Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aL Jan 2019
Pagpuna ng makatarungang nilalang sa kabila ng lahat ng mga kahabagan ng buhay. Maaaring tanging yaman na maituturing ng iyong tainga na nabibingi na sa karahasan at ingay ng iyong paligid na nilalakaran.

Naging libangan na ng iyong mga paa na tumayo sa maling lugar. Masasanay narin ang iyong katawan na maging haligi na lamang ay iyong mga paa. Sa mapangaping buhay na wala nang kasiguraduhan.

Nakaakbay ang kaybigan **** kalungkutan, mula sa paggising hanggang sa pagidlip ng mga mata **** pilit na tinatago ang hapis ng mga luhang maari mo sanang ilabas, ibahagi at iluha sa aking harapan.

Ako naman ay naghihintay, iyo ako ay tunay na mangiibig, sa iyong pagsibol, sa iyong pamumulaklak at sa iyong pagkalanta, sa kahit anong oras na iyong mapagpasyahan. Ano man ang mangyari ako ay maaari **** sandalan.

Ang pagmamahal ay tulad ng isang anino, maaari **** palaging madadala, ngunit kung ang iyong desisyon ay magkulong sa dilim, ako ay wala nang magagawa. Tanging mananatili siguro ay pagtingin kong nakatatak sa kanyang isipan.
waiting like a fool.
REY Feb 2018
Sa Ilalim ng Buwan
Nagsimula ang lahat,
Sa ilalim ng kalawakang
Iyong pinagmamasdan.
Sumasayaw ang kinang
Ng mga tala sa kalangitan,
At tayo’y nasa damuhan
Nagkukwentuhan,
Nag-aasaran,
Naglilibang,
Habang ang amihan
Ay dumadampi sa ‘ting katawan.
Sa Ilalim ng Buwan,
Doon kita laging nasisilayan,
Habang ang ‘yong mga mata’y
Naglalakbay sa kalangitan
At ang aking mga mata’y
Naglalakbay sa kagandahan
Ng iyong mga matang
Kasingganda ng buwan…
Sa Ilalim ng Buwan
Ipinagtapat mo ang ‘yong nararamdaman.
Kamay mo’y aking hinawakan,
Yinakap kita at sinabing
“Huwag kang mag-alala.
Mamahalin ka rin niya.”
Kasabay ng luha sa ‘yong mata,
Pumatak din ang aking luha
Mahal kita, pero mahal mo siya,
At ‘di ko kayang makita
Na nasasaktan ka
Dahil sa kaniya.
Sa Ilalim ng Buwan
Luha mo’y aking pinunasan
Doon kita pinatahan,
Doon kita unang nayakap,
Doon ko unang naramdaman
Ang init ng alaapaap
Sa kamay **** aking nahawakan.
Sa Ilalim ng Buwan
Doon ko naramdaman
Ang ‘yong lungkot at saya,
Ngunit ‘di mo nadama
Ang aking pagsinta.
Sa Ilalim ng Buwan
Doon kita nakitang lumigaya
Sa saliw ng musika,
Sa kislap ng mga tala.
Doon ko nakita
Ang pinakamakinang
Na sinag ng ‘yong mata
At ang pinakamalawak
Na ngiti sa ‘yong mukha,
Habang hawak mo ang kaniyang kamay
Sa liwanag na alay
Ng romantikong buwan.
Sa ilalim ng Buwan
Doon ko napagmasdan
Kung pa’no mo siya halikan,
Kung pa’no ka magmahal,
Habang ako ay nasasaktan,
Umiiyak, at nawawalan
Ng pag-asang
Akin ding mararamdaman
Ang ‘yong pagmamahal.
Sa ilalim ng maliwanag na buwan,
Dumilim ang aking buhay.
Sa ilalim ng maliwanag na buwan,
Luha ko ang naging ulan.
Sa ilalim ng buwan,
Nag-abang ako ng bulalakaw
Upang humiling,
Hindi para ika’y maagaw
Mula sa kanyang piling,
Kundi para hilingin
Na ika’y kaniyang mahalin
Kagaya ng pagmamahal
Na aking nararamdaman
At itinago sa ilalim ng buwan…
Sa ilalim ng buwan
Tiniis ko ang sakit,
Ang bawat hinagpis.
Sa ilalim ng buwan
Nagsimula ang lahat.
Sabay nating pinagmasdan
Ang tanglaw ng kalangitan.
At sa ilalim ng buwan,
Tatapusin ko na ang lahat
Ng sakit na aking nararamdaman,
Pagmamasdan ang bituin at buwan,
Ang madilim na kalangitan,
Hanggang sa dumating
Ngayong gabi ang bulalakaw
Upang humiling
Na sana’y dumating para sa ‘kin
Ang pagsibol ng bagong araw.
#NagpapakamakataXD
kingjay Dec 2018
Pagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana
Hindi ang sandaling sa kulungan
Ito'y sa bawat saglit na nag-iisa
ang matinding lungkot na nadarama

