Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magtitiis" poems
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

Continue reading...
69
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

34
082121 O giliw at ginintuan kong bayan, Sa mga galamay ng may burdang hinagpis Ay ‘di patitinag ang katapatan kong sayo’y itinatangis Panaghoy ko’y ‘wag sanang lisanin Ang pangako nating hanggang sa dulo’y mananatili. Hindi man sa ngayon Ang paggawad ng medalyang kailanma’y hindi mangangalawang, Ako’y magtitiis sa muling paglipad Ng kalapating pilit na itinatali’t ikinakahon Sa mga islang tanging anino na lamang ang kasarinlan. Kung mamarapatin lang ng may Likha Na ako’y tupukin na lamang ng apoy na hindi nakasusunog At ako’y ayain sa hardin nang walang kamalayan Kundi pagpuri sa Kanyang kagandahan. Ngunit kailanma’y hindi ako mangingimasok Sa kung anumang inilatag sa aking harapan. Gustong lumuha ng dugo Ng aking mga matang may iisang tinitingnan. Sa mga kamay Niya’y Hahayaan ko na lamang na dumungis ang mga butil At ang Kanyang pagkalinga’y Magsilbing panlaman-tiyan. Kung makararating man sa lahat ng mga pinili Na ang aking pananatili’y hindi pansarili lamang Kundi ito’y aking pagpasyang piliin pa rin Ang tahanan bagamat ito’y pinagtaksilan ng karamihan. Sa mga pulong walang kapanatagan At walang kapaliwanagan ang may kapangyarihan, Ay naniniwala akong hindi paglisan ang solusyon. At kung takot at pangamba ang kanilang mga naging dahilan, Ay hindi ko kokonsintihin Ang puso kong anumang oras Ay kayang piliin na rin ang paglisan.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:50 PM UTC
Panaghoy
Sa tuwing makikita ko Ang mga ngiti mo Wari ko'y matutumba ako Lagi ka na lang pinagmamasdan Mula dito sa malayo Tumitingin... Tumititig... Basta masulyapan ka lamang Masaya na ako Nagtitiis... Nag-aabang... Nagbabakasakaling ikaw din ay mapatingin Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Kapag nakikita kita Ayos lang kahit na may kasama kang iba Alam ko namang wala akong pag-asa Kaya dito na lang ako sa malayo Pagmamasdan ang mga ngiti mo Magtitiis... Mag-aabang... Magbabakasakaling ako rin ay makikita mo
0
Sep 3, 2016
Sep 3, 2016 at 1:06 PM UTC
Dito sa Malayo
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

58
Mahirap, 'di ko tal'ga alam pa'no tanggalin ang gusot nitong aking damit, nakakahiya naman kung ito pa'y susuotin, magtitiis na lang ba ako sa buhay na mapait? Pumunta na ako sa iba upang humingi ng tulong, subalit wala silang maimungkahi sa gusot na 'to, kaya hinarap ko'ng mag-isa; wala ng iba, at doon ko nalaman na may plantsa naman pala.
0
Nov 2, 2011
Nov 2, 2011 at 4:40 AM UTC
Gusot
Pagsinta na ipinanganak sa buwan na kulang-kulang ang mga araw Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam Winawangis sa tagsibol ang panahon ng pagsilang Kaya magiliw ang hangin, bagong simoy hatid ng dalampasigan Ang dapyo ng Amihan simbanayad ng paghinga sa pumapagaspas na dahon sa bumabaluktot na sanga Dahan-dahan nang nanaog ang kaluwalhatian ng langit sa mga batang umiibig sa mga binatang naghihintay nang nanabik Sa sumasangang pag-irog dalawa o mahigit pang katipan marami ang nagugustuhan Walang wasto at tiyak na kamalian sa pagmamahal Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang Maging ang mga naging bulag na ay matuwid kung lumakad sa daan Sa batas ng pag-ibig ang kalooban ang magtitiis kung magkasala ang damdamin ang maghihinagpis
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 1:47 AM UTC
Puso ng Pebrero I
Sa dami ng mga taon na lumipas Alaala mo’y wala pa ring kupas Milyong luha na rin ang tumagas Sa sakit hindi pa rin makatakas Pangalan mo’y sigaw pa rin ng aking puso Dama at dinig mo ba kahit ika’y malayo? Dama mo ba ang bawat hinagpis? Dinig mo ba ang aking pagtangis? Bakit ka lumisang sobrang bilis? Sa kirot at sakit, hanggang kailan magtitiis? Sa dami na ng taon na lumipas Ang pagmamahal ay wala pa rin kupas Milyong luha man ay patuloy pa rin sa pagtagas Mahal pa rin kita sa bawat darating na bukas. Buhay mo man ay biglang binawi Pag-ibig ko sa iyo ay hindi kailanman mahahawi Ang buhay man ng tao ay may wakas Mananatili ang pag-ibig na wagas Hanggang sa dulo man ng wakas Pag-ibig na wagas ay mag-iiwan ng bakas.
0
May 17, 2021
May 17, 2021 at 9:44 PM UTC
Sa Dulo ng Wakas
*Ngunit ako'y natataranta At ako'y nagtataka Kung bakit kinailangan Mo pang mawala Hindi na nagpahanap At 'di na bumalik Kaya habang ika'y wala sa 'king piling Ako'y magtitiis 'Di maiwasang isipin At magtanong sa sarili Kung ano ang nagawang mali Ano ba ang nangyari At habang lumilipas ang panahon Alam ko'y hindi na mababalik ang kahapon Ito na lama'y tatanggapin Kaysa maghanap pa ng bagay na hindi na muli Mapapasaakin*
0
Mar 4, 2015
Mar 4, 2015 at 9:25 AM UTC
Naglaho Na Ng Tuluyan
Umiiyak ka nanaman. Nilulunod ang sarili sa alaala ng nakaraan. Nakaraang winasak ka hanggang sa wala ka ng maramdaman. Nakaraang sinumpa mo ngunit gusto mo pa ring balikan. Sa sarili'y tinatanong ang mga katanungang wala namang sagot. Umiinom ka nanaman ng lason na kalauna'y ginawa mo ng gamot. Anong nangyayari sayo? 'Di ka pa ba napapagod? Luha mo ay patuloy parin sa pagdaloy, Habang nilalango ang alak na sa lalamunan ay umaapoy. Nagluluksa ka dahil puso mo'y siya parin ang tinitibok. Tangina, kailan ka babangon sa pagkakalugmok? Madilim na langit ay unti-unti nang lumiliwanag, Liwanag sa iyong ngiti kailan ko kaya ulit maaaninag? Umaga na, di ka parin tapos sa pagtangis. Hanggang kailan ka ba magtitiis? Mahal ko, tama na. Ako ang mas nasasaktan sa iyong ginagawa. Tahan na, mahal ko, parang awa mo na. Baka ikamatay ko na kung bukas iiyak ka nanaman dahil sa kanya.
0
Jul 25, 2020
Jul 25, 2020 at 9:09 AM UTC
Tahan Na