Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tutungo" poems
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi Sa nakalatay na papel na siyang may lamat Na minsan kong pagkakamali. May ilang letrang naging tuntungan At ang alagang walang buhay -- Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag; Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon.. Teknolohiya'y senyales na ng transisyon. Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula Nagising ang pangarap na siyang binigla. Ang oras daw ay ginto At minsa'y kailangang habulin ang mga numero Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan Tila hindi sapat. Muli kong binilang ang nalalabing araw Tanging ang pangpito ang siyang pahinga Ganito pala ang katotohanan, wika ko. Salamat sa huling araw Na iluluwal muli ang gintong araw Itataas kong muli ang kapagalan At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon. Sabi Niya nga sa akin, Wag daw akong mapapagod Pagkat hindi matatapos ang araw, May panibago na namang hamon. Salamat sa Maykapal Salamat sa saglit na pahinga At sa tubig mula sa bukal; At minsan ako'y tinawag Niya Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas Ang pananampalata'y patuloy din. Bitbit ko ang puso Niya Na lagi Niyang bahagi sa akin Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip At nang ang buhay ay mapahalagahan ko. Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya Mabuti pa't maglaho na lamang Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko Tanging ang nota ko'y Siya lamang Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya, Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing. Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka! (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 1:09 AM UTC
Huling Araw

Continue reading...
46
Nakatingala sa kisame, ala-ala ko'y ligaw Sa dilim ng gabi'y ano pa bang tinatanaw Patalon-talon lamang ang sipat sa guhit ng mga ilaw Isip wari'y walang pagod, lagi na lamang bang ikaw Paikot-ikot ang higa, tila samyo'y naririto Binabalik sa diwa ang lumbay ng paglisan mo Gayunpama'y baon ang tamis ng mga halik Sana'y di na lamang panaginip ang iyong pagbabalik Unti-unti pa'y namumungay, ang mga mata'y nalumbay din Tutungo sa pangarap, susulong na sa lalim Impit na panalangin sa umaga paggising Kaabay na muli, magbabalik sa aking piling
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 11:46 PM UTC
Tula sa Pagtulog
Sa hinaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Nang saglit Di ko mainitindihan ang langit. Kung paano niyang iniluha Ang bigat ng bawat kahapon Ng natuyo niyang pusong Pinigilang umagos Sa mahabang panahon. Tumangis siya Nang malakas Dahil di niya maamin At di niya matanggap Ang itinakda **** pagwawakas. Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin. Ngayong gabi. Ang kanyang napili Na ibulalas ang lahat Sa pag-aakalang Tulog na ang lahat Lahat ng mata’y nakapikit. At wala nang makakarinig Ng pagtangis Na mayroong balang-araw Na katabi mo siyang Mahihimbing. Ngunit nagkamali siya. Saan nga ba tutungo Matapos niyang iluha Ang lahat sa lupa Na aanurin Patungo sa puso **** Kinakain ng pangungulila. Sa hinahaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Subalit saglit Marahil ay ayaw niya Nang makasakit. O gusto ka lang niya damayan Sa gabing Wala ka nang ibang inisip Kung bakit ka niya iniwan O paano ka niyang nagawang saktan Kung paano sinira Ang bawat pangakong Binitiwan. At kung paanong di mo masabi Ang tunay **** nararamdaman. Kaya sa susunod Na iiyak ang langit Kapag malamig ang gabi At pangalan niya Ang tanging kayang bigkasin Ng mapuputla **** labi Ay patuluyin mo siya. Hayaan mo siyang umapaw Hayaan **** bahain ka At tuluyang ambunan Ang natutuyo mo ng puso. Makipagsayaw ka Kung kinakailangan Nais ka lang niyang damayan Gusto niya rin ng karamay.
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 4:47 AM UTC
Sa Tuwing Uulan, Kapag Gabi...
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa Ang magbabalanse sa daloy ng kwento Kahit yun na lang tayo; sayo.
