sayo, para hindi ako luluha kapag iniwan mo, sana hindi kita pinakinggan noong nagkagulo, edi sana ngayon malaya na tayo. sana kung may mag babalik ng nakaraan, mas pipiliin kong manahimik nalang, hindi magsasalita ng tunay na nararamdaman, para sa huli wala ng nasasaktan. alam kong minahal mo ko ng sobra, pero hindi mo ba naisip  na mas mahal kita, mas pipiliin kong maging masaya sila, kaysa sa kaligayahan nating dalawa. pero sa tuwing bibitawan na kita, hindi mo alam kung gaano kasakit na mawalay ka, kahit pigilan kong huwag pumatak ang mga luha, wala akong magawa dahil kusa silang nagwawala. sa rami ng pag subok na nalagpasan, alam kong hindi pa iyon ang katapusan, marami pang darating at dapat pag handaan, ngunit di ko alam kung kaya ko pang labanan. hindi ko alam kung naubos na ba ang luha ko sa kaiiyak, dahil sa tuwing may problema ni isang butil walang pumapatak, sanay na siguro ako sa relasyong ito, panay iyak, away at gulo. mahal kita kaya pilit kong kinakalimutan mga pangyayari, kahit magulo,  alam kong sa puso mo ako'y bawing bawi, hindi kita iiwan ano man ang mangyari, kung iiwan man kita asahan **** ako ay uuwi. pagpasensyahan mo na kung abnormal ako minsan, ganto talaga ako pero masarap mag mahal, minsan ka ng iniwan ngunit di ka kakalimutan, bihira ka lang makahanap ng katulad ko na mapag mahal. alam kong masasakit ang lahat ng Sanang nasabi ko, isip ang may gusto ngunit puso'y binabago, sana tama ang puso kong manatili sayo, sayo mahal ko , puso ko' y sinakop mo. #love #chances
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 4:49 AM UTC
SANA

Continue reading...
58
kailan ba nabuhay ang mga manunulat? sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy. kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit? dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal. kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay. ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.' ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman, ang hindi lumingon sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho. pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon? ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso? kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya? kailan ba nabuhay ang isang eskribo? sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso. mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo nabuhay siya nang dumating ka nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina upang magliyab siya oo ikaw na irog niya nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
0
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 4:20 AM UTC
Ikaapat na Taon ng Pagluluksa

24
(1:30 AM/ Brownout) Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan. Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao. Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo. Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo. Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao. Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay. May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok. At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin. Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon. Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay. Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa. (5/13/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
Ang Paghihimagsik ng Paupos nang Kandila

Minahal mo ba talaga? O naawa ka lng sa kanya? Tinigil mo na nga, Kaso umiyak sya, nagbago yung isipan. Binalikan ng walang dahilan. Tapos ngayon ika'y nalilito, Kung titigilan ba ang panloloko. Kaya mo ba syang saktan ng buong buo. Mawala lng yung nararamdaman niya sayo. Isipin **** mabuti yung gagawin. Hindi ba sya masasaktan pag ika'y aamin? Malungkot, luluha sya ng di inaakala Tingin mo ba ang gagawin mo ay tama? Kung ikaw ay aking tatanungin. Kakayanin mo bang magmahal ng iba ng palihim? Hindi ba sya magagalit pag sya'y iyong paglaruan? Yung tipong nahuhubog kayo sa kasiyahan. Pero yung totoo, katotohanan ba yan? Hanggang tawa na lng ba kayo Wala na lng ba talagang mangbabago ? Subukan **** sabihin yung totoo. Baka maraming masusubukang bago
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 4:58 AM UTC
❝Kalituhan❞
Diba nandoon ka noong sila'y humingi ng tulong noong sila'y hinuli at sinaktan ng walang kalaban-laban noon sila'y tinrato na hayop ng sarili nilang kababayan. Diba narinig mo ang iyak ng mga batang dinuyan sa tunog ng bala noong ang mga nanay nila na dapat kakanta ay hindi na makita. Diba nakita **** nanaig ang kapangyarihan kaysa sa kanilang karapatan? Nandoon ka sa bawat iyak sa bawat sigaw pero hindi mo sila sinagip mula sa kapangyarihang puno ng galit. Ngayon nama'y kami ang naririto mga bagong saksi ng pagkatalo mga sundalong walang armas pero pilit ipinaglalaban ang katotohanan. Kailanma'y hindi magiging sapat ang mga libro para ikwento ang pait para aming maramdaman ang sakit. Pero ngayong araw mga mata'y luluha muli ang mga sugat ay muling hahapdi. Ngayong araw kinalimutan ang kasaysayan kaya't pasensya na mga anak kung aming napabayaan kung ibang pananaw na ang inyong daratnan O Pilipinas, ikaw pa ba ang Perlas ng Silangan?
