Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Daniel Feb 2018
Siya ay walang pakialam
Kung ano man ang sabihin ng iba
Basta ang importante
Buong paligid ay masaya

Ngayong gabi, umupo ka na
Sa kanyang tabi, tinitigan pa
Ang kanyang mata na para bang
May gustong ipahiwatig

At unti-unting  lumalapit
Ang labi natin na nasasabik
Na matikman niya ang iyong halik
Ngunit 'di mo 'to matatawag na...

Isang pag-ibig
Hindi mo pepwedeng matawag na pag-ibig ang isang bagay na walang kalaman-laman.
Randell Quitain Feb 2018
sa tuwing ako'y gigising,
pansin mo aking hiling,
sa "kamusta aking giliw?"
pag-ibig 'di magmamaliw.
G Feb 2018
May maibabalik pa ba
Kung sinabi kong mahal pa kita
Titingala nalang sa langit
Umaasang makasama ka kahit na saglit
Nandirito nakaupo parin
Sa pwestong pinaghiwalayan natin
Pinipilit na umasa
Na sanay hindi kapa nagsawa
Nagsawa sakin
Nagsawa satin.
J Feb 2018
Kaibigan, halika at makinig,
Sa storyang dapat **** marinig,
Sana ako’y paniwalaan,
Dahil hindi ito kathang-isip lamang.

Habang ako’y nag-iisa,
Habang hindi mo ako kasama,
Dumidilim ang mundo,
Sa pagdilim nito kasama pati buhay ko.

Sa tuwing nakatingin sa mga tala,
May mga boses na laging nang-aabala,
Gusto ko silang tumahimik,
Maalis ang mga aninong umaaligid.

Tama na.... tama na... ayoko na,
Patahimikin mo na sila.
Tama na.... Nakikiusap ako,
Tulungan, tulungan mo ako.

Sa gabi man o umaga,
Lungkot na hindi mawari ang nadarama,
Noong araw na ako ay nawala, (sa aking pagkawala)
Kasabay nito ang katahimikan nila.

Sa pagtatapos ng aking kwento,
Sana maunawaan mo,
Na hindi ito kasabay ng panahon na lilipas din,
Ito ay importante at dapat intindihin.

Sa pag kupas ng mga larawan,
Sa bawat kumpas ng alon sa dalampasigan,
Kaibigan, ako’y lumisan sa mundo hindi dahil ginusto ko,
Pero para sa ikatatahimik ko.

Saklolo.
Stop the stigma of Mental Illness. Mental disorders are not adjectives.
leeannejjang Feb 2018
Mali ng sinabi ko ayos lang ako.
Habang unti unting kinakain ng kalungkutan ang puso ko.

Sa isang madilim na sulok
Madalas ako umuupo.
Mga anino nagpapalakas
Sa imahinasyon ko.

Nilalakasan ko ang tugtog sa radyo.
Pinipilit mabingi sa mga kantang
Nilalabanan ang bulong ng hindi ninyo nakikitang nilalang.

Tama na.
Tumigil na kayo.
Bakit ako.
Pinapaalis ko sila.
Pero ayaw nila tumahimik.

Tapusin mo na.
Tumalon ka na.
Lagi nila binubulong ang mga salitang yan sa akin.
Gising man ako o tulog.

Sino ba sila?
Keithlyne Feb 2018
Inaalala ang araw na tila yata dapat kalimutan at ibaon sa lupa.
Inaalala ang araw na akala'y umpisa ng kasiyahan ngunit naging simula at  sanhi ng pag pagkabigo ng pusong hanggang ngayon ka'y hirap buuin.

kakalimutan hindi dahil puno ng pait ang araw na iyon,
kungdi dahil ikaw mismo ang nag  bigay walang silbi sa isang araw na tumibok ulit ang pusong takot magmahal.


Kakalimutan ang bawat alaalang magpapaalala sa isamg araw na nagsimula at natapos ang paniniwala ng isang tulad ko sa pagibig.
Ikaw parin.
L S O Jan 2018
Kung nangangarap ang mga anino
Nais ba nilang makamit ang anyo ng kanilang sinusundan?
Nais ba nilang magkaroon ng sarili nilang anyo?
O sinukuan na ba nila ang pangangarap,
Dahil wala nang pag-asang magbago
Kung ikaw ay isinilang na anino?

//

If shadows could dream,
Do they wish to become that which they follow?
Do they wish to have a form all their own?
Or have they given up on dreams,
Because there is no hope of change
For one who was born a shadow?
cherry blossom Jan 2018
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa
Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa
Sapat na sa akin ang maging mahalaga
Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to
Pero nasaan ka na ngayon?
Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang
Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan
At akala ko kuntento na ako
Hinahagilap ko ang titig mo
Natatakot ako
Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko

Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon
Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin
Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod
Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy
Sagipin mo naman ako

Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo
Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
01/17/18h
Jame Jan 2018
“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa
habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim
at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin
hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga

“Huminga ka muna”, sabi ng aking baga
habang pumapatak ang mga malalamig na pawis
nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap
at makita ang makikintab **** mata

“Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso
“Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”,
dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo

Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo
ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa,
ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo,
pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo

At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag
at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman
palayo sa gulo,
bakit nagkaron ng dulo?

At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama,
bakit ngayon pa?
bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana?
kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya?

Marami na ang nawala,
mga sugat na ‘di tuluyang naghilom
at mga tahi na nasira,
mga damdamin na pinaraya
at mga ngiting pinalaya

Aakitin rin tayo ng ligaya
darating rin ang panahon na tayo ang maligaya
ng wala sa piling
at sa puso
ng isa’t-isa

Pasensya ka na aking mahal
ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan –
ang oras ang nakaharang
– Pasensya ka na, hindi kita naabutan
Next page