Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"plaka" poems
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

Continue reading...
75
Tatlong bituing patungo sa Norte Sa Silangan at Kanluran Ang dugong hindi bughaw Kalayaa'y sagisag. Nagdadalamhati ang Perlas Pagkat ito'y tanyag Sa sari't saring anumalya Pawang sa pulitika't Maging sa simpleng eskinita. Tuwid na daan ang sabi ng Hari Itong kaibigan ko nga Pumaskil pa sa Facebook "Tuwid na daan patungo sa kamalian." Maulop ang daan patungo sa katuwiran May limitasyon sa bawat miyembro ng lipunan Kasapi rin tayo sa eskandalong may hithit Uhaw nga sa salapi, sirang plaka naman. Kinalakhan ko ang dungis ng bayan Nasanay na lang bagkus tuloy lang ang pangarap Sabi nila'y tatsulok ang patakaran Ang mayayama'y tataas* Mahihirap ay lulusong sa putikan Mayroong tama sa bawat nasaksihan Ngunit hindi ko maitatangging Ako'y kasapi ng masalimuot na kasaysayan Ngunit kung tanging mali Ang pupukaw sa paningin Aba't wala akong mararating. Mahirap na nga Makitid pa ang isip Mayaman na nga Hindi pa nasusuka sa kurapsyon. Batu-bato raw sa langit Bagkus ang tamaa'y sa lupa rin ang bagsak Tayo na't sumulong Pagkat ang giyera'y walang urungan. Walang nararapat na panigan Pagkat ang tama'y Hindi na dapat pinag-iisipan Kung ang prinsipyo nati'y Lalang para sa kaluwalhatian Nasisiguro ko, ito'y may magandang patutunguhan.
0
Jul 10, 2014
Jul 10, 2014 at 9:47 PM UTC
Sapat na, Sumulong Ka Kaibigan
Sana kaya mo Sana kaya **** sabihin sa kanya Katotohanan sa iyong pagsinta At huwag mo nang subukan pang ikubli Huwag **** hayaan sa'yo lang manatili Sana kaya mo Sana kaya **** sabihin sa kanya Dahil pagod na akong makinig sa mga kwentong paulit-ulit mo na lamang binibigkas na para bang sirang plaka Sana kaya mo Sana kaya **** sabihin sa kanya Dahil kung sa totoo lamang Hindi ikaw ang talagang nasasaktan Pakiusap lang, 'wag ka nang mandamay ng iba Sana kaya mo Sana kayanin **** huwag magkwento sa iba O di kaya'y sa akin pa Dahil alam ko na alam mo na ang dapat gawin Tapangan mo (kahit ngayon lang, pakiusap) Sana kaya mo Sana dumating na ang tamang panahon na 'di ka na lamang mananahimik At sa panahong iyon na ika'y balak na magsabi Sa akin ay huwag ka nang babalik
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 3:10 AM UTC
Silakbo at pagsamo
Ha kamatuoran la,  gin-susumhan na gud ako,   Diri ka pa ba gin-susumhan?   Hin mga buhat nga balik-balik nala?   Diri mo ba nahahalata?   Nga utro-utro nala kita?   Kun may napakiana ha imo, "Ano kumusta na?"   An pirmi mo baton: "Adi asya la gihapon, waray pinagkaibahan han kakulop!"   Ngan kontento ko na hito. *The truth is,  I am sick and tired. Aren’t you sick and tired?   Doing the same things over and over again? Still haven’t noticed it?   This has been like this again and again. When somebody asks you, “How is everything with you?”   Your usual reply is: “Oh nothing’s changed same as yesterday.” And you’re happy as it is.* Usahay liwat nabati ako ha imo nga utro-utro an reklamo.   Nga baga hin kadaan ngan guba nga plaka,   Balik-balik an tukar, masakit ha talinga.   Reklamo an imo pamahaw,   Ngan amo la gihapon hasta panihapon.   Kay kuno makuri.   Kay kuno waray salapi.   Kay kuno waray kapas.   Kun may sweldo daw la an pag-rineklamo, siguro maiha na unta nga nag-riko. *Sometimes, I will hear you complaining again and again. Like an old and broken retro vinyl, playing over and over again, it is hurting my ears. Complaining is your breakfast,   and it is your same meal for dinner. Because it’s hard.   Because we don’t have money.   Because I am powerless. If complaining will provide you a salary, perhaps by now, you might quite be wealthy.* Nagkatapo kita kanina ha dalan han "Kada Adlaw"   Asya la gihapon an imo sul-ot nga bado, ngan an kabutang han imo buhok.   Asya la gihapon an pagkakurumos han imo nawong, Ngan an bubble gum nga hasta yana imo la gihap ginsisinamsam.   Nangurog ako han kaluwad. Tigda ako nahingasuka ha imo atubangan.   Pasayloa, pero magpapadayon ka nala ba hito? Diri ka pa ba ginsusumhan?   Kay ha kamatuoran la,  Naamin ako Nga Oo. *I came across you at the street called “Everyday” You were wearing the same clothes, And your hair was fixed the same way. You were having the same wrinkled frown in your face,   and was chewing the same bubble gum. I cringe. I suddenly felt vomiting in front of you. I’m sorry, but will you keep on doing this?   Aren't you sick and tired? Because to be honest with you,  I think I am.*
