Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Kelly Bitangcol Nov 2016
Noong Nobyembre 8 2016, magandang araw ang aking naranasan. Lahat ng tao ay naging mabait sa akin, masaya ang mga pangyayari at nakangiti ako buong araw. Nang sumapit ang hapon at ako ay pauwi na galing sa eskwelahan, mayroong ibinalita sa akin ang aking ina. At dahil sa balita na iyon, nasira ang aking mabuting araw, at napalitan ng pagiging miserable. Isang pangyayari na tumatak sa isip ng madaming Pilipino,  isang pangyayari na naghimok sa akin upang magsalita at lumaban. Noong Nobyembre 8 2016, pinayagang ilibing ang dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.


          Bayani ba si Marcos? Siya ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang taon. Alam nating lahat ang kanyang mga nagawa, dahil sa kanya mayroong NLEX, at iba pang mga imprastraktura at gusali. One is to one ang peso at dolyar noong kanyang panahon. Madami siyang nagawa para sa ating bansa. At sabi nga ng maraming Pilipino, ginawa niyang mayaman ang Pilipinas. Pero ano nga ba ang katotohanan? Noong ako ay bata, nasa isip ko rin na si Marcos ay naging magaling na Presidente at pinaganda niya ang Pilipinas. Pero nang ako ay tumanda, nalaman ko ang mga katotohanan na ayaw tanggapin ng karamihan. Bago pa maging presidente si Marcos, mayroon ng malaking oportunidad na magkaroon ang Pilipinas ng economic bloom, at yuon ay dahil sa administrasyon ng mga dating Presidenteng si Magsaysay at Macapagal. Kung mayroong dapat ikredito kay Marcos yuon ay ang pagpapayag niya ng paghiram ng malaki at ang ginawa niyang malalaking utang sa mga dayuhan na dapat kanyang gamitin para sa industrialization at pagpapaunlad. Ngunit sinayang ng rehimeng Marcos ang lahat ng perang ito sa pamamagitan cronyism at katiwalian. Ang hindi alam ng nakakaramihan ay isa siyang kurakot na lider, at ang kanyang mga utang ay babayaran natin magpahanggang sa taong 2025. Oo, madami siyang naipatayong mga imprastraktura at may mga nagawa siya sa bansa, pero hindi ba galing sa mga Pilipino ang pera na iyon? Nasa kapangyarihan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon, malamang sa malamang ay madami siyang magagawa. At hindi ba responsibilidad iyon ng isang presidente? Na paglingkuran ang bansa? Bakit kailangang isumbat iyon? Ang daming bagay na hindi alam ng mga Pilipino at lubos na nakalulungkot ito, ang mas nakakalungkot pa ay ang mga nakalimot sa Martial Law. Pinili ng mga tao na kalimutan ang mga totoong bayani, na nagbuwis ng buhay nila para sa bansa na ito. Nakalimutan nila ang mga libo libong tao na namatay at nasaktan. Nakalimutan nila ang dami ng dugo, at sakit na dinanas ng Pilipino noong panahon ng Martial Law. Ang demokrasyang binura ng administrasyong Marcos ay pilit na kinalimutan ng mga mamamayan ngayon dahil sa kadahilanan na ginawa naman nitong maganda ang bansa. Ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino noon, ang kalayaan na dahilan upang makapagsulat ako ngayon, ay hinding hindi ko makakalimutan. Mga perang ninakaw,  mga Pilipinong lumaban pero namatay at nasaktan, mga karapatan na nayurakan, gaanon nalang ba kadaling kalimutan? P167.636 bilyon na ninakaw, 3,264 na namatay, 34,000 na tinorture at 70,000 na nakulong. Hindi bayani si Marcos, at kahit kailan hindi siya magiging bayani.


       Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahagi sa ating kasaysayan at bansa. Sinasabi nila na tayo ay mag move on at magpatawad, pero paano natin ito mabibigay kung wala namang nanghihingi nito? At wala sa kanila ang desisyon kung kailan tayo magbibigay ng tawad. Habang ang mga Pilipino ay pinatay ay ninakawan, ang pamilya niya ang nagsasaya dahil sa kanilang yaman at dahil sa pagiging bayani ni Marcos. Sa pangyayari na ito, parang nabura ang ating kasaysayan. Para nating kinalimutan lahat ng nangyari. “Buti pa si Marcos may bangkay.”, sabi ng isang pamilya na hindi pa nahahanap ang bangkay ng isang Martial Law victim. Paano tayo magmomove on sa isang pangyayari na hindi pa naman nagkakaroon ng maayos na wakas? Ito ay parang paglagay ng asin sa sugat na hindi pa naghihilom. Ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sa katunayan, ay sobrang nakakatakot. Nakikita ko na simula ito ng panibagong panahon na walang demokrasya at pagapak sa mga karapatan. Baka masyado tayong takot sa kasaysayan, pero hindi tayo takot na maulit ito. Pero hindi ako titigil, hindi dapat tayo tumigil, upang ipaglaban ang tama. Tayo ay magsalita, at lumaban para sa ating bansa. Huwag tayong susuko para makamit ang tunay na hustisya.  Hahayaan ba natin na maulit ang madilim na nakaraan? Hindi na muli.