0
Nov 8, 2016
Nov 8, 2016 at 11:14 AM UTC
Perlas ng Silangan
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
Lulubog ang araw Maaalala kang muli Alaala natin'y babalik Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari. Habang nakatitig sa langit, Sa buwan at bituin Ika'y andito sa puso't isipan hindi na maalis Sa bawat oras na lumilipas Lungkot saya ang nararamdaman Ngingiti, Luluha Dahil sa alaala nang nakaraan At sa paglitaw ng Araw Panandalian kang makakalimutan Ngunit sa muling paglubog nito Andito ka ulit, sa puso't isipan.
0
Mar 31, 2016
Mar 31, 2016 at 5:53 AM UTC
Luna estrella
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin
Tulad ng isang magandang bulaklak na nalanta sa hardin ng mahal kong lola May bagay na hindi tumatagal gaya ng ating inaakala. Isang paru-paro ang nakita kong  nakadapo sa nag hihikahos na puting rosas ang naka lagay sa kanyang paso. Napaisip ako, pano kapag ako naman ang nawala? May mga tao bang magbibigay pansin? May mga dati bang kaibigan na dadating? May mga tao bang iiyak dahil sa aking pag lisan? O ang mga mata ko ang luluha dahil sariling multo ko lang ang nakiramay.
0
Jan 31, 2016
Jan 31, 2016 at 9:26 PM UTC
Pagpanaw
binuwag ng sariling bigat uusal ng dasal na ang tanging hiling ay pumanaw. Hindi ito ang buhay at hindi ito ang pamumuhay. Kung dito sa lupa ay aangat, anong wika ang isasalin sa laman kung pagal na? Turuan mo akong dumaan nang walang iniiwanang labi kundi misteryo na inimbak sa pagtiwalag sa bawat sandali. Sa ilalim ng bawat tulay na ginagawa ng winiwikang salita ay isang kontrata: hindi nang luluha pa at kung pumikit ay panibagong mundo ang tatambad. Sasalubungin ito sa pamamagitan ng isang paanyaya at kung makitang muli ay pakakawalan ang kapit sa sarili. Tatantusan ang bawat kinauupuan at itatala ang mga natutunan. Paham ang liham ng pagtitipon at kung hindi sinipot ay sadyang isang malaking kakulangan. Walang ibang transaksyon kundi ang palitan ng salitang maghuhugis-kamay, hahaplos sa bawat tigib na parte, ililikas ang katawang hapo sa paulit-ulit na katanungan nang pagiging mortal at lalakipan nang panibagong saysay. Umigkas palayo at bagtasin ang bagong mundo: ang tao kung ilalaan sa tao at pakikinggan ay bubuong muli ng katiyakang panandalian sa payak na panahon: hanggat tayo’y naglalakad pasulong, tayo’y gagawa’t gagawa ng tulay.
