Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahagilap" poems
Lumaki akong namulat na may pagkakaisa, Pagkakaisang hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Kahit mailap man noong pagbubuklurin ang kapwa, Nananaig pa rin ito kasama ang pagkakawang-gawa. Isang simpleng salita, malalim naman ang kahulugan. Maihahalintulad sa bigkis ng laksa ng magigiting na sandatahan. Sama-samang lumalaban para sa kapakanan ng bayan, Upang maisulong ang kabutihan, hatid ay kapayapaan. Ngunit bakit ngayon, pagkakaisa ay kay ilap? Parang ilaw sa kabaret, bihira **** mahapuhap. Takot na ang iba, kinalimutan pang mahagilap, Dahil nakaharang ang mga buwaya, tinakpan ang pangarap. Huwag nating hayaang ito ay tuluyang maglaho. Alisin ang pangamba, buhayin ang karapatang pantao. Magkaisa sa isang diwa ng maka-masang pagbabago, Nang mailigtas pati ang mga inosenteng bilanggo.
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:56 AM UTC
Pagkakaisa
And in the end, the love you take is the love you make. -The Beatles Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan. Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian. Masarap lamang itong pakinggan. Noong inibig mo ako, Hindi. Mas tamang sabihin na noong naisip **** iniibig mo na ako, Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo. Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko. Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo. Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo. Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo, Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang, Naramdaman ko. Pinaramdam mo silang lahat sa akin. Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo. Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom, Manggaling sa kanya mismo. Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya. Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga. Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa Na maisip **** sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam, Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman, Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo. Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo. Oo. Ako. Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na gusto kong isipin Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin. Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman. Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling. At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang. Dahil sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. Pero hindi. Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago. Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo. Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino. Pero hindi. Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit. Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan." Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha, Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na, Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya, Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata. At unti-unti kang nabulag. At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na. Lumipad at nawala. Hindi bulag ang pag-ibig. Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara. Wala kang natutunan sa nakaraan. Hindi ka nga nasasaktan. Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
0
Jun 9, 2016
Jun 9, 2016 at 1:58 AM UTC
Ang kaibahan ng katalinuhan at kaduwagan

Continue reading...
59
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan; Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y ikakasal na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n  ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Nov 27, 2011
Nov 27, 2011 at 8:42 PM UTC
Takipsilim
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Maria, ang Ibarra na 'yong inirog At pag-ibig na nalimot Ay muling umahon sa ilalim ng ilog At ako'y ginising sa aking pagtulog Ang iyong kwento'y tila nauulit Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis Dahil kay Linares na di maalis Ikaw ang Modernong Maria Clara Masiyahin, mabuti at mganda At ako si Crisostomong Ibarra Walang pinagkaiba Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha Ikinasal sa bayan at mga pangarap Patawad ngayo'y di kita maharap Ika'y isang malayong pangarap Na sa mga kurso'y di ko mahagilap Anupa't ika'y nakangiti ngayon Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong **** Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman Musikang ngayo'y kakampi Dusa sa di makuhang pulang mga labi Kung darating man ang panahong "Ikaw" Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw Sa di pagtingin sa king mata Wari ko'y alam mo na Ang aking tunay na nadarama Mahal kita Maria Clara, Paalam na
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 2:22 AM UTC
MARIA CLARA
Nakaw-Tingin Nang masilayan ka, Buhay ko ay sumigla. Nang makilala ka, Ngiti ko'y kakaiba. Nang ika'y dumaan, Sa aking harapan, Ako'y nag-alinlangan, Kung ika'y ngingitian. Hindi ko maiwasan, Na ika'y hangaan. Sa iyong kagandahan, Nagkakagusto ang kalalakihan. Laman ka ng isipan, Mukha mo'y napapanaginipan, Sarili ko'y di maintindihan, Damdamin ko'y naguguluhan. Tinangka kitang lapitan, Upang iyong malaman, Na kita'y hinahangaan, Gustong maging kaibigan. Nang tayo'y magkaharap, Wala akong mahagilap, Hindi ko mahanap-hanap, Ang salitang pangarap. Nalimutan ko ang katapangan, Naduwag ang aking kalooban, Hindi ko na napanindigan, Ang mga salitang binitawan. Torpe na kung tawagin, Kahit na ito'y nakaw-tingin, Sa malayo ika'y napapansin, Ako'y nagpapasalamat pa rin.
