Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sofia Paderes Jan 2016
Di niyo ba alam
na nang pasimula ay nilikha ng Diyos
ang langit at ang lupa?
Na ang mundong ito'y
Kanyang binigyan ng hugis at anyo
gamit lamang ang mga salitang
dumaan sa Kanyang bibig?
Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!"
Nagkaroon nga.

Di niyo ba alam
na kaya Niyang humarang
sa agos ng dagat,
ipaawit ang mga bituin,
ipaluhod ang bulubundukin?

Di niyo ba alam
na ang kapangyarihan na ito,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para ibuo ang mga planeta,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para tigilan ang pag-akyat ng buwan
nung lumalaban sina Joshua,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para bigyan muli ng buhay ang yumao
ay nasa
atin
din?

Ito
ang Kanyang pangako:
Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang
tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan
ng ating kaaway

Di
niyo ba
alam na
may kapangyarihan sa pagsamba
sa Kanya?

Di niyo ba alam
na nung ikapitong ikot
sa ikapitong araw,
mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak
ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico?

Sumigaw na tayo sapagkat
nasa atin na ang tagumpay
Sumigaw na tayo sapagkat
sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo
sa Kanyang pangalan,
lumiliwanag ang dilim
sa Kanyang pangalan,
lahat ng takot ay nadadaig

Sambahin natin ang Panginoon
ng buong galak
ng buong puso
nanginginig at mga demonyo
sa pangalan ni Hesus
tumutumba ang mga harang ng impyerno
sa pangalan ni Hesus

Tayo'y magkaisa,
itaas ang mga kamay
tayo'y magkaisa,
itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta
tayo'y magkaisa

Sambahin natin ang Diyos na buhay,
ang Diyos na dakila!
Written as a call to worship during our church's prayer meeting. First Tagalog spoken word piece.
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
040116

Hindi kita ginamit at pinagkaingat-ingatan
At sa minsanang pagdampi ng pawis ng langit,
Ika’y aking iniaangat --
Malihis ka lamang sa makinarya ng tubig,
Siyang may maitim na balak.

At sa lubak na daa’y, hindi ako patitisod
Minsan nga’y naiisip ko pang ako’y hibang sayo,
Pagkat di bale nang may galos,
Wag ka lang gantihan ng gasgas.

At sa tuwing iaalis kita sa aking katauha'y,
Tila ayoko nang magbagong-bihis pa
Sapat ka na't ni ayaw nang maisantabi pa.

Mahal,
Yan ang turing sayo.
Mahal,
Yan ang presyo mo.
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Taltoy Apr 2017
Aking damdamin, aking hinaing,
Dahil sa mga saloobin, mga hiling,
Bilang isang batang walang muwang,
Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang.

Nilalaman ng aking mga tula,
Mga dinaramdam sa buhay kong payapa,
Buhay kung saan ako naging malaya,
Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha.

Ang mga tula kong ito,
Sumasalamin sa damdamin ko,
Kaligayahan man o panibugho,
O mga nararamdaman lamang nitong puso.

Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan,
Piniling may tugma ang hulihan,
Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento,
Linimitahan ang mga salitang ginamit ko.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.

Dito, puso ang pinapairal,
Paggamit ng utak matumal,
Dahil ito ang pinto ng puso ko,
Bintana ng damdamin ko,

Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo,
Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko,
Lahat ng gustong makamit at gustong maabot,
Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot.

Ito ang mundo ko ng imahinasyon,
Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon,
Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari,
Kahit na sa paningin ko, imposible.

Ito ang aking naging takbuhan,
Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan,
Kasama sa panahon ng kaligayahan,
At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan.

Ako'y nasanay mag-isa kasama sya,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, kanya ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
ginawa noon, ipinakita ngayon
George Andres Sep 2018
sumulat ako ng elehiya

ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya

tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!

nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.

hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,

binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya

at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban

sa huli, wala akong armas na nilundayan

sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
Kapagka ang yeso ang ipinambato
Doon sa madaldal na estudyante mo,
At saka-sakaling tamaan ang ulo,
Bala ang babalik sayo mismong noo!

Kapagka pambura'y ipahid sa mukha
Niyong mag-aaral na tatanga-tanga,
Pakaiwasan mo't baka maging kawa
Yaong igaganti sa iyong ginawa!

Kapagka ang pluma ang siyang ginamit
Sayong panghuhusga'y mag-ingat na labis;
Sapagkat di tinta yaong ipapalit,
Kundi ang dugo **** mas nakakahigit!

Kapagka ang luha'y mamatak sa lupa
Niyong estudyanteng labis na nagdusa--
Pakaasahan mo't gaganti ang bata,
Ika'y sisingilin hanggang sa pagtanda!
Wala hong personalan, trabaho lang!
Pluma Mar 2015
Kaya Mo Ba Akong Panagutan?



Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo.
Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago.
Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan,
Na dungisan ang aking minamahal na bayan.


Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso,
Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno.
Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao.
Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago.


Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman!
Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan.

Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!
Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
What if our country (Inang Bayan) could actually talk?
Nexus Aug 2019
Salitang sayo ko narinig
Pero kung iisipin, napakarami nating pwedeng matatagpuan at masusumpungan pero bakit nga ba tayo pa ang naging mag kakaibigan


Tayo'y pinagtagpo lang pala
at hindi itinadhana
Tayong dalaway patuloy na umaasa
Ngunit ngayon sabay na nasasaktan at
nag hahanap ng pag asa

Ang salitang
SANA
ngayoy  kaakibat sa bawat buntong hininga
Sana naghintay lang ako,
Sana mas nagging matapang akong mahalin ka at
harapin ang bukas ng walang pag aalinlangan,
Sana ikay pinaghawakan at ipinaglaban sa
tadhanang naghahamon
at
sa pagkakataong hindi nakiki ayon

Ginamit kong salita ay parang kalasag
Bilang pansalag sa naka umang katotohanan.
Isinulat ko ito upang pagmukhain akong matapang
Na mistulang  lumalaban ng walang pag aalilangan.


Tangapin na natin
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay sa atin ay naaayon
sa kung paano natin gusto
ito’y ating matatamo.

Kaya mahal paalam........
Isabelle Jul 2016
Sa mga sinambit **** salita
Sa mga ngiting ipinakita
Unti-unti, ako'y nabiktima
Unti-unti ako'y nahulog na

Oo gusto kita, pinili pa nga kita
Minahal nga ata kita
Ayoko lang aminin sa sarili ko
Ayoko lang pakinggan ang puso ko

Takot ang nangibabaw

Takot masaktan
Takot maiwan
Takot na maging ikaw ang mundo
Takot na mahalin ka ng todo

Kasi sa pag-ibig, ganoon ako
Buo, buong-buo
Yung wala ng para sa sarili ko
Yung lahat ibibigay ko

Nagustuhan mo din naman ako diba?
Ikaw naman ang unang nagsabi diba?
Ikaw naman ang nagpakita ng interest diba?
Ikaw naman ang nauna diba?

May mga plano na nga ako
Para sa iyo
Para sa akin
Para sa atin

Kasi sa tingin ko handa na ako
Handa na ako

Pero wala
Bigla na lang nagbago
Wala na tayong magagawa
Wala pa ngang "tayo" ay naghiwalay na tayo

Sana totoong nagustuhan mo ako
Sana totoo lahat ng ipinakita mo
Sana totoo lahat ng sinabi mo
Sana, sana, sana

Hindi ako galit sa'yo
Galit ako sa sarili ko
Kasi pinili kita
Kasi nagustuhan kita

Ang huling hiling ko na lang sa'yo
ay sabihin mo na ginamit mo lang ako
baka sakali ay matauhan ako
at ako na mismo ang lumayo
Para sa'yo. Ikaw lang, alam mo yan. Kaya kong maghintay, sabihin mo lang.

Paalam sa ating huling sayaw,
may dulo pala ang langit,
kaya't  sabay tayong bibitaw...
1.
Noong unang panahon, may lupaing walang makapapantay
Sa kariktan at kasaganahan nitong tinataglay
Ito ang “Ibalon” na kilala ngayong Bikol, Albay
Subalit ito’y iniiwasan ng mga manlalakbay
(Once upon a time, a land was known
For its beauty & bounty nothing outshone
It was Bicol, Albay which was then, Ibalon
Yet, travelers to there had been withdrawn)

2.
Dahil ito ay pinamumugaran
Ng mga halimaw na hayok sa laman
(Because it was teeming
With monsters to flesh were starving)

3.
Walang nangahas doon makapasok
Maliban sa lalaking si Baltog mula Boltavara na ubod ng lakas at pusok
(No one dared to enter in there
Except for Baltog, a daring & brave man from Boltavara yonder)

4.
Sinalanta niya ang mga halimaw na parang delubyo
Una si Tandayag, ang dambuhalang baboy-ramo
(He wiped out the monsters like a deluge
First was Tandayag, a warthog so huge)

5.
Mula noon, sa lupain na dating kinatatakutan
Mga tao’y dumayo at doon nanirahan
(From then on, in the land once feared
To flock & reside, people dared)

6.
Subalit hindi pa wagas na masaya
Dahil may mga halimaw pang natitira
(But it was not yet the happy ending
There were still monsters remaining)

7.
Si Baltog na matanda na ay labis nabahala
‘Pagkat siya’y mahina na at ‘di na makalaban pa
(Baltog was bothered now that he’s older
For he’s already weak and could fight no longer)

8.
Mabuti nalang at may binatang nagkusa
Siya si Handiong – matapang na, malakas pa
(Good there’s a young man who presented at last
He was Handiong so valiant and robust)

9.
Kanyang pinatumba ang duling na Sarimao
Pating na may pakpak at higantedng kalabaw
(He crushed down the cross-eyed Sarimao
The winged shark and the giant carabao)

10.
Subalit may nilalang na hindi niya nagapi
Ito ay mapanganib at tuso kasi
(But he cannot defeat a certain creature
For it was so dangerous and clever)

11.
Siya si Oryol, ang babaeng ahas
Lumalaban ba siya ng patas?
(She was Oryol, the snake lady
Does she fight impartially?)

