Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iparamdam" poems
Naging ganito ako dahil sayo Dahil nandyan ka para mahalin ang buo kong pagkatao Tanging kasiyahan ang naramdaman ko Ikaw na laging sinisigaw ng puso Laging nandiyan para iparamdam ang kahalagahan ko Naging ganito ako dahil sayo Dahil ang lahat sa akin ay iyong iyo Sa lahat ay lumaban ako Pagmamahalan natin ay pinaglaban ko Pag iibigan ay inalagaan ng husto Naging ganito ako dahil sayo Dahil sa mga mata mo Mga mata na iba na ang titig sa mga mata ko Mga kamay na lumuluwag ang hawak sa mga kamay ko Mga labi na hindi na ang binabanggit ang pangalan ko Naging ganito ako dahil sayo Dahil sa iyong pagsuko Ganoon ba kahirap na ipag laban ako? Ganoon ba kadaling saktan ang puso? Ganoon ba kahirap na pumasok sa iyong mundo? Naging ganito ako dahil sayo Winasak ko ang sarili ko Tulad ng pagwasak mo sa aking puso Bakit ba ikaw pa ang minahal ko? Bwisit na kupido, palapak na pana't palaso Naging ganito ako dahil sayo Oo, ikaw na walang ginawa kung hindi saktan ako Ikaw na madaling sumuko Ikaw na hindi kayang panindigan ang mga pangako Ikaw na may pag ibig na mabilis maglaho
0
Oct 12, 2016
Oct 12, 2016 at 6:31 AM UTC
Naging ganito ako
Hindi ako ang babae na hinahanap mo abang-abang ko ang mga mata sa paligid nag-aantay, nanghuhuli, nagsusumamo ako na ba? ako na ba ang tinitignan nila? pansin na ba nila ang buhok kong umiindayog kasama ng hangin pansin ba nila ang marahang paghihiwalay ng aking mga labi? hanggang sa mahuli ko ang iyong mga mata nakikita ko na nakikita ko na kung paano kita mamahalin kung paano ko kakalimutan at ibibigay ang sarili ko sayo tahimik na nagmamakaawa ang puso ko lumapit ka bigyan mo ko ng pagasa hindi man ako kaanya-anyaya sa iyong mata pero pupunan ko ng pagmamahal at ng pagaaruga ang lahat ng hindi mo nakikita hindi man ako kasing tingkad ng mga bulaklak at hindi man ako kasing taas ng mga puno na nasa paligid mo pero nagmamakaawa ako bigyan mo ng pag-asa ang puso ko kahit hindi na pagmamahal ang ibigay mo kahit hindi mo na sabihin na pwede kang mawala sa mga mata ko iparamdam mo lang na karapat-dapat ako para sa gayon matutunan ko naman na mahalin ang sarili ko.
0
Aug 6, 2016
Aug 6, 2016 at 9:39 AM UTC
hindi ako ang babae na hinahanap mo
"KORNI" Naglakbay, naglibot, naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito, ngayon, tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan. Ngayong nagtagpo tayong muli, hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa, hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na. Mahal kita, hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila, patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal. Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman, patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan, ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon ikaw pa rin ang aking mahal. Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang, kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam, sabihin at ipakita na ikaw at ikaw lang ang tanging mahal.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:25 PM UTC
Corny
Bumabalik siya Ang mga matatamis na salita Sa aking isipan, tuwing nakikita kita Naaalala ko lahat ng mga bagay na ating ginawa At ako'y naniniwala na kahit anong mangyari, lumayo man ako sayo Mananatili ka parin sa aking isip at puso. Tandaan mo to, ang mga alaala ay di basta-basta nawawala Sila ay nandiyan lamang upang ipaalala na ang bawat bagay ay may dahilan, na sa bawat tao na umaalis ay mga taong bumabalik upang iparamdam sayo na ikaw ay mahalaga. Ang alaala ay nagpapaalala lamang na minsan, sa ating buhay nakaranas tayo ng mapait at masakit na bagay, nakaranas tayong  ngumiti at sumaya Sila ang nagsisilbing inspirasyon kahit minsan sila ang dahilan kung bakit may mga taong gusto ng sumuko.
