Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakinig" poems
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon -Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong Sa paaralang sekondarya ay namayagpag Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso Puno ng mga tala ang mga kwaderno Di man pala - kaibigan, Kaklase sa nakaraan ay natatandaan Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon Agila naman ang kinabibilangan Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon Malapad na balawis, sa pagkumpay sa dagat ay dumadaluyong Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula Dahil ba kay Dessa o di kaya talento na Kanyang biniyaya
0
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 5:14 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #43
Mga isip na nagtagpo sa delubyong nakatago Isang ikot sa bilog na bakal, nagtugma ang kaisipan Maraming bunggo'upang utak ay maalog Naalog nga ba? para bumitaw o dahil sa pag ulit ng pag bunggo At Sadyang inalog para kumapit at umasa Sa mga pangyayaring tugma sa puso ng mga mahal Mga usap na wagas ang salita Mga analisa na may pag dududa at pag sang ayon Mga oras na ginugol upang makamit ang usapang pag ibig ng mga mahal Mga oras na ang pag uusap ay paulit ulit Mas naging matatag dahil sa maga paulit ulit na mga salita at haka haka na nag katotoo Ngunit walang sawang nakinig, nagtipa Upang ang dalisay na pag ibig ay magtagumpay Mga pag tatagpo na kahit sa sandali ay naging palagay ang loob at isipan Mga taong makatotohanan at naniniwala sa dalisay na pag mamahal ng taong mahal Mga oras na ginagawang araw ang gabi na sana ay tugma ang oras Di man nagtugma ang oras nagagawa pa ding mag bahagi ng oras Dahil ang pag-mamahal na bukal sa taong mga mahal walang kasinungalingan walang pag dududa naniwala sa dalisay Dahil sa mas malalim na pag kakaibigan na puno ng lungkot at pighati mga pag subok na kumanti sa pagmamahal ngunit ganon pa man nag tagumpay sa mga hiling sa gabi-gabi sa pagtulog. sa Poong may Kapal, Naway di magsawa sa mga karanasan Sa kapaligaran may kasinungalingan Naway maging aral upang matutong Magbigay ng pag mamahal sa kapwang Walang nakakaunawa at nagmamahal Mga delubyong pinagtagpo ang mga taong mas nag pakatoo at umasang sa huli ay mag tatagumpay ang pag ibig na dalisay ng taong umaapaw ang pagmamahal sa babaeng sinisinta sa bawat minuto at bawat sandali ng kanyang buhay. Ano pa nga ba ang salitang dapat mamutawi kundi mga katagang "Tagumpay ka DALISAY".
0
Apr 5, 2018
Apr 5, 2018 at 10:21 PM UTC
Dalisay at Pagmamahal

Continue reading...
46
"Paalam na mahal." Yan ang huling katang narinig ko mula sa iyong bibig, ang mga salita na tila mga kutsilyong namutawi sa aking dibdib. Naalala ko ang araw ng ating pagtatapos, ang sabay nating pagsaksi sa takipsilim, ang unti-unting pag-angat ng buwan, at ang paglangoy ng mga bituin na tila mga isda sa ating paningin. Mahal. Oo, mahal pa rin kita, ikaw ang natatanging tama sa aking mga pagkakamali, ikaw ang rason sa likod ng mga bakit, ikaw ang ngayon sa tanong na kailan. Oo, ikaw, ikaw na minahal ko ng matagal na panahon at ngayon ay nilisan ang piling ko, sana nakinig na lang ako sa nanay ko, sana binuksan ko ang tenga ko para sa mga sermon ng ate ko, at sana nakita ko ang mga babala tungkol sayo. Ang tanga-tanga ko. Oo, ang bobo ko, sana nakinig na lang ako sa mga payo ng kaibigan ko.
