Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ibuhos" poems
Tanghali na at nais ko sana magsulat, Ibuhos ang lahat ng aking gustong ipagtapat, Ngunit wala, walang lumabas ni isang letra o salita, Nahihirapan na kahit hindi halata. Isang lapis at papel ang aking hawak, Ang daming bumubulabog sa aking utak, Nais ko sanang iparating sayo, Binighani mo ang puso ko. Kaso ang hirap, ang hirap hirap isulat ng aking nadarama, Na parang magiging katawatawa o masyadong madrama, Hindi ko alam kung paano pero ito ang naisip ko, Naisip kong paraan para masabi sayo. Ang pagsulat. Dahil ito ang aking bibig, Ito ang tanging paraan para mailabas ko ang aking hinanakit o pag-ibig, Nakakatawa man o ang "corny" pakinggan, Pero kahit ganoon pa man, ipagpapatuloy ko sa paraan na makakagaan. Makakagaan sa akin at sa mga taong makakabasa, Na hindi ito sinulat ng basta basta, Isang blankong papel at isang ordinaryong katulad ko, Isinusulat ang lahat ng mensahe sa paraan na alam ko. Gagabihin nanaman kaka-isip, At bibisita nanaman  ang mga talang gabi gabing sumisilip, Nakakatuwa dahil sila ang laging kausap, Habang natutulog ang mga ulap. Isang blankong papel ang aking hawak, Walang kawala sa magulo kong utak
0
Aug 9, 2016
Aug 9, 2016 at 9:44 AM UTC
BLANKONG PAPEL
*Bente kwatro oras ang kilos Mga gawain na tila' di natatapos Pagtitimpi na hindi nauubos Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos? Hindi ka ba napapagod? Araw-araw kang kumakayod Walang day off, walang bonus, walang sahod. Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod? Tinanggap mo ang pagiging ina Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala. Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa, Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala. Tinanggap mo ang pagiging kahalili Inalay sa'yong asawa ang buong sarili Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi. Hindi sapat ang salamat Sa mga kalyo sa'yong palad Sa hindi maindang sakit sa balikat Kahit kailan wala kang sinumbat Alam ko hindi sapat ang aking salamat At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.*
0
May 13, 2015
May 13, 2015 at 4:08 AM UTC
Salamat ina
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
ayan ka na naman, babalik at aalis ng hindi nagpapaalam. tila ginugulo mo ang aking isipan, ano ba nag problema mo. pwede bang tigilan mo na ako. sige, magalit ka. ibuhos mo ang lahat ng nararamdamn mo. Para kang ulan Biglang dadating At aalis biglaan Hindi alam kung kailan Hindi mo mapipigilan
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 11:07 AM UTC
tula: “ULAN KULOG KIDLAT”
Simula sa araw na ito, Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot, Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon, Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod, Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig, At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos, Tumayo ka sa sulok, Ipikit mo ang iyong mga mata, At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon, Patungo sa apoy ng impyerno, At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog, Pinapayagan na kitang sumigaw, Sumigaw sa taas ng iyong mga baga, Palabas ng apoy na nagbabaga, Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala, Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin, Hindi ka namin aangatin, At mas lalong hindi ka namin ililibing, Sa mga lupaing, Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin, At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Bumuo ka ng bahay, Gamit ang mga bagay na iyong natutunan, Bumuo ng bahay, Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya, Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba, Upang ingud-ngod sa aming mga mukha, Na kami’y mga anak ng mga makasalanan, Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian, Sa isang pitik ng kasinungalingan, Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog, Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap, Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama, Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala, "Ako ay taong makasalanan, sige, eto na lang, totoo naman, kaya sapat na," At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Magtrabaho ka nang mabuti, At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa, Ipunin mo ito sa isang timba, At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy, Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata, Na sabi nila, ikaw raw ang may sala, Ikaw ang may sala, taong makasalanan, Taong makasalanan, “Mahal Kita, Tutulungan Kita, Pangako, Patawad, Paalam,” --- Dagdag na utos sa paaralan: Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa, Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan, Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay, Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto... --- Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan: Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap, Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata, Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok, At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan, Ngumiti, Tumingala, Buksan ang pinto, Kasabay ang pag sabi ng mga katagang: “Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
Ang Paaralan ng mga Makasalanan (2017/18)

Continue reading...