0
Mar 12, 2016
Mar 12, 2016 at 10:58 AM UTC
Nakaw-Tingin
Tulad ng isang hangin na hindi makita Nakabalot sa walang hanggang pangarap. Ang bawat sandaling hindi mahagilap Nag-aabang, nagkukumahog na aking malasap. Lamyos ng iyong tingin. Nakasusulasok sa aking damdamin. Hindi masilayan. Isa kang sinag na hindi mahawakan. Hindi ko maintindihan, saan nga ba nagmula. Ang damdaming hindi naman maaring isakatuparan. Tanging iniisip ay ang ikaw ay makitang muli. Paano ba ipasasang-tabi ang bangungot ng huling sandali. Ito ang aking diwa, ito ang aking panaghoy. Isang tulang walang pamagat. Dulot ang Isang walang hanggang sugat. Paano ba itutula, Isang tulang walang Pamagat? Sa simula ng pagsanaysay. pilit na nilalakbay. Saan nga ba mahahagilap. Ang isang Tulang Walang Pamagat. Tulad ng Isang Sinag, Hindi lubos Ilapat. Ang Bawat salitang lumalabas, tulad ng Ulan, pumapatak. Sa kalaliman ng Gabi. Pawis ay Tumatagaktak. Dumating na nga ba ang Tamang Oras. Na sa iyo ay Ilabas. Ito ang Aking Panaghoy Isang Tulang Walang Pamagat. Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat. Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat Balang Araw maitutula rin. Ang aking nararamdaman. Lubos na pagsinta at pagmamahal. Habang Hindi Pa Makakaya. Ito muna ang isang Tulang Walang Pamagat.
0
Sep 22, 2015
Sep 22, 2015 at 12:17 AM UTC
Walang Pamagat
"Pag-ibig ay darating sa'yo" sabi ng mga makata, Wari'y sa edad ko ang pag-ibig ay mahirap makita, Ilang beses nga bang kailangang sabihin? Talaga bang mapait ang dapat kong sapitin? Higit isang dekada na 'ko sa mundo ngunit ang pag-ibig ay 'di mahagilap, Ganito ba talaga ito kahirap? 'Di ko naisip na ito'y aabot pa sa ganito, 'Di ko napaghandaan at wari'y 'di napagtanto, Lingid sa aking kaalaman, Kaya 'di ko natandaan At mas lalong 'di ko napaghandaan, Ayaw na niya pala at matagal na niyang kinimkim, Ako'y nasugatan at nagdusa ng mataimtim, Sabi ni Inay: "Ba't ba wala kang dala? Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo ng hahanapin ang wala?"
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 12:55 AM UTC
Wala
paminsan pangungusap madalas tanong paminsan nagmumula sa'yo madalas nanggagaling sa'kin paminsan kay hirap sabihin madalas kay sarap pakinggan paminsan binibitawan ng may kasiguraduhan madalas may kalakip na pagdadalawang isip paminsan may kahulugan madalas hindi maintindihan paminsan walang bakas ng kasinungalingan madalas di mahagilap ang katotohanan paminsan tapat at totoo madalas hanggang panaginip na lamang
0
Apr 18, 2016
Apr 18, 2016 at 5:11 PM UTC
"mahal kita"
Sa lumbay at lungkot, Sa mga panahong nababalot ng poot, Sa mga panahong tahimik ang 'king mundo, Sa mga panahong malalim ang iniisip ko. Hinahanap-hanap ka, Sa iyong mga piyesa, Ngunit hindi ko na mahagilap, Mga tulang sa akin unang yumakap. Yakap na kay sarap, Yakap na hinahanap-hanap, Yakap na puno ng kalinga, Yakap na sa aki'y nagpadama. Bakit, bakit nawala? Sa isang iglap, bigla-bigla, Anong nangyari? Sa manunulat na sa aki'y natatangi. Sanay maabot ng aking mga salita, Maging tulay ang aking mga tula, At sa iyong lumbay, madama sana ang kalinga ko, Dahil ako naman ang yayakap sa'yo.
