Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"balisa" poems
#050916 Minulat tayong may sukli ng kasaysayan, Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan. Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig, Pagbili ng lakas ng loob at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan; Luha't dangal, pawang huling hain Ng Ama't Ina ng Lipunan. Nakakangalay makisabay sa uso Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso. Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso, Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago! Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit, Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait. Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit. Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit. Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina, Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na. Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla, Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya. At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila. Mainam na ngang masaktan sa una, Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba. Masakit sa loob kapag tinatama ka, At bawat palo't kusang pagdidisiplina. Kung hindi susundin silang Ama't Ina, Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema, Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima, Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala. Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa, Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa, Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya, At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:57 AM UTC
Si Itay at Inay ng Lipunan
Mga salita, mga letra, Panulat ko at diwa. Ngayo'y nagkaisa Upang isulat ko itong tula. Natatakot ako kasi hindi ito tama. Natatakot ako kasi tayo ay di tugma. Natatakot ako kasi, "bakit nga ba?" Natatakot na lang ako bigla-bigla. Ni hindi ko naman ito ninais, Ni hindi ko naman ito ginusto. Ako'y napapangiti, matatamis. Hayan! Nangyari ka na sa buhay ko. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako sa iyo mismo. Natatakot ako sa pag-ibig ko. Natatakot ako sa paglisan mo. Itong takot ko na bigla-bigla, Sana mawala ring parang bula Dahil lakip nito'y lungkot lamang, Pangamba, balisa, agam-agam. Tatapusin ko ang aking tula na may takot pa. Umaasang pagsikat ng araw ako'y matapang na. Matapang kong haharapin ang iyong paglisan, Balang araw ika'y aking makakalimutan.
0
Nov 1, 2015
Nov 1, 2015 at 7:47 PM UTC
Natatakot ako
Noong una tayong magkita ramdam ko ang kaba, Hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba, Mga ngiti **** puno ng ligaya, At ako'y balisa sa sobrang saya, Sa wakas, Nakilala din kita, Walang araw na hindi mo ako pinapasaya, Lumipas ang ilang buwan, At para bang may kakaiba akong nararamdaman, Hindi ko alam, hindi ako sigurado, Pero parang totoo, Ako'y nahuhulog na saiyo, Gusto kong magtapat sayo, Pero inunahan mo ako, At sinabe **** "Gusto kita" Akala ko wala ng karugtong mayroon pa pala, "Pero may mahal na akong iba."
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 1:06 AM UTC
PAASA
010717 (Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.) Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing. Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya. Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan. Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang. Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin. At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko. Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako. Matulog ka na, Anak. #010717 #SpokenWordsNiTatay
0
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Mahimbing na Pagsilang

Continue reading...
11
sa kalaliman ng iyong pagtingin, hindi maarok, damdamin ko'y muntik nang malunod aking nakita, ang ‘yong pagkatao sa'yong mga mata, mga matang kay ganda, mga matang nababalot ng kahiwagaan at pagsinta. sa kalaliman na iyong pagtingin, aking narinig, yaong mga salita, mga salita na bago pa man sambitin ng ‘yong mga labi ay narinig na ng aking puso, na tila nagbigay kabuluhan sa damdamin at nagdulot ng kapayapaan sa aking pusong balisa; mga matang kay ganda na tila nangungusap, wala, ni ano, kahit anong salita—– binasag ng ‘yong katahimikan, kaguluhan sa’king isipan. sa kalaliman na iyong pagtingin, mundo ay tumigil, nabihag ang damdamin, aking nadama, dalisay na pagkatao, sa'yong mga mata, mga matang kay ganda mga matang nagrerepresenta, sa makulay na buhay, mistulang mga krayola na nagbibigay kulay sa malamlam at matamlay /// kong pamumuhay. © LMLB
0
May 14, 2018
May 14, 2018 at 7:50 PM UTC
Balintataw
Sa mga tala hihingi ako ng paunawa Mga bagay na di ko na dapat ginawa Pero sabi nga Baka naman daw masyado lang akong walang tiwala Sa sarili kong balisang balisa Mga bagay na di ko na maipaliwanag Kaya bang linawin ng ng mga talang aking laging tinatawag? Sabi ko gusto ko nang lumayo ngunit sabi ko din "wag" Di ko lubos maintindihan Kung ano ang dahilan Paano na ba iyan? Maipaliliwanag mo ba kung bakit ngayon wala nang laman? Kasi nung huli kong tinignan Lahat tayo'y masaya laging nandyan Ngayon... bakit? Bakit wala nang laman??? Pati puso ko di ko na maramdaman Sobrang sakit na hindi maipaliliwanag nino man Ayokong umalis nang hindi ito ayos Pero di ko talaga alam kung anong gagawin kong kilos Dahil sa tuwing ika'y kaharap na Lahat ng aking mga tanong ay biglang nawawala nang parang bula Di ko alam kung paano ka kakausapin tungkol dyan sa sitwasyong di kaunaunawa Kalagayan natin ngayo'y kaawa awa... Di ko na talaga alam... Sa tingin ko'y ako na'y naging mangmang Kaya isang kudos na lamang Para sa ating lahat
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 5:11 PM UTC
Di ko na alam...
