Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumibol" poems
*Puso'y tumibok, Hindi hinimok. Kusang sumibol, Hindi naghabol. Naramdaman ang pintig, Binuhay ang pag-ibig. Nagmahal ng buong puso, Umibig ng totoo. Ngunit.. Hindi sinuklian. Hindi ipinaglaban. Ipinagpalit sa iba, Iniwang mag-isa. Luhaan ang mata, Damdami'y nagdusa. Piniga't sinaktan, Nawalang saysay ang ipinaglaban. Kaya... Nagmukmok sa kuwarto, Nagkulong, nagtago. Sarili'y inilayo, Nanlumo, tuliro. Tulala't mga mata'y mugto, Hindi kinakausap ibang tao. Nabaliw, nagpakatanga. Nagmahal na nga lang, nasaktan pa. Subalit.. Buhay mo'y mahalaga. Pamilya mo'y naririyan pa. Sarili mo'y nilikha, Nang isang Diyos na mapagpala. Maging matatag ka, Kalimutan ang sakit at magsimula. Matuto ka, Magbalik loob sa Kanya...*
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 12:01 PM UTC
Nagmahal, Nasaktan, Nabaliw, Natuto
Malakas ang bugso ng hangin Bunsod ng pangangailangan Bumubuhos ang ulan ng pananagutan Daluyong, sunud-sunod ang hagupit Mabuti pa ang kabuting mamunso Magkakambal lamang karaniwan kung sumibol Ngunit anong kalupitan mayroon ang kapalaran? Di na nga makaahon sa dagat ng kahirapan Ilulubog na naman ng alon ng kamalasan Bibilangin bang muli ang galos ng panghihinayang Tatapalan na lamang muli ang sugat ng puso Ng dahon ng ikmo ng kapaitan at binulungan ng orasyon ng sama ng loob Bigo pa rin sa paghihintay ng kayamanang mailap Litanya ng kabiguan:      Pagkawala ng mga ari-arian..........      Pagka-ilit ng lupa at tahanan..........      Pagkaulila sa magulang..........      Pagkasangla ng kinabukasan..........      Sakuna..........           Tila mga butil ng rosaryo           Walang hanggang pagtitiis Bukas darating ang maniningil – ng hinuhulugang 5-6 Nakasangla pa rin ang ATM sa ‘Lend Bank’ – di na matubos-tubos Tinawag na lahat ng santo at santang maaaring utangan Ng panustos na biyaya – GSIS Loan, ipanalangin mo po kami Provident Fund Loan, kaawaan mo po kami Kooperatibang Malapit, maawa ka sa amin Bumbay sa palengke, ipag-adya mo po kami Kubrador ng huweteng, patayain mo po kami Lotto, GrandLotto, MegaLotto, SuperLotto, UltraLotto,                     patamain mo po kami BIR, patawarin mo po kami Presyo ng langis, kahabagan mo po kami Lahat ng ito’y isinasamo namin Dahil lahat na yata ng kahirapa’y nasa AMEN.
