Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2020
Hindi ko alam kung tama ba tong pinasok ko
Pero ang alam ko lang masaya ako
Mahal kita!
Mahal mo siya!
Dito palang alam ko ng dapat ko ng itigil
Pero di ko kaya
Nagbabakasakali pa rin na magbago ang isip at puso mo.
Nagbabakasakali na mahalin mo rin ako.
Oo! Tama ka! Tanga na kung tanga, mali ba ginagawa ko?
Nagmamahal lang naman ako!
Umaasa pa rin ako na mahalin mo.
Bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na mahalin ka.
Pagkakataon na iparamdam sayo tong pagmamahal ko.
Pagbigyan na makasama ka,
Pagbigyan na pasayahin ka!
Alam mo naiinggit ako skanya,
Lagi kong hinihiling na sana ako nalang siya.
Kaya kong ipangako sayo na mamahalin kita hanggang dulo, magkaroon man ng problema hindi kita isusuko,
Pero alam kong malabong mangyari yung iniisip ko
Hanggang pangarap lang.
Ang swerte niya!
Ang malas ko kase "walang tayo"!
PRIMO
Written by
PRIMO  29/Philippines
(29/Philippines)   
227
   Imran Islam
Please log in to view and add comments on poems