Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naghanap" poems
Ayoko na pahabain ang mga sasabihin ko. Dahil ayaw ko narin maalala ang mga tawag ko sayo, mahal,bby,baby,kupal, tangina naalala ko lahat kapag nararamdaman ko ulit yung sakit. Yung sakit na binigay mo nung iniwan at naghanap ka ng iba. Yung sakit na pinaramdam mo sakin na merong ikaw at ako yung tayo. Yung sakit ng pagpaparamdam mo sakin na mahalaga ako. Yung sakit! Hapdi Sakit Kirot Hapdi Sakit Kirot Tangina yan lahat ng klaseng sakit na nararamdman ko pag naaaala ko yung anong meron tayo. Pero naging ano ba talaga kita? Naging ano mo ba ako? Nakgkaroon ba ng tayo? Baka naman ako lang yung nag iisip na merong TAYO. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.." sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** kwarto kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin kabisado ang mga tinatago **** patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim... Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw 07/26/16 9:44 am Tuesday I wroted this poem during my class in philosophy
0
Jul 26, 2016
Jul 26, 2016 at 10:20 AM UTC
Paalam
Ayoko na pahabain ang mga sasabihin ko. Dahil ayaw ko narin maalala ang mga tawag ko sayo, mahal,bby,baby,kupal, tangina naalala ko lahat kapag nararamdaman ko ulit yung sakit. Yung sakit na binigay mo nung iniwan at naghanap ka ng iba. Yung sakit na pinaramdam mo sakin na merong ikaw at ako yung tayo. Yung sakit ng pagpaparamdam mo sakin na mahalaga ako. Yung sakit! Hapdi Sakit Kirot Hapdi Sakit Kirot Tangina yan lahat ng klaseng sakit na nararamdman ko pag naaaala ko yung anong meron tayo. Pero naging ano ba talaga kita? Naging ano mo ba ako? Nakgkaroon ba ng tayo? Baka naman ako lang yung nag iisip na merong TAYO. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.." sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** kwarto kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin kabisado ang mga tinatago **** patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim... Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw 07/26/16 9:44 am Tuesday I wroted this poem during my class in philosophy
Continue reading...
33
Sa tagal ng ating pagsasama Wala na akong ibang mahihiling pa Kundi ang magkaroon ng isang masayang pamilya Pamilyang bubuohin ko kasama ka Pagkatapos nang tayoy ikasal Araw araw kong pinagdarasal Na aking hiling ay maibigay na ng maykapal Ang tanging biyaya na kukumpleto Sa buhay mo at buhay ko Ang mabiyayaan sana tayo Ng isang munting bersyon ng ikaw o ako Kaya di kayang sukatin Ang sayang naibigay mo sakin Nang sa iyong sinapupunan Ay mayroon na palang namamahayan Sa wakas ay dininig na At ikay buntis na pala Pero anong sakit ang aking nadama Nang malaman kong di pala ako ang ama Dahil habang tayo ay nagsama Naghanap ka pala ng iba
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 8:44 AM UTC
Dininig na Dasal (TAGALOG)
"KORNI" Naglakbay, naglibot, naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito, ngayon, tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan. Ngayong nagtagpo tayong muli, hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa, hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na. Mahal kita, hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila, patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal. Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman, patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan, ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon ikaw pa rin ang aking mahal. Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang, kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam, sabihin at ipakita na ikaw at ikaw lang ang tanging mahal.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:25 PM UTC
Corny
Habang ako'y lumalaki isang aral ang tumatak sa akin "Give your 101% sa lahat ng 'yong gagawin" Kaya sa bawat aktibidad ay binuhos ko ang lahat ng aking makakaya, Pati na rin sa pag-ibig ako'y nagmahal ng sobrang sobra. "Too much of something is bad" Yun nga ang sabi nila, Pero bat 'di 'to nanatili sa utak ko? Ganon ba 'ko nabulag sa pag-ngiti mo? Ano ba hinahabol ko dito,Kilig o saya? Bakit ang tanga tanga ko? Nung naghiwalay tayo'y pinangako ko sayo hihintayin ko ang araw na pwede kitang makasama, Pero bakit kita pinaasa? Naghanap ako ng iba at binalewala ang pangakong ginawa. At sa huli ako pa ang umiiyak, ako pa umaasa. Kung minahal nga kita ng sobra, ba't ko ginawa yun sayo? Sabi ako ng sabi sa iba " pre minahal ko siya ng sobra", pero totoo ba? Puro kasinungalingan lang ata laman ng lintik na bibig na to. May kahulugan ba ang "I love you" na sinasabi ko sa iyo? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako gan'to? Pasensya na lang...Yun lang ang kaya kong sabihin na hindi kita niloloko. Malinaw na malinaw ang aking mga kamalian. Mas mabuti nga na di ako ang yong nakatuluyan. Sana makahanap ka ng iba na magiging totoo sayo...