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 5:08 AM UTC
Para sa Kaibigan Kong Binabagyo
Malakas ang bugso ng hangin Bunsod ng pangangailangan Bumubuhos ang ulan ng pananagutan Daluyong, sunud-sunod ang hagupit Mabuti pa ang kabuting mamunso Magkakambal lamang karaniwan kung sumibol Ngunit anong kalupitan mayroon ang kapalaran? Di na nga makaahon sa dagat ng kahirapan Ilulubog na naman ng alon ng kamalasan Bibilangin bang muli ang galos ng panghihinayang Tatapalan na lamang muli ang sugat ng puso Ng dahon ng ikmo ng kapaitan at binulungan ng orasyon ng sama ng loob Bigo pa rin sa paghihintay ng kayamanang mailap Litanya ng kabiguan:      Pagkawala ng mga ari-arian..........      Pagka-ilit ng lupa at tahanan..........      Pagkaulila sa magulang..........      Pagkasangla ng kinabukasan..........      Sakuna..........           Tila mga butil ng rosaryo           Walang hanggang pagtitiis Bukas darating ang maniningil – ng hinuhulugang 5-6 Nakasangla pa rin ang ATM sa ‘Lend Bank’ – di na matubos-tubos Tinawag na lahat ng santo at santang maaaring utangan Ng panustos na biyaya – GSIS Loan, ipanalangin mo po kami Provident Fund Loan, kaawaan mo po kami Kooperatibang Malapit, maawa ka sa amin Bumbay sa palengke, ipag-adya mo po kami Kubrador ng huweteng, patayain mo po kami Lotto, GrandLotto, MegaLotto, SuperLotto, UltraLotto,                     patamain mo po kami BIR, patawarin mo po kami Presyo ng langis, kahabagan mo po kami Lahat ng ito’y isinasamo namin Dahil lahat na yata ng kahirapa’y nasa AMEN.
Continue reading...
37
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, Mula nang ika'y aking makilala't naging kaibigan, Pero pakiramdam ko'y matagal na kitang kilala sa aking isipan. Sa bawat mensaheng naipapadala ko, Sa bawat katagang naibabahagi ko, Ay ang mga ngiting sumisilay sa mga labi mo. Napapangiti mo ako. Napapasaya mo ako. Unti-unti ay nabighani mo na ang natutulog kong puso. Nais kitang makita pero hindi pa ngayon. Nais kitang mayakap pero sa tamang panahon. Nais kitang maka-usap pero sa totoong pagkakataon.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 1:27 AM UTC
Nang Sumibol ang Pag-ibig
ayoko maniwala sa pag mamahal hindi rin ako naniniwala sa pang matagalan ayoko maniwala sa mga ganyan bagay na wala naman kasiguraduhan. hindi ako naniwala sayo, sakanya, maski sa sarili ko at maging sainyo hindi mo na kailangan mag bigay ng proweba para utuin ako at paniwalain ako. ayoko maniwala sa mga nararamdaman na lalo nagpapagulo sa isip ko kung bakit biglang nag babago ang lahat ng bagay sa mundo. hindi ako maniniwala. at mas lalong hindi ako naniniwala na nagparamdam ang mga ganito na hindi maipaliwanag kung paano sumibol ang nararamdaman ko para sayo. ayoko maniwala kasi ayoko naman talaga maniwala. hindi naman totoo to kasi hindi naman talaga kasi totoo to. kaya tama na ang pag uudyok sakin na totoo ang lahat. tama na kung pwede lang pakiusap lang sana. hanggat maaari hanggat maaga pa hanggat kaya ko pa kung pwede lang wag mo nalang sabihin sakin. patunayan mo nalang na totoo ang lahat ng hindi lang sa salita kundi sa gawa para maniwala ako,
0
Jan 8, 2019
Jan 8, 2019 at 7:40 AM UTC
Ayaw at hindi ako naniniwala
Sumibol sa akin ang 'yong tahanan Ang hangin ko'y malinis, pinaramdam sa'yo ang kapayapaan Pananabik ay labis sa iyong pagtuloy Di inasahang mapapalitan ng panaghoy Dahil ako'y tahanan mo lamang Kapag sa ulan ay kailanganin mo ng masisilungan...
0
Sep 29, 2017
Sep 29, 2017 at 7:07 AM UTC
.