0
Jun 7, 2016
Jun 7, 2016 at 5:09 AM UTC
kay Maria
Halika't dadalhin kita sa palasyo Ipagbibihis kita't ipagluluto Ang lahat ay tatalima sayo Sapagkat ikaw ang reyna sa palasyo Walang suliranin na darating sa atin At ang lahat ay magiging atin Ang lahat ay magagawa natin Maging ang oras ay susunod sa akin Lilikha ako ng maraming bituin Ang lahat ng iyon ay kaya Kong bilangin Madali kahit maging ang buhangin Dahil hawak ko ang oras natin Hindi ka luluha at masasaktan Dahil tatangalin ko ang kamatayan Hinding hindi kita pababayaan Kahit magising pa sa katotohanan Halika na at tayo na ay uuwi Sa kaharian kong ako ang hari Pangakong hindi ako hihikbi Sa pagka gising ko sandali. -JGA
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:52 AM UTC
Aking Mundo
Gago, di ko na alam, Ako'y sadyang nawindang, Di ko kayang bitiwan, Ako'y nalulungkot ng tuluyan. Di ko talaga alam bakit? Bakit? Bakit? Bakit nga ba? Bakit nga ba di ako maalis sa aking isipan aking sinta? Bakit nga ba tila luluha ako nung nakita kita. Alam kong utak ko'y kumitid, Iniwan ang katalinuhan pati prinsipyo, Alam ko sa sarili kong ito'y aking mali, Subalit di ko kayang bitiwan, sadyang mahapdi. Sa kauna-unahang pagkakataon, Ako'y parang di maka-ahon, Sa lalim ng kalungkutan, Sa lalim ng aking isipan. Di ko na alam anong susunod, Ano pa nga ba ang susunod na kaganapan, Ng kwentong malato pa sa katapusan, Ano ba ang susunod na tunggalian?
0
Feb 3, 2018
Feb 3, 2018 at 6:06 PM UTC
Saklolo
Mahal, miss na kita Marinig ko lamang ang iyong tinig Kaba sa aking dibdib ay di maalis Ngunit sa madalas nating mag-kausap Kaba'y napalitan ng saya at kilig Hindi alintana ang takbo ng oras Basta't masaya tayong nag-uusap Malamyos **** mga tinig Na tila nakakapang-akit sa pandinig Ang mga tawa **** nakakahawa At ngiti sa iyong mga labi, na kay sarap hagkan Sa bawat salitang iyong binibitawan Na parang kay sarap pakinggan Animo isang ibong umaawit sa kakahuyan Madalas na pambubully ang iyong nakatutuwaan Ngunit ako na ma'y nasisiyahan Kapag ikaw nama'y ginantihan Madalas ika'y napipikon Kaya't ninanais pang ika'y asarin Hanggang sa tuluyan ka nang magtampo Kaya ika'y aking susuyuin upang ang tampo'y maalis at tayo'y muling magbabati Na animo mga batang paslit Ngayon ika'y tila nagbago na Buhat nang ika'y saktan nya Mga ngiti at tawa mo'y unti-unting nawawala Bagkus napalitan ito ng lungkot at sakit na dulot niya Mahal, hayaan **** ika'y aking aliwin Upang ang kalungkutan mo'y mawaglit Mga ngiti sa iyong labi ay muling bumalik At mga tawa **** nakaka-miss Mahal, kung sana'y ako na lang at 'di siya Hindi ka kailan ma'y luluha Ako na lang sana at hindi siya.
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 7:10 AM UTC
Ako na lang Sana
Sana sa susunod Ako naman ay sumaya Sana sa muling pagtatagpo Ng aking tadhana Sa iyong liwanag Ay tuluyan nang mapawi ang dilim Na dinulot ng mapait na nakaraan. Sana hindi na tayo Luluha ng ganito Sana ang sakit Ay tuluyang magbago Sana ang mundo ko Ay sya ring mundo mo At sana ang bawat gabi nati'y Wala ng dalamhati Pagkat nais kong ihanda Ang langit ng aking pagsinta Para sa iyong pagpunta Ay makumpleto na ang iyong ligaya Sana Sana'y sa susunod Hindi na tayo ang luluha
0
Mar 6, 2018
Mar 6, 2018 at 1:14 PM UTC
Vernacular II
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating Balang araw.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:23 PM UTC
BALANG ARAW