Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kakapit" poems
Gusto kong maglayag sa lugar na kayang ipahayag laman ng pusong lagalag. Gusto kong abutin ang mga ulap, lumutang sa alalapaap na parang nangangarap hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap. Gusto kong damhin patak ng ulan, magpakabasa hanggang mahimasmasan upang bumalik sa tamang kamalayan. Gusto kong gumising isang araw na may pag-asang tinatanaw kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 8:49 AM UTC
Gusto ko sana.
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid, Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip. Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan, Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan. Ano ang pipiliin? Ano ang susundin? Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin? Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay, Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan. Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab, Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan. Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita, "Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan, Ang katotohanang wala kang paroroonan. Ikaw na ninais ang siyang iginapos, Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos. Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay, Aking tinalikuran pag-asang hinihintay. Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan, Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan. Subalit matapos ang gabi ng panaginip, Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit. Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula, Sa aking paglabas, kinatatakutan nila. Sa aking paglalakad sa mundong umiikot, Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot. Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid, Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig. "Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw, Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw. Nagpatiluhod at doon ay nagnilay, Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay. Isang katauhan ang nababalot sa liwanag, Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay, Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot, Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot. Supot na naglalaman ng buhanging Kristal, Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya. Kukunin ba kita at titikmang muli? Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit? Ano ang gagawin ng isipang sabog, Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:57 AM UTC
Kristal

Continue reading...
48
061217 Hayaan **** makisabay ang iyong kagaanan sa himpapawid Nang ang bawat hibla'y makatikim ng tagumpay. Pagkat ang iyong baluti'y sagisag ng pagkakaisa At ika'y titingalain sa iyong pagliyad Patungo sa pinakataas-taasang bughaw naming kalangitan. Balutin mo ng dunong ang moog na salinlahi At ika'y gumayak Kasabay ng pagkurap ng haring araw. Wag **** itikom ang panaghoy sa katotohanan Habang ang bulong mo noo'y Maging hayag na sa pitong libong pinagmanahan At maraang mapagyaman ang Perlas ng Silanganan. Ipag-isa mo ang tatlong bituing ipinaglihis ng kadiliman Hindi bilang isang taksil sa lipunang mapanghasik ng lagim. Igapos mo ang kabuuan na tila isang dalisay na karagatan At iyong tabunan ang mga patak ng dugo Sa tigang at umaalingasaw na sistema ng bayan. Sa iyong lubid, kami'y kakapit Habang ang himagsika'y sing-bagsik ng leong May matalim na pangil sa pakikipaglaban. Ang kamandag mo'y tagos sa puso't kaluluwa, Dugtong sa bituka ng kasaysayang may bantog na pag-alala. At sa bawat pintig at pag-indayog ng iyong himig, Ang lahat ay magpakumbaba. Gisingin mo ang diwang nahimbing sa kababalaghan Siyang dulot ng sakim na mekanismo't maitim na pamamaraan. Lapag sa puso at sa sahig ay papagpag ng paninindigan Taas-noo ang aming pagpapatirapa para sa nag-iisang sandigan. Ikaw ang bakas ng aming pinagmulan, Ang ugat ng lakas, dunong at prinsipyo Ng mga supling mo, o Inang Bayan.
0
Jun 13, 2017
Jun 13, 2017 at 8:50 AM UTC
Ipinag-isang Tatlong mga Bituin
Dapat matakot tayo sa batas. Kung walang pangil ang batas, Tahasan lang ang paglabag. Kung mali ang halo ng batas, latak ang batayan. At kung walang batas, Tara magkanya-kanya na lang tayo. Modernong bayani, tayo yan. Tayo ang aani ng bayang may punla ng dugong nag-aalab. Kahit saan, may rebelde't aktibista; May kamaong lalaban para sa bayan; may magpapaapi't magagapi; may kakapit sa patalim At susulong nang walang pagkukunwari. Hindi luma ang pagbabago; Kahit pabagu-bago pa ang tibok ng masang Pilipino. May bagong balita, Patay na si Juan Tamad. Bangon Pilipinas! Bangon na! #042416
0
Apr 24, 2016
Apr 24, 2016 at 11:56 AM UTC
Patay na si Juan
Ang tula ay isang wasak na puso At isang nababagabag na isipan Na lumalakad sa mga bubog ng alaala Duguang mga paa, saan ka pupunta? Lumuluhang mga mata, ano ang iyong nakikita? Kung ang kahapon ay nilisan na, sa pagsikat ng araw mananatili ba? Kung ang sana ay isang mahigpit na yakap, kakapit ka ba? Kung ang mga halik ay matamis na panaginip, gigising ka pa ba? Kung ang kanyang mga kamay ay pangako ng isang umaga, bibitiw ka ba? Ang tula ay mga salita ng unang pagkikita at mga yapak ng paalam na.