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 10:20 AM UTC
Bakit ang tanga tanga ko?
Babay. Aalis na si tatay. Bantayan niyo ang bahay. Abangan niyo si nanay, may pasalubong na alay -- isang halik na may laway! Matagal siyang nawalay. Umalis sa'ting bahay. Nagbago ng buhay. Naghanap ng karamay. Sana'y di siya masanay sa bago niyang buhay, at umuwi na sa atin bago pa'ko ilamay!
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 12:32 AM UTC
BILIN (Counsel --with translation)
Ikay'y iniwan Sabi raw'y babalikan Pero ilang taon ang nagdaan Siya ba'y asaan? Habang ika'y nauumay Sa kanya'y kahihintay Ikaw pala'y tuluyan nang itinapon Kinalimutan pati ang inyung kahapon Habang kasi siya'y nasa malayo Nakahanap na pala ng bagong kalaguyo Babalikan raw yon ang sabi niya Kasi akala niya noon importante ka pa Noong kasama mo pa siya Akala kasi niya mahal ka pa niya Pero nung umalis siya at malayo kana sa kanya Doon nya napagtanto na mahal ka niya Ay hindi na pala Kaya kinalimutan at binasura ka na At naghanap ng iba At bumuo ng mga bagong ala-ala Habang ika'y walang malay sa nangyari At sa kanya'y naghihintay Na bumalik sa iyong tabi O, parang gago ka lang diba Ang tawag jan ay tanga Kasi ginago kana't niloko Patuloy parin ang pagmamahal mo
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 5:17 AM UTC
TANGA KA NGA
Naghintay Umasa Ang isip kinukumbinsi "Siguradong may darating pa, Sige, maghintay ka" Hanggang sa Ilang oras na ang lumipas Napagod At gumive-up Kaya ayun, naghanap na ng iba Yung hindi niya gusto Pero pwede na Nakarating din naman Kaso lang napagalitan Sermon ang inagahan Paano late na naman May taxi pero may sakay May taxi pero ayaw magsakay Kaya nauwi sa jeep Di man gusto Nandyan naman para sa'yo Di sa lahat ng pagkakataon ang gusto mo ay available para sa'yo At di sa lahat ng pagkakataon dapat maghintay ng todo
0
Dec 4, 2015
Dec 4, 2015 at 6:12 AM UTC
sige, maghintay ka
Ang aking unang pag-ibig ay tila ba perpekto, Tila ba ito'y hindi magwawakas hanggang dulo. Ngunit sa isang iglap ito'y nagbago, Dating masayang relasyon biglang naglaho. Nagsimula sa isang bagay na hindi napagkasunduan, Hanggang sa dumami't hindi na mabilang, Naghanap ng ibang tao na pwedeng mapaghingahan, Panandaliang sarap sa iba'y kanya ring tinikman. Kaliwa't kanan na sumbatan, Mga pagkakamaling paulit-ulit binabalikan, Mga salitang masakit na hindi na malimitahan, Tila ba kami'y estranghero at walang pinagsamahan. Ako nga ba? Ako nga ba ang dahilan tulad ng iyong tinuran? Hindi ba't ikaw itong nangloko at ako'y pinagtaksilan? Masaya ka ba sa iyong ginawang kasalanan? Habang ako'y nandito at patuloy na nasasaktan. Saksi ang lahat kung paano kita minahal, Ipinagmalaki at ipinaglaban sa pamilya kahit sila'y hadlang. Hindi sukat akalain na ito'y hindi magtatagal, Relasyon na aking iningatan, ngayon ay isang kwento na lamang.
