Akala'y magtatapos,
Sasapitin, kalunos-lunos,
Isang pagkakamali,
Naging bunga't sanhi.
Di nanaising mawala,
Ang tanging taong nagpakita,
Na di ako parating tama,
Na dapat akong magpakumbaba.
Walang iba kundi kalungkutan,
Ang tanging nararamdaman,
Pagkat ika'y aking nasaktan,
Buhat ng walang kwentang dahilan.
Di alam kung anong uunahin,
Pagpapasalamat o paumanhin,
Sa pagtayo bilang aking gabay,
Sa aki'y sumampal ng katotohanag tunay.
Ika'y biyaya nga ng Diyos,
Pagmamalasakit ay di kayang matubos,
Sa araw ng muling pagkabuhay,
Nangaral ng walang sablay.
Hindi ko alam kung paano masusuklian, ang iyong pinakitang kabaitan, sa isang taong tulad ko, taong higit sa lahat gago.