12.
Sa kanyang mga yapos, walang nakapipiglas
Maging si Handiong na kaylakas, hindi nakaalpas
(On her grip, no one could break free
Even strong Handiong couldn’t escape from thee)

13.
Swerte ni Handiong, hindi siya binalak patayin
Bagkus ay ginamit nalang sa matagal na mithiin
(How fortunate was Handiong, there’s no plan to **** him
Instead, she just used him for her long-time dream)

14.
Laban sa mga mortal na kaaway, dapat tulungan siya ni Handiong
Na lipulin ang mga buwaya sa Ilog Ibalon
(Against her mortal enemies, Handiong must help her
To annihilate the crocodiles in Ibalon River)

15.
Matapos tuparin ang mapanganib na misyon
Si Oryol ay naging kapanalig sa Ibalon
(After fulfilling the dangerous mission
Oryol became an ally in Ibalon)

16.
Si Handiong ay naging mahusay na pinuno
Bangka, araro, alibata – kayraming naimbento sa kanyang pangungulo
(Handiong became an excellent ruler
Boat, plow, alphabet – many inventions were made during his tenure)

17.
At sa mga sumunod pang henerasyon
Naging mapayapa’t maunlad ang Ibalon
(And on the succeeding generations
Peace & prosperity reigned over Ibalon)

18.
Hanggang sa may sumulpot
Na panibagong kinatakutang salot
(Until there appeared
A new abomination so much feared)

19.
Siya’y nagtataglay ng katakut-takot na kapangyarihan
Hindi rin maipaliwanag ang kanyang kaanyuan
(He possessed a terrifying power
No one could even describe his feature)

20.
Siya ay isang mangkukulam na kilabot
Na tinatawag nilang Rabot
(He was a sorcerer fearsome
Called Rabot by some)

21.
Mapalad ang Ibalon, may natira pang bayani
Siya si Bantung, matalino’t maliksi
(Lucky was Ibalon, a hero was still there
That was Bantung vigorous and aware)

22.
Siya’y lumikha ng isang payak na plano
Pinaslang niya si Rabot habang natutulog ito
(He just devised a simple planning
He murdered Rabot while the monster was sleeping)

23.
Si Rabot ang pinakahuling halimaw sa Ibalon
Nang siya’y mapuksa, naging payapa na doon
(Rabot was the very last monster in Ibalon
Upon his death, peace reigned there from then on.)

-03/10-11/2012
(Dumarao)
*for Lit. Day 2012
My Poem No. 102
Itsyellabeau Jul 2019
Hindi ba ko karapat dapat  ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan.
Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang.
Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan.
Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y  nasasaktan.
Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam.
Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip.
Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka.
Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka.
Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’.
Kung hindi ng aking sarili.
Gat-Usig Oct 2013
Mahal ko ang Filipino, pagdiriwa’y walang plano
Malaking palaisipan pag-alala ng gobyerno
Samantalang ‘di naisip prayoridad wala rito,
Pagpapayaman sa Ingles hindi na magkandatuto.

Paggunita anong saysay, pagsasabuhay sa wikà
Makakapagpamulat ba lalo na sa mag-aaral;
Pagsambit sa mga ito maging sa mga parangal,
Ito ba’y nakagugulat isang buwang itinakdà.

Totoo namang ginamit sa pakipagtalastasan
Filipino’y instrumento sadyang hindi matumbasan;
Kahit na karamihan pa napagkakamalang Kanô
Pakikinig sa istasyong bumibilib na napunô.

Ang tanong sa puntong ito, napapayaman ba kayâ?
Sa mga naging konteksto, ang masa ba’y nakukutyâ?
Sa mga nakakarinig, nahalua’y kabaduyan
Maging mga komentaryo, kalaswaa’y kinantsawan.

Kung bastos ang naging dating, anong magiging termino?
Ang mga dapat ilimbag sa papel ng mga dyaryo;
Sa pagbibigay ng aliw,ito’y pulos kababawan
Inisip ng mamamayan, may ganitong katangian.  

Kapuri-puri ang iba, may mahahalgang paksà
Ito’y kinakikitaan na may seryosong diskurso;
Sa kabilang banda pala, ito’y nawalan ng bisà,
Tulog na ‘pag pinalabas, ito’y kadalasang kaso.

Paano papaunlarin kung iba’y pinagpilitan
Tunay na nakalulungkot ito’y naging panambitan;
Sa halip pa ngang gamitin bilang makatwirang midyum,
Sa mga usap-usapan, maging sa mga simposyum.

Ang pagpapaunlad nito ay hindi sa balarila
Hanggang sa pag-uunawa pati ng ortograpiya;
Kinailangang mawala ang mga maling pananaw,
Ito’y nangangahulugang pagkilatis ‘di papanaw.


Ang natanging lingua franca nagbibigay identidad
Sambayanang sumasambit pagka- Pinoy lumalantad;
Sa bansa’y nagbigay-linaw, paggamit ng isang wikà,
Kaysa sa salitang- dayo, nagturan ng hakahakà.

