Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
112415

Siyang tinalikdan ang sarili't
Inagos ng sariling mithiin,
Nagpatangay at yakap ang iilang kalansay,
Maging dibuho ng winaldas na pagkatao.

Doon sa eskinitang hindi na masilayan
At sa mitsa ng pamumukadkad ng bukas,
Siya'y nagmistulang ahas
Nanunuklaw ng estrangherong
Minsan na rin siyang binalasubas.

Hampas lupa --
Walang malalaking pader ang di nagpayanig,
Sablay man ang agos at may iilang nakaligtas,
Wari naman nila'y siya'y magbabalik.
At sa pasunod pang yugto,
Sila'y magsisipang-tampisaw
Sa putik na uhaw sa sansinukob.
112415

At kaya nga ayokong mag-lotto,
Kasi naaalala kong walang pag-asang manalo,
Mabuti pa si Chito,
Hindi nauubusan ng liriko.

At ayokong umasa sa roleta,
Kasi ako yung tipong sigurista,
Hindi naman ako dumaraan sa peryahan,
Moderno nga pala sa'ming bayan.

Hayaan mo, hindi ako mag-aaksaya ng barya,
Papel lang kasi siyang humahagkan sa bulsa.
Sandali, pagkat hindi ako mayaman,
Hindi ka kasi mabibili ng ginto't dyamante sa tindahan.

Paumanhin, wala naman kasi akong pera
Hindi ako magtataya sayo,
Lotto ka nga eh, walang kasiguraduhan.
Napdaan ako sa Lottohan, pero hindi pa ako nakaranas magtaya. Wala rin akong interes, kahit lahat pa magtaya.
101915

Alam kong sayo ang sakay
Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo
Nang minsang inabanga'y
Nakaligtaang arkelado pala.

Nag-abang ako,
Pumara ng iba
Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta.

Ibang kalsada,
Naglakad akong muli
Oo, mas napagod
May paltos at kalyo ang mga paa
Sana'y naghintay na lang ako sayo
Kahit walang kasiguraduhang
Magbabalik para paangkasin.

Bukas makalawa,
Sa panahong hindi mala-Cinderella,
Daraan kang muli
Hihinto kahit di parahin,
Aalukin akong sumakay
Pagkat naihatid mo na ang iba.

Ako marahil ang huling pasahero
Bagkus alam kong may bakanteng silya
Silyang inilaan at palaging pinapagpagan
Nang hindi maalikabuka't
Maihanda sa  oras na nakalaan.

Sasakay ako nang dahan-dahan,
Hindi gaya ng dating may pagmamadali,
Titingnan kong maigi ang hagdanan
Nang hindi ako matalisod
At may mahawakan.

Sasakay akong may panibagong pag-asa
Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan
Marahil hihintong muli ang sasakyan
Bagkus totoo nga't
Makabababa na sa tamang hantungan.
Ube Jam Nov 2015
Isang araw nang matanong kita
Mahal mo ba talaga
Isang tulad kong di naman masaya
Nakakagulat pa nga't nandyan ka
Laging nasa tabi
Na kahit umaga man o gabi
Pinapasaya ako
Mga matang inakip ang buong isipan ko
Kaakit akit na salita binitawan mo
Nang di mo napapansi'y
Madalas kitang isipin
Kaylan ma'y di nagbago
Pangakong tinago
Mga kasalanang naglalaho
Unti unting nagagago
ng tadhanang di natin mabago-bago
kaylangan bang pahirapan
bago makuha ang gusto
katulad ng simpleng pagharap sayo
marinig ang salitaang oo
o ano mang salitang pwedeng makuha
Para masagot mo ng totoo
103115

Heto, bibilangin ko na naman ang araw,
Uno, dos, tres, at mapapahintong bigla sa ikaapat.
Hindi batid ang tamang oras
O hatian ng minuto't pag-istambay sa segundo,
Bagkus, iyon ang eksaktong araw.

Panahon na siguro para maisalta ang salita
Sa puso **** tila nakakahon pa't hindi pa malaya,
Sa pagbubukambibig ng itinabing damdamin,
Sa paglisan sa ipinaubaya **** pangakong
Minsang pinanghawakan ng pusong hindi pinagdamutan.