0
Aug 28, 2016
Aug 28, 2016 at 10:43 PM UTC
Paalam
Paglalakbay Nag-iisa, iniwan ng diwang naglakbay patungo sa lugar ng kawalan Naiinip, suya na magmasid Sa paligid na pawang wala namang pinagpalit. Kausap ang sarili,nakikibalita. Baka sakaling may bagong malata. Subalit naaagnas at walang katas. Tuyo, upos at butas butas. Humaplos baka sakaling may madama Nakinig baka sakaling may maulinigan Ngumanga baka sakaling may matikman Na kaunting ligaya ng pawang mailap Napukaw sa manhid na paligid Nakinig sa saliw at lira Ng katahimikan Lumasap ng malamyang putahe Napalasap sa walang buhay na kalagaya
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:17 PM UTC
Paglalakbay (Adventure)
Meron akong labing-isang daliri Ilang beses kong binilang noong bata pa ako, sinigurado kung labing-isa nga ba talaga at nagtataka, nagtatanong kung bakit may sobra pang isa. Meron akong labing-isang daliri May kanya-kanya silang mga kwento. Labing-isa, Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa Hindi ko alam kung bakit ako naiiba Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako. Sabi nila, okay lang daw maging iba Sampu, Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit, Umupo sila sa magkabilang balikat ko, Hindi na sila umalis simula noon, Hindi ko sila pinaalis. Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan, Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin, Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot. Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko, na may pumansin sa akin, Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko. Kung sisiyasatin mo ang utak ko, Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya. Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda, Kanilang susi ay nawala na, Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi Siyam, Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita, Kung gaano sila katalim, Kung gaano sila katamis, Kung gaano sila kapait. Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao. Walo, Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko. Wala pang pumupuno ng katahimikan. Pito, Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba, Kung may makakapuno pa ba, kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit. Anim, Sinubukan kong unang mag salita, Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko. Pero parang walang nakarinig. Hindi ko alam kung mahina ba boses ko o hindi lang nila ako napansin, o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin o kaya wala lang talaga silang **** Simula noon, nakinig na lang ako. Kaya ikaw, oo ikaw na may storya Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa Yung mga bangungot mo, yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo, yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig, Ituring mo akong talaarawan mo, Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka. Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka. Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas. Papakinggan kita. Papakinggan kita. Sana pakinggan mo din ako Lima, Nananahimik at nakikinig pa din ako. Apat, Mananahimik na lang ako. Tatlo, Sa katahimikan ko, Nakalimutan ko na kung paano magkwento, Nakalimutan ko na kung paano umiyak Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita. Dalawa, ... Isa, Natuto ako sumulat ng tula, Nakahanap ng makukwentuhan, Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli. Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan. Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak, kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin. Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita. Meron akong labing-isang daliri, Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
0
May 29, 2016
May 29, 2016 at 2:42 AM UTC
Labing-Isa

84
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait Tuwing iidlip siya ay na riyan Tuwing paggising siya ang hanap Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin Siya ay dala ng nanlamig na hangin Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Malambing na Kaibigang Tadhana
Sabi ng iba mag ingat pag nag mahal. Wag padalos-dalos para sa huli ay hindi ma bigo. Kilalanin ang bawat isa. Intindihin ang mga intensyon. Minsan sa bigla ng iyong pagdating; madudulas, masusugatan, at masasaktan. Dahil ang puso ang unang pinairal at isip ay saglit nalimutan. Dahil minsan ay mas madaling mag bulag bulagan. Kahit ang dumi ay bumubungad sa mga mata. Para lang hindi sya mawala kahit hindi na masaya ang pagsasama. Nakasanayan na ikaw ay laging katabi sa kama. Pero malaking pagbabago ang nasa gitna. Ang pagmamahalan na sobrang tamis noon, pumalit ay asim at pait ng damdamin ngayon. Paano at kailan nag simula mawala ang tamis ng iyong halik? Dahil ba iba na ang nagpapatibok ng iyong puso? Ang haplos na inaasam sa iba na dumadapo? At dahil siya na ang dahilan ng kislap ng iyong mga mata? Gusto ko man itigil ang kirot ng damdamin, pero bakit hindi ko kayanin na ikaw ay mawala sa akin? Minahal ka ng lubusan at buong puso ko'y inalay. Pero ito ay unti- untin **** tinapakan at binali wala ang halaga. Ngayon ako ay huling nagsisisi dahil hindi nakinig sa payo ng iba. -MPS12
0
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 1:22 PM UTC
Huling Pagsisisi
Nakakasawa din pala magpanggap maging masaya, Nakakulong sa kasinungalingan , Marami na rin ang nagtataka, Diyos-diyosan ka ba ama ? bakit hindi kita makita o madama, Walang ginawang paraan nakinig sa mga hindi kilala. Ang daming balita , Nasagap ng aking dalawang tenga, Nanatiling Pipi , ngunit matalas ang aking mga mata, Puno ng galit inggit sa sarili ang aking mga nadarama, Hindi nyo ko tinutulungan , hinayaan nyo lang akong mag-isa. Kailangan ko bang saktan ang sarili ko para sa atensyon at simpatya? O Mamamatay muna ba ako para lang mabuo muli ang aking pamilya? Iiwan ko na ba kayo para lang tayo ay mag kanya-kanya? O Baka may paraan , para ibalik ang masaya.
