Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inukit" poems
NOBYEMBRE 20, 2018 hugis pusong inukit sa munting puno nagbunga ng matamis itong pagsuyo sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako na tayo lang dalawa ang magkasundo ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig halina’t maging mainit ang dating lamig oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig, (sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani sa punong may lilim, kasama kita aking sinta wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
0
Nov 20, 2018
Nov 20, 2018 at 12:05 AM UTC
Puso Sa Puno
Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo Sabay tayong nangarap noon At alam kung balang araw matutupad iyon Pero tila labag talaga sa atin ang mundo Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita Umalis ka at ako'y iyong iniwan Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo Mga yakap mo gusto kung madama muli Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan Tila buhay ay parang sentonadong guitara Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay Masaya na ako mahal sa buhay kung ito Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 11:20 AM UTC
Puno ng Pangako (Tree Of Promises)

Continue reading...
37
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig? Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito. Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko, Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo, 'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula Hindi pa rin ba sapat, na nakilala kita? Para maintindihan ang pag-ibig? Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula. Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan, Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam. Hindi ako makahinga, Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong, Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig? Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating. Kung ang pag-ibig ba ay... Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon? Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo. Ang pag-ibig ba ay... Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay? Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap? Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan. Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig. Natakot ka at nabighani. Ang pag-ibig ba ay... Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses? Ang mga guhit sa braso mo? Ang mga natuyong luha mo? Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan? Natatakot ako, Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan, Mapapagod ako at susuko. Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro, Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko, Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan. Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig, Limang beses akong nagkamali. Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig, Ang ano, bakit, kailan, at paano. Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan. Pangako, Sa sandaling maramdaman natin 'to. Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
0
Jun 27, 2016
Jun 27, 2016 at 6:32 AM UTC
Higit Pa Sa Pag-ibig

45
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

73
“Tabing Dagat” Naalala mo pa ba? Ang huling sandali na kasama kita? Nong panahong sinabi **** susuko ka na Nong panahong ako ay binitawan mo na At ika’y umalis at iniwan ako sa tabing dagat mag isa Saksi ang mga hampas ng alon noon sa mga pangako mo Pangako na noo’y pinanghawakan ko at ngayon ito’y nag laho Pangako mo na parang kastillo ng buhangin na iyong binoo At sa isang iglap lang ito’y hinampas ng alon hanggang sa ito’y gumoho Inukit mo pa noon ang pagalan naten sa basang buhangin At sinabayan mopa sa pag kanta na puno ng mga dalangin Dama yong pagmamahal noon at sa init ng mga yakap mo Pero dama ko rin yong sakit nong araw na ako’y iniwan mo Hawakan mo mga kamay ko at walang isa sa atin ang bibitaw Ngunit nong pag bitaw mo mundo ko’y tuloyan naring nagunaw Saan na ba yong mga pangako mo noon na pinaniniwalaan ko Mga pangako na ngayo’y diko alam kung yon ba ay totoo Nilakbay ko ule ang dagat dahil baka sakaling nan’doon ka Kaso ultimo animo mo’y di ko na masilayan at di ko Makita Nag laho ka na nga gaya nong mga pangako mo noon Babalikan pa ba ako kahit alam kung may mahal ka na ngayon? Kay sakit mahal na pag-ibig naten noon ay inanod narin ng alon Tanging alaala naten nong kahapon ay siyang lage kung baon Kung sakali mang babalik ka pa alam mo na kung saan ako makikita Sa tabi ng dagat kung saan mo rin ako iniwan at binitawan sinta