Oo, Agosto na naman, dapat pa bang magkamayan?
Wika nati’y maging ilaw siyang magsisilbing lakas,
Juan, gumising ka naman, kamtan mo’y tuwid na landas;
Kung hindi tayo kikilos, mayroong paglalamayan.
Jose Remillan Jun 2015
Hanggat maari ayaw ko pa sanang
Iligpit ang mga pinggan at ilang kubyertos
Na ginamit natin, ang damit ****

Nakasampay sa ulunan ng higaan natin,
Ang mga basyo ng lotion, shampoo, at
Pabango na naiwan mo, lahat sila itinabi

Ko, kasama ang damdamin kong binuo
Mo sa maikling panahon na naglagi ka,
Dito kung saan iniwan mo ako.

Dumating na naman ang summer, at
Heto ako, inaalala ang plinano nating
Forever. Ang alon sa dalampisagan,

Ang mga piraso ng batong inipon mo't
Sinilid sa sisidlan ng tarheta, hanggang
Ngayon binibilang-bilang ko pa, tila mga

Patak

Ng luha na hindi na titila. Ang dalawang
Pirasong damit mo, ayun, nakasabit pa,
Sa dingding na naging saksi sa mga

Sandaling hiniram natin sa tag-araw.
Dumating na naman ang summer, at
Heto, ang dalampasigan, pinagmamasdan

Ko, nagsasabing may forever...
Pasacao, Camarines Sur, Philippines
August 28, 2014
prāz Dec 2016
Heto,
At may aalis na naman sa ating dalawa
May maiiwan na namang mag-isa
Mag-isa na pagod at wala
wala sa isip, wala sa sarili
Sarili na dinala mo sa iyong pag-alis
sarili na dapat ipinagtira
Sana nagtira kahit papaano
pero naibigay na lahat sa'yo
Buong puso at tanga sapagkat buo
Sapagkat nagmahal
minahal ka- ng totoo.

Heto,
Buong-buo parin, ang hinanagpis
hindi ako
Totoong-totoo parin, ang realidad
Na kailan ma'y hindi
hindi ako ang pinili mo.

Heto,
Ngayon wala
walang-wala simula nung dinala mo
ang lahat na kung ano mang meron ako
meron ako na wala
Noong hiningi ko pabalik
sabi mo wala
wala na
Wala na meron
Dahil naubos mo na sa pagsalba sa sarili
Kinamkam
Sakim
Gago.

Heto,
Ito nalang ang natira
Isang pusong bumabawi, nagpapalakas
Bago
Na kung sakaling sa pagbalik mo
Iba
Hindi na kita kailangan para buohin ako.
At ikaw naman
Ang maghahanap sa mga piraso ng puso monh
ginamit ko para tahi-tahiin ang sarili kong winasak mo

Heto pa, oh
sayo na yan
sayo na lahat
Kahit anong yaman
kaluluwa mo'y dukha
Bagay sayo mga tira-tira.
© rekenerer
vol | wika ng mga luhang sinayang ko

[ due for revision ]
// a spoken poetry prospect .
rufus Feb 2017
ngayon ko lang napansin. sobrang dami ko palang isinulat para sa'yo. ngayon ko lang napansin na lahat sila galing sa mga katabi kong diksyonaryo at tesauro. malay ko ba kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat ko. lumalaki pa lamang ako. ngayon pa lang natututong makipagtalastasan, makipagbalagtasan, makipagsagutan, makipag-away. ngayon pa lang akong natututong maghintay at ngayon pa lang nasusugatan. ngayon ko lang nalaman ang tunay na ibig sabihin ng paniniwala. paniniwala sa pagkahulog, paniniwala sa kung anumang gusto kong paniwalaan. paniniwala na meron ka pang mapapaniwalaan dito sa mundo. kapit ka, subukan mo. ngayon pa lang akong nagtitiwalang muli. ngayon pa lang nagpapatawad. ngayon pa lang nakakapagsabi ng 'mahal kita', nang walang pagdududa at walang pagsisisi. mahal ko talaga sila. ngayon ko pa lang nararamdaman ang tunay na pag-ibig. ngayon ko pa lang nakikita kung paano magmahal ang isang taong nasasaktan. ngayon pa lang ako nakakita ng taong durog at winasak ng panahon — marahil dati puro sa teleserye ko lang ito napapanood. noong pumunta kami sa isang museo, napakaraming uri ng sining na maaari **** makita. may mga head busts, paintings, sculptures, pati mga ginamit ng mga pintador na brushes at pati na rin mga natuyong pintura nila. tinignan ko lahat iyon. umabot ng halos labindalawang oras ang pag-iikot ko. walang kain-kain. kinailangan kong makita lahat. ngunit ngayon ko lang napagtanto na iisa lang naman 'yung gusto ko talagang makita. ('yung spolarium.) ngayon lang ako nakarinig ng mga taong wala talagang kamuang-muang sa mundo. 'yung tipo ng taong nakaupo sa ginto ngunit talagang lumaking tanga. nakakaawa sila. ngayon ko pa lang pinapangaralan 'yung sarili ko. kanina nga lang ako nagsabi sa sarili na hindi na ako kakain ng fast food at processed food. (seryoso. nakakamatay talaga sila.) sa pagkamatay ng nakaraan, noon ko lang nasabi sa sarili ko na gusto ko pa talagang mabuhay. gusto ko pang makakita. gusto ko pang makaramdam.