Ipinta ang larawan ng estado
Berde,dilaw,pula kahit anuman
ito'y walang sigla
Sa mga mata puro puti
-tinta ng lahat ng kasalatan

Bagwis na malapad
taglay ang malakas na hampas
Ngunit nanatiling suwail sa hangin
hindi na makalipad

Isang akyat pa sa hagdan
Ang patpating nilalang ay uhaw
sa pag-uwi ng titulo
Karangalan ang pagtitiis
Ang pagwawagi ay bihira lamang

Sa taglagas ay ang pagsibol ng mga tanim sa palayan
Kunting saya sa isang linggong kasawian
Ilang ulit kaya sa isang buwan?

Ang orasan ay panauhin sa pagkakaylan man na paghimbing
Hindi linggatong kung ituring
Ito'y paala-ala na hindi pa kamatayan
Kael Carlos Aug 2017
Mga kamag-aral, kaibigan, mga ****,
Kayo’y mahalaga sa akin bagama’t di tayo magkadugo,
Ako’y narito sa inyong harapan
Sumasagisag ng buong puso,
Ako ang makatang ‘Di ka uri ng masa  
Ang kalawakan ng pag-iisip ay ‘di mailathala

Ako ang nag-anyong taong resulta
Sa pagsibol ng kwento ni malakas at ni maganda
Hindi ko na kailangang humiling
Sapat na ang aking angking galing
Mula sa Diyos Ama aking aaminin
Upang bigyang pansin
Ang kultura na sariling atin
Kultura na di Dapat limutin kundi lubusang mahalin

Ako ay nandito upang sa inyo’y paalalahanin
Ako’y alagad ng sining
Aking man sumpain
Sigurado’y di kayo mabibitin
At pangako’y di bibiguin
Sa harapan niyo’y aking ihahain
Mga Obra Maesta
Nang kinikilalang sining at literatura

Kaya’t tara na, tara na
Tayo na at lumarga
Tungo sa kaunlaran ng wika
Tungo sa wikang Filipino
Ang wikang mapagbago
Ika-apat na Lakan
Elizabeth Apr 2016
Sabi nila ngayon ay buwan ng mga makata, mga matatalinhagang salita, mga boses na nilikha
Ako ay umaasang batiin mo, sapagkat ang aking mga tula ay bakas ng iyong paglaho

Wakas.