0
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 8:40 AM UTC
ALAALA, DI BASTA-BASTA NAWAWALA
Kung maaari lamang sana kita'ng    makita at makausap, Yayakapin kita nang mahigpit at    magpapasalamat--- Salamat sa sakripisyo,    sa pagmamahal, para sa iyo'ng pasensya at    paalala'ng walang pagal. Alam ko'ng sandali lamang    tayo'ng nagkasama, ngunit hanggang ngayon ang iyong    pagiging ina'y akin pa ri'ng dama. Marami pa sanang gusto'ng    sabihin at iparamdam sa'yo; Nasaan ka man, sana'y iyo    pa ri'ng natatanto: Kung ano ma'ng mayroon ako,    ano ako at nasaan ako, Aking Anghel, ay dahil at para sa'yo. *(c) emeraldine087
0
Apr 13, 2018
Apr 13, 2018 at 2:25 AM UTC
AKING ANGHEL
Gusto ko simulan ang tulang ito sa tanong na "kamusta kana?" Kamusta na ang taong minahal ko ng sobra pa sa sobra Naging malungkot kaba nung ako'y nawala? O naging masaya dahil wala na ako sa tabi mo sinta Nagbabaliktanaw ako sa mga ala-ala noon na ating binuo Naging masaya naman tayo Kaya di ko alam anong dahilan mo para mag bago Para masaktan mo ako ng ganito Para iparamdam mo sa'kin na hindi ako kawalan mo Para ipamukha mo sa'kin na wala na talagang TAYO At ngayon napaisip ako kaya ka pala nagbago kasi may bago na palang nagpapatibok ng puso mo Di ko mapigilan hindi magalit Di ko mapigilan na hidi masaktan Di ko mapigilan na lumuha hanggat gabi patungong umaga Di ko mapigilan na tanggapin na ako nalang yung naiwang tanga Tanga na umaasa na magkabalikan pa tayong dalawa Umaasa at nagmamakaawa "Pakiusap mahal, usap tayo. Ayusin natin to" Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko Kasi nakikita na kitang palayo at hindi na maaabot Nakikita na kitang naglalakad kasama siya habang puso ko'y kumikirot Kaya sa huling pagkakataon Binalikan ko ang dati nating tagpuan Nagbabasakali na ikaw ay madatnan Pero namulat ako sa realidad na may mga bagay palang di na pwede maging katotohanan Kaya heto nagbaliktanaw nalang ako sa mga magandang ala-ala na akin paring hinahawakan Kasabay ng pag-agos ng alon ay ang pag-agos ng luhang nagasasabing kailangan ko na 'tong bitawan Kaya ngayon tatahak nalang ako ng ibang landas Maglalakad ako, pilitin na ang mga nangyari sa'ting dalawa ay maya-maya ay kukupas Maglalakad ako, habang wala ka na sa tabi ko, yung taong minahal ko ng wagas Maglalakad ako, maglalakad ako Pero  lilingon parin ako at makikita ko ang iyong mga bakas Bakas na patunay na ikaw ay naging totoo At hindi panaginip na nilikha ng imahinasyon ko Na merong ikaw na pansamantalang minahal ako Merong ikaw na minsan ay ginawa kong mundo Merong ikaw na tinanggap ng buong-buo at Merong ako na sinubukang lumaban pero sa huli meron paring ikaw na bumitaw nalang ng bigla-biglaan Hanggang ngayon naglalakad parin ako dala-dala ang katangang "Pinagtagpo pero di tinadhana" Yan nga siguro kasi ang kwento nating dalawa Ang mga landas natin na wari'y nagkita, Ngunit hindi inalaan para magkasama. Maglalakad ako, hanggang sa malimutan na kita mahal ko
0
Sep 5, 2017
Sep 5, 2017 at 3:41 AM UTC
Hindi Tinadhana

Continue reading...