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 10:00 AM UTC
Kahit 'Yun Lang
isa, dalawa, tatlo ako'y tatakbo papalayo 'di ko alam kung saan ako tutungo ang nais ko lang ay makalayo sa'yo apat, lima, anim itong damdaming aking kinikimkim dapat ko ba itong sabihin o hayaan na lang maglaho sa hangin? pito,walo, siyam 'di mo pa rin alam; wala ka bang pakiramdam? o sadyang wala kang pakialam matatapos na lang ang bilang pero ang tagu-taguan ng aking nararamdaman ay tila wala na atang katapusan ngunit pagbilang ko ng sampu nasilayan sa aking pag dilat ang katotohanang ikaw pala'y may ninanais nang iba
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:56 AM UTC
tagu-taguan
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
"Nakalimutan ko na ba?" Yun ang pangamba Nakalimot na nga ba? Sino ka? Saan ka pupunta? Ilang araw din Ilang oras sa madilim Sa malabo Sa magulo Tuloy, nakalimot nga yata ako? Matagal na panahon Ang nilaan Sa paghahanap Nang kung saan Nang kung sino San nga ba tayo tutungo? Pagtapos ng lahat Ng isang mahabang panaginip Ang mga mata’y muling nakasilip Naalala ko na ulit Nakalimutan ko lang saglit Pero nagbabalik na muli ..ako
0
May 3, 2019
May 3, 2019 at 2:30 AM UTC
Sa Wakas
Ano… “Ano ang pakay mo dito sa mundo?” Iyan ang unang tanong niya sa akin. Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay, Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay. Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit. Sino… “Sa iyong palagay, sino ka? Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?” Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan. Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan. Ngunit ako ay may karapatan Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan. Bakit… “Bakit ka umiiyak? Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.” Tama ka, siguro ako nga ay mahina. Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila. Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak. Minsan, ang langit din naman ay umiiyak. Saan… “Saan ka tutungo? Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.” Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan. Nais ko lamang na makahanap ng tahanan, Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan. Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan? Kailan… “Kailan ka ba magigising? Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.” Gising ako at mulat ang aking mga mata, Pagod na pagod na akong maging bulag pa. Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta, Mga kantang may lason upang hindi na magising pa. Paano… “Paano mo gagawin ang lahat ng iyon, Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?” Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral, Gagawin ko dahil kaya ko; basta kasama ko ang Maykapal. At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin: Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 10:47 AM UTC
ANG TAO SA SALAMIN

42
kumusta, kaibigan? halika't pakinggan ang istoryang dapat **** malaman sana ako'y iyong paniwalaan dahil hindi ito kathang isip lamang hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda habang ako'y nakatulala sa tala tinatanong ang mga bakit kay Bathala may mga boses na nang-aabala hindi makita-kita, sino kaya sila? pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila ngunit meron akong naisip na ideya sa wakas ay matatahimik na siya sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan ngunit kasabay nito ang aking paglisan kaibigan, sana'y iyong maunawaan sa pagtatapos ng aking istorya ako'y tunay na naging maligaya ang aking buhay gumaan't guminhawa kasabay nito ang pagtahimik nila sa pagkupas ng aking larawan kasabay ng pagpatak ng ulan aagos ang lagaslas ng dalampasigan at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko kundi para ito sa ikakatahimik ko
0
Jul 23, 2021
Jul 23, 2021 at 4:08 PM UTC
Untitled
sa kaha baan ng aking    kasulatan    iilan lamang     ang may kaiklian      sa lapad ng kalawa      -kan,,,pananaw ko ay       may kakitiran.Sa bawat         ***sagot **** patanong,,sa***       ibabaw mo ay may kalali-         man,,,sa sandaling tutungo        ako sa paliparan bago sumapit          itong kinabukasan,,pinahintulutan           **** masilayan yaong liwanag sa***            kadiliman,,, kung ano ang ibig sabihin ko            dederetsahin ko na kayo sa aking mga nota.....
0
Dec 7, 2015
Dec 7, 2015 at 9:25 AM UTC
Laglag"-"Bala
Isang lubid na kung saan nagsimula ang lahat Naroon ang mga kamay nating nakahawak Kasabay nito ang marahan **** paghatak. Ramdam ko ang mariin nating pagkapit Mula nung unti-unti tayong sa isa't-isa'y nagkalapit Ngunit masyadong magaspang ang lubid Nanaisin kong bumitaw na lang sa ngawit at manhid. Nagkamali ata tayo nang kinuha Tingin ko nakalaan ang lubid na ito para sa iba Sapat na yung nakilala natin ang bawat isa Bitawan na natin ang katagang "akala natin tayo na para sa isa't-isa" Mas mabuti nang ganito Mas mainam kung bibitaw na tayong pareho Pasasaan pa't doon din naman tayo tutungo Kung saan ang ikaw at ako ay nasa magkabilang dulo. Bumitaw na tayo...