Kung pipili ako ng salita, baka maubos ito sa kawalan;
Gaya ng pagtampisaw ng bituin sa kalangitan.
Baka malusaw ito gaya ng yelong nakatiwangwang,
At masayang ang tubig na sana'y sagot sa uhaw.
O baka mapudpod gaya ng posporo,
Paulit-ulit na sinubok ng pagkakataon,
Bagkus hindi maisindi ang pag-ibig,
Kaya nanatiling walang pahiwatig.
At biglang itatapon, ikakahon ang natitirang damdamin,
Itatago, hanggang sa magkataong kailangan na talaga.

Panalangin ko'y magpalakas ka sa pananampalataya,
Wag **** lingunin ang nakaraan, at taglayin mo ang Liwanag.
Kung napapagal na'y, wag kang hihinto,
Bagkus, mas kumapit ka pa sa may mas mataas na pangako.

Narito ako't hindi tatalikod sayo,
Susuportahan ka kahit hindi mo makita ang pag-alalay.
Panalangin ko'y tapusin mo ang laban,
At mas masilayan ang kagintuan ng Haring Araw,
Wag kang mabubulag sa mukhang may ilaw.
Tingnan mo ang pawang mga kamay,
At wag matakot sa pagsuntok sa hangin,
Pagkat iilag ang sitwasyon,
Bagkus binibilang Niya ang lakas at determinasyon.
Mas ialay ang puso sa Kanya,
Higit pa para sa pag-ibig na inantala.

Hayaan **** makinig ang puso mo,
Pagkat nanalangin ang puso ko.
Kahit minsa'y kaylayo, kahit hindi ko madipa-dipa.
At sa paghihintay natin sa tamang panahon,
Kaya ko nang sambitin ang estado ng puso.
Hindi sa paghain ng mga letra sa pawang mga mata,
Na tila mananatili na lang sa papel na hindi nababasa.

Pag muling nagtagpo,
Ako mismo ang haharap sayo,
Pero tandaan **** baka wala akong masambit.
Hindi dahil mahina't naubos na ang lakas ng loob,
Bagkus, hindi ako makapapaniwala
Na ang oras ay tunay at eksakto para sa pagkikita.

Hindi ko mapipigil ang pagluha buhat sa saya,
Pagkat ang kabiyak ng pusong minsang nasugatan at hinulma'y
Kaya nang matitigan kahit hindi na magbilangan ng oras.
Mayayakap na hindi lang dahil sa pagmamahal,
Bagkus, pahiwatig sa pasasalamat na tunay ngang ikaw.

Pag-ibig Niya ang dahilan
Kung bakit patuloy na naghihintay,
At kung bakit patuloy kang ipinaglalaban,
Patuloy na ibinabatak sa Maykapal.

Sa Kanya ang papuri sa umusbong na damdamin,
Ang pag-ibig ko sayong patuloy na nananatili.
Oo, isinapuso ko ang pag-ibig ko sayo't
Pinili kong pillin ka, sa kabila nang tila magulong anggulo.

Ganoon ang pag-ibig ko,
Hindi mo masusukat, bagkus kaya Niyang higitan pa.
Kaya't hindi ako lumaban, pagka't mas iniibig ko rin Siya.
Hindi mo mababasa, pagkat Siya ang may katha.
At kung anuman ang nilalaman ng pusong may sagot,
Sana'y katimbang nito ang damdaming ipinaglalaban.

At kung kinaya nating magkanya-kanyang kasama Siya,
Mas kakayanin na nating magkaisa para rin sa Kanya.
At saka na natin sabay na ibabandera Kanyang Ngalan.
At pawang magiging patunay sa pag-ibig na nakapaghihintay.

Tila kayhirap bigkasin, kahit apat lamang ang kataga.
Mahal kita, sana makarating sayo,
Sa tamang panaho'y magpalitan nga ng kataga.
Sana ikaw ang unang magpatimbang sa Kanya,
Maniniwala akong makararating sa patutunguhan
Ang liham ng pusong may totoong damdamin.
Para sa taong pinagdarasal ko, maghihintay ako.
110315

Binilang ko ang rosas na akala ko'y
Nagpaalam na buhat sa maagang pagkalanta nito.
Akala ko'y pag namukadkad uli'y limot na ang dati,
Pero tila nagkakamali pala ako
Sa paghimay-himay ng pahiwatig.