72
Isa kang kidlat, Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap, Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili, Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik, Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita, Ibuhos mo ang ulan mo, Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin. Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo, At pangako, Magiging matatag ako, Ipagdarasal na manatili ka.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 10:41 AM UTC
Bagyo
Tinik sa dibdib, tali sa puso'y pinaghihigpitan Sa alambreng bakod di na makawala yung pulang tubig lang aagos Napuno ng kabanalan, kasunod ay kasawian Ibuhos ang isang daang karayom sa nakatiwalwal na mga sugat Tusok sa balat ay ang kirot na lalong tumitindi nang walang kapahingahan Mabangis na  mga pangil sa talahiban nakatago Wasiwas ng damo binabantayan Mahinahon na inaabangan Mas masahol pa sa tuklaw ng sundo ni Kamatayan Ang kaantukan ay sumagi sa ulo Pangambang nangangahulugan Habang puyat na bumangon Sa dulo ng dapithapon nagsisi-awitan ang mga ibon ay may bagong silang na paraiso Isama na at huwag pabayaan Lahat ay humayo
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 7:27 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #7
sigurong maramdaman ang bisig mo Sa aking balikat at likod Ang saya sigurong maramdaman ang mga haplos **** Minsan banayad, minsan nangangailangan Ang saya sigurong makita ang iyong mukha pagkagising ko sa umaga Pagkatapos ng isang maaksyong ganap sa kama Ang saya sigurong mangarap sa iyong tabi, Kung ano nga ba ang kasiguraduhan ng nagbabadyang bukas Ang saya sigurong mahalin ka ng paunti-unti Hanggang ibuhos ko na halos lahat. At siguro mas masaya kung mamahalin mo ko pabalik, Kahit paunti-unti lang, tsaka mo na ibuhos ang lahat.
0
Oct 21, 2015
Oct 21, 2015 at 10:53 AM UTC
Ang Saya
Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y Higit pa sa mga nakapilang karagatang Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran. Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan. At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol, Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig Na hindi ko mabigyang pamagat Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip. Sa bawat bigkas ng bibig, Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit, Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri.. Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin, At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere -- Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan. Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag, Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay Ay balang araw ding hehele't magpapatikom Sa mga armas ng kadiliman. At balang araw, masasabi ko ring, "Nagbunga ang paghihintay."
0
Jul 16, 2021
Jul 16, 2021 at 2:40 AM UTC
Silaw
Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi ninyo ito basahin at tanggapin kahit ako lang ang tunay na papansin at aangkin Dahil masyado akong mausisa at malikhain Tahimik ang paligid at nais ko sana magsulat Ibuhos ang lahat ng nais kong ipagtapat Mga bagay bagay na bumubulabog sa ‘king utak Ito’y mga salitang sa papel lang kayang isulat Mahirap man unawain ang aking nararamdaman Ganun pa ma’y ipagpapatuloy ang makakagaan Sa ‘king pusong puno ng hinanakit ang nakadagan Ngayo’y bibigyan ng tinig sa blanking papel na tangan Mga panahong nagmumokmok umiiyak sa sulok Ni walang nakakapansin sa mga matang malungkot Todo ang ngiti bagaman ang lungkot ay nasa likod Huwag lang mahalata ang mukhang may sama ng loob May mga salitang sa papel lang kayang manatili Dahil ‘di na kayang bigkasin ng ating mga labi. Mga lungkot at galit sa puso’y sadyang iniukit Isusulat sa papel sa dingding doon ididkit
0
Mar 26, 2025
Mar 26, 2025 at 5:42 AM UTC
BLANKONG PAPEL
Alam mo bang itong luhang pumapatak saking mata, Nagpapakitang ako'y nasaktan ng sobra, Pero kahit ganito aking nadarama Puso'y ka'y sakit pero mahal parin kita Ilang araw na akong umiiyak Araw araw pinupunasan ang luhang pumapatak, Dahil sa pusong tila ba'y nababasag At buong pagkatao'y nagmistulang wasak Hindi ko alam kung san pa ba ako tatakbo Gayong wala na kong malalapitan pa kahit sino, San ko ba pwedeng ibuhos ang mga luhang to, Wala ng iba kung hindi sayo, ngunit wala ka pano na ako?
0
May 26, 2018
May 26, 2018 at 8:49 PM UTC
"LUHA"
Oh Hesukristo Ako’y muling binyagan Mo Ibuhos Mo ang Iyong dugo Upang mapawi ang mga sala ko Ako ay Iyong pagmasdan Nababalot ng karumihan Punung-puno ng kasalanan Parang wala nang kapatawaran Baguhin Mo ang aking buhay Itayong muli ang mga suhay Tapusin ang pagkakaratay Sa mga kasalanang nakamamatay Pakawalan Mo ako sa mga kadena Ng pagdurusang matagal na Ako’y palayain Mo na Bigyan ng panibagong pag-asa. -01/12/2014 (Dumarao) *written on this day of the Feast of the Baptism of Jesus
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:59 PM UTC
Binyagan Mo Muli Ako