At sumibol ang mga mapagbunying isipan sa makapal na balat ng lupa. ang pinagtatakhan ko lang ay bakit tila tinatangay tayo ng malakas na daluyong ng karunungan patungo sa dagat ng kalituhan? ito ba'y matatawag na kamangmangan sa sarili o sakit na nagdudulot ng panghihinang tumayo sa paa, na taas ang noo, at may pagkukusa? ano nga kaya ang nagtatago sa likod nitong makulay na isipan? nanatili ang karamihan na pikit-mata sa pagtanggap ng mga kaisipan ng kapwa habang ang iilan ay abala sa paghubog ng mga bagong panaginip na syang lililok o lilipol sa buong sanlibutan. hindi man sinasadya, o inaasahan, nagsilbing mantsa sa puso't puson ang mga panaginip na ito. kahit na sa mga pagkakataong sarado tayo. walang malay nating sinasagap ang mga pakalat-kalat na talino na para bang pagkain kung ito'y manukso sa nagugutom na kalamnan. kahit pa ito'y ikamatay, mapagbigyan lamang ang uhaw na nararamdaman. hanggang sa tuluyan na itong umalipin sa sinumang magtangka na kumawala. o sumpa ng galit na apoy ng nagbabagang impyerno? tayo lang ang inaasahang sumaksi, maging alin mang panig ay tama o mali. malaya tayong mag-isip at mawalan ng saysay na parang alikabok sa higanteng pusod ng mabangis na lipunan. o kaya naman, palihim na sumibol sa gitna ng disyerto kahit na nag-iisa.
0
Aug 18, 2020
Aug 18, 2020 at 9:48 AM UTC
Henyo
tangan ng sinapupunan pinuhunanan larangan. matapos ang walong buwan simula ng kabuwanan. palaisipan sa duyan ugoy ng katiwasayan gabay ay katahimikan tungo sa kapaligiran bago pa man ang inunan hiwatig ng panubigan matibay pa sa sandigan na mas meron sa kawalan kakatwang halatang dala ay may biyayang sagana tila panday umapula pusod ay pinagdugtong pa nasan ang sagot sa bakit? di problema kung paano? ang tanong ay kung kailan? kung hindi ako ay sino? pagmumuni ng paluwal ! pataba na nang pataba ! lupa niyang tinubuan... oras na ng pag-aani. binhi nya na ipinunla sumibol ng pagkasigla katulad ng parirala may aral sa balarila kapwa merong pakinabang hindi pa man humahakbang ang hiwaga na may yabong abot-kamay na ang Labong
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 2:20 PM UTC
'Pakay ng Yapak'
Kapag yumaman na uuwi ba sa San Arden? Tatanggapin, pagkatapos na pinaghintay naging alipin sa kanyang mga kamay at yapos At kung mangyari ay huwag masyado madiin dahil di pa naghihilom nang lubos Tambakan ng lupa ang dasalin para di lumingon o sumulong Isulat sa libingan "Bawal Pitasin amg Tutubong Bulaklak" Upang tumaglay ng mabangong gayak Nagliliyab ang mga kandila na nakatirik sa altar sapagkat nakipagsundo sa diablo nang dahil sa mahal Isinanla ang kaluluwa at ang dugo'y pantubos Ikamamatay man nakakasiguro ang tambalan ay makaraos Di ito ang paraan, mabubulok man ang katawang tao, ang isip sa Diyos lang Mangamba sa tagubilin Ang huling salita ay hindi mawawala sa puso't panimdim Gumagabay sa araw-araw na gawain Ano ang natira sa malawak na lupain? Tila disyerto na lalong umiinit Impyerno na sumibol sa kontinente ay tumatawid ng karagatan ginagapi ang bawat silid
0
Dec 26, 2018
Dec 26, 2018 at 9:42 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #30
sa isang harding puno ng rosas, sumibol ang tila bagong bulaklak talulot ma'y 'di paris ng bighani ng iba, halimuyak na taglay ay waring mahika ngunit salungat ito sa nais ng hardinero, sapagkat pula lamang ang kanyang tanging ibig may suklam sa mga mata niya itong minasdan, pinitas nang walang pagdadalawang-isip ipinagkait na para bang api, ang pagkakataong mamukadkad nang ganap damong itinuring, kapara ng salot sa tanim kawawang sampaguita, ganda'y 'di napansin
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 1:24 AM UTC
sampaguita