Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jor Oct 2015
I.
Noo'y akin pangg naaalala,
Nung una kitang makita.
Ako'y humanga na,
Lalo na sa taglay **** ganda.

II.
Nakaka-akit ang iyong bintana ng kaluluwa.
Lalo na’t sa tuwing ngumingiti ka.
Hindi ko mapigilan ang sariling,
Ngumiti rin pabalik sa iyo, sinta.

III.
Araw-araw na tayong magkasama
Sapagkat pareho tayo ng tropa.
Asaran dito, asaran diyan.
Kulitan dito, kulitan diyan.

IV.
Hanggang sa lagi na kitang hinahanap-hanap,
‘Pag wala ka para akong sinakluban ng ulap.
Napapansin na rin nila na kapag wala ka,
Para raw akong lantang-gulay kasama.

V.
Hindi ko rin alam kung bakit ganun?
Lito pa rin ako hanggang ngayon.
Gusto na ba talaga kita?
Hindi ko rin alam ang aking nadarama!
Jamie Lara Oct 2015
Di maipaliwanag bakit tayo nandito
kung paano umabot sa puntong ganito
nahihiwagaan pa rin naman ako
pero mukhang walang paliwanag 'to

Kung bakit ikaw
sana na nga ikaw

Dahil hindi ko matatanggap
at hindi ako magpapanggap

Ngunit ayoko na munang isipin
ang mga bagay na di pa satin

Pero umaasa ako
na may patutunghan to

- J. L
madrid Oct 2015
GISING!*
mainit na kape
natutumbang mga mata
nanghihinang katawan
isip ko'y nawawala
isang tinik ng ingay
agad ng napatingin
sa gawing banda roon
anong takot sa dilim
balik tayo sa mga salitang
mala-linya na ang ukit
sa utak kong sabaw
lahat sa paningin na'y marikit
maski nag-iisang ilaw
nagmumukha ng tutubi
pagkat sa pagdating ng bukas
bawal ang magkamali
ilang pahina nalang
kaya't konti pang tiis
minimithing tagumpay
aking makakamit
kaya't higop pa ng kape
puta*, dila ko pa'y nasunog
dasal na lamang ang katapat
maliban sa luha at uhog
kakayanin, kakayanin
hindi nais magtagal
habang sila'y nagsasaya
narito kang nag-aaral
kung ayaw **** maiwan
sa kwartong maputi
kasama ng demonyo
gisingin ang sarili
walang alay na magaganap
hindi maaaring ipabahala
bawal tayong magtawag
diyos-diyosan dito sa lupa
itong mga matang
bumibitaw, bumibitaw
sa gabing ito, walang susuko
maski budhi ko na'y sabaw
For the hell that is upon us.
Magandang umaga
Yan ang bungad pagbangon sa kama

Kain na
Ang sarap pakinggan tuwing napapasin na ako'y gutom na

Pahinga ka muna
Hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka aking sinta

Mahal kita
Mga salitang hindi nakakasawang marinig mula sa kanya

Tulog na
Lumipas ang isang araw na masaya sa piling ng isa't-isa.

Mga salitang sa akin ay nagpapasaya
Simpleng mga salita na sa akin ay mahalaga
madrid Oct 2015
minsan hindi ko nalang alam
bat nangyayari ang mga bagay-bagay
sa mga taong mababait
sa mga taong walang kaalam-alam

sadyang di lang ba ko matalino
hindi alisto sa totoo
o sadyang walang sagot
sa aking agam-agam

putangina
minsan hindi ko nalang alam
For EJR
madrid Oct 2015
Sabi mo, di mo kakayanin
Ng wala siya sa'yong tabi

Sabi mo, wala kang magagawa
Pag nakita siya'y, napapangiti

Sabi mo, gusto mo lamang
Tawagin ka niyang "kanya"

Sabi ko, di ko na napansin
Ako pala ang nagsasalita.
Naaalala mo pa ba noong sabay pa tayong umuwi
Isa iyon sa mga  hindi malilimutang sandali
Naaalala mo pa ba noong inaalagaan natin ang isa't isa
Patunay iyon na hindi ko kaya nang wala ka

Naaalala mo pa ba noong sabay tayong kumakanta
Sa mga awit ba minsa'y ginagawang tula
At kapag hindi naabot ang mataas na nota
Sabay tayong tatawa pagkatapos ay kakanta ng iba

Naaalala mo pa ba noong may sumusuyo sayong ginoo
Makamit lamang ang matamis **** oo
Hindi nagkulang sa pagbibigay ng payo
Upang magandang landas ang tahakin mo

Ngayon napatunayan ko na
Damdamin lang pala talaga ang nagiiba
Ngunit mananatili pa rin ang ating mga alaala
Sa ating puso at kaluluwa

Lahat ng mga nabanggit kong alaala
Ay nagawa niyo na ding dalawa
Alam mo ba kung gaano kasakit makita na;
Mas mukha kang masaya kapag kasama mo siya.

**© Arlene Rioflorido, 2015
Isinulat ng aking kaibigan na si: Arlene
Lily Oct 2015
Minsan pinangarap ko
Mali,
Araw-araw pinapangarap ko
Na sana tingnan mo rin ako
Tulad ng tinging ipinupukol mo sa kanya
Pero itong tangang to hanggang pangarap lang talaga
Bakit? Kasi di mo naman ako kilala
Lily Oct 2015
Lumapit ka sa akin kapag nasasaktan ka na
Hindi ko tatanungin kung alin
Hindi ko hahanapin kung saan
Lalong hindi ako mag-aaksayang alamin kung pano
Yayakapin lang kita
Mainit na yakap na hindi mo naramdaman sa kanya
Mahigpit na yakap na hindi mo mararamdaman sa iba
Na sana kahit papano ay
Makapagpapaalis ng kirot
At magpaalala na nandito pa rin ako


Leigh Herondale  *October 1, 2015
Dedicated to the friend i'll always cherish, Jah :P
Lily Oct 2015
Ayokong maging 'kailangan'
Gawin mo kong 'importante'
Kasi pwede kang maging kailangan
kahit hindi importante
Pero hinding-hindi ka magiging importante
Kung hindi ka kailangan.
Hanudaw? Hahahaha first time gumawa ng tagalog in my adult years (yung last kasi is nung grade 5 pa ako)
Next page