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 9:46 PM UTC
Tabing Dagat
(A tagalog poem) ㅡ Tyaka na lang kita papansinin, kapag kaya na kitang bigyan ng isang matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi nangangamoy usok ng sigarilyo. Tyaka na lang kita kikilalanin, kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip. Tyaka na lang kita tatawagan, kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog bago pa magpalitan ang araw at buwan. Tyaka na lang kita iisipin, kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo at hindi ang maaari kong gawin sa sarili oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto. Tyaka na lang kita papakatitigan, kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula. Tyaka na lang kita kakausapin, sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig, sa oras na kasiyahan na ang nasa isip at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid". Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay, kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso, kapag ang isip at kalooban ko'y muli nang nagkasundo. Tyaka na lang kita hahalikan, kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi. Tyaka na lang kita yayakapin, tyaka ko na lang hahayaan ang sariling maranasan na iyong mahagkan, kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras. Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan? At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako. Patawarin mo ang kototohanan na binubuo ako ng kalungkutan at kaguluhan. Patawarin **** kung minsan kapag bumuhos ang luha ko'y mas malakas pa sa ulan. Isang araw, aawit ako ng awit ng pananalig at katiyakan. Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan. Ngunit sa ngayon, dasal ko'y patawarin mo muna ako. Giliw, tyaka na lang kita iibigin... kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 9:52 AM UTC
Awit Ng Pasubali

46
Sino ba naman ako para magpakitang muli sa'yo at sabihing sorry sa lahat ng aking nagawa? Sino ba naman ako para humingi ng pagkakataong maibalik pang muli ang mga nangagdaang panahon? Sino ba naman ako para magparamdam muli at sabihin sa'yo, na miss na miss din kita? Sino ba naman ako para mahalin kang muli at susubugang ibalik ang 'yong pagtinging nawala? Sino kaya ako? Sino ba naman ako? Ayos lang na magalit ka sa'kin, okay lang talaga! Promise 'yan. Sapakin mo 'ko kung gusto mo, wala akong imik pa rin, wala akong pakialam, kasi ang alam ko pinaghintay kita ng matagal, sinaktan kita ng matagal, iniwan kita ng matagal, matagal na matagal, kasi mali lahat ng inakala ko. Sabi ko, "You're too good for me", tama! Oo, kaya nga siguro mahirap lumapit at sabihin lahat ng nararamdaman ko noon. Pero sino ba naman ako para humingi pa ng isa pang pagkakataon na ibigin mo? sino ba naman ako? Kundi isang tao lang na wala ng silbi na sa'yo. Okay, tanggap ko na, tanggap ko na lahat, pero tanong lang, May chance pa ba ta'yo? May chance pa ba na maibalik ko ang nakaraang inukit natin sa isang bato? I think it's too early pa para magparamdam muli. Pero teka lang, wait..... tanong ko muna, bago matapos 'tong tula, mahal mo pa rin ba ako? O kaya'y, hanggang ngayon ba'y may gusto ka pa rin sa isang pahamak na katulad ko? At sinasabi mo lang ba na wala na para masaktan mo rin ako? Please lang naman o, try to answer lang. Kahit anong isasagot mo, I will accept it naman.
0
Sep 18, 2012
Sep 18, 2012 at 5:29 PM UTC
Sino Ba Naman Ako?
Alaala ng alapaap Ang naglahong mga pangarap Sa dapithapon na umaga ng kawalan ng pag-asa. Alaala ng alapaap Ang bawat pangungusap Na sa dugo ay inukit At buhay ang kapalit. Alaala ng alapaap Ang mga bugso ng damdamin Ang mga pusong lumalaban Para sa iisang adhikain. Ngunit sa bandang huli Sa paglipas ng panahong mahaba Tanging ang alapaap Ang tunay na umaalala.
