Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aphotic blue Jul 2017
una sa lahat marami akong katanungan
lalo na sa araw ng iyong pag iwan
kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito
tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo

aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo
totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto?
isa pang katanungan, bakit moko ginaganito?
hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento?

bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit
isa doon ang iyong inalay  na "mahal ko ito'y isang awit"
ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib
animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig
inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig
hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig
gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig.
ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid.
gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip
bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata
ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa
bigla akong pumikit at tiniis ang sakit
ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit
ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
©aphoticblue
Idiosyncrasy Aug 2016
Huminga ulit ako nang malalim
Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha
Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon
Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin.

Wala na, pumatak na ang unang luha
Di ko na maalalang sinulatan kita
At na sa bawat salita ay naiisip ka
Nalimot ko na ang masasaya.

Pumatak ang pangalawa
At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata
Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin
Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita.

At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma
Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala
Masakit na wala na akong mabalikan
Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan.

Mahirap ang makalimot
Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan
Mahirap ang...
Bakit ko ba sinusulat ito?
Parang nakalimutan ko na ring magsulat.
thegirlwhowrites Jun 2015
panahon nang sumulat…
muli…
hubaran ang puso’t
bulatlatin ang mga alaala.

para saan pa’t
sa maraming tao’y
inimbak
ang luha
ng nakaraan,
kung ito’y kailanma’y
hindi mapapakinabangan?

kaya’t patawad, puso,
sa aking sayo’y pagpapaluhang muli.
salamat, isip,
sa iyong pagpapaunlak
sa hiling
na paminsan pa’y
isatitik silang kapagdaka’y
lumisan din.

*060915
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go

— The End —