0
Dec 11, 2014
Dec 11, 2014 at 10:16 AM UTC
Masumo na (I am sick and tired)

56
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

27
Our private bungalow Leading to the private beach On the Saronic Gulf Turquoise water The smell of pine trees Chilled Champagne No one else just us Totally alone for five days Mesmerised by the Sunio Sunset The vibrancy of the Plaka Danced to the early hours Under the Island stars Ate Moussaka and Baklava We talked and talked No phones No net Nothing, no one just us We held hands Like young lovers We shared intimacies   Never done before I believed your words Your intimacy Your need for me Your desire Your love And then In the darkness Of our room A Stranger And the struggle began I gave you my love You took that trust You tore me apart Filled my head with all your lies Abused my passion To suit what you wanted My life rearranged You manipulated how I saw myself How I saw others You played with my feelings You abused my anxieties Made it hard to be with anyone else You took my faith in life A Stranger in the room
0
Sep 5, 2013
Sep 5, 2013 at 3:52 PM UTC
Stranger
Nagpabilin nga mamingaw an mga kagab-ihon Madampog an langit ngan waray bisan usa nga bituon Maalinsuog an hangin nga nadukot ha akon panit Pero ano man nga tigda nala tumaghom han nawara ka na ha akon sapit? Hain ka na? Pakiana nga baga’t ruba nga plaka An imo ngaran an akon inuguman tikang hiton gab-i kutob ngadto’t aga An akon pagkakaturog in pirme man gud masaklap Kay baga ako hin nahigda ha salog nga waray balon nga taklap. Aadi pa ha akon mga kamot inin mga panyo nga minad-an Han mga luha nga nagpapas nala tungod han kagul-anan Gin mimingaw na gad ako han imo matam-is nga tingog Sige man iton akon guliat pero dire ka man nakakdungog. Hain ka na? mamingaw na an aton mga sonata Hain na? hain na an aton gin-uungara nga istorya? Waray naman gud rumabong an aton natindog nga relasyon Waray kadiligi hin maupay asya tigda napuo an pundasyon. Yana an huring nala han hangin an akon nababatian Waray na bisan guliat o kurahab man la nga nadudunggan Waray na gihap wantas inin uran, waray na ada plano pag-huraw Sugad han aton gugma, nagpapabilin nga mamingaw. - Caryl
0
Aug 14, 2021
Aug 14, 2021 at 8:19 AM UTC
MAMINGAW
Nahimbing na ang lamparang iyong tangan-tangan “Di patas ang laban,” yan ang wika mo Bagkus ba’t ang gaas, di man lamang nasalinan? Tinalikuran mo sya’t agad nang pinagkaitan. Kasikatan ang nais ng nag-aalab **** puso Mali man ang direksyon, sabay hithit at nakikiuso Ba’t ba ang nais mo’y iwan ang liwanag? Ba’t nais na ikahon ang sarili? At sa dilim, saka susubo ng kutsara. Narating man ang apat na sulok ng kwadra Hugis bilog ang naging buhay At panay indayog mo Parang sirang plaka. Pagal at walang kamalay-malay Pagkat mga letra’y inabot ng kamalasan Nilatigo sila’t naging busal pansamantala Bilanggong may gitgit sa maling pagkalinga. Bumuhos ang gaas, nasayang bigla Ang apoy ay tubig na umusbong nang sagana Bagkus hinagpis at pait sa sikmura Abot sa langit na syang nagpapala. (5/25/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:05 AM UTC
Gasera
Paikot-ikot Ang sayaw sa damuhan Ng mga paang walang patutunguhan Paulit-ulit Ang pagbigkas sa musika Ng tinig na sintonadong plaka Patay-sindi-ay! ang kalituhan sa katauhan Ng tibukin ng taong makasalanan
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 9:27 AM UTC
-ay!