*(k.b)
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Boom!  Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?

Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.

Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.

at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.

Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod...  humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
      "Saan ako patutungo?"
       "Sa mga pangyayaring ito sino          
         ang namumuno?"
         Sila ba'y mga Muslim o
         Kristiyano?"
        Ngunit maging sino man sila----
        Sila'y hindi santo na may pusong
        bato,
        Dahil sila'y pumapatay ng kahit
        na sino,
        at ito'y hindi makatarungan at
        makatao.

       Ang sakit....Oo ang saklap...ang
       bayan na naghahatid ng
       kaunlaran,
       Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
       ng isang malagim na ala-ala,
      Nagsisilbing aral sa tuwina at          
      nagpa-paalala,
      Na kinakailangan ng isang may      
      malinis na adhikain at tapat sa
       tungkulin ang namamahala.

    Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?

Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,

Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!

Sa mga kinauukulan:
   Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y  para lamang sa pera at kapangyarihan?


Kapatid... Kapuso.... Kabarkada....  at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
President Snow Nov 2016
Sadyang mapagmahal lang sa kape
Sa tamis,
Sa pait,
Sa lahat ng pangyayaring kayang ipaalala
Sa bawat haló,
Sa bawat higop,
Sa bawat huling tungga bago tuluyang lumamig

Nagpakalunod ka nanaman sa pait ng kape
Ilang higop pa ba?
Ilang tungga pa ba?
Ilang baso pa ba?
Umalis na siya ngunit nandito padin ako, iniwan.
Madaling araw at mag isa pa rin ako, naiwan.
Tulad ng init ng kape,
Naglaho siya ng walang pasabi.
WALA TALAGANG POREBER.
Manlalamig at manlalamig din yan pagdating ng panahon. Sus
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
Benrich Apr 2018
Mga isip na nagtagpo sa delubyong nakatago
Isang ikot sa bilog na bakal, nagtugma ang kaisipan
Maraming bunggo'upang utak ay maalog
Naalog nga ba? para bumitaw o
dahil sa pag ulit ng pag bunggo
At Sadyang inalog para kumapit at umasa
Sa mga pangyayaring tugma sa puso ng mga mahal

Mga usap na wagas ang salita
Mga analisa na may pag dududa at pag sang ayon
Mga oras na ginugol upang makamit
ang usapang pag ibig ng mga mahal
Mga oras na ang pag uusap ay paulit ulit
Mas naging matatag dahil sa maga paulit ulit na
mga salita at haka haka na nag katotoo
Ngunit walang sawang nakinig, nagtipa
Upang ang dalisay na pag ibig ay magtagumpay

Mga pag tatagpo na kahit sa sandali ay naging
palagay ang loob at isipan
Mga taong makatotohanan at naniniwala sa
dalisay na pag mamahal ng taong mahal

Mga oras na ginagawang araw ang gabi
na sana ay tugma ang oras
Di man nagtugma ang oras nagagawa
pa ding mag bahagi ng oras
Dahil ang pag-mamahal na bukal
sa taong mga mahal walang kasinungalingan
walang pag dududa naniwala sa dalisay
Dahil sa mas malalim na pag kakaibigan
na puno ng lungkot at pighati
mga pag subok na kumanti sa pagmamahal
ngunit ganon pa man nag tagumpay sa mga hiling
sa gabi-gabi sa pagtulog.
sa Poong may Kapal,

Naway di magsawa sa mga karanasan
Sa kapaligaran may kasinungalingan
Naway maging aral upang matutong
Magbigay ng pag mamahal sa kapwang
Walang nakakaunawa at nagmamahal

Mga delubyong pinagtagpo ang mga taong
mas nag pakatoo at umasang sa huli ay
mag tatagumpay ang pag ibig na dalisay
ng taong umaapaw ang pagmamahal sa babaeng
sinisinta sa bawat minuto at bawat sandali
ng kanyang buhay.