ngayon pa lang ako natututong magsulat.
1.
Noong unang panahon, dumalaw ang isang diyosa
Sa bagong kapapanganak na ina
Na ang bagong silang na sanggol ay biniyayaan
Ng mga bertud na may kapangyarihan
(Once upon a time, a goddess visited
A mother who has just yielded
A newborn infant who was blessed
With amulets wherein powers are wielded)

2.
Ang ina ay nagsumamo sa diyosa
Na biyayaan ng mahabang buhay ang anak niya
(The mother to the goddess implored
For a long life to the child she labored)

3.
Hindi sumagot ang diyosa
Pero ikinwintas niya ang agimat sa bata
(The goddess did not answer
But a necklace to the child she did wear)

4.
Sa kwintas nakasabit ay tatlong bato
May taglay na kapangyarihan ang mga ito
(The stones are the necklace’s pendants
A power in them enchants)

5.
Ang isa ay nagbibigay-lakas, sa pangalawa ay bilis naman
At sa pangatlo’y proteksiyon sa kapahamakan
(The one grants strength, speed is by the second charm
By the third protection from harm)

6.
Ang nasabing sanggol si Biuag ang ngalan
Siya ay tubong Enrile, Cagayan
(The said baby is Biuag by name
Enrile, Cagayan is from where he came)

7.
Kaya niyang bunutin ang isang puno
Na kaydali para lang siyang nagdadamo
(He can uproot a tree
Just like weeding so easily)

8.
Kaya rin niyang lumangoy nang matulin
Maging mga buwaya’y ‘di siya kayang habulin
(He can swim so fast
Even crocodiles through him can’t get pass)

9.
Nahulog narin siya sa lugar na mataas
Subalit walang natamong anumang gasgas
(He even fell from a high place
But didn’t obtain any bruises)

10.
Dahil sa mga kapangyarihang ipinamalas niya
Mga tao’y dinayo siya at sinamba
(Because of powers by his showmanship
To him people came and worship)

11.
Sa kabila ng lahat, malungkot si Biuag
Dahil ‘di niya makuha ang napupusuang dilag
(Despite of all, Biuag is desolate
Because the dear maiden he can’t get)

12.
Ang nasabing babae sa Tuao ay katutubo
Hindi tanyag ang nilalang na ito
(That lady in Tuao is indigenous
This creature is not famous)

13.
Noon din ay may binatang katulad ni Biuag
Malakas, makapangyarihan, hindi duwag
(At the same time like Biuag was a man popular
Strong, powerful, not coward)

14.
Malana ang tawag sa kanya
Taga-Malaueg, Rizal ang magiting na binata
(Malana is he being called
From Malaueg, Rizal is this bachelor bold)

15.
Noong labing-walong taong gulang siya
Nilangoy niya ang ilog na maraming buwaya
(Eighteen years old when he was
Swam he the river with lots of crocodiles)

16.
Ito ay upang kumuha ng pagkain
Mula sa malayong lupain
(This is in order to get fodder
From a land that’s farther)

17.
Para sa mga nasalantang tao
Ng nagdaang bagyo
(For the people devastated
By a typhoon that thrusted)

18.
Nang makauwi si Malana
May nakita siyang isang pana
(When Malana returned home
Saw he a bow and arrow)

19.
At nang kanya itong ipukol sa hangin
Sa kanya ang bala’y bumalik din
(And when on air it was thrown
To him the arrow returned)

20.
‘Di naglaon kanyang nabatid
Na ang sandata’y may kapangyarihang hatid
(Soon it came to his awareness
That the weapon a power possesses)

21.
Siya rin ang iniirog ng dilag
Na kinahuhumalingan ni Biuag
(It is him also liked by the maiden
To who Biuag has fallen)

22.
At nang matuklasan ni Biuag na si Malana ang napupusuan
Hinamon niya ang karibal sa isang labanan
(And when Biuag learned that Malana is the beloved
To a fight his rival he challenged)

23.
Nagimbal ang buong bayan
Sa katakut-takot na labanan
(The whole nation felt horrible
Upon the terrifying battle)

24.
Higanteng buwaya ginamit ni Biuag
Babaeng gusto pinagsabihan siyang duwag
(Giant crocodile Biuag utilized
Coward is he said the lady he liked)

25.
Dahil doon, si Biuag ay napahiya
Sa huli, kanyang nilunod ang sarili niya.
(Because of that, Biuag was embarrassed
Drowned he himself at the very last).

-08/17-18/2013
(Dumarao)
*for Epic Day 2013
My Poem No. 222
kingjay Dec 2018
Ang haplos ay malamig
di man naninigas
nanatili walang kibo
Sa paghagok ay naninibago
-walang malay parang nag-iidlip

Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos
-magbigay pugay
Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti

Ginto at pilak, walang katumbas
Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan
Parirala ng buhay ay papintig-pintig
sa ibang dimensyon na ng daigdig

Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay
Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay
Sa kuko matatanto habang nakaratay
Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay

Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan
Maraming kakaibiganin maging sinuman
Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad
Pagbubuklodin ng pagsinta

Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi
Paalalang ipirmi, di iwaksi
Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
isang hawak na di ginusto
nagsimula sa panghihipo
pag iisip mo'y kasing dumi
ng burak sa estero
nalilito natutuliro
magsasalita ba ako?
kapangyarihan mo'y inabuso
ginamit para bumango ang pangalan mo
para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko.

