Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahuhulog" poems
Kung alam ko lang na mamimiss kita nang ganito, Hindi na sana ako umalis. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit, Hindi na sana kita binitiwan. Kung alam ko lang na mahuhulog ako sayo nang ganito ka lalim, Hindi na sana kita minahal Pero ang totoo ay, Alam ko... Matagal ko nang alam, Alam na alam ko Pero.. Alam ko.. Alam ko na mamimiss kita nang labis Pero.. pero Kailangan kong umalis at iwan ka, Kasi alam kong mali. Mali ang makapiling kita Alam ko na masasaktan ako nang sobra, Pero kailangan kitang pakawalan Dahil.. kailanma'y hindi ka talaga naging sakin Alam ko na mahuhulog ako sayo nang napakalalim... Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sayo Nagbabakasakali na sana, sana Possible, maari, baka lang ay saluin mo ako Pero Hindi eh.. Nahulog nga ako pero walang sumalo. Kasi habang nahuhulog pa ako, May kayakap ka na palang iba. At nang bumagsak na ako sa lupa Ang sakit.. Ang sakit sakit.. Nadurog na ang puso ko, wasak.. Was...Wasak na wasak na at Nagkalat sa lupa Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit? Mas masakit Kasi heto parin ako, hawak-hawak ang durog ko na puso Naghihintay Na mahalin mo rin ako...
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:14 AM UTC
Alam Ko (Tagalog)
“Study everything, join nothing” - The Maverick Philosopher Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto **** basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin. Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto **** mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor. Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag **** antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri. Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag **** sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto. Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag **** gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
0
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 8:14 PM UTC
MATUTO SA BAWAT NGAYON

Continue reading...
7
Alam n'yo ang love, pag-ibig o ano bang tawag n'yo d'yan, kusang 'yang dumarating di nga lang nagsasabi kasi wala 'tong bibig (hayyy naku! naman oh!) Pero ano ba kasi ang true love? O baka kaya'y throw love na naman? (tawa muna bago maging seryoso ang usapan) Ito kasi yun, tama na sana! S'ya na sana! Eh shunga-shunga ka eh! Boy Gago! Lady Gaga! Pinakawalan mo pa. (kaya ayun! iyak iyak na naman ang drama) At napatanga sabay sabing "Sayang!" At wala ka ng magagawa upang maibalik pa ang naudlot na love story n'yo. (wag mo nang ipagkaila, tama ako noh?) Nakakasawa rin naman pakinggan ang mga hinaing n'yo! Wala kaming hearing aid, bespren n'yo lang kami! (ano ba, tama na kasi! kasalanan mo rin yan!) Puro pait at pighati na lamang ba? Kaya ang isa sa inyo naging PEANUT BITTER na! (nakakasawa talaga, talagang talagang talaga!) Kaya eto na nga'ng advice ko sa inyo... Sabi kasi nila... Ang love ay parang daw isang itlog... 'Pag hinigpitan mo ang hawak, mababasag... Pero 'pag maluwag naman, mahuhulog lang at mababasag din... kaya dapat tama lang... Yung alam n'yong akma lang sa eksena... Kaya eto ako ngayon, malungkot at nanggiginaw ang puso... (hahahaist...) Kaya bago matapos 'tong tula ko, magtatanong muna ako... Sino bang may gustong humawak ng itlog ko?
0
Nov 11, 2012
Nov 11, 2012 at 12:32 PM UTC
Itlog
I. Katunggali Pauulanan ko ng tingga at pagkayari ay magbubungkal ng lupa sa kaloob-looban     ng katawan – iyong libingang yungib at doon ay hahayaan kang mabulok kaya ingatan mo ako at huwag hayaang biglaang pumutok II. Tanawin dahan-dahan kong aalisin ang sumasaplot na lamig ngayong Hunyo sa iyong katawan at pupunuin ka ng alaala ng Abril itong pagmamalupit bilang talababa matapos tuldukan ang nagdaang panahon kaya ingatan mo ako at huwag hayaang bumigwas sa kung anong grabidad ang pumipigil sa iyong pagkawasak III. Rosaryo sa sukal ng dilim bago magpasalamat at magbigay-pugay sa diyos-diyosan, maingat kong kakapain ang kuwintas ng iyong     mga kamay. Dadagundong sa iyong paglapit ang hungkag **** katawan     paluluhurin ka sa altar ng pagtangis at sabay lulunurin ka sa kasalanan kaya ingatan mo hindi ako, kundi ang iyong sarili at humingi ka ng paumanhin pagkatapos. Hindi na bago sakin ang misteryo ng iyong katawang ibinubulong sa pigurang kahoy: mahuhulog ka sa aking bibig bilang     alinsunurang awit. IV. Iyong katawan Hindi ipaaari sa sinuman. Huwag **** idiin sa akin ang karumihan ng mundo. walang ipalalasap kundi isang ordinaryong karanasan lamang – malayo ito sa inaasahang tagpo kundi pagnanais.            Higit pa sa ingay ay ang salaulang katahimikan   ng dalawang katawan na pumipiglas at nais lumaya sa balintataw ng isa’t isa bilang piitan. Kaya ingatan mo akong mabuti at bigyan ng panuto kung paano ka hahagkan upang hindi      mabasag kung malaglag man sa isang mataas na lugar dahil   mayroon   pa tayong   bukas  na ilalaan para  sa pantasya.