42
Naglalakad ng palayo ng kita'y nilingon Nais kang hilahin mula sa kahapon Sinabi sa sarili, tama na at tigilan na Ngunit paanong gagawin, mahal pa kita? Anong gayuma ba ang ibinigay sa akin? Sa pagpikit man o paggising, ikaw ang nais mahalin. Bakit mo ako hinila at niyakap? Kung sa huli, ikaw mismo ang iilap? Sa tuwing lalayo, tatakas, iiwas Nandiyan ka, pati ang pag-ibig kong awas-awas Gusto ko ng limutin at tapusin nalang lahat Ngunit ang nais matapos ay ang tangi kong hangad Paano ko ba sasabihing paalam na? At sa aking paglayo. wag na akong tawagin pa... Hayaan mo na akong umusad, mag-isa At huwag **** iparamdam na ako'y mahal pa... Ayoko na, tama na. Sobra na ang sakit Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y hinihigit Oo, nangingiti, natutuwa, sumasaya Dahil ang totoo, mahal pa rin kita
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:59 AM UTC
Mahal Pa Rin Kita
Inaantay ko ang takipsilim kung kailan nagtatagpo ang araw at ang karagatan at unti-unting lumalabas ang buwan at mga bituin inaantay ko ang dilim kung kailan mararamdaman ko ang marahang paghalik ng balat mo sa balat ko kung kailan inuungkat ng mga daliri mo ang lahat ng sikreto ng katawan ko Dito sa maliit na papag, sa ilalim ng mga dahon, at mga tagpi-tagping kahoy, sa tabi ng dalampasigan isinayaw mo ko isinasayaw mo ako at sana isayaw mo ako Ituro mo muli sa akin ang bawat hakbang dito sa indayog na walang musika kundi ang dwelo ng ating mga dila, ang mabibilis na paghinga, at mga impit na sigaw. wag **** tapusin dalhin mo ako sa isang paglalakbay kung saan mas kailangan ko ang mga kamay at mga mata mo kaysa sa aking mga paa at pag narating na natin ang rurok ng kaligayahan mahal, halikan mo ang aking mga balikat iparamdam mo sakin ang init na hindi naibibigay ng mga tela ibulong mo sakin ang mga bituin at buwan at ipikit natin ang ating mga mata sa muling pag-ahon ng araw.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 3:46 AM UTC
ang halik
Isa kang kidlat, Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap, Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili, Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik, Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita, Ibuhos mo ang ulan mo, Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin. Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo, At pangako, Magiging matatag ako, Ipagdarasal na manatili ka.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 10:41 AM UTC
Bagyo
Nandito ako palagi sa tabi mo Nandito ako para suportahan ka sa lahat ng gusto mo Nandito ako sa tuwing ako'y kailangan mo Bakit tila hindi sapat ang mga bagay na kaya kong ialay sayo? Bakit tila hindi ka nakuntento sa bagay na mayroon tayo? Bakit tila nagiba ang ihip ng hangin? Tila na ***** ka sakanya at nawala ka saakin Tila siya na at hindi ako Tila kayo na at wala ng tayo Paano tayo nagkaganito? Paano tayo babalik sa panahong 'ako' lang at walang 'siya'? Paano tayo babalik sa panahong tayo lang at walang kayo? Kailan pa tayo unti-unting binabalot ng sakit at lungkot? Kailan pa tayo unti-unting nawawala sa isa't isa? Kailan pa tayo nagkaganito? Hindi ko alam ang mga sagot sa tanong na Bakit? Paano ? Kailan? Ayoko nang malaman ang sagot Dahil ako'y natatakot Na baka sabihin mo siya nalang at wala nang ako at higit sa lahat sabihin **** kami nalang at wala ng tayo Bakit ba tila lahat ng pinagdaanan ay pinawalang bahala Tila ba hindi nanghinayang Nang iwanan ako at iparamdam saakin na wala na talaga Nang talikuran ang tayo at harapin ang kayo Nang bawiin mo sakin ang salitang "Mahal kita" Oo wala na Wala nang ako Wala nang ikaw Wala nang ikaw at ako Wala ng ako at ikaw Wala ng tayo Dahil pinalitan ng Siya Ikaw Ikaw at siya Siya at ikaw Pinalitan ng ako at ikaw ng ikaw at siya Pinalitan ng tayo ng kayo at ngayon.... tapos na tayo
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 2:34 AM UTC
HINDI PA BA SAPAT?
Gusto kong hawakan ang mga kamay mo sa mga oras na natatakot ka sa ideyang baka mapagod ako sa'yo, gusto kong hawakan ang mga ito upang iparamdam sa'yo na mapagod man ako, mahal, magpapahinga lang ako pero babalik at babalik ako sa'yo. Hahalikan kita sa mga oras na nalulungkot ka pagkaraan ay ngingitian kita upang masiguro ko na magiging ayos lang ang lahat dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa bawat saya, sa bawat lungkot, sa bawat hinagpis, sa bawat araw, sa bawat oras, mahal, tutulungan kita sa bawat problemang maaari **** pagdaanan. Hayaan **** yakapin kita sa mga oras na para bang hindi mo na kayang hawakan sa mga palad mo ang mga problemang dinadala mo. Hayaan **** yakapin kita, gusto kong nasa mga bisig kita habang tinutulungan kitang dalhin sila. Mahal, lagi **** isaisip na hindi ako bibitaw gaano man kabigat ang mga dalahin na maaari **** ibigay sa akin. Hahaplusin ko ang mukha mo at sasabihin sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Problema lang sila, magkapareha tayo na nangakong kahit na anong unos, kalamidad, delubyo ang magdaan, hindi tayo susuko. Mahal ko, kayang-kaya nating pagdaanan ang lahat ng ito.
