Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Hunyo Mar 2018
Sa mundong puno ng pagdududa
Hirap kumilos, bigla kang tinamad
Ayaw ng bumangon, naalala ko nanaman
Yan ang mga sinabi mo

Sa mundong mapanghusga
Mahirap magkunwari
Nawawala rin ang mga ngiti
Ayaw mo lang kasing subukan

Mas mabuti na lamang na lumayo
Pagmamasdan na lang kita sa malayo
Lahat maaabot mo, walang imposible sa’yo
Pero hindi kita masisisi kung bakit ka ganyan
Napuwing nanaman ako

Hindi na ako nagtataka
Hindi ko rin naman alam
Ganoon na lamang ang lahat
Pagmasdan mo lang ang paligid
Baka nandyan lang

Nababalot ka ng alinlangan
Magulo ang isipan
Hindi ka pangkaraniwan
Naiiba ka sa kanila
Iyan ang naalala

Hindi na ako magtataka
Kung ayaw may dahilan
Wala ka naring pakialam
Hindi na ako nagtataka

Wala kang kasalanan
Maging masaya ka lang
Hindi na ako magtataka
Midnight poetry
HYA Oct 2017
Mahal, lumayo ka sa kanya
Siya ay mapanganib at maaari ka niyang saktan
Mahal,  huwag kang manatili sa kaniya
Sapagkat siya ang engkanto sa masamang halaman

Huwag.  Dito ka muna.  Dito ka lang.  
Mahal, sasama ka ba sa katulad niyang hibang?
Takpan ang mga mata. Huwag kang lalayo.
Hintayin natin ang pagdating ng mga santo sa pinto.
Ngumiti ka. Ngunit sa akin lamang.  
Ako ay matamis habang siya ay matabang.  

Mahal, manatili ka sa aking tabi
Ilapat mo parati sa'kin ang malumanay na labi
Ang mga braso, sa akin lamang nakayakap
Siya ang apoy at ako ang ulap

Sa akin,  hindi ka masasaktan
Pangako,  hindi kita iiwanan
Basta't manatili ka sa aking kiliran
Hindi ka na mag-iisa kailanman

Ngunit,  kung lahat ng ito'y susuruin
Baka mawalan na ako ng lakas upang ika'y patahanin
Kung pagmamasdan mo nang maigi ang mga mata kong madilim
Malalaman mo ang aking nililihim

Mahirap.  Mahirap talaga.  
Ngunit ako lamang ang iyong pag-asa.
Mamili ka, siya o ako?
Ipaalam mo sa akin kung saan ako tatayo
Sa impyerno ba na aking kinagisnan
O sa langit na para sa'kiy di pangkaraniwan

Ako man o siya,
Wala kang kawala
Sa lugar na maaraw o sa liblib
Kalimutan **** ako ang mismong panganib.
Magandang buhay sa mga taong may buhay!
HYA Jul 2017
Hindi ko alam kung bakit ganito
Yung pagmamahal ko para sayo'y unti-unting naglalaho
Ayokong sumuko, pangako, ayoko
Pero bakit iba ang sinasabi ng puso?

Sabi mo, magtitiis ka
Basta hindi ko lang sabihin na ayoko na
Tatanungin nga kita, kaya mo pa ba
Ang maghintay sa alam **** noon pa nawala?

Pinipilit ko namang ibalik ang dati
Kahit na ang bituin at buwan ay naging saksi
Ngunit ang hirap pala talaga
Patawad, parang sayo ako'y magkakasala

Ngayon, magtitiis pa rin ba?
Ipapako ba talaga ang mga paa?
Kung sasabihin ko na ang lahat ay huli na,
Magtitiis pa rin ba?
this is the reply to my other poem entitled 'Magtitiis Ako'
hope you enjoyed~

— The End —