#021816 Minsan, nagsasalita ang mga lata Napakaingay at mistulang sirang plaka. May yugyugan pa Ng mga baryang hindi mabilang-bilang. Ang latang nanahimik, kikibo rin pala Pag tinapunan ng barya, Kakalansing siya. Hawak ng nanlilimos ng simpatya, Ngunit sino siyang taya? Waring nagsisipilahan pa sila Sa pagtapon ng sentimo Na tila baga lahat ay uhaw sa pansin. Kapag binigyan mo, Kakapit sila sa damit at magmamantsa May bakas ng mga kamay Kaya't sila'y wagi sa panlilimos. Kaya't minsan, hindi ako naaawa sa kanila Pagkat pagbubulaslas nila'y walang kasiguraduhan. Saanmang anggulo, Hindi masiyasat ang katotohanan. Sila mismo, gulung-gulo sa kabuuan Ni hindi tiyak ang nilalaman At kuwento'y niyupi-yupi, Buhay sa kanya-kanyang kalupi. Tunog-lata nga naman.
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 9:37 PM UTC
Social Media
Gabi-gabi Araw-araw Segusegundo kong nag tatanong babalik pa kaya tong taong to. Mag iipon pa kaya kami ng mga tansan galing sa soft-drinks na sabay naming iniinom. Mag lalakad pa kaya kami habang may hawak hawak na fishball at kwek-kwek galing sa kanto ng Santa Rosario. *"Oy nasan kana?" "Eto na pabalik na diyan, wait lang"* Ang madalas na usapan namin pag umaalis siya ng biglaan sa skwela. Hindi abot akalain na hanggang ngayon nag tatanong parin ako nasan kana. Para nakong sirang plaka sa paulit ulit na pag sasabi sa sarili ko ng "Babalik yan" Sanay naman na ko eh. Yung aalis ka bigla. Ngunit nag bago ata ang ihip ng hangin. Hindi kana bumalik, Hindi ka manlang nag sabi ng "Wait lang". Minsan iniisip ko padin na makikita kita. Sa kalsada ng kung saan man. Tatanungin kang muli, "San ka ng galing?" Ngunit hindi ko na aantayin ang sagot mo. Lalakad ako at aalis. Hindi na muling magtatanong sayo.
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 5:03 AM UTC
Sirang plaka
sumasampalataya ako sa diyos sa aking kaibuturan. walang langit sa makamundong isipan. sumasampalataya ako sa baong panandaliang hiram, nabubulok, nalalanta. hiwaga ang bunga ng pagmamahal. hindi kailan man mamamatay ang kaluluwa kahit sa ikatlong araw, ang laman ay abo na. nanatili sa balat ng lupa. naluklok sa kanan ng mira at ginto, pati na rin ng insensong bumabalot sa espiritu. tinago ang amoy ng isang alipin. alipin ng sarili. alipin ng iniwang mundo. sumasampalataya ako sa isang dalaga, sa leeg ng manok ng banal na tinola, sa kapatawaran ng kasalanang sirang-plaka. paulit-ulit gigibain at bubuuin ang simbahang ako lamang ang sumasamba. magpasawalang-hanggan.
0
Jun 12, 2020
Jun 12, 2020 at 10:01 PM UTC
credo ni damaso