Ano pa nga ba ang salitang dapat mamutawi
kundi mga katagang "Tagumpay ka DALISAY".
bilang isang fan na nag mahal at nag pakatoo sa nararamdaman
Lanox Aug 2016
Ang mutually exclusive ay tumutukoy sa dalawang pangyayaring hindi maaaring maging parehong totoo.

Di ito nalalayo sa kasabihang nasa Bibliyang “Hindi maaaring pagsilbihan ng isang alipin ang dalawang panginoon nang sabay.” Ngunit habang ang nasabing nagmula sa banal na aklat ay may mga binanggit din patungkol sa Diyos at sa pera, ang mutually exclusive ay mas malawak ang saklaw kaya’t maaaring gamitin para ihalintulad o paghambingin ang kahit anong dalawang konsepto sa matematika, pangyayari, pakiramdam.

Sa programming, may tinatawag na Boolean data type. Ang data type na ito ay maaaring “tama” o “mali.” Ang itinatalagang halaga kung tama ay 1 at 0 naman para sa mali. Kung may dalawa tayong konsepto, pangyayari, o pakiramdam, at ituring natin silang mga data types, ang mga posibleng values na makukuha natin ay 00, 10, 01, at 11. Kung ang mga nasabing dalawang konsepto, pangyayari, o pakiramdam ay mutually exclusive, maaaring makuha ang 00, 10, at 01 ngunit hindi ang 11.

Gumamit tayo ng mga halimbawang mas madaling maunawaan.

Data type number 1: ang pag-inom ng iced coffee, decafeinated, served in a mason jar with a paper straw, and with extra whipped cream, at pagpost nito sa Instagram, #stressreliever #compromise #freewifi.

Data type number 2: ang pagtulong sa mga kawawang bata sa lansangan na walang tsinelas, marumi ang kasuotan, at pinagpatung-patong lamang na mga karton ang natutulugan.

Madaling magpatuksong pumalakat gamit ang Facebook status at sabihing, “Ang daming mga batang nangangailangan tapos yung iba dyan pakape-kape lang, #pasoshalpamore.” Ngunit kung susuriing maigi, hindi mutually exclusive ang dalawang data types. Pwedeng si ateng nagkape ay pagkalabas ng coffee shop, binigay yung extra croissant nya dun sa batang nanghihingi ng limampiso. Habang si ateng nag-rant sa FB, na nasa bahay lang, kaya nga bitter dahil di makagala, malamang di rin naman nag-effort lumabas at mag-ikot sa mga kalsada para maghanap ng mga paslit na matutulungan. Ang dalawa pang maaaring posibilidad ay may isang ateng mahilig magkape at allergic sa mga bata at may isa pang ateng tumutulong sa mga bata at nagkaka-anxiety pag umiinom ng kape. Pwedeng magkaibigan sila, pero di sila nangingi-alam sa isa’t isa.

Naaalala ko tuloy nang minsa’y tumambay akong mag-isa sa isang kapehan malapit sa bahay.

Gaya ng inaasahan, may mga batang nag-aabang sa mga lumalabas na mamimili upang magbakasaling mabigyan ng mga barya o tirang pagkain—katakam-takam tingnan ang mga pastelerya roon.

Tiningnan ko ang makukulay na tinapay sa platito sa harapan ko.

Napagdesisyunan ko nang ipabalot ito at ibigay sa isa sa mga batang ngayo’y naglalaro na habang wala pang dumaraang kustomer.

Tapos ko rin naman itong kunan ng larawan upang ipost sa Instagram.

Kelangan kasi updated ang account ko.

Baka kasi isipin **** nawalan na ko ng sigla at nagmumukmok na lamang sa bahay simula nang tumigil na tayong mag-usap.

Baka tuloy magmistulang ang kalungkutan ko at ikaw ay mutually exclusive.