Isang gabi! isang gabi lang!
nadurog ang pagkatao ko.
kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo  sa akin
sa madilim at maliit na kwartong iyon
mabilis ang pintig
naririnig bawat kabog ng dibdib
paralisa ang katawan
di makasigaw
tulong! tulong! mga salitang tila naipit
sa aking lalamunan.

halik na di ko ginusto
yakap na di ko hiniling sayo
mga hawak sa aking katawan
nandidiri ako sayo
seksuwal na panghahalay
di ko nararapat pagdaanan

lamat na di malilimutan
lamat na mananatiling parte ng nakaraan
di mo na ko maapektuhan
ang lamat na bigay mo
ang aapakan ko
ang magiging boses ko

para maparating ang mensaheng ito

walang sinuman ang dapat makaranas nito!
walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito.
walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita.

ang lamat na bigay mo,
andito man ito
pero di na ito hadlang
sa muling pag ahon ko.
JT Dayt Nov 2015
Salamat!

Ilang buwan na akong nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan

Ang dami ng bagay at tao ang ginamit mo para ako ay malinawan

Pero iba pa ring tinig ang aking pinapakinggan

Yung mensahe na ang nais sabihin na ika'y layuan



Kahapon natagpuan ko ang sagot sa katanungan

Ang puso ko ay parang yelong inilabas sa freezer at natunaw

Akala ko ang manhid ay forever nang hindi tatablan

Lalambot rin pala sa kalaunan


Salamat at hindi mo sinukuan ang tulad ko

Na walang ginawa kundi umiyak at isiping kawawa ako

Ang akala ko nga mensahe mo’y  tapos na

Ngayon ay may pahabol ka pa pala



Una ang sabi mo'y lumapit sa’yo at kausapin ka

Palalimin ang ating relasyon at ibigin ka

Ngayon pinaalala mo naman kung paanong mabuhay sa mundong ito

Na ikalulugod mo at ikabubuti ng tulad ko


Paano bang hindi ka mamahalin?

Eh ang dami mo nang ginawa para sa akin

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin

Iaalay nalang sayo ang buhay at damdamin

Salamat sa pag-ibig **** walang kapantay

Sa akin nagpapaalala na masarap ang mabuhay

Dahil mayroong nagmamahal ng tunay

Ang buhay niya para sa akin ay inialay
*note to God
Akala koy ako lang
pero ako pala yung kaibigan lang
yung akala koy ako ang dahilan sa bawat tawa mo
pero ang totoo ay siya pala yung nagpapatawa sayo
Yung mga masasayang pagkakataon
na naging alaala na nabaon mo sa limot
na Akala koy minahal mo ng totoo
pero puso koy pinaglaruan mo
Akala koy totoo ang lahat ng pinakita mo
pero ginamit mo lang pala ako
Yung akala koy mag-isa lang ako
Pero di ko alam na may kakambal ako
Puso koy lumundag nang masilayan ka
pero ang pagsilay mo ang pagbulag sa mga mata ko
Nagbubulag-bulagan sa mga katotohanan
Katotohanang di ko gustong paniniwalaan
Yung Ikaw at Siya ay naging KAYO
akala ko Ikaw at ako para magiging tayo
Pero bakit Naging K yung T?
Yung akala koy ako ang kasama mo sa mga pangarap mo
Kasama nga ako pero bilang taga hanga mo
Akala koy ako ang hahawakan ng iyong mga kamay habang naglalakad patungong altar
ngunit.....
Yung nasa likod ko pala ang yung hahawakan mo
at isa lamang akong bisita sa kasal ninyo.
at sa kahuli hulihang tingin mo sakin nabasa ko saiyong mga bibig ang mga katagang na
"Salamat dahil tinulongan mo ako,iingatan ko siya at pangako di ko sasaktan yung bestfriend mo"
JD May 2018
Napakadami nating letrato na magkasama
Tingnan mo oh ang saya mo pa.
Sa lahat ng imahe, napapangiti kita
Hindi ko pinaramdam na nagiisa ka.

Mahal, may nalaman ako
Mahal, alam kong di yun totoo
Hindi naman di ba mahal ko?
Sabihin **** mali yung nalaman ko.

Sabi mo kaibigan mo lang sya?
Kasi sabi mo "Barkada"
Oo tama ka, kabarkada ko pa!
Ano ba yan, pinagmuka nyo kong tanga!

Mahal bakit nyo naman ako niloko?
Hindi naman ako bato
Na kayang magpakamanhid sa ginawa nyo
Na kayang tanggapin ang pagkakamali nyo.

Kaya pala,
Pag wala sya nalulungkot ka
Tanga ko, bat di ko nahalata?
Puta kasi nabuglag ako sa pagmamahal, kingina!

Ang sakit maloko
Ang sakit masaktan ng patago
Ang sakit na ang relasyong to'y isang laro
Laro lang dahil ginamit mo lang ako.

