Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
naglalaan pa rin ako ng panahon para pagmasdan ang mga lumang litrato
sa mga status ko sa facebook, ikaw madalas ang nagiging inspirasyon ko, kung hindi man ikaw, mga karanasan ko mula sayo
sa mga tanong ng mga kaibigan ko patungkol sa akin, ikaw ang pinagmumulan ng mga sagot ko
lumilipas ang mga araw ng buwan at madalas kasama ng isip ko ang mga alalala mo sa mga lugar kung saan madalas ang kahapon
sa bawat minsang nakakasama ka, nagiging abala ako sa paglimot sa mga salitang gaya ng katapangan at pagpapakatotoo
minamasdan ko pa rin ang sakit na dulot ng pag-ibig, katapatan o katangahan
sa lahat ng mga nakaraan, ikaw ang hindi lumipas
nawala man ang pagtingin ko sayo, mananatili ang pag-ibig ko sayo, kasama.
written on December 17, 2010
princessninann Apr 2015
"Oo",* ang sagot ko,
dalawang taong hatid sundo.
Mga araw na hindi sigurado
kung ano ba talaga tayo.

"Oo", ang sagot ko,
Buong buhay ko
Ngayon lang ako naging sigurado
'Di ko maiikakait pintig ng puso.

"Oo", ang sagot ko,
Salamat dahil hanggang sa dulo
Hinintay **** tumibok muli ang puso
Di ka napagod, di ka huminto.

"Oo", ang sagot ko,
Mga matatamis na pangako
Mga araw na ikaw lang at ako
Tunay ngang pag-ibig ang nakita ko sa'yo.
Oo means Yes. "Yes", i answered.
Tinalikdan ng araw ang langit
Hinayaang lamunin ng dagat ang hari
Mahinahon ang karagatan
Tila nagdurugo ang tubig
Hinabol ang hangganan ng nakikita
Doon nasilayan ang mukha ng asawa
Papalapit ngunit hindi naman niya kayang masungkit
Mga mata'y ipinikit
Sinariwa ang halimuyak ng kanyang mga halik
Labis na nasasabik
Gustong balikan ang mga sandali
Pagbukas ng mga mata,
Kadiliman ang naghasik
ng labis na pangungulila't hinagpis



-Tula IX, Margaret Austin Go
Sa akin mo lamang ibaling
Ang matamis **** pagtingin
Sapagkat hindi kayang atimin
makitang sa kanya nakatingin
Kulang pa ba ang pangakong
ngayo'y sasambitin
na lahat ibibigay
Hindi ka mabibitin
Musika ng puso'y aawitin
Sana bukas,
ang puso mo na
ay sa akin



-Tula VIII, Margaret Austin Go
Kinikilig pati ang mga butuin
Sa saliw ng iyong boses na malambing
Nakadungaw sa bintana
kahit lahat sila'y nakahimbing
May kaba sa damdamin
Paano bukas lahat sila'y magagalit?
Si ama , hahabulin ka ng itak
Natawa na lamang
Ang mga braso ko'y hinatak
Naglapit ang mga muka
Muntik ng atakihin sa kaba
Ang puso ko ata ay nahulog
Nang si bantay ay umalulong
Dali-dali ay nagtago
Tinginan nati'y di pa rin nagbabago
"Kailangan ko nang bumalik sa silid."
ang wika ko
Sabay dagling humalik sa sinta ko



-Tula VII, Margaret Austin Go
Huwag ka nang magalala
Susubukan kong
Itali sa iyong pulso
Yaring munting tala
'Wari isang lobo
Upang ikaw ay tumahan na
Gaano ba kasakit ang iwanan?
Paano ba tatakpan ang mga lamat
ng puso **** nabasag?
Hayaan **** ihele ka
ng mga mumunting kuliglig sa parang
Sa pagtulog mo
Hangad ko rin
Mabura ang sakit
na iyong dinaranas



-Tula V, Margaret Austin Go
Isang kulisap
Ang ninakawan ng kinang
Ikinulong sa sisidlan

Bigla kang nanginig
Nang unang marining
Ang hikbi niyang puno ng pait
Bumalik din sayo ang sakit

Hindi ba't
Ikaw din ang may kakagawan
Ang iniisip ay sarili lamang
Bakit hndi ikaw ang magsimula
Pakawalan siya
At sindihan ang ninakaw niyang kinang




-Tula IV, Margaret Austin Go
Para sa mga murang isip hanggat maaga ay simulan mo ng magmalasakit.
Tangan ang mga halik mo
Sa aking palad umaagos
Ang damdamin minsan ay umalab
Parang sigarilyong nauupos
Dahan-dahang nauubos
Kaya nga bang balikan ang kahapon
Binaon na natin sa kahon
Katulad ng mga dahon
Nalanta at di na makaahon
Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon
Sa saliw ng mga puso natin
Ngayon ay uhaw sa pagsintang
Naudlot ng pagkakataon



-Tula III, Margaret Austin Go
Ang iyong mga matang nangungusap
Lumuluha ng buhangin
Kasama ng iyong mga pangarap
Lumipad na at nagtago sa mga ulap
Ang halimuyak ng iyong mga yakap
ay nadarama pa rin
Pilit hinugot ang  mga ugat ng pasakit
Sa puso niya
Binaon nang walang pasabi
Kasabay nang pag iyak ng langit
Kailanman hindi mawawaglit
Lahat ng mga salitang nasambit
Ngunit ngayon kasama na ng hangin
Ang pagibig na hindi pa rin kayang limutin


-Tula II, Margaret Austin Go

— The End —