0
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 1:00 AM UTC
The What Ifs
Sapagkat ngayon ay matututo tayo sa mga bagay na 'di natin maintindihan, Kakapit tayo sa mga talinhagang kahit ang mga pilosopo ay hirap sa pagpapaliwanagan. Susubok at susugal sa bukas na walang kasiguraduhan, Sabay aasa sa pangako ng isang tunay na hinaharap na makakamtan. Dahil ang damdamin ay nakaalpas na sa paghangad, Ngayo'y may sinusundang tahakin na mas marapat. Saya at ligaya para at ng sa iba sa isipa'y nailapat, Mga naisin at mithiin ay nauunawaang hindi agad-agad. Ngayon ay marapat na mabuhay sa kasalukuyan, Damhin ang ligaya, kalungkutan, at lahat ng sa gitna'y mararamdaman, Sa buhay, sarili natin ang ating tangan, Balang araw, kung anuman, ay ating mahahagkan.
0
Nov 10, 2018
Nov 10, 2018 at 10:48 AM UTC
Darating din ang balang araw
032417 "Mahal Kita, tandaan mo sana" Ilang beses **** pinaulit-ulit sakin Pero minsan, napupuno pa rin ako ng kaba "Magtiwala ka kasi.. wag ka nang umuo, Gawin mo na lang." Natuto akong itiklop ang bawat sanang nais sambitin Pagkat sabi mo'y maging buo ang tiwala ko. Walang himpil kung paano mo ipinaaalala ang lahat Ang lahat ng kabutihang ipinatamasa mo sa akin Gamit ang iyong pagmamahal Na minsan ko nang pinagdudahan. "Ganyan talaga pag nagmamahal, Pero wag kang matakot Kasi di kita iiwan." Di ko mapigilang hindi umiyak Sa bawat pagsambit mo ng "mahal kita" Nagiging kampante yung puso kong Ikaw lang naman ang nais maging parte. "Wag muna tayo masyadong mag-usap," Wika mo para rin sa ikabubuti ko. Pero hihintayin ko ang pagbabalik mo At patuloy akong kakapit sa bawat pangakong Binitawan mo hindi para ipatangay lang sa hangin Pero para buohin yung kulang na ako. "Mahal kita," at diyan ako lubos na kumakapit Sa pagbalik mo'y hawak mo ang aking mga kamay At sabay tayong lilisan sa lugar na'to Sasabay ako sa pagbangon mo. "Oo, payag na ako," Tara na.
0
Mar 23, 2017
Mar 23, 2017 at 11:53 PM UTC
Oo, Payag Na Ako
013017 Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo. Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga. Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo. Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo. Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita. Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita. Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
0
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 7:46 AM UTC
Sayo Na

8
Saksi ako sa bawat tingin. Saksi ako sa lihim na pagdapo ng paru-paro sa iyong bukirin. Saksi ako sayo at sa kanya. Saksi ako sa pag-aari mo sa kanya, gamit ang iyong mga mata. Saksi ako sa lihim na pagsulyap. Saksi ako sa labis na pagiingat. Saksi ako sa lahat. Pero ako, nasaksihan mo ba ako? Napansin mo ba ang bawat tinging binabato ko sayo ? Naaninag mo ba ang pusong dumadapo sa mga ito? Nasaksihan mo ba? Ang pagtago ko sa likod ng mga pahina, Ang paghikbi ko gamit ang musika, Ang sakit? Nasaksihan mo ba? Na sa tuwing napapagod ka kakahabol, ganon din ako? Na sa tuwing masaya kang tinititigan siya, ako naman, umaasang tititigan mo? Nasaksihan mo ba? Ang pag-asam kong sana, Sana ako nalang siya. Sana ako nalang... Sana ako.. Sana... Hanggang kailan ako kakapit sa mga natitirang sana? Hanggang kailan ko panghahawakan ang paniniwala kong "baka"? Ang paniniwala kong baka ikaw... Ikaw na tama at ikaw na Mali, Ikaw na oo at ikaw na hindi, Ikaw na meron at ikaw na wala.. Ikaw na tanong, at ikaw na sagot. Ikaw na. Paano ko nga ba mapapakawalan ang mga titig kong biglang nakulong sayo? Paano ko nga ba mapipigilan ang kamay na pipigil sana sa pagtakbo mo? Paano nga ba? Kakayanin ko pa bang saksihan ang bawat ngiti, bawat tingin, bawat paghikbi na hiniling ko sa bituin pero sa iba dumating? Kakayanin ko pa kaya? Kakayanin ko pa.. Kakayanin ko.. Kakayanin.. M.U (Mag-isang Umiibig)
0
Jul 17, 2016
Jul 17, 2016 at 9:57 PM UTC
M.U