0
Jun 4, 2016
Jun 4, 2016 at 4:15 AM UTC
Kung ang iyong katawan

44
Hindi ko inasahan Na ako'y mahuhulog sayo, Na dati wala akong pake sayo Na dati hindi kita gusto. Kumbaga ako ang umaga at ikaw ang gabi Na kahit kailan hindi pwedeng mapag isa, pero nagkamali ako. Pinilit kong hindi mahulog sayo sa takot na hindi mo pagsalo, Pinigilan ko ang nararmadaman ko na akala ko'y may ibang nagmamahal sayo, Na akala ko'y may iba kang gusto. Pero ikaw na mismo nagbigay ng motibo nung araw na inamin mo ang nararamdaman mo. Nung inamin mo na ako'y mahal mo bumilis tibok ng puso ko nung sinabi mo, ang salitang iyon. Tumahimik ang paligid na tanging tibok ng puso ang aking naririnig. Ang paglapat ng iyong labi tila ba'y ang mundo ay sanadaling tumigil. Hindi ako makahinga na para bang nawalan ng hangin ang paligid. Ang aking bibig parang napipi dahil niisang salita hindi masabi, Ang aking mata sayo'y nakatitig Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi na dahilan ng iyong pagngiti. Na ngayon ikaw ang alon na sumasalubong saaking mga paa, ikaw ang araw sa aking umaga ikaw ang buwan sa aking gabi, ikaw dahilan ng pagngiti. Ang takot napalitan ng pagasa ang lungkot napalitan ng saya, hindi inaasahan na ako'y mas mahulog na pala, at sinabi din ang salitang MAHAL DIN KITA.
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:38 AM UTC
Ako'y nahulog sayo
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon. Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao. Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis Para sa ikuunlad ng kabuuan. At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya Ang mga may buo ang loob. At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba -- Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 9:58 PM UTC
Buhos
Isang taon na mula Noong una kitang makita... Noong pinili ka ng aking Paningin kahit na sa Totoo lang, marami kayong Naka-itim na pantaas. Noong naisip kong Handa na, pwede na ulit Akong mabaliw sa saya Diba, parang tanga lang? Noong naisip kong May gaganda pa pala sa Paborito kong pelikula. Hay, ang mga matang iyan. Pero, mayroon akong mga nalimutan. Sana nakita ko rin Sa araw na iyon lahat Ng di ko pa makita o Mga iniwasang makita. Sana nakita kong Di na naman ako mag-iingat Tapos saka mahuhulog Nang tuluyan. Sana naisip kong May mga damdaming Marinig man, ay hindi Nabibigyang kasagutan. Sana tinanggap ko agad Na maaaring ang mga Kaibigang tulad ko, Kaibigan lang talaga. Wala namang kahit Isang dahilan noong Magustuhan kita. Kaso naman, Andami palang rason Para mas mahalin ka. Kaya ayun, isang taon na. Isang taon na palang Pangarap kita.
0
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 1:27 PM UTC
Isang Taon
Hangal na humahagilap ng salapi at material Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal Lubusang lumayo sa inaasahang pangako Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako? Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog Gising nga ngunit patuloy na natutulog Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog? Dakila nga sa lahat ng mga hangal Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal Ano ba ang nais **** parangal Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal -JGA
0
Jan 10, 2022
Jan 10, 2022 at 8:40 PM UTC
Dakilang Hangal
*Hayaan **** saluhin kita na tila isa kang bulalakaw na babagsak pa lamang... Hindi na kita hahayaang lumagpak pa ng tuluyan At hindi na rin ako mahuhulog para sa iba*
0
Jan 15, 2016
Jan 15, 2016 at 11:19 AM UTC
Bulalakaw
Simula palang alam ko na Simula palang alam ko nang katulad ka rin niya Simula palang alam ko nang mahuhulog ako Kahit na sinabi kong, “Tangina ano, pustahan pa tayo” Simula palang kasi pinaramdam mo na Na sa simulang ito ay maghahantong sa pagtatapos ng “tayo” Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ipinagpatuloy Siguro ay nadala lang din ako sa agos at daloy Bakit nga ba nakinig pa ‘ko sa puso kong nananaghoy Kita mo na ang nangyari, ayan. Ayan tuloy
0
Apr 3, 2016
Apr 3, 2016 at 8:58 AM UTC
He Lario