Na dumarating lamang ang kalungkutan sa tuwing ika’y lumilisan,

O na iniisip ko pa lamang na maaari kang bumalik, ito’y napapalitan agad ng kaligayahan.
Paumanhin sa aking sasabihin dahil ito'y paalam na,
Paumanhin dahil ika'y masasaktan sa pangyayaring magaganap,
Paumanhin dahil sa kabila ng ating mga pinagdaanan ika'y iiwan ko na,
Paumanhin dahil sa bawat ngiting ating pinagsamahan ito'y mababahiran ng lungkot at poot,
Paumanhin dahil ang tayo ay magiging ikaw at ako na lamang,
Paumanhin dahil ang dating tayo'y hindi na muling babalik,
Paumanhin dahil noong nagging tayo ay nasabi kong hinding-hindi kita iiwan, na ikaw ang para sa akin,
Paumanhin dahil ika'y makakaramdam ng matinding sakit sa aking pag-lisan at wala ako para ika'y hagkan at yakapin at masabing andito lang ako,
At ngayong patapos na ang aking tula nais kong humingi ulit ng paumanhin dahil ako'y magpapaalam na,
Hindi ko man mabigyan ng maayos na rason o paliwanag ang aking pag-lisan nais kong sabihin sayo na totoo ang lahat ng nangyare sating dalawa, ang bawat yakap, halik, halakhak maski ang ating pag-iyak ay totoo,
Paalam aking binibini.
This a goodbye poem in my local language Filipino
mikhachuuu Apr 2017
Minsan naiisip ko
Pano mo nga ba nabihag ang puso ko
Oo ako nga iyon
Ang nilalaman ng puso mo ngayon

Ewan ko kung bakit
Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit
Tas eto ako ngayon nahulog na
Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga

Oo ikaw nga yon,Minsan naiisip ko
Pano mo nga ba nabihag ang puso ko
Oo ako nga iyon
Ang nilalaman ng puso mo ngayon

Ewan ko kung bakit
Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit
Tas eto ako ngayon nahulog na
Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga

Oo ikaw nga yon,
Ikaw na ikaw, heartthrob ngayon
Mga babae sayo ay nagaabang
Pero kahit wala akong gusto sayo, ako parin ang lumamang

Noon, nirereto kita sa iba
Sa kanya, para kayo ay magkakilala
Naalala ko ang fc ko non
Pero angyare ngayon?

Oo unexpected talaga
Bat nga ba tayo ang itinadhana
Sana eto na nga ang huli,
ayoko na ng susunod pa muli

Noon, pagkakakilala ko sayo ay pafall, paasa
Pero nung lubusan kitang nakilala, hindi pala
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana
Di natin inaasahan tayo din pala

Bago palang, dami ng nangyari
Nakagawa ng mga pangyayaring tama at mali
Ayoko na maulit ang mga nangyari noon
Mga nangyari noon na gusto ko ng itapon

Ang swerte ko kasi ako napili mo
Kahit nung simula, wala akong gusto sayo
Pero ngayon nahulog na ko
Hays, nahulog sa taong madaming nagkakagusto

Ikaw, ikaw na kaya?
Ikaw na kaya ang "Right One" ko?
Ako, ako na kaya?
Ako na kaya ang "Lucky Girl" sa buong mundo?
Swerte ko sayooo huhu <3
Eugene Aug 2017
Sandaling tumigil ang oras
upang ipikit ko ang mga mata
sa alaalang nais kong balikan
mula sa isang taong kailanman
ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Sinimulan ko sa isang eksenang
bibigay at bibigay na ang aking puso
sa kalungkutan at kapighatiang
aking nadarama noong kailangan
ko ng kausap at siya ang aking nasandalan.

Alam **** hindi madali para sa akin
na bigyang katuturan ang bawat hiling nila
kahit pa alam **** maling mali na
ang mga desisyong aking nagawa
dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila.

Ikaw ang naging gabay ko
no'ng mga panahong ilang ulit akong
nakaramdam na may mali na
pero ipinagpatuloy ko pa rin ito
at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko.

Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin
ang aking mga mata upang balikan
ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita
at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang
magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na.

Ang kathang ito ay isinulat ko at
gustong ialay sa iyo dahil isa ka
at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho,
kung hindi ay isang inang itinuring akong
isang anak na nawawala at kailangan
ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga.

Muli kong binuksan ang aking mga mata
at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala
sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas
sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong
hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag.

Taos-puso akong nagpapasalamat,
at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko
upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa
o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit
dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.
cherry blossom Aug 2017
nakita mo ako noon na umiiyak
may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak
hinawakan mo ako noon sa balikat
nakita mo sa mga mata ko
wasak ang mundong kinatatayuan ko
ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon
para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo

Kinupkop mo ako.

pinasilong sa iyong payong
pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako
hinagkan mo ako
pinangalanang "tapat"
tinanggap ko ang alok **** payong
nananabik sa pagtanggap
pagtanggap
isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala

Nananabik ako.

kinilala mo ako
binasa na parang librong daladala mo araw araw
naging interesado sa kada buklat ng pahina

Naiintindihan mo na.

lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa
nananabik akong matapos mo
kilalanin mo ako ng buo
itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot
bigyan mo ako ng rason.

ayan na, malapit ka na sa kabanata
kung saan bumitaw sila
tatlong pahina na, magtiyaga ka sana
dalawang pahina na lang, huminga ng malalim
isang pahina---

saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina?