0
May 4, 2016
May 4, 2016 at 6:01 AM UTC
MESM, s01e04
Nakakaiyak nga pala ang pag ibig Yung tipong hirap ka ng ipahiwatig Yung kahit ilang beses **** sinabi na suko na Sasabihin parin nya sayo na laban pa Gusto kong umiyak, gusto kong magwala Gusto kong iparamdam sayo kung anong pakiramdam ng binabalewala At habang tumatagal lalo itong lumalala Lumalala ang sugat sa puso ko kagagawan ng iyong bala Kasabay ng mga manininging na bituin Ay ang hangarin na ako'y iyong palayain At kung ang ating landas ay muling pagtatagpuin Ang tanging hiling ay sana'y walang hadlang satin
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 7:58 PM UTC
Ang Tula ng Pag-ibig
Naaalala mo pa ba? Naaalala mo pa ba yung una tayong nag kita? Hindi na? Pwes ito ipapaalala ko muli, ihahalintulad ko ang aking sarili sa isang libro, ako ang libro at ikaw ang tagabasa. Ako ang libro na minahal mo sa lahat ng koleksyon mo Ang libro na noong una iniingatan mo Ako ang pinaka magandang libro na napa saiyo, Iyan ang sabi mo. Sana libro na nga lang ako, bagay na kahit ipagpalit mo, hindi nasasaktan, bagay na kahit anong ingat na ipadama mo, hindi ko bibigyang kahulugan, bagay na kahit anong uri ng pag mamahal na igawad mo, hindi ko mararamdaman. Ikaw na tagabasa ng mga nilalaman ko, ang mga nilalaman ko na sa sobrang dami ng hinahakit na naroroon ay inayawan na. Nakakasawa daw sabi sa akin ng mga unang bumasa. Noong ikaw na ang mag babasa, sabi ko sana ito na ang huli, ito na ang huling babasa sa akin, babasa sa lahat ng pinag daanan, sa lahat ng hinanakit na may roon, sa lahat ng hindi magagandang nangyari, sana ito na. Natakot ako sa ekspresyon na naka ukit sa iyong mukha, ekspresyon na hindi ko mawari kung ito ba'y nalulungkot, napapagod, nasisiyahan o kung ano ano pa, pero noong ika'y ngumiti, para akong nabuhay muli. Na sa dinami daming tao na naka alam ng tungkol sa akin, ikaw, ikaw lang ang tanging hindi nag sawa. Pero tao ka, tao ka na alam na alam ko na ang ugali Mga tao na kahit gaano kalaking pag mamahal ang iparamdam sayo ay tila ba parang bula na mawawala. Pero mahal, salamat. Salamat sa pag babasa, Salamat sa oras, oras na alam kong sinayang mo para lang malaman kung anong may roon ako. Salamat at napahalagahan mo ako, pag papahalaga na sa iyo ko lamang nadama. Salamat sa sandaling iyon, sa sandaling iyon kahit papaano ay napasaya ako, at naramdaman ang pag mamahal ng isang tao.