Maraming sulat na pinadala, sa mga taong hindi kilala, nagbabakasakali lamang ako, na magkamaling sulatan ka
1700

Alala ko pa ang mga araw, na ikay pinagmamasdan, sapagkat ika'y isang gantimpala na hindi ko makakamtan

Marahil ako lamang ang naniwala, marahil ako lamang ang saksi, marahil nga'y binuo ka lamang sa aking guni guni

Sabi na nga ba!
Ako ay kulang, tila rosas na binili lamang sa daan, mula sa batang walang mapagbigyan, ako'y napagdiskitahan

lilipas ang araw
matutulog ang gabi


Dahan dahan akong inikot, binuhol nang binuhol, magaantay na lamang sa aking pagsibol
bukas, makalawa
*Ako ngayo'y rosas na sa iba
This poem was inspired by the dried up roses I have in my room. I was amazed on how beautiful and alive they still seem.
Jun Lit May 2019
[Para kay Emerson David V. Jacinto, February 16, 1962 - May 02, 2011)

Mula paglilihi sa ningas ng ilawang gasera
sa sulok ng angking dunong, kaisipa’y namunga,
hanggang sa pagluwal, kasaliw ang palakpak ng sigla,
ulilang panaghoy at sigaw ng malayong pag-asa
- sa panawaga’t tinig ng Inang Bayan, tumugon ka.

Kusang-loob, inihandog, buhay at panahon
Walang alinlangan, payak na pamumuhay ay tugon
Sa lamig ng gabing kamao’y nagkuyom
Kumot mo’y pusong malasakit ang nilikom
- Unan ay konsyensyang malinis at tapat sa layon.

Mapait na dagta ang sa damdami’y nanalaytay
tila ipinahid ng mahabang paghihintay
sa mayamang dibdib ng ating kinagisnang Inay
- ang Inang Kalikasan. Doon ka humimlay,
- Makabuluhang buhay ang iyong tagumpay
aL Feb 2019
Malaya ang iyong kaluluwa na makasama ang mga naturing **** bahaghari ng iyong buhay, magpakasagana ka sa katuwaan, ngunit huwag palilinlang.

Mga mata **** huwag sana paaalipin sa hindi makatarungang kanilang nakikita. Higit pa sa makikita mo sa salamin ng iyong pagkatao, ang unang hakbang ay iyong pagkilala sa iyong sarili. Ngunit huwag palilinlang.


Kamay mo nawa ang siyang unang magaakay saiyo sa paggawa ng tama, magtatapon rin nawa ng lahat ng bakas ng kasamaan, at huwag kang palilinlang

Ang iyong isip ay gawing mapanalig sa pawang makatarungan lamang, ilayo ang iyong sarili at bigyan ka nito ng kasarilan nang hindi ka malinlang.

Kapwa, isa ka sa kaunting dahilan ng ating pagsibol. Magsisimula sa iyo ang pagbabago. Huwag nang hanapin pa ang katotohanan, sapagkat nariyan na sa iyong harapan.

Huwag itapon ang biyaya at karapatang maka-kita ng tama, maka-tutol sa kamalian, maka-pigil sa nangaapi at maka-gawa ng mabuti.
aL Jan 2019
Mata **** puno ng galit,
Hindi alam kung nakatingin ba sa iba o nakapikit?
Na sakin ay humahalinang  mapapangakit
Lagkit ng tingin sa aking damdamin ang kapit

Sa mundo **** mapangpalit
Ang tadhana mismo ang manguukit
Kaya nawa'y magbigay ka pa ng saglit
Kahit na ito sa iyo ay pilit

Pinakahihintay ang pagdating
Nagtagal na nga sa dilim
Mistulang sa kanila ay iyong inilihim
Ang iyong pagsibol sa takipsilim

Sa mainit na hininga humihingi ng simpleng pakiusap
Na ang kamusmusan ay manatili sa iyong hinaharap
Ngunit sa dinidinig palamang, sila na ay hirap
Sa mundo mo ay umaalis na ang ulap
Redo, na bura yung orihinal
Justine Jade Jul 12
Aking binibini
Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili
Pukawin mo ang himbing lupang sabik
sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik

Ngunit kung ikaw man ay hirap na
Nandito lang ako
Ang iyong magiging kwarto
Pupunasan ang stress at anxiety mo

Matulog kana ng mahimbing
Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin
Unahin mo muna ang iyong nasasakupan
Bukas makalawa ay ako naman.
this was a personal dedication for me and I decided to upload it here because it matters
pat v Aug 23
Ang nakaupong tiwali—
siya ang binoto ng masa.
Sa manggas ng kanyang barong,
panganib ng maralita

May kinang ang kan’yang ngiti
mapungay ang mga mata
Sa bawat pangakong lahad
ay pagsibol ng pag-asa.