Pero mahal salamat ha?
Salamat sa tubig na tumulo saking mga mata
Salamat sa laro na habang buhay ay ako ang taya
Larong sakin ay nagpaluha.
kingjay Dec 2018
Sa sulating papel,
ilang letra ang nailimbag
para lantaran maipahayag na ang pagdarahop sa alpabeto ay ang masamang salagimsim na pasanin

Mapait ang sasapitin sa guhit ng palad
Makulimlim na hudyat ng kaharian
Sa malas na katalagahan
Ang pangawan na nag-alingayngay
Nagtitiis nang pagkahimay-himay

Mahabang kadena na nakakabit
Sa dantaon na nagnobena sa templo
Ang naisaulo lang sa gilid ay ang iba't-ibang kapintasan
na nagkadikit-dikit at nagtatanikala

Natumba sa kaskaho ang nanlambot na tuhod
Ito'y naging karanasan ng pilay
Ginamit ang tungkod ng katatagan
nang maayos na kumandirit sa daan

Karamdamang na di maibsan
Ang pagtitimpi ay sadyang kahinaan
Tila'y sakitin na sisiw nagtatampisaw sa baha na sa inahin nakahanap ng pagkalinga
Taltoy Apr 2017
Damdami'y naging tinta,
Pluma ng nadarama,
Ginamit nitong mga kamay,
Sa libro ng aking buhay.

Lahat ay may rason,
Lahat, kahit anong panahon,
Lahat ay may sinisimbolo,
Lahat, kahit di klaro.

Ang buhay ay nababalot ng misteryo,
Misteryong di malaman kung ano,
Sa mga ganitong palaisipan,
Katanungan ang magiging sandigan.

Maraming mga bagay ang di nauunawaan,
Maraming mga bagay ang gustong bigyan ng kasagutan,
Dahil hindi ko alam ang lahat sa mundo,
Ito ba'y kasalanan ko?

May limitasyon, mga pagkakamali,
May mga pagkukulang na di agad mapapawi,
Pagkat ako'y hamak na tao lamang,
Pwedeng magkamali, pwedeng malinlang.
O Diyos ko, akoy tulungan mo
eyna Mar 2018
Pulang mga tinta ang gamit,
Pamamaalam ay nalalapit,
Handa ka na ba?
Isa,
Dalawa,
Pumikit ka!

Ang takot ay inalis!
Napalitan ito ng inis,
Inakap ang sarili,
Pilit nag-iisip ng mabuti.

Itutuloy ko ba?
O wag na?
Ano ba?!
Tama pa nga ba?

Bumilang muli ng isa hanggang tatlo,
Siguro nga ay tama na 'to,
Hawakan muli ang lubid,
Tama na ang pait!

Muling ginamit ang pulang tinta,
Tama na ang aking paghihirap, sinta,
Hanggang dito na lamang,
‘Wag nang hanapin pa ang mga letrang kulang,
Ito ang kwento ng aking paglisan,
Dito ko na ibaba ang aking mga pasan.
Paalam.
Ginawa ko itong tulang 'to noong mga panahon na nakararanas ako ng matinding kalungkutan at gustong-gusto ko ng wakasan ang aking paghihirap pero sa kabila nito, nakita ko ang kagandahan ng mundo, ng buhay. Masaya ang mabuhay, sobra. Kaya't bangon na!
Louise Aug 2024
Ang wikang nanlaban,
ay ang wikang nanatili.
Ang wikang di nag-atubili,
ay ang wikang nagwagi.
Ang wika ng mga matatapang,
ay ang wikang di maaagawan.
Ang wikang awitin ng araw
at ang wikang tula ng buwan.
Ang wikang harana ng habagat
at ang wikang isinulat ng dagat.
Ang wikang ibinaybay ng alon
at ang wikang di aanurin ng baybay.
Ang wikang sinambit ng mga ninuno
na kailanman ay di mamamatay.
Ang wikang ginamit ng mga bayani
na habambuhay nang mamamalagi.
Ang wikang matapang,
ang wika ko magpasawalang-hanggan.
Isang oda sa Tagalog, ang wikang matapang at ang wika ng mga matatapang. Para sa buwan ng wika.
Oh Pinakamakapangyarihang Dios Ama
Tagapaglikha ng tao, langit at lupa
Panginoon ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga

Kailan Mo po diringgin
Ang sampung taon ko nang panalangin?
Pag-ahon sa karimlan ay akin nga bang sasapitin?

Kayraming tao sa mundo ang sadya **** pinagpala
Hinandugan ng kapangyarihan at limpak na pera
Subalit kanilang ginamit sa mali at masama!

Ako na itong alam Mo kung saan gagamitin
Negosyong pangtustos sa pagkaparing nais tahakin
Puhunang tutulong sa mga taong may mabuting adhikain

Bakit ipagkakait sa nais pagsilbihan Ka?
Sa may hangaring tumulong sa kapwa at sa bansa?
Dakilang Tagumpay sa Philippine Lotto sa akin po ay itadhana!

-06/27/2015
(Dumarao)
*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
My Poem No. 370
miss xEx Nov 2018
Paano mangyayari ang atin?
Kung imahinasyon lang ang iyong tingin sa akin?
Gusto kitang kabigi at paibigin,
Ngunit s'ya mismo ang nagpapigil sa'kin.