0
Feb 6, 2018
Feb 6, 2018 at 4:21 PM UTC
Libro

24
Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Gusto kong ibaling ang pagtingin ko sa iba, Pero bakit kahit na pilitin kong okupahin ang malaking parte ng oras para kalimutan ka, Hindi ko mapanindigan? Bakit patuloy ka pa ring bumabalik at nangungulit sa isipan; Kung alam mo namang madalas akong umaaasang baka sakali, May maganda tayong patutunguhan? Paano ko magagawang makalayo sa lungkot, Kung simpleng alaala mo,hindi ko magawang malimot? Dumarating ka sa oras ng katahimikan— Dumadalaw sa mga panahon ng pag-iisa, Dinadamayan ang sakit ng luhaan kong mata; Bumabalik-balik at sumisilip-silip, para iparamdam ang presensiya ng pag-ibig na kailanma'y hindi masusuklian~ Gusto kitang isayaw ng mabagal, Sa saliw ng paborito kong musika, Sa tugtog na gigising sa'kin, magpapa-alala: •Pagmamay-ari ka ng iba, Gusto kitang isayaw ng mabagal— Hanggang sa hindi matapos na tugtugin; Hanggang sa magawa ko ng pilitin, ang tadhana~ Na ibigay ka nalang sa akin, Gusto kita ng isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Tama na. Husto na. Gustuhin ko man na mapasa'kin ka, Wala akong magagawa. Kaya sige. Tatanawin nalang kita. Hihiling na sana minsan, maisayaw kita— Sa saliw ng paborito kong musika; Sa tugtog na patuloy sa'king magpapa-alala, Kaibigan lang dapat kita At pagmamay-ari ka ng iba. Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Hindi magbabago kahit nakatadhana ka sa iba.
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 10:23 PM UTC
#82
Nakakapagod din pala maging ako. Nakakapagod din pala maging ok araw-araw kahit minsan ang bigat-bigat na. Nakakapagod din palang ipakitang kaya mo kahit ang totoo nanghihina ka na. Nakakapagod din palang ikaw lagi ang nagbibigay kahit walang wala kana. Nakakapagod din pala salohin lahat kahit alam **** pag ikaw ang bumagsak walang kusang sasalo sayo. Nakakapagod din pala iparamdam yung pagmamahal  kahit alam **** d ito nasusuklian ng sapat. At higit sa lahat Nakakapagod din pala ang mapagod na hindi mo alam kung san o kanino ka magpapahinga!
0
May 14, 2022
May 14, 2022 at 9:21 AM UTC
AKO
may mag araw na hindi ko maiwasan mag isip at malumbay. mag isip na baka mapagod ka na at ako ay hindi na   hintayin. malumbay at sa iba ay humanap ng kalinga. na baka sa tagal ang puso't isip mo ay mahulog sa iba. bakit hindi ko maiwasan ang takot ay maramdaman? kahit madalas mo namang iparamdam na ako sayo ay mahalaga. kalooba'y nababagabag sapagkat sayong tabi hindi ako ang katabi. nakakapanlumo mag isip ng mag isip,na baka isang umaga hindi na ako ang nais makatabi. hindi na ako ang nais makausap hindi na ako ang nais makakulitan hindi na boses ko ang nais naririnig hindi na mensahi ko ang inaabangan, langyan pag-ibig yan bakit sa taong nag mamahal laging may agam-agam.
0
May 14, 2022
May 14, 2022 at 6:16 PM UTC
Agam-Agam
Hindi ko alam kung tama ba tong pinasok ko Pero ang alam ko lang masaya ako Mahal kita! Mahal mo siya! Dito palang alam ko ng dapat ko ng itigil Pero di ko kaya Nagbabakasakali pa rin na magbago ang isip at puso mo. Nagbabakasakali na mahalin mo rin ako. Oo! Tama ka! Tanga na kung tanga, mali ba ginagawa ko? Nagmamahal lang naman ako! Umaasa pa rin ako na mahalin mo. Bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na mahalin ka. Pagkakataon na iparamdam sayo tong pagmamahal ko. Pagbigyan na makasama ka, Pagbigyan na pasayahin ka! Alam mo naiinggit ako skanya, Lagi kong hinihiling na sana ako nalang siya. Kaya kong ipangako sayo na mamahalin kita hanggang dulo, magkaroon man ng problema hindi kita isusuko, Pero alam kong malabong mangyari yung iniisip ko Hanggang pangarap lang. Ang swerte niya! Ang malas ko kase "walang tayo"!
0
Nov 19, 2020
Nov 19, 2020 at 12:27 PM UTC
Walang Tayo
Malamig na salita bawat angulo, Mapag laro talaga ang mundo, Sa bawat paliwanag ay magulo, Masakit makita gumuho na ang mundo Wag mo sana maisipan tumigil, Kahit ako nalang mag mahal, Titiisin ko kahit nakakasakal, Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal Hindi sapat ang mga salita para iparamdam tunay mo'ng halaga, Wag ka sana mabulag sa Pinapakita ng aking masayang kaluluwa.
0
Apr 2, 2020
Apr 2, 2020 at 9:44 AM UTC
Halaga