0
Apr 26, 2022
Apr 26, 2022 at 12:46 AM UTC
Ama
Hindi mo alam kung gaano ko nakipag laban sa mga kaaway. Hindi mo alam kung gaano ko nakiramdam sa mga patay. Hindi mo alam kung gaano ako nakinig sa pipi at bingi. Hindi mo alam kung gaano ko isintabi ang sarili sa gitna ng mga kuro kuro, pag aalala at pagkalungkot ko bawat gabi. Hindi mo alam kung gaano kalamig ang init ng tag araw sa tuwing gigising akong wala ka man lang sa aking tabi. Para kang buhay sa bingit ng katamayan. Para himig sa kawalan. Kawalan ng paramdam at kawalan ng malay. Kasing lamig mo na ang kapeng tinimpla sa mainit na tubig Kasing lamig mo na ang kanin bahaw sa tabi. Anong nangyari? Bakit tila isang bagyo ang nagpawala ng tayo at tanging bakas na iniwan satin ay ito. Bakanteng lote puwang sa puso na ni isang ugat ng pag mamahal ay parang ayaw nang tumubo.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:22 PM UTC
Hindi mo alam o wala ka ng pakialam?
Simula palang alam ko na Simula palang alam ko nang katulad ka rin niya Simula palang alam ko nang mahuhulog ako Kahit na sinabi kong, “Tangina ano, pustahan pa tayo” Simula palang kasi pinaramdam mo na Na sa simulang ito ay maghahantong sa pagtatapos ng “tayo” Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ipinagpatuloy Siguro ay nadala lang din ako sa agos at daloy Bakit nga ba nakinig pa ‘ko sa puso kong nananaghoy Kita mo na ang nangyari, ayan. Ayan tuloy
0
Apr 3, 2016
Apr 3, 2016 at 8:58 AM UTC
He Lario
Ngayon ako'y nagugulimihanan sa nangyayari sa ating samahan Kung dati'y puno ng saya ang nadarama ngayo'y inis ang sa inyo'y nakikita Noon nag-uusap ng masinsinan Sama ng loob ng bawat isa'y naglalabasan ng hindi namamalayan Nakinig sa kanila ng mabuti upang iwasto man lamang ang mga pagkakamali Ngunit kahit ano yatang gawin upang kahit minsan lamang ay mapansin ang mabilis na pagbabago ng bawat isa at ang lungkot na aking nadarama Hanggang kailan kaya magkakaganito ang samahan na unti-unting nagbabago sana nga'y bumalik sa dating saya nang hindi unti-unting magwatak ang barkada
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:34 AM UTC
ANG SAMAHAN
Enero Diez y Otso, Dos mil Kinse Kayrami paring mga sumalubong sa kalye Unang tinungo Unibersidad ng Santo Tomas Tuloy parin ang pangaral at pagbasbas Nakipagkita mga pinuno ng ibang relihiyon Humingi ng pag-unawa at kapayapaan sa mga nasyon Nakinig sa hinaing ng mga kabataan Inalo isang batang babaeng luhaan Huling tinungo ang Grandstand sa Quirino Kung saan may pinakamaraming dumalo Tinig ng koro nakapangingilabot Mensahe ng Dios abot na abot Oh anong saya nang tawagin ng Santo Papa Na dakila ang aming munting bansa Ngayong kapistahan ni Santo Niño Kanyang ipinaalaala halaga ng mga bata sa mundo. -01/19/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:43 PM UTC
Ikaapat na Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas
Tama na at ika'y tumahan Pagod na ang puso **** labis na nasaktan Siguro iyo nang maiintindihan Na hindi ka naman niya ipinaglaban Tama na at ika'y lumayo Sa pagkakadapa ika'y tumayo Sana nakinig ka nalang sa mga payo Na noo'y pilit na ipinaintindi sa iyo Pero huwag kang magsisi Pasalamat ka't ito'y nangyari Marahil hindi kayo naging sa huli Pero marami panamang susunod na muli Hanggang dito nalang muna Lumisan kana sa kanyang kabanata Oo minahal mo siya ng sobra Kaya maging masaya ka parin para sa kanya. ❤
0
Jan 8, 2020
Jan 8, 2020 at 10:10 AM UTC
"Panibagong Kabanata"
Walang pumuwersa sa iyo na magsalita ka. Walang nagsabi sa iyo na ikuwento mo ang iyong pribadong buhay. At lalong walang nagtulak sa iyo na ibahagi mo ang lahat tungkol sa iyong nakaraan. Kaya, kung ano man ang kinalabasan ng pagkukuwento mo sa ibang tao, huwag mo silang sisihin. Nakinig lamang sila sa iyo. Walang labis. Walang kulang
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 1:54 AM UTC
Nakinig Lamang Sila