"magpapahinga muna", yan ang sinabi mo
ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko

Maghihintay ako
at naghihintay pa rin ako
nakatunganga ako sa labas ng kawalan
hinihintay ang pagbabalik mo
ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko
hindi mo ba ako nakikita?
hindi ka na bumalik
hindi mo na sinubukang bumalik

wala ka pa nga sa kadiliman ko
hindi mo na kinaya ang kwento ko
at muli kitang nasilayan, tumingin nang walang pagsisisi
08/10/17
Para kay
Denise Sinahon May 2020
Panibagong tula nanaman
Panibagong eksena sa aking buhay ay iyong masasaksihan
Handa ka na bang mabasa kung paano ako nasaktan?
Ng mga salitang binitawan ng taong aking pinapahalagan

Nagsimula ito nung panahon na ako ay iyong pinangakuan
Ndi ko inaasahan na magkakaroon ito ng epekto sa aking katauhan
Katauhan na aking binuo at iniingatan
Ngunit masisira ulit ng dahil sa mga pangakong nag wakas ng dahil sa mga pangyayaring di inaasahan

Akala ko iba ka sa mga taong sa akin ay ng iwan
Ang hindi ko alam isa ka rin plang martilyo na lahat ng pangako ay napapako lamang
Pinaramdam mo saakin ang saya na tumatak sa aking isipan
Ngunit nag iwan din ng sakit na hinding hindi ko malilimutan

Nakabangon ako dahil naging matatag ako
kinaya kong labanan ang sakit na iniwan mo
Kahit na binalik mo ang isang bagay na matagal ko ng gustong itago
Sinira mo nanaman ang pagtitiwala ko sa mga taong nasa paligid ko

Pero salamat pa rin sayo
Kahit na ganito ang nangyari sa buhay ko
May aral kang iniwan sa kokote ko
At yun ay wag magtiwala kung kani kanino

Ndi sapat ang tagal ng pagkakakilala
Para mapatunayan na ndi ka iiwan bigla
Dahil pag may nahanap ng iba Na nagpapasaya  sakanya ng sobra
Makakalimutan nia ang taong nasa tabi nia sa tuwing siya ay may problema

Maaring ndi naging sapat ang effort na pinakita mo
Para sakanya na ndi marunong makuntento
At naghahangad pa ng mas matinding lambing at pag suyo
Kaya wag **** sisihin ang sarili mo,wala kang kasalanan sa mga ito

Laging tatandaan at wag na wag kakalimutan
Ang taong marunong makuntento sa kanyang naiibigan
Ay nagmamahal ng purong katotohanan
Hindi ko sinasabing ikaw ay aking nagustuhan

Wag umasa at baka masaktan
Pero ako ay aminado na muntikan
Muntikan na akong mahulog sa isang taong torpe at gago
At easy to get ang gusto

Ayaw mo ng make up at kung ano anong pampaganda
Pero ung jowa mo muka ng pabrika ng harina
Sa sobrang puti ng kanyang pagmumukha
Nakakatawang isipin na ndi mo napanindigan ang binitawan **** salita

Maraming pagbabago
Ung taong nakasanayan ko
Ngayon wala na sa piling ko
May iba ng babaeng gusto

Pero masaya ako sa buhay ko
Dahil may mga taong nandyan para damayan ako
Intindihin ung ugaling minsan walang sinasanto
At ung pag iisip na ndi maiintindihan ng kung sino sino

Naguguluhan ako ngayon
Pero ndi ako pinapabayaan ng bakasyon
Binibigyan niya ako ng mga bagay na maaring pagbalingan ng aking atensyon
At andyan ang tropa handang makinig sa aking drama at orasyon

May isang mahalagang taong sakin nag sabi
Mahalagang matutunan ang pagmamahal sa sarili
Upang maging puro at totoo ang pagmamahal mo sa iba
At maging buong pagmamahal ang maibibigay mo saiyong sinisinta

Sa bawat tao na sa atin ay nang iiwan
Wag mawalan ng pag asa dahil sila ay lumisan
Maaring sila ay nag iwan ng isang aral na dapat tandaan
At sa hinaharap ay magamit sa mga mararanasan
Ang tulang ito ay maaring kapulutan ng mga aral na magagamit mo sa mga panahong ikaw ay makakaranas ng sakit at pighati na dulot ng pang iiwan sayo ng isang taong pinagkatiwalaan at minahal mo
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan,

Sapagkat hindi ko makalimutan ang mga pinagdaanan,

Palimos naman ng pagtingin mo,

Bigyan mo ako kahit na kapiraso.