Ang sabi ng mga madla Madaya ang tadhana Iibig ka na sa maling tao pa. Ngunit tadhana nga ba ang madaya O tayong mga tao lang talaga? Kay damot ng tadhana Ang taong gusto mo'y hindi makuha Bakit iyong iba wala namang ginagawa Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha Hindi ka pa rin makuha Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo Malabo mang mapansin mo Hindi mo man pansin ang presensya ko Narito lamang ako, Ipagdarasal ang kapakanan mo. Sana'y madali lang ipagsigawan Ang aking nararamdaman Ngunit alam kong tututol ang mundo Ilalayo ka sa akin ng mga tao Masasaktan lamang tayong pareho. Ang daya daya ni tadhana Ako ang unang nakahanap sa'yo Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo Nagkamali ako Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo Ikaw ang madaya Inibig kita ngunit sinira mo ako Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo Iniwan mo ang kalahati ng puso ko Ang iba'y na sa iyo. Kaya madaya ka! Narito ako't balisa Habang ika'y nagpapakasaya Sa yakap ng iba. Madaya ka! Libo libong alaala Ang naging sandigan ko Upang ika'y bumalik at magmakaawa Magmakaawa na bigyan pa kita Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama Naghintay ako ng iyong pagparito Ngunit malamig na hangin lamang Ang sumalubong sa akin. Hindi ka na maaaring bumalik pa! Bakit pa ako umaasa? Madaya ka!
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:25 AM UTC
Sino Ang Madaya?
Balisa, sa lawa ng pag-iisa Sa gitna ng hatinggabi at umaga Mga aninong dumaraan Hihigupin ang kamalayan Maiiwan ka sa dilim Malulunod sa kawalan Susubukang tumayo, iiwas sa demonyo ng kahapon, ng ngayon, at kung darating man; ng bukas Balisa, sa lawa ng pag-iisa Sa gitna ng hatinggabi at umaga Basang basa sa hinagpis at pag-iiyak sa lahat ng mga bagay na hindi tiyak Tatakbo palayo't susubukang lumisan sa kaibuturan, sa kalungkutan, at sana dumating pa: ang kaliwanagan Balisa, sa lawa ng pag-iisa Palagi nang inu-umaga May pait na dulot ang lubos na pag-iisa
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 1:36 AM UTC
Sa gitna ng hatinggabi at umaga
Matalas na mata , Tulog lang sumasara Kadiliman sa kuweba, Nangangaso ng bampira Walang talab sakit , Manhid ang resistensya Paniking dinagit ng uwak , Inihanda sa noche buena Inakit ka ng huni , Siniyasat ang gamot Iturok sa sarili , Patayin ang salot Balisa kaibuturan ng iyong isip Umipekto ba ang eksperimento? Dinalaw ka ng idlip Napuksa na ang sakit , Galak ang mamamayan Nagluksa na ang uwak , Sakripisyo'y inilaan Kampanteng mga hangal , Higanti ng sinaktan Pagpatay ng mga uwak sa mga taong makasalan
0
May 22, 2020
May 22, 2020 at 9:05 AM UTC
Uwak
hinarangan na ng duda, mga alinlangan at pangamba ang mga matang lumuluha hapo at balisa halika, sinta, ihakbang ang mga paa kahit puno nang takot pa, patungong pag-asa, makakaahon, makakausad, makakabangon ang mga hapdi ay may hangganan kung di pa handa, hindi kailangan tumahan may kapanalunan kahit humihikbi may tagumpay kahit ang puso'y sawi sa dulo may naghihintay na liwanag, may mga sagot na sisinag, sa mga tanong **** bakit, darating ang ginhawa kapalit ng sakit
0
Aug 1, 2023
Aug 1, 2023 at 12:07 AM UTC
Tangis
ang mga paa'y dinala ako sa tapat ng aking bintana doon nasulyapan ang kabilugan ng buwan at pagkinang ng mga tala ngunit ang isipa'y nananatiling balisa; tila naghahanap ng himala 'di malaman-laman kung saan at papaano mag simula aking hiniling sa nag-iisang bituing nagniningning na sana'y dinggin ang aking panalangin nawa'y pakinggan ng uniberso at tuparin ang aking mga plano ituro lang tamang landas kung saan ako tutungo ngunit balewala lahat ng hinaing kung mananaig ang daing 'wag pilitin ang sarili; hintaying sumiklab ang apoy na nanalaytay sa'yong puso't damdamin 'wag ikumpara sa iba ang sarili 'pagkat ikaw ay may sariling istorya rin madilim man ang landas ang iyong tatahakin; kumpiyansa sa sarili'y matatangay pati na ng hangin ang mga buwan at ang mga tala'y makikidalamhati sa'yong pighati ngunit ang kanilang pagningning sa kabila ng bumabalot na dilim ang magsisilbing ilaw— liwanag at daan na magsisilbing palatandaan na darating din ang iyong araw
0
Jun 6, 2020
Jun 6, 2020 at 12:47 PM UTC
pa'no ako gagalaw ni hindi halos makahinga? Buong katawan ko'y balisa't naninigas na. kaninong anino itong humahabol? pakay sa akin hindi malaman. paulit-ulit iisang tagpo walang pagkasawa. kailan kaya hihinto, didilat pa ba?
0
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 11:29 AM UTC
Bangungot