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 8:58 PM UTC
"Lubid"
ang mga paa'y dinala ako sa tapat ng aking bintana doon nasulyapan ang kabilugan ng buwan at pagkinang ng mga tala ngunit ang isipa'y nananatiling balisa; tila naghahanap ng himala 'di malaman-laman kung saan at papaano mag simula aking hiniling sa nag-iisang bituing nagniningning na sana'y dinggin ang aking panalangin nawa'y pakinggan ng uniberso at tuparin ang aking mga plano ituro lang tamang landas kung saan ako tutungo ngunit balewala lahat ng hinaing kung mananaig ang daing 'wag pilitin ang sarili; hintaying sumiklab ang apoy na nanalaytay sa'yong puso't damdamin 'wag ikumpara sa iba ang sarili 'pagkat ikaw ay may sariling istorya rin madilim man ang landas ang iyong tatahakin; kumpiyansa sa sarili'y matatangay pati na ng hangin ang mga buwan at ang mga tala'y makikidalamhati sa'yong pighati ngunit ang kanilang pagningning sa kabila ng bumabalot na dilim ang magsisilbing ilaw— liwanag at daan na magsisilbing palatandaan na darating din ang iyong araw
0
Jun 6, 2020
Jun 6, 2020 at 12:47 PM UTC
Balik nanaman sa pangkaraniwang buhay Ang paglisan ay nahaluan ng kaunting lumbay Tutungo na uli sa sari-sariling paglakabay Ngunit sa pinagmulan parin hihingi ng gabay Hindi mapaliwanag ang nararamdaman Kahit mga nakaw na mga saglit lang ang napagsaluhan Masakit parin iwan ang naging masayang minsan Ang agos ng buhay ay di nga mapipigilan
0
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 9:40 AM UTC
Pag Agos ay Tuloy
#06302021 Saan nga ba tutungo ang mga salita? Mga salitang mitsa ng mga ngiting abot-langit. Mga salitang noon pa sana'y nabitawan Mga salitang matagal na hinintay at ipinagdasal. May mga alaalang akala ko'y nanatiling abo na. At sa aking pagbabakasali noo'y Baka nga kaya pang mag-krus ang mga landas Sa daang ilang mga ekstranghero na ang nagdaan. Sa bawat sandalyas na hindi tiyak ang pinagmulan, Nangusap ang pusong wag muna't maghintay. At habang nagbibilang ng mga rosas na pula'y Mayroong nag-iisang puting isinaboy buhat sa kalangitan. Sambit ko nga'y sana'y sapat na ang mga panahong binilang Ngunit ang mga pahina sa kalendaryo'y tila ba naglagasan -- Naglagasan nang walang pasabi't Nag-iwan ng mga luhang nag-uumapaw. Natuklasan kong sa buhay na minsang ma'y lumilisan, Minsan di'y may ilang babalik nang kusa. Gaya ng tagsibol, ay magsisimulang mamulaklak muli Ang mga rosas na akala kong nahimlay na sa libingan.
0
Jun 30, 2021
Jun 30, 2021 at 11:19 AM UTC
Blossom
Gulong na supot, pintura'y pudpod Sa aparador nananatiling nakalagay Ang itsura ay tila ba nakikibagay Sa ilalim palagi may nakasalalay Gagamitin sa tuwing kailangan Paikot ikot akong pinag lalaruan Naglalakbay at hindi alam kung saan Bahala na ang kamay kung saan nya idadaan Paiba iba, paliko liko saan ba tayo tutungo Kagustuhan mo kung ako ay hahantong sa dulo -****
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:29 AM UTC
Laruan
Walong letra Ang epekto ay sobra Kasama sa lungkot at saya Tinuring na pangalwang pamilya Laging nandyan Sa panahon ng pangangailangan Hindi kailanman nakalimot Kahit may pinagdaanang masalimuot Ngayon sila'y malayo Saan na nga ba tutungo Kanino lalapit pag naisipang sumuko Kaibigan, bumalik kana wag kanang lumayo
0
Mar 21, 2019
Mar 21, 2019 at 11:20 AM UTC
Kaibigan