Ni minsa'y hindi mo tinanong kung ano ang lagay ko,
Pagkaing mga niluto mo ay hindi mo hinahain sa harap ko,

Lumaki akong may hinanakit sa buong mundo,

Kung tutuusin, itong lahat ay kasalanan mo.

Kung minahal mo lang sana ako at tinanggap,

Hindi ka na sana nahihirapang magpanggap,

Sa ibang tao kapag ika'y nakaharap,

Walang bakas ng kahit na anong pangyayaring masaklap.

Ang tanong ko palagi'y bakit binuhay mo pa ako?
Gayong palagi mo namang ipinadarama na hindi mo ako ginusto,

Kahit anong galing, kahit na anong pagbida ang gawin,

Pipikit ka upang hindi mo ako mapansin.

Hindi mauubos ang aking mga bakit,

Dahil sa kabila ng lahat ay mahal kita kahit na anong sakit,

Sa aki'y ipukol mo ang lahat ng iyong galit,

Sasaluhin ko ang hinaing sa mundo **** mapait.
Raiza Mae Togado Jun 2016
Sa aking pinakaunang alaala ako’y

                 nalulunod

                        sumasabay sa pwersa ng agos

       tumatama sa mga hitang walang nakakaramdam sa pangyayari sa ilalim

     tanging nakikita ko lamang ay ang bughaw na katubigan

             at mga bulang pilit kumakawala sa aking bibig.

Tanggap ko na naman

       kung yaon na lamang ang itatagal ng aking munting buhay

                     handa na ako sa aking kasasapitan,

                 nang may mga malaking kamay na inahon akong walang hirap

             patungo sa liwanag na inakalang hindi ko na ulit masisilayan.



Labing siyam na taon na ang lumipas

       biglang tumimo sa utak ang pangyayaring nagpalapit sa kamatayan

                  paano na lang

                           kung yaon ba’y natuloy

                       mababago ba ang buhay nang mga taong

                             nakasalamuha ng mga sumunod na mga panahon?

               Sapagkat isa lamang akong basura

                   na parang muling binalik

                     nang mawaring may pag-asa pa

                        upang muling gamitin

                               at muling maging patapon

                    sa mga matang mapanlait

                              dito sa mapanlinlang

                                   na mundong

                                   patuloy

                                   na umiikot

                                         para

                                                  ipamukha





                                                                       sa akin





                                                               na isa akong







                                                      pinaka





                                          walang







                   kwentang







                                                tao.
Originally posted on my tumblr account - http://undezairable.tumblr.com/
Mike Dela Cruz Feb 2017
Tuwing akoy tumutingala sa mga kumikislap na bituin,
Di ko mapigilang maalala ang kislap ng yong mga mata
Puno ng misteryo't mga tanong na di kelangang sagutin

Tinutuwid ang isip na di mapakali
Kinakalma ang pusong may giit sa mundo
At pinapabagal ang oras na basta bastang pinapalipas;
tila bawat segundo ay may tamis na inaalay.
Nagpapalasing sa ligaya habang binubulag ang sarili sa katotohanang 'di na 'yon mauulit
Sa katotohanang ito'y ala ala lamang.

Nagbabago ang aking pagkatao sa harap ng iyong muka
Napapamahal sa lahat ng mga bagay at pangyayaring nagpagtagpo sa atin. Lumalamig ang simoy ng hangin, di mapigilang pumikit at mabuhay sa nakaraang pagkakataon.

Maaabot lang pala ang langit sa gitna ng dalawang impyerno.
Mahal, maari ba muling magtagal sa iyong piling? Kahit isang ulit lang maipadama mo muli ang langit sa mundo. Nakalimutan ko na kasi ang tamis ng kaligayang idinulot ng pagmahal na galing sayo.
Isa akong hamak na kabataan na pinagkaitan ng mapaglarong mundong ito. Sa isang madilim na bodega ako matagal nang nananatili. Mabaho at walang pagkain, araw-araw ay tinitiis namin ang kalam ng aming sikmura.
      Mahigpit na ipinag-uutos sa amin na pulutin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa loob ng tambakan na ito. Sinusunod namin ito ng maayoa ngunit tila ang pangakong binitiwan ng taong dumampot sa amin sa kalsada, na kami ay pag-aaralin, ay naglaho nang parang bula.
      Sa bawat sandali ng aking buhay, wala akong naging karamay kundi ang malaking salamin na nakabitin sa dingding ng malawak na silid na ito. Na at patuloy na nagsasabi sa akin ng pag-asa. Pag-asa na siyang matagal ko nang gustong makamtan.