sa loob ng isang bilyong magkakaibang sansinukob kung saan nasa kalagitnaan pa rin natin ang poot ng langit hahanapin ko ang kaisa-isang sansinukob na tayo'y magkalapit kahit na sa nalalabing mga mundo ang aking pagsinta'y mananatili sa dilim at kapag sa dinatnang sansinukob ay tila hindi pa rin pinagtagpo kakapit na lamang sa paniniwala na may pinagbigyan ang langit na isang mundo (kung saan ang puso mo ay kaya kong abutin) at ipauubaya na lamang ang aking mataimtim na panalangin sa bulalakaw na darating
0
Mar 23, 2019
Mar 23, 2019 at 12:10 AM UTC
isa
#021816 Minsan, nagsasalita ang mga lata Napakaingay at mistulang sirang plaka. May yugyugan pa Ng mga baryang hindi mabilang-bilang. Ang latang nanahimik, kikibo rin pala Pag tinapunan ng barya, Kakalansing siya. Hawak ng nanlilimos ng simpatya, Ngunit sino siyang taya? Waring nagsisipilahan pa sila Sa pagtapon ng sentimo Na tila baga lahat ay uhaw sa pansin. Kapag binigyan mo, Kakapit sila sa damit at magmamantsa May bakas ng mga kamay Kaya't sila'y wagi sa panlilimos. Kaya't minsan, hindi ako naaawa sa kanila Pagkat pagbubulaslas nila'y walang kasiguraduhan. Saanmang anggulo, Hindi masiyasat ang katotohanan. Sila mismo, gulung-gulo sa kabuuan Ni hindi tiyak ang nilalaman At kuwento'y niyupi-yupi, Buhay sa kanya-kanyang kalupi. Tunog-lata nga naman.
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 9:37 PM UTC
Social Media
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan ang mga ngiti **** umaabot sa buwan ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan puso't isip ko'y nagtatalo ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha bawat umaga'y unti unting nanghihina bawat gabi'y unti unting hindi makahinga gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa ngunit oras na para ako'y magpaalam na huwag ka na mag-alala malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya sa huling linya na ito paalam na, aking sinta.
0
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 10:03 PM UTC
isa, dalawa, tatlo, bitaw.
Ayoko nang mag-isip Dahil baka aking ma-isip Na kahit hanggang ngayon Ay wala ako sa'yong isip, giliw Ayoko nang pumikit At ayoko nang mangarap sa bituin Dahil sinta ko, Ikaw ang aking panaginip Ikaw ang nasa talukab ng aking mga mata Na nawawalang parang bula 'Pag dating ng umaga Pero aking mahal, Hindi ka nawawala pag-umaga, Dati Kaya sa dati na lang ako kakapit At sa dati na lang ako titingin At sa dati na lang ako mananatili At hindi sa aking mga panaginip na mapagsinungaling.
0
Jan 20, 2016
Jan 20, 2016 at 1:34 PM UTC
Untitled
.......Nang umamen Marunong , Hindi lang ikaw Tumalima kasi nga.... Ikaw lamang ang dehado, sa madumi obligado, Pihadong kakapit ka muli at tiyak nga babalik ka. ayy puta tang-ina Ang bawat pahina Kahit pa maibenta Ikaw Ang Kwento na Wala ka mang Kwenta Para ka na lang sa akin kahit pa sa loob ko ay labag pahalagahan walang iba na yaman, kundi Binabagtas nag-iisang lawa sa Sagwan at Bangka Yaring Ako ay Panimpla Ganyan ka ba talaga Waring mala-mapa rumehistro na sa wankata na di mo pa mahahalata Batid ang maha- hatid pa Lalo kapag ito ay hina- yaan maging kuwintas na bi🌟uin OO ! Hindi nga Siya. Pero mali naman na sabihing Tama ka ! Bagay na bagay na talaga kami sa isa't isa. Gaya baga ng mga kaibigan ko sa kanilang salita... " kahit Wala Naman Siya Mabubuhay pa din Ako Nang Wala na Ngang Patumangga ! " Sabi sa mapag-imbot na tibok ng puso kong hugis-mangga ! Siya na nga daw Ang naturang Pag-ibig Ng aking Buhay at Giliw na hinirang Subalit sa aking magiting na Diwa na tanging saad ay hayag na hidwa Hula sa Amin ay Laho kahit na humadlang pa ang Tadhana... Halo sa aking nangingilid at napupuwing kong pananaw sa pigil na pigil Kong Luha na may umaapaw na paniniwalang Siya pa mismo ang nagpahayag , na di kami patuloy na MagLalayag ! Alam ko naman Kahit di na kami tatagal sa 'ming pagsasama ,,, Sinasabi ko lagi sa aking loob Ang pabulong na ... mahaL kitA ! " o o t o t o o " Wala na ngang PatLang na diringgin mo ,,, lamang na ika'y hibang Sa Binabasa mo ... " atiK lahaM " Mga sambit Kataga Bali-baliktarin man, sa larangan ng Agos Ng Kabalintunaan, Itong aking pinaglalaban