0
Dec 15, 2021
Dec 15, 2021 at 1:11 PM UTC
Ang Aking Unang Pag-ibig
Hindi paba Sapat ? Sabi nila kung sakaling magmamahal ka ibigay mo lahat. Para sa bandang huli wala kang pagsisihan... Naniwala ako.. yun yung pinaniwalaan ko!.. Sabi ko din, Oo nga nman, para atleast at the end alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang. Pero tama ba ? Bakit ang sakit ? Bakit parang mali ko pa na minahal kita ng buong-buo. Bakit ang sakit kasi dumating parin yung panahon na kailangan mo magloko ? Sobrang sakit kasi ako pa na walang ginawa kundi mahalin ka ng totoo ? Hindi ba sapat ? Hindi paba sapat ? Lahat ng ginawa ko para sayo, para saatin.. Hindi paba sapat ? Bakit naghanap ka ng iba gayung nandito ako ? May kulang ba ? Sabihin mo sakin, ano ? May pag-asa pabang mapunan kung sakaling may pagkukulang ako ? Sana sinabi mo sakin, bago ka lumingon sa iba at makahanap ng bago. Pano ba maging sapat para sayo ?
0
Apr 23, 2019
Apr 23, 2019 at 6:53 AM UTC
Hindi paba Sapat ?
Buwan ang nakatitig saakin Yakap ang lamig ng hangin Kandong ng puting buhangin Tangay ng alon ang damdamin Ramdam ang pag iisa Gabing walang kasama Dala ang mga alaala At tanging mga alaala Naghangad at nag asam Umasang aakayin ng lumbay Papawiin ng daluyong Ang pusong napagod maghintay Naglakbay ang mga mata Naghanap ng makakasama Ngunit isang pagkakamali pala Ang libutin ang dilim na nag iisa Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi Sabay sa pagpatak ng ulan Ang pagpatak ng luha Sumigaw ng walang pag aalinlangan Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan Tumayo't inihampas ang galit na kamao Sabay sa pagbato Ng mga tanong, kung ano at paano Paanong lahat ay nagbago Binuhay ng lamig ng ulan Alaalang matagal nang humimlay Alaalang akala'y patay Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay Sumariwa ang mga alaala Magmula ng unang magkita Hanggang sa patapos na Hanggang matapos na Isang halik mula sa kinatatayuan mismo Isang halik na nakapagpabago Ng ayoko muna sa salitang oo Isang halik kung paanong naging tayo Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo Dahil ibang tao na ang pumawi Sa tuyo nyang mga labi Tumangis. Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon Lulubog at di na muling aahon. En el mar me encontrarás Sa dagat mo ako matatagpuan.
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:48 PM UTC
En el mar me encontrarás (in the sea yo will find me)
Masaya pa tayo noon diba? Masaya tayong magkakasama. Nagsumpaan na walang iwanan, Ngunit sa huli ako'y inyong iniwan. Okay naman tayo dati kahit magkalayo tayo, Pero oras nyo na nga lang hinihingi ko, Di nyo pa mabigay ng husto. Naghanap ng mga bago, Pero di sila kagaya nyo. Walang maipalit sainyo, Pagkat kayo lang ang nakilalang totoo. Naging malungkot buhay ko, Kase wala na kayo. Sana'y maisip nyo, Ang nasayang na pagkakaibigan na to. Kayo'y pinapatawad ko, Pero asahan nyo ang aking pagbabago.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:25 AM UTC
Pagkakaibigan
Sa milya-milyang aking nilakbay, upang aking, ikaw'y mahanap, nan-dito ka lang pala sa tabi ko. Kung saan-saan pa ako naghanap.
0
Jul 9, 2018
Jul 9, 2018 at 11:43 PM UTC
Sa bandang huli