      Sa tuwing titingin ako sa silid na aking kinalalagyan, halos mamatay na ako sa kawalang kalayaan na ito. Minsan pinipilit kong kumawala sa silid na ito kasama ng ibang kabataang inalipin na ng takot. Ngunit suntok at hagupit ng tubo ang aming natatamo sa tuwing nanaisin naming tumakas sa silid na ito. Hindi ko talaga lubos na maisip ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko. Kung ito ba ay totoo o isang panaginip lamang.
      Tumingin ako sa salamin at isa lang ang sinasabi ng aking wangis, hanggang kailan ko pagmamasdan ang mukhag nahihirapan at punung-puno ng kalungkutan? Mabuti pa ang salamin na ito. Sa or as na siaikat ang araw, lagi niyang ipinadarama ang panibagong pag-asa.
kingjay Dec 2019
Kay sarap ng buhay
Sa matimyas na bukang-liwayway
May gintong kumikinang
Kasabay ng liwanag ng araw

Kay gaan bumangon
Aligaga sa sandali
Na makita ang natatanging
Mata niya't mga labi

Ang lunggati sa mga alapaap
Panganorin ay maabot
Nang sunggaban ang mga bituin
Para sa tulad niya - siya ang hiling

Bago pa ang dapit-hapon
Ang takipsilim na inaabangan
May pinapangarap na sa kinabukasan
At panaginip na mapapanaginipan

Sa pagpikit ng mata
Ay nakahilata sa paraiso
Itinuturing katotohanan
Ang panaginip
Ang tanghaling hiraya ay pangyayaring hihintin

Hinga ng anghel
Ang dapyo ng hangin
Luha ng kaligayahan
Sa pagpupunyagi sa karalitaan

Walang tumitagatig
Sa gitna ng kawalan
Noong ako'y umiibig
Ang ngiti ay walang-hanggan
hindi naman tayo ung palos;
kundi pangyayaring pilit ginagapos -
nagbabakasakaling may malimos
bagamat sa hininga'y kapos.

hindi ukol sa lamig ng haplos,
o matang walang rindi sa pagbuhos.
wag mangamba't mukha'y di busabos
tanong lang, bakit sobra'y di lubos?

Pinagmasdan ko ang iyong kilos,
Saan nga ba tumungo't may galos?
Sagot mo sa aking naghihikahos,
Gising sinta, ako'y tangay na ng agos.
Crissel Famorcan Oct 2017
Minsan naisip kong huminto
Naisip ko na ring sumuko
Pakiramdam ko kasi kakaiba na ako sa lahat
Kaya madalas naiisip kong tumigil na sa pagsusulat
Hanggang sa makatagpo ako ng ilang Makata
At sa PANGATLONG PAGKAKATAON,sa kakayahan ko,
Mayroong naniwala
Isa yun sa mga pangyayaring labis kong ikinatuwa
Pagkat kahit papano,may nagpapahalaga pa sa aking mga akda
May nakakapansin pa sa natatago kong kakayahan
Kaya nga mas lumakas ang taglay kong paniniwala
Na isinilang ako para magsulat
Kahit na pakiramdam ko kakaiba ako sa lahat
Hindi ako titigil
Sa pangarap kong 'to walang makakapigil
Patuloy akong magsusulat hangga't kaya ko
At Pagyayamanin pa ang bigay sa aking talento
At sana balang araw,
Matupad din yung pangarap ko
Maging propesyonal na manunulat
At May akda ng Isang Libro.
an0nym0us Jan 2019
Pangyayaring di ko aakalain
Ikaw na nakahuli ng aking paningin
Anyo **** sa isip ko'y tumanim
Liwanag ang dulot sa mundo kong nababalot ng lungkot at dilim.

Oras, araw, bwan, taon ang nagdaan
Pagtingin sa iyo'y tila nananahan
Pag-ibig na nga ba ang nararandaman?
O nararapat ang puso'y mag dahan-dahan.