tunay at mananatili alaala na Lamang ,,, sa radar ang pawang sukat sabihin ko hanggang sa aking Pagsigaw.... !!!! Siya ay Ikaw ! Pagtatapat kong muli Mahal Ko Siya ! Minsan pa... ay huwag mo na lang muna Tangkain pa ang Pagbabasa Buhat pa dun sa pinakababa na kinakatok sa Tinanikala Patungo sa nakakalula na pagtutok Don sa tinitingala Try to start reading verses from the bottom of a Loving heart , All the way into up above until you reaches in top of a hurty part ! magmula pa sa salin-wika Binabaybay at binibigKas Tila Binalatang sinKamas Pagkat nawala sa itaas, ang hinahanap ko po na Titulo... Panustos ko pinapatas, taimtim ang inaalyas sa Liriko... Wala na ngang PatLang na diringgin mo ,,, habang Ikaw ay Libang Sa Binabasa mo ... " o o t o t o o "
0
Nov 27, 2023
Nov 27, 2023 at 3:53 AM UTC
TM naaRi nA Libag ®

106
Pag-ibig ko sayo aking giliw Kailanman ay di magmamaliw Kahit amoy ng panis na batchoy Pag-ibig koy timatataboy Sa kagandahang iyong taglay Kailanma ay di ako mauumay Para tayong ipit sa sinampay Kakapit at di maghihiwalay Yan ang pinanghahawakan kong tunay Ang mahalin ka habang buhay Kahit humantong sa huling hukay Ang pag-ibig koy wagas at lalong tumibay
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 9:05 AM UTC
KAKAIBANG PAG-IBIG
Anong nilalang Ang kahit saktan ‘Di ikaw kayang iwanan? Sagot: Matatag na kaibigan Sino sa mga kasama mo Ang kakapit sa’yo Umulan, umaraw, lumindol, bumagyo? Sagot: Kaibigang totoo. -03/30/2012 (Dumarao) *Walong Maiikling Tula ng Kahapon, Ngayon at Bukas
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:23 PM UTC
Kaibigan KB?
Ako’y biktima ng tadhanang malupit, Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit. Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig Parang gumuho itong aking daigdig. Nang dumating ka at nakilala, Sugat sa puso’y unti-unting nawawala. Ano nga bang mayroon ka At puso ko’y napapatalon sa tuwa? Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama Puso ko’y nakadama ng kakaiba Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka; Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 7:59 AM UTC
“Pusong ‘di mapigilan”
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊 Mahal, hanggang saan ako kakapit sa "PANGAKO" mo hanggang kelan ko pang- hahawakan yung "PANGAKO" mona babalikan mo ko Lahat ba ng "PANGAKO" mo ay patuloy na mapapako patuloy parin ba akong aasa o dapat ba na bitawan kona upang hindi na ko tuluyan pang masaktan ng ganito Iiyak, mag-tatanong sa sarili kung hanggang kelan ako magiging ganito? kung hanggang kelan ako magpapaka-tanga sayo Nakakapagod na, pero mahal padin kita, nakakasakit na, pero umaasa padin ako, gusto ko ng sumuko, pero paano kung bumalik kapa kung kelan sumuko na ko sa pag-asang pinanghahawakan ko. Sana ako'y mapatawad mo kung ako'y tuluyan ng susuko at bibitaw sayo, mahal kung hindi ko ito gagawin patuloy padin akong makukulong sa sakit at sa pag-asa kong babalik kapa Sana ako'y maintindihan mo paalam at ako'y tuluyan ng lilisan at tuluyan ng bibitawan ang "PANGAKO" mo na patuloy na nag- papasakit sa damdamin ko.
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 12:55 PM UTC
Pangako
012025 Paanong ang mga bulalakaw Ay kusang nagpapaubaya? Mahuhulog sa lalim ng gabi Dawit ang liwanag nitong taglay. Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan At pumipisan pa rin ang mga mata Sa lilim ng Kanyang kagandahan. Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat, Sa palad Niya’y kakapit pa rin Maging ang may tangan ng mga sandata. Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi. Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim Na nagbabakasakaling masaklawan nito Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag. Ilalantad na ang sarili Na para bang ito na ang huling paghinga. Hindi na iaantala ang panahon, Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa — Ngayon ang tugon nya‘y “oo” Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
0
Jan 20, 2025
Jan 20, 2025 at 10:03 AM UTC
Tugon