Hindi ako manhid
Pagkat ramdam ko pa rin ang tinik
Sa paghawak sa ubod ng rosas.
Pero iniinda ko ang sakit
Pagkat ganoon naman talaga,
Nilikha siyang may tinik bilang proteksyon niya.

Pag pinagmamasdan ko ito,
Alam kong hanggang tingin lang ako.
Pagkat pag pinitas ko'y agaran na naman itong malalanta,
Hindi ko naman maiuuwi ang kariktan nito.
Mas kaakit-akit kasi siyang tingnan
Pag kasama ang mga katulad niya.
Muli, hanggang titig na lang,
Ganoon rin ang paggalang ko sa kanyang Hardinero.

Alam ko ring iba ang tipong klima nito,
Medyo sensitibo kahit na
Di ko naman papalitan ang kinagisnang lupa.
Hindi ko naman siya bubunutin nang basta-basta't
Aangkinin kahit may ibang nag-aari sa kanya.
Sa katunayan, laging nais ko siyang masilayan,
Kahit na alam kong iiwan niya rin ako
Sa dapithapon o kaya kinabukasan o sa makalawa.

Pag kinunan ko siya ng larawan,
Kaya ko siyang titigang muli,
Alaala na lamang sa iisang papel ang aming sandali.
Pagkat pag muling babalikan ang pasong nagkalinga,
Iyan, wala na puros dahon na lamang,
Maghihintay na naman sa tamang panahon
Nang muli ko siyang masilayan.
110315

May iilang mag-aalok sa kanya
Sa isang tila uhaw sa pag-ibig o pagkalinga.
May iilang pipila't iigib,
Pero pagod na siya sa pagbibigay,
Kaya't puros kalawang na lamang ang taglay.
Pero may iilan din namang magtitiyaga't magpapagod,
Bumalik lang sa dati ang bukal na may pag-ibig.

Pag sa hapag-kaina'y nakatambay lang siya,
Nakaabang sa hihingi't pamatid uhaw lang daw.
Pero ba't siya nananatili sa isang katauhan?
At siya mismo ang daan
Para umagos ang buhay mula sa lalamunan.

Siya'y luha ng kalangitan,
Hindi bunga ng galit o anumang pangit na nakaraan.
Natural lang na bumagsak siya,
At kahit na napakasakit nang pagkakalumpo'y
Hahalik pa rin siya sa lupa nang may pagpapakumbaba.

Wari niya'y kaylalim at kaylawak ng kanyang sinasakupan
Pagkat tila lahat ay kanyang pag-aari.
Bagkus, siya'y dinaraanan lamang ng mga sasakyan.
Binubugahan ng kung anu-anong kemikal
At ihahalo sa kanyang malabirheng katauhan.
Kahit siya'y Ina para sa napakaraming mga buhay,
Tagapangalaga ng kanyang sakop.

Minsa'y tatapunan ng dumi,
Tatabuyin niya ito bagkus di niya kaya.
Pagkat yayakain niya ang iilan,
Aakayin at magiging palutang-lutang
Hanggang sa maging saksi ang kalangitan.
Ang iba nama'y papatawarin niya't
Itutungo na lang sa kanyang kalaliman,
Hanggang sa hindi sila makalisan at doon ang kamatayan.

Pag siya'y nagbiro, doon lamang siya papansinin.
Kailangan pala siya, pero sinasayang ang tagas paminsan.
Sinasadya siyang limutin at kaligtain,
Pagkat lagi naman siyang nariyan
Kaya'g ayos lang sa ibang siya'y abusuhin.

Napapagod, nauubos, naninigas, natutunaw,
Paulit-ulit, pababalik-balik kanyang buhay.
Pero pag-ibig niya'y kumot para sa sarili.
110615

Umaapaw ang pag-ibig na alay sayo,
Kinaligtaan mo, kaya nasayang nang bigla.