0
Nov 8, 2016
Nov 8, 2016 at 10:58 AM UTC
Alapaap
Mahal kong Margaret, Patawad (Higit pa sa Sampong beses ko na tong nagawa Hanggang ngayon di pa maunawa Ang tulad mo sa akin na nag mahal ng kusa Nasaktan ko ng di sinasadya) Alam kong sawa ka na sa paulit ulit na nang yayari, Away bati sa mga bagay na kahit na simple. Walang ibang Iniisip kundi ang puro pansarili, Nagseselos ako bawat sinong makatabi. Marahil pagod ka na, at gusto mo nang umayaw. Ngunit sana ikaw ay magbalik tanaw Humihingi ng tawad, hiling na magbalik ang dating ako at ikaw Maging ako man ang inakalang papawi ng luha sya pa ang unang bumitaw Tanggapin ang alay kong tsokolate at rosas na pula Tikman ang tamis nito, tulad ng pagsisikap kong laging pasobra May taglay na bango ang bulaklak, binabalik ang alaala Ng lumipas, Kalakip ang tula galing sa puso, inukit sa pluma, indinaan ko sa letra. Pakinggan mo sana ang mga daing kong nawalan nang tinig Masdan ng mga mata **** nakapinid,ayaw nang tumititig Muli nating painitin ang samahang unti unti nang lumalamig Bigyang pagkakataong buhayin ang pusong di na pumipintig Alam mo namang lahat ay aking gagawin, Ano mang kaparusahan ay handa ko nang akoin, Sa panong paraan ba ako patatawarin? para lang ANG PANGALAWANG PAGKAKATAON SA AKIN AY IYONG MARAPATIN. *ps. hintayin kita duun lagi 。 1-4pm kada meirkules Makatang humihingi ng tawad, August E. Estrellado
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:33 AM UTC
PATAWAD
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling Sa aking gunita, alaala mo'y hiling Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala Kung sa langit kasama ka na ng mga tala Hindi man lang kita nasilayan Mukha mo ay hindi rin namasdan Bisig ko ay hindi ka nabuhat Init mo'y di ko manlang nadama Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak? Musika ba sa akin ang iyong halakhak? Maliliit **** kamay, nais kong hawakan Habang mga titig mo'y di pakakawalan Sa diwa ko'y yakap yakap kita Habang ako ay may heleng kanta Sa gayon sa iyong mga labi Mayrong hatid na maamong ngiti Aking anghel, dito sa puso ko Mananatili bawat pintig mo Dito sa aking diwa at isip Habang buhay kitang iuukit
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 2:52 AM UTC
Inukit kong Anghel
Darating ba ang panahon kung kailan hindi mo na ako itutulak palayo na yayakapin mo ako ng mahigpit at hindi na pakakawalan sa mga bisig **** naging kanlungan sa tuwing hindi ko na kaya ang bigat na pinapataw ng mundo Darating ba ang panahon kung kailan hindi na ako mangungulila sa iyo, na ikaw na ang nasa kinalalagyan ko at ako naman ang hahanapin mo, na ikaw naman ang siyang tatawid ng distansyang namamagitan sa atin Darating ba ang panahon kung kailan ako na ang paksa ng mga berso **** likha na ako naman ang pag-aalayan mo ng katha Darating ba ang panahon kung kailan makukulayan na ang mga pangakong salitang iginuhit at inukit subalit parang naiiwanan lang ako na paulit-ulit na umasa at magbuntong-hininga Narito ako't nagtatanong Darating ba ang panahon nating dalawa? Narito ako't hihiling na sana bukas tayo ay pwede na baka nga bukas pwede na.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 8:23 AM UTC
Baka Bukas Pwede Na
Kalakip ka ng dagundong ng hangin ngayong tanghali: Bago ang lahat, kakapahin ko ang natitirang init sa upuan. Iyon ang aking galit. Inukit ng iyong bigat ang paglubog ng buwan, dito sa aking gabi, tumatambad sa silid na walang durungawan, isang batang namumugad, gumagapang sa walang-malay na gulugod ng pagdaralita. Bulahaw ng radyo at ang binulatlat na pagkakataon – matapos ang lahat ng ito, ang tulog ay may angkop na bigat, panaginip ay kulata, dala ng hangin ang bukas na walang pagkakaiba: Dinaanan mo na rin ito kahapon ng hindi man lamang dumungaw para kumaway.