0
Jun 6, 2018
Jun 6, 2018 at 1:50 PM UTC
Yakap
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Maingay. Siksikan. Mainit. Nakaiinip. Nakipila. Naghintay. Isa. Dalawa. Tatlong oras. Reklamo nila. Reklamo ng lahat. Nainip. Umupo. Nakitabi. Nag-ingay nang nag-ingay. Maraming nagsidatingan. Kanya-kanyang kwento. Nagkwentuhan. Umambon. Umulan. Payong. Binuksan. Nakisilong. Pinayungan. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Tarangkahan. Bumukas. Tulakan. Umuulan. Tulakan. Sigawan. Tulakan. Siksikan. Siksikan. Naapakan. Tulakan. Walang makapitan. Pinakapit. Kumapit. Tapak. Hagdan. Umakyat. Inalalayan. Humakbang. Umusad. Pinauna. Pinasalamatan. Nagapasalamat. Nagkangitian. Umakyat. Sinundan. Di nahagilap. Tinunguhan. Di nalaman. Kinalakhan. Di nalaman. Pangalan. Naaalala. Ngiti. Labi. Matang singkit. Matangos na ilong Berde ang bag. Pula ang damit. Sumbrero'y itim. Ulong maliit. Umupo. Hinanap. Hinanap. Hinanap. Di makita. Di mahagilap. Tanging maalala. Pagtulong twina. Nakababagot na pila. Siya nakita. Mahabang oras nakasama. Salamat. Pila. Sandaling nakasama. Alaala. Siksikang pila.
0
Feb 18, 2018
Feb 18, 2018 at 10:55 AM UTC
Pila
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik. Magdamag na at maghapong pumapatak ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap kasabay ng daloy ng aming walang katapusang pag-usal ng “Bakit?          Bakit?                  Bakit?          Bakit?          Bakit?” at impit na buhos ng mga luha mula sa mga dinurog na puso. Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong ng malungkot, makapal na ulap – mistulang tinabunan ang mga pangarap wala ni pipíng kasagutang maapuhap. Wala, wala, wala . . . Wala akong mahagilap na sagot Tumitibay lamang ang aming paniwala ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka Katarungan ay mailap Hinipan man ang kandila Naroon pa rin ang iyong liwanag Madilim man ngayong gabi Gagabay ka sa aming paglalayag Kami na rin ang lumikha ng sagot At iisa lang ang aming alam Pagmamahal mo sa ating bayan kailan man ay hindi malilimutan Lagi at lagi kang pasasalamatan At ang lahat ng iyong marami at magagandang sinimulan Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
0
Dec 4, 2020
Dec 4, 2020 at 8:56 PM UTC
Luksa ang Bayan
Gabi-gabing tinitiis ang lamig Ng pusong binibigo ng pag-ibig Unti-unting bumibitaw ang mga kamay Sa relasyong unti-unti na ring namamatay Sa bawat bitaw ng buntong-hininga Kalakip ang malaking panghihinayang Sa bawat luha na tumulo mula sa mata Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya Pilit mang itulog na lang ang lahat Pilit mang ibaon ang sakit sa limot Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot Kailan kaya gigising sa umaga Na kayang tanggaping wala ka na? Kailan kaya gagalaw muli ang oras Na tumigil nung bigla kang nawala? Kailan maghihilom ang mga sugat Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon? Kailan kaya ako makakalimot ng lubos Para puso'y matutunang umibig muli? Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko O Pag-ibig na mahirap mahagilap Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap Sana'y ang susunod siya na ang huli Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
0
May 19, 2019
May 19, 2019 at 2:52 PM UTC
Dalangin
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:22 PM UTC
NASAAN KANA NGA BA?