Gustong lumayo upang hindi maangkin,
Sapagkat ang puso ko'y gusto **** gamitin,
Ngunit ayaw mo namang kumpletuhin.

Ganito ka rin ba sa lahat?
O sadyang nananaginip lang ako nang gising
At inakalang ika'y mapapasa'kin?

Gaano ba kahirap sabihin na akong gagamitin
Upang s'ya'y mapasaiyo
At ang puso ko nama'y malulumpo

Ako ba'y nagpagamit
At inisip na ginamit lang nang hindi ko ginusto?
Ginusto ko rin naman diba?
Ginusto kong umibig sayo kahit hindi ko alam kung ika'y totoo.

-miss xEKIS
Ginamit mo lang ba talaga ako?
Michael Apr 2018
Isang gabing makasalanan
Ang ating pinagsaluhan
At ang ating mga katawan
Ay nagmistulang isang palaruan
Akala mo tayong dalawa'y nasa isang inuman
At ang iyong katawan ang aking pulutan

Sa ilalim ng mga bituin at buwan
Tayo'y parang naging magkasintahan
At ang mga maiinit nating haplos ay nagbibigay sa'tin ng kaligayahan
Habang ang mga pawisan nating katawan
Ay ating ginamit upang ang init na ating nararamdaman ay maibsan
Ang uhaw sa romansa na aking nararanasan iyong pinunan

Mistula tayong halamang tuyo sapagkat kulang sa dilig
Alam kong walang tayo at sa atin ay wala ang salitang "pag-ibig"
Pero  sa sarap na ating nararanasan ay tila walang makakadaig
Alam kong hindi lang tayo ang tao sa daigdig
Kung kaya ang iyong bawat ungol at halinghing
Ay tila isang musika na may magandang himig

At ngayon na malapit nang magtapos itong ating gabi
Kasabay rin nito ang isang pahiwatig na hindi ko na mahahalikan ang iyong labi
Hindi ko na rin mapapadaan ang aking kamay sa iyong makinis at maputing binti
Sapagkat ito'y isang paghuhudyat na ika'y malapit nang umalis sa aking tabi
At tila isa na rin itong pamamaalam sapagkat tayong dalawa’y hindi na magkikita pang muli
alona May 2018
nagsimula ako sa kung paano mo pinakita ang mundo
kung gaano kakulay ito at namangha ako sa kulay mo
pagkat sa mundo ko walang katulad mo
ninais ko manatali sa piling mo
dahil walang sakit at parang akoy nasa tahanan ko
kung saan lalagi **** iingatan ang puso
ngunit heto ibinalik mo ko sa mundong walang tayo
sa mundong ako ang laging talo
nasaktan ako na halos lisanin ko na ang mundo
pagkat akala ko kasalanan ko
at ang lahat ay pagkakamali ko
naramdaman kong di ka mananatili dito
sa mundong ginagalawan ko
humiling ako habang tumutulo ang mga luha ko
maaring bang ikaw na ang tadhana ko
pero iba ng tugon ng lagit sakin
may iba pa lang laman ang puso mo
at ako'y ginamit mo lang ng panandalian
habang wala pa siya
habang meron pa siyang iba
habang wala pa ang salitang kayo sa mundo mo
habang wala pa siya sa piling mo
Dahil sa binitawang mga salita
Ako’y nakadama ng kakaibang pangamba

Animo’y demonyo sa akin ay sumapi
Nakahanap ako ng mapanganib na kakampi

Kaya binawi agad nang ako’y kilabutan
Subalit nanatili nang ako’y nasaktan

Kahit kinontra ay wala paring nagawa
Dahil sa pinaghalong negatibong nadama

Lumipas mga taon ay ‘di parin mapakali
Ginamit ang sumpa upang manakot at mangwaksi

Sa pag-aakalang may taglay na kapangyarihan
Iniugnay dito mga trahedya sa sanlibutan

Kaya pinagbintangang kampon ni Satanas
At ninais na aking buhay ay magwakas!

-11/13/2014
(Dumarao)
*My Cursed Poems Collection
My Poem No. 277
shadow Apr 2021
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko,
ito ang aking paborito,
ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok;
at gusto ko sanang samahan ng ritmo,
hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo,
o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako,
oo,
inaamin ko,
ikaw ang tulang ayaw kong matapos,
gusto kong sulitin at ubusin
ang pantig,
hanggang sa maghikaos;
hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat,
ikaw ang bituin na aking tititigan
hanggang sa lumubog ang buwan,
ikaw ang aking nanaising mahawakan-
habang natatakot,
habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi,
na baka bukas ay nasa ibang bisig-
o sa iba na nakalapat ang 'yong labi.
ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi,
ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap,
at kapag nakagapos na'ko;
asahan **** hindi ako bibitaw,
aantayin ko ang muling pagsikat ng araw,
para mapanatag ang aking isip,
na sa aking paggising,
ay hindi ka pa nakabitaw.
Donward Bughaw Apr 2019
Unti-unting nilamon
ng ningas,
mula sa sinindihang palito ng posporo,
ang kapiraso ng telang
ginamit na pabilo
sa lumang suga.
Pasensya. Mahalaga ito sa atin upang magtagal pa sa serbisyo o iba pang gawain.

— The End —