Hindi gaanong galit at kasakiman Ay kung ano ang kailangan namin At higit pa sa serbisyo na totoo; Mas maraming lalaking magmamahal Ang watawat sa itaas At panatilihin itong una sa pagtingin. Hindi gaanong magyabang at magyabang Tungkol sa watawat, Higit na pananampalataya sa kung ano ang ibig sabihin nito; Higit pang mga ulo ng tuwid, Higit na paggalang sa sarili, Hindi gaanong pinag-uusapan ang mga makina ng giyera. Ang oras upang labanan Upang mapanatili itong maliwanag Ay hindi sa kahabaan ng paraan, Ni 'tawiran ang bula, Ngunit dito sa bahay Sa loob ng ating mga sarili ngayon. 'Dapat nating mahalin Ang watawat sa itaas Sa lahat ng aming lakas at pangunahing; Para sa aming mga kamay Hindi malayong lupain Darating ang mantsa ng pagkahiya. Kung ang watawat na maging Hindi pinasasalamatan, kami Hindi nagawa ang kalaban; Kung mahuhulog ito, Kami, una sa lahat, Kailangang hampasin ang hampas
0
Jan 25, 2021
Jan 25, 2021 at 6:35 PM UTC
Tungkulin sa ating watawat
ikaw ang ulan at ako ang hamak na daanan kahit gaano katagal o kahit gaano kabigat ang dala mo'y sa akin ka pa din hihimlay babagsak at mahuhulog ka pa din sa akin pupunan ang mala tagtuyot na panahon iaahon sa init ng mga sitwasyon at ngayon sa muli **** pagbagsak ay tandaang sasaluhin ka dahil ikaw ay ulan at ako ang hamak na daanan na kahit hindi man pareho ang pinagmulan ay paulit-ulit na sa akin ka hihimlay babagsak at hihimlay babagsak at walang hanggan na pagmamahalan.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 5:13 AM UTC
bagsakan
sa paglubog ng araw ay nakatakda ang pagsikat ng buwan magniningning ang mga bituin huhuni ang may sanlibong kuliglig maririnig ang daing ng nagdadalamhati "magandang gabi, buwan." nakabibingi ang katahimikan walang tugon subalit tiyak na may nakikinig madilim ngunit siguradong may nagmamasid iihip ang malamig na amihan sa pagsambit ng mga panaghoy, bubuhos ang ulan mula sa mga mata hihiyaw sa galit at hapis ang nagtitimpi titigil ang mga kuliglig mag-iibayo ang katahimikan patuloy na lalagaslas ang ilog sa 'di kalayuan, kasabay ng rumaragasang damdamin bababa ang buwan mula sa langit mahuhulog ang mga tala ako'y mababalot ng hiwaga
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 8:57 PM UTC
takipsilim
Isa dalawa tatlo Mag unahan tayo sa dulo Kung May mahuhulog Ay Walang sasalo Apat Lima anim Nagiiba na ang takbo ng mundo Nahuhulog na yata ako sa iyo At Unti unti ko ng ginugustong sumuko Sa laban na ito Na nakakalito Ano ba ako sayo? Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako Dahil habang lumalayo Mas lalong lumalabo Mas lalong nagiging komplikado Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko Natatakot ako Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin Na bawal mahulog Dahil hanggang kaibigan lang tayo Pito walo siyam Nagiiba na ang ihip ng hangin Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin Kaya ko pa ba? Kasi yung taong gusto ko May gusto ng iba Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan Para nadin mawala ang mga “Baka sakali” Na gumugulo sa isipan ko Para nadin matauhan At matuto na ako Sampu Paalam Ito ako ngayon sa harapan mo Nagsasabing ako na’y susuko
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:14 AM UTC
SAMPUNG HAKABNG PAPALAYO SAYO
umuulan nanaman papatak na ang mga salita tutulo na ang mga luha dadanak na laman ng puso mahuhulog nanaman sa’yo pero di ka pa rin aabutan ng ulan
0
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 10:37 AM UTC
sa ulan.txt
012025 Paanong ang mga bulalakaw Ay kusang nagpapaubaya? Mahuhulog sa lalim ng gabi Dawit ang liwanag nitong taglay. Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan At pumipisan pa rin ang mga mata Sa lilim ng Kanyang kagandahan. Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat, Sa palad Niya’y kakapit pa rin Maging ang may tangan ng mga sandata. Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi. Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim Na nagbabakasakaling masaklawan nito Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag. Ilalantad na ang sarili Na para bang ito na ang huling paghinga. Hindi na iaantala ang panahon, Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa — Ngayon ang tugon nya‘y “oo” Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
0
Jan 20, 2025
Jan 20, 2025 at 10:03 AM UTC
Tugon
ang tali ko ngayon ay unti-unti nang napapatid ngunit ako pa rin ay kumakapit dahil alam kong maikli lamang ang buhay kaya hahayaan ko na lang ang sarili ko kung mahuhulog na ako muli sapagkat gagawin ko ang lahat makamit lamang ang pag-ibig na wagas.
0
Mar 25, 2020
Mar 25, 2020 at 10:01 AM UTC
ang tali