Simple lang ang aking hiling
Nawa, tinig ng puso ay dinggin
Panalangin ng sarili sa mga bituwin
Maging kaibigan ka, kahit di na mapa sa aking piling.

Ngunit ang isip ay nababahala
Sa puso, ito'y naghahatid ng kirot at pagkasira
Ang dating dulot ng pag-ngiti, ngayon ay pag luha
Bakit ba ang sarili sa iyo'y di nagsasawa?

O aking ****-usap sa iyo
Sana naman, ako'y pakinggan mo
Sa akin nawa ay huwag lumayo
Kahit na kakilala mo lang ako.

Isip ko'y gulong-gulo
Ulo'y di makapag-isip ng diretso
Puso'y nangangailangan ng mga payo
Tanggapin mo nawa ang pagsusumamo.
If you want the translation, just write down the comments...I'll make one soon.
Donward Bughaw Apr 2019
Nalalanghap ko
ang panghi sa nadaanang
eskinita,
napapansin sa sementadong pader ang mga salitang
nakasulat sa malalaking letra,
mga simbolong nagpapabatid ng huwad na kapatiran
marka,
pinta,
guhit
na nakakaakit,
nakakaantig
ang mga pasamano at pagbabating maririnig
na pinatatamis nang labi
pasimulan ang lahat sa beynte
hanggang sa umabot ng siyento-kensi
upang maipambibili ng pulang bote
at yosi
na kukuha nang huwisyo
ng sinumang magpaka bato
at sunod na inilabas,
isang matalim na kutsilyo
na isinaksak
sa sikmura ng kapatid ni Ka Ambo.
Naroroon ako ng matanaw
ang malungkot na pangyayaring ipininta ng gabi.
Isa ang fraternity sa mga pinaka-trend sa kolehiyo. Pero, minsan ba naitanong mo ang kahalagahan ng fraternity sa iyong sarili. May mga fraternity na ang hangad ang tunay na kapatiran at pagkakakilanlan pero may iba rin na ang gusto ay gulo lang. Pero hindi layunin ng isang samahan ang gumawa ng mg kalokohan, bagkus pagkakaisa at katahimikan. Depende ito sa kung paano dalhin ng isang miyembro ng kapatiran ang dinadalang sagisag ng pagkakapatiran.
jerely Oct 2018
patak ng ulan
sumasabay sa ihip ng hangin
panahon na hindi mo inaasahan
mga pangyayaring bigla na lang dumarating
sa ulap na nangingiusap
ang tanging alam
ay kung ano ang laman ng nararamdaman
puso ba ang paiiralin o ang utak na nangingibabaw
mga pinagdaanan **** karanasan
ito ba ay magsisilbing liwanag sa kalagitnaan ng dilim?
o hanggang dito na lang ba sa paghahanap ng kapalaran sa buhay,
na parang kay tagal
mo man itong inaasam-asam
na makamit muli
tagumpay
ang matitikman sa mga labing
nag uuumapaw
sa kasiyahan
at sa
busilak **** puso
na kay lambot pa ng isang monay
na hindi mapapantayan ng kung
ano mang yaman
na hindi matutumbasan
ng kung ano-anong bagay
ikaw ay bukid tanging yaman

tapat at totoo
sa sariling bayan
huwag **** kalilimutan
ang iyong kinagisnan
jerelii
sept, 2018
copyright
kingjay Sep 2019
Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang
Lalaya na kasabay ng paglisan
Dadalhin ang mga kinikimkim
Mahapding man parating bukambibig
Sumisingaw nang matamis

Kahapong ligaya ngayon lumiligalig
Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit
Sana masaya sa piling ng iba
Kahit naririto na inaalala pa

May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na
Tukso ba na para kabigin
Bakit parang bitag na inihain
Sana'y habso ang pagkakabigkis

Sa paghayo tungo sa paraiso
Iiwan nang may pagkabahala  
Sana sa eklipse na magaganap
Mag iiba ang daan bukas
At di muna aalis pa

Hihintayin sa pintuan ng wakas
Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas
Kung nararamdaman ay di na maibsan
Tatanggapin nang pagkagiliw
Kahit ililibing nang di naagnas
𝙰𝚗𝚗𝚎 Mar 2018
Masama bang hilingin, na sana'y tapusin sakit ng damdaming hindi maibalik

Masama bang hilingin, na sana'y magwakas, isang pangyayaring hindi hiniling

Masama bang hilingin, na sana'y tumigil, isang pakiramdam at lihim na pagtingin
Masama ba?

— The End —