Pag-asa na tayo'y ligtas
ay naging katakot-takot.
Para raw sa Inang Bayan,
peligro na nakabalot.

Ang salitang bulaklakin
ay daglian ding nalanta
kapalit ang pagtungayaw,
at banta ng direktiba.

Hindi natin inasahan—
bahid ng dugo sa daan.
Mga kamay, nahugasan
ngunit hindi ang lansangan.

Sa lapida nakaukit
ngalan ng mga biktima.
Sunod kayang tatahimik
ang silang may pinupuna?

Hapis ng inang nawalan,
“Crispin, Basilio, anak ko,”
oyayi ng Inang Bayan.
“Pasismo! Peligro rito!”
REY Sep 21
sa lalim ng gabi,
hindi makaahon ang puso;
nalulunod,
nadudurog,
nahuhulog
at nahuhulog na ang mga tala,
hindi pa rin mabanaag ang pag-asa.

ilang kahilingan pa ba ang kailangang pumanaw?
ilang alaala pa ba ang kailangang malusaw?

pagod na ang mga mata
sa mga luhang lumalagas ng balat.
nalalapnos,
nahahapo
at nahahapo na ang lampara,
nauupos na ang tanglaw,
nahihimlay pa rin ang buwan
sa usok ng nakaraan.

padilim nang padilim
ang kawalan;
umuusbong ang takot
at hinagpis
mula sa sulok ng sahig;
hindi mapigilang hagkan ang sakit.

paano ba maiiwasang magpalunod sa sariling pagkukulang?
paano ba miiwasang masunog sa sariling apoy na sinimulan?

lumalalim nang lumalalim
nang lumalalim ang gabi,
hindi mapigilang hatakin
ang damdamin
sa hukay ng pagkalingat;
umuusbong ang panibagong mga sugat,
nadaragdagan ang mga galos,
waring bitak sa simyentong
sinasalo ang luha ng mga ulap.

lumalalim nang lumalalim
nang lumalalim ang gabi,
hindi makaahon ang pusong
nalulunod,
nadudurog,
nahuhulog,
at patuloy
na nalalapnos,
nahahapo.

kailanman,
hindi na susubuking umahon,
hindi na maghihintay sa paghilom;
sa bukang-liwayway.
kailanman,
hindi na mag-aabang
sa muling pagsibol ng araw.
Sa dilim ng aking pag-iisa
Halos gumuho na ang pag-asa

Hinuhusgahan at kinukutya
Tinatawanan at minumura

Mga salitang lason ang dala
Sa pagkakamaling naging sumpa

Na kumakain sa pang-unawa
At kaisipan na nagwawala

Nanlalamig ang puso't gunita
Hindi maibigkas ang salita

Sino nga ba ang maniniwala
Sa sinasabi at ginagawa

Sa dami ng mga kumokontra
Na sa pagkatao'y sumisira

Mga pagkakamaling nagawa
Ipinipilit ko na itama

Ngunit kinukulang ng unawa
Ang damdamin nilang natutuwa

Ilaban ma'y walang magagawa
Mali pa rin ang ginawang tama

Lumalalim ang sugat na dala
Lumalatim ang sinasalita

Pinipilit nito na magiba
Ang natitirang paniniwala

Gabay ng pananampalataya
Ang nagpapatibay na gumawa

Upang pagkakamali'y itama
At maging ganap ang nakatakda

Ang pagsibol ng bagong simula
Umpisa ng isang kabanata ...

— The End —