Mga isip na nagtagpo sa delubyong nakatago Isang ikot sa bilog na bakal, nagtugma ang kaisipan Maraming bunggo'upang utak ay maalog Naalog nga ba? para bumitaw o dahil sa pag ulit ng pag bunggo At Sadyang inalog para kumapit at umasa Sa mga pangyayaring tugma sa puso ng mga mahal
Mga usap na wagas ang salita Mga analisa na may pag dududa at pag sang ayon Mga oras na ginugol upang makamit ang usapang pag ibig ng mga mahal Mga oras na ang pag uusap ay paulit ulit Mas naging matatag dahil sa maga paulit ulit na mga salita at haka haka na nag katotoo Ngunit walang sawang nakinig, nagtipa Upang ang dalisay na pag ibig ay magtagumpay
Mga pag tatagpo na kahit sa sandali ay naging palagay ang loob at isipan Mga taong makatotohanan at naniniwala sa dalisay na pag mamahal ng taong mahal
Mga oras na ginagawang araw ang gabi na sana ay tugma ang oras Di man nagtugma ang oras nagagawa pa ding mag bahagi ng oras Dahil ang pag-mamahal na bukal sa taong mga mahal walang kasinungalingan walang pag dududa naniwala sa dalisay Dahil sa mas malalim na pag kakaibigan na puno ng lungkot at pighati mga pag subok na kumanti sa pagmamahal ngunit ganon pa man nag tagumpay sa mga hiling sa gabi-gabi sa pagtulog. sa Poong may Kapal,
Naway di magsawa sa mga karanasan Sa kapaligaran may kasinungalingan Naway maging aral upang matutong Magbigay ng pag mamahal sa kapwang Walang nakakaunawa at nagmamahal
Mga delubyong pinagtagpo ang mga taong mas nag pakatoo at umasang sa huli ay mag tatagumpay ang pag ibig na dalisay ng taong umaapaw ang pagmamahal sa babaeng sinisinta sa bawat minuto at bawat sandali ng kanyang buhay.
Ano pa nga ba ang salitang dapat mamutawi kundi mga katagang "Tagumpay ka DALISAY".
bilang isang fan na nag mahal at nag pakatoo sa nararamdaman