Pag iniisip ka, hindi maiwasang hindi maisapuso
Ganoon katotoo ang pag-ibig.
Iniisip ko, minsan, bomba lang ako nang bomba,
Wala namang sumasahod,
Wala ka naman at di ka nakatanghod.

Posible bang iniwan lang nang saglit
At saka babalikan?
Paano kung hindi?
Hindi ba't nasayang na lang?

Natuto akong irespeto ang panahon,
Pagkat ang oras ay bilang
At may takdang panahon,
Hindi lang natin alam,
Basta't ako'y iigib muli.
May nakita akong timba, umaapaw. Para kasing pag-ibig.
Marlo Cabrera Nov 2015
Bilang mga pilipino
Nakaugalian na nating
Bumili ng bagay bagay ng
Pa tingi-tingi,
Tulad ng
Sigarilyo,
Kendi,
Shampoo
And marami pang iba.

Bakit nga ba natin ginagawa ito?
Ito ba'y dahil
Tayo'y nag titipid,
kaya tayo'y dumudukot lang
ng pa-pirapiraso,

O baka naman,
Ayaw lang natin
Na may mga bagay na nasasayang

Pero kahit ano pang
Aspeto ito,
Nadala na natin ito
Hanggang sa paglaki.

Nasanay na tayong
Umasta ng patingi-tingi

Pati sa pakiki-salamuha
Natin sa kapwa
Tingi-tingi na din,
Tingi-tinging mga ngiti,
tingi-tinging mga halik,
Tingi-tinging mga kwento,
Pero ang pinaka masaklap
Sa lahat ng ito ay,

Tingi-tinging debosyon
Sa panginoon.

Na dinudukot lang natin
ang mga pirasong,
Tugma sa
Sa ating mga problema

Ang mga piraso,
Na nagpapasarap
Sa atin piling,
Hindi natin ito kailanman
Hinahayaang turuan tayo,
At itama sa ating mga
Pagkakamali.

Tulad ng mga bersiculo
Ng biblia

Tinabas-tabas natin ang mga
Kasuluksulukan
Na banal sa libro.

Binulsa lang
Natin ang pagmamahal ni Cristo,
Dudukutin lang
Pag kailangan.

Kapag tayoy nalulumbay,
Sabik na sabik
Sa mga bisig
Ng iba.

Si ay ating
Kinakalimutan
Sa panahon
Ng kaligayahan.

Tinatawag
Lang siya
Kapag tayo'y may
Kailangan.

Na sa oras ng kagipitan,
Sinisigaw ang kaniyang
Ngalan.

Sana matandaan natin

Na tayo'y
Binili ng buo,
Gamit ang buhay
Na hindi binigay ng
Tingi-tingi
Pero binigay ng buong buo.

Hindi lang isang
Patak ng dugo,
Pero buong pagkatao,
Ibinuhos para lang sayo.

Kaya,
Tigilan na
Nating ang patingi-tinging asal,
Tigilan nalang
Natin ang pagpapakipot
Sa taong
Nagmamayari satin.

Tayo'y hindi tingi, tayo'y buo.
A poem written for Logo's "Sulyap", held at Pintô Art Museum.
Inspired by Paulo Vinluan's "Ngiting Tingi"
emeraldine087 Nov 2015
Masakit ang magmahal,
ang maghintay ng matagal,
para sa pag-ibig na pinapangarap,
laman ng panaginip at sigaw ng hinagap.
Maalat ang bawat patak ng luha;
mahapdi ang pag-agos sa aking mukha.
Bawat araw at gabi'y nag-aabang
na may pag-ibig mo'ng sambitin ang aking pangalan.
Ako'y isang bihag ng bulag na pag-asa.
Ang ibigin ka'y 'di ko naman sinasadya.
Ngunit ang sakit at ang kalunasan
ng aking paghihirap ay sa'yo lamang matatagpuan.

Oo, masakit ang magmahal, mapait ang umibig
sa isang tao'ng hindi kayang ibalik
ang aking pagsinta. Ngunit sa aking pagluha,
naninimdim, nadudurog at nag-iisa,
paulit-ulit pa rin na pipiliin na mahalin ka.
Next page