0
Mar 22, 2016
Mar 22, 2016 at 6:26 AM UTC
Isang Kalsada
Bakit kaya nagkaganito Tila ako'y gulong-gulo Sa nangyayari ngayon sa barkada Tila pagsasamaha'y mawawala Ngayo'y hindi nagkaintindihan Sama ng loob ay naglabasan Tila ako'y mapapatungayaw Sa kakaiba nilang kilos at galaw Pagkakaibigan na ating inukit Ngayo'y tila damit na gulanit Bigla na lang bang maglalaho At pagsasamaha'y mahinto? Sana muling magbalik Ang samahan na dati'y kay tamis Sana hindi ninyo malimutan Ang ating pagkakaibigan
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 7:40 AM UTC
BERKS
Isang Lugar Kung saan Walang Katungkulan Wala ni isang dapat gampanan o dapat tularan Malaya kang humakbang sa pampang ng pinagmulan Ng walang iniisip o pagaalinlangan Huminga ka ng malalim At wag ng ipagkait ang pangarap **** minsang Inukit Na Tila ba'y ika'y naging malupit Tama na, Tahan na karapatan mo ang kumalma ibigay mo sa sarili mo ang dati'y wala na ang maging masaya.. ang maging malaya.. sa sariling pagakakulong ng wala ni isang nakakaunawa ...
0
Jan 24, 2021
Jan 24, 2021 at 12:51 PM UTC
Kawalan
Naalala ko noon, saksi ang kalawakan kung gaano natuwa ang aking puso ng ika’y nakita. Ramdam ko ang tibok ng aking puso, dahil sobrang kinikilig ako. Magkahawak kamay. Yun bang HHWW sa burnham park pero.... pero isang gabi, bigla nalang bumigat ang pusong dating kinikilig, at biglang nagkahiwalay ang ating mga kamay. Mga ala alang inukit dito sa aking puso, bigla nalang nag laho. Ang ngiti sa aking mukha napalitan ng sakit, ang dulo ay iyong natagpuan. Bakit? Bakit hindi ka lumaban? habang ako, hindi nawawalan ng pag asang mananatili ka dito. Bakit hindi ka kumapit? Habang ang kamay ko’y mahigpit ang kapit sa kamay **** bigla nalang nanlamig. Noong gabing yon, naglakad lakad kung saan saan, at ang mga nadadaanan nakikisabay pa sa aking kalungkutan mga tugtugin na para bang alam nila ang aking pinag dadaanan, para bang nananadya ang tadhana. Ang dami ko palang karamay sa lungkot, na dulot ng kahapon. Pero bumalik ako nagbabasakaling babalik karin sa piling ko. Noong pumikit ako, nang makita ang dilim, natakot na baka ito rin ang iyong nakita ng ika’y lumisan sa aking piling. Ngunit tinangay ng hangin ang takot at napalitan ng tuwa ng ipakita saakin ang liwanag, at nandun ka. Habang nakapikit ako, makita ko sanang muli ng malapitan ang mukha mo, na sana ang ngiting iyong iniwan dito sa lupa, dala dala mo parin nang ika’y nakarating sa kung saan ka nararapat. Pagdilat ko, matapos ang gabing punong puno ng pait at pasakit, saksi ang kalawakan kung gaano nasaktan ang puso ng ika’y lumisan. Ngunit hindi na kasing sakit ng dati, dahil alam kong masaya ka na, at hindi kana nasasaktan, dahil kasama mo na ang lumikha sa sayo. Pangako, nandito lang ako, na kahit nagtapos na ang kwento, ng ikaw at ako, ang tayo. Hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko.
0
Apr 30, 2020
Apr 30, 2020 at 8:37 AM UTC
Walang Hanggan

4
munting mga sandali, malalim na kahulugan dahan-dahang pinasok ang puso unti-unting inukit ang pangalan pahihintulutan mo ba? na tumalon sa balon ng iyong mga mata hayaang hawakan, haplusin, yapusin ang nag-aalab na kaluluwa nawa'y iyong marapatin, inuhin, sapagkat pumanaog na itinulak ang sarili, ngayo'y nahuhulog na
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 9:28 PM UTC
balon