Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"uunahan" poems
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko, Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo, Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo, Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako. Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako, Tanga na kung tanga pakielam ko, Eh mahal kita, Kahit na alam kong wala na akong pag- asa, Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko, Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang, O sadyang di mo lang makita yung halaga ko, Masakit man isipin na gwapo siya, May makinis na mukha Nakakahiya nga pag pinagtabi kami, Isang tingin sakanya tao talaga, Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya. At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento, Para kayong bumubuo ng mundo, Kung saan lahat ay perpekto, Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga, Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay, Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay, Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay, Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko, Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin, Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit, Simula noong nadaan natin siya, Ang mga kamay natin na magkayakap, Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap, Feeling ko nga rebound mo ako, Alam ko na walang tayo, Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako, Nag hahawak kamay, Nag yayakapan, Nag aaylabyuhan, Kulang na nga lang maghalikan eh, Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na, Akala ko nga may pag asa ako eh, May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako, Mga akala na magiging masaya tayo, Ayan nanaman ako sa mga akala ko, Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo, Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo, Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita, Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako, Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo, O napipilitan ka lang sabihin yon, Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita, Mahal pasensya ka na ha, Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko, Pangako na malapit na mapako, Hindi ko sinabi na diko matutupad, Pero parang papunta na, Sana wag mo kong hayaan umalis, Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba, Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
0
Mar 24, 2019
Mar 24, 2019 at 10:35 AM UTC
Patuloy

Continue reading...
57
-------------------Panginoon,,ano po kaya ---ngayong bagong umaga -------kakaharapin kong tadhana ---------gitna po ba?kanan?o kaliwa? ganun pa man,,susundan ko ang tamang daan sa ESPESYAL na ARAW at sa buong maghapon nais ko lang po ngayon MAGPASALAMAT ! sa INYO AMA,,,sa biyaya nyo pong AGIMAT. nang dahil sa isang katahimikan,,nabuo ko ang isang kasabihan walang mga paa na makakahakbang nang hindi muna  _-_-_-_-_-_-_-_- mag-uunahan
0
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 10:43 AM UTC
isanG malakinG hakbanG
100221 Nauuna pa tayo sa mga alitaptap Sa paggayak patungo sa dilim, At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop Ang ating mga paang napuno na ng alikabok Para lamang mag-“indian sit.” Ang ating mga halakhaka’y Nagmistulang musikang humihele Sa pandinig ng ating mga magulang At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit. Tunay ngang payak ang ating pamumuhay — Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya, Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.” Nais sana nating hindi kumurap Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy. At ito ang liwanag na aasahan nating Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim At magkukulob sa nasasakupan Ng sinag ng ating mga paningin. Hindi na natin alintana Ang init na dumarampi sa ating mga balat At tayo’y mapupuno ng pagkamangha Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga — Mahiwaga sa ating mga matang Walang ibang nais kundi magliwanag na. Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas, Maging ang mga dahong kumukupas Sa paghimlay nito sa ating mga paanan. Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim; At panahon din ang susukli Sa mga alaalang nais nating manatili.
0
Oct 2, 2021
Oct 2, 2021 at 10:22 PM UTC
Sa Dulo ng Liwanag: Ang Mahiwagang Petromax
072124 Iduduyan Kita sa kalawakan At aaliwin ng mga nagniningning na mga tala. Hahayaang marahang mapagmasdan Ang mga palamuting bunga ng Aking hininga. Aawitan Kita ng kundiman na hehele sa’yong pagtulog. At sa pagsilang ng panibagong Araw Ay hahagkan ka ng mga sinag Nito At lulusawin ang mga pangamba’t pag-aalinlangan. Ang mga pira-pirasong liham ng kasaysayan Ay nagmistulang mga tagubilin At ilaw sa’yong paglalakbay. Habang ang hantungan ng bawat Salita’y Ang puso **** patuloy Kong sinusuyo — Sinusuyo ng aking Katapatan at Kadakilaan. At habang ang mga matutulis na palaso’y Hindi magkamayaw sa pag-uunahan; Maging ang mga payasong nakapalibot sayo’y Nag-aabang lamang sa’yong kahinaan. Narito Ako — Narito, upang waksian ang bawat pagpapanggap Nang hindi ka na mahulog pa Sa mga patibong na iginagawad nila sa’yo Na tila ba totoong mga parangal. Bagamat naging isang pamilyar na tahanan Ang mundong iyong ginagalawa’y Hindi ito ang habambuhay na alay Ko sa’yo. Sa piling Ko’y magiging buo ka — At ang Aking pag-anyaya’y kusang loob. Sa piling Ko’y dito ka na mamahinga’t Ako ang maging Sandigan at Sandata. Ako ang Simula at ang Katapusan; At nasa Akin ang huling Salita. Magbalik ka na, anak — Magbalik sa yaman ng Pag-ibig Ko.
0
Jul 21, 2024
Jul 21, 2024 at 9:09 AM UTC
Turista
Lahat tayo ay pantay-pantay sa isang kamay ngunit sa mundong ginagalawan tayo ay nag-aaway away para sa isang tagumpay kahit ang ibang tulad mo ay matapakan wala ka ng pakialam makamit lang ang inaasam-asam, pagtakbo ng matulin pagsisid ng malalim paglipad ng mataas mas mataas pa sa lipad ng mga ungas nag-uunahan sa isang pwesto isang pwesto na walang trono, na kung saan ang mga tao ay wala ng modo, lahat ng nasa baba ay inaapakan parang tuyong dahon tuyong dahon na handang ibaon sa lupa, handang sigaan hanggang maging abo na lang, kamusta ka? isang malaking tanong masaya ka pa ba sa karangyaan na mayroon ka ngayon? nakalimutan mo na atang maging tao? maging tao o kahit man lang magpakatao? o tumuring ng isang tao. sa iyong pagtakbo ika'y madadapa sa iyong pagsisid ika'y malulunod, at sa iyong paglipad ika'y babagsak kung gaano ka katulin mas masakit ang pagkadapa, kung gaano ka kalalim mas mahirap maka-ahon pa at kung gaano ka kataas mas masakit ang pagkabagsak lahat ng bagay ay may kabaligtaran baligtarin mo na ang mga bagay na dapat baligtarin dahil mas mahirap ang iyong sasapitin kapag di mo naagapan ang iyong tatahakin.
0
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 11:19 PM UTC
Accept mo
Atras. Abante. Mga paang hindi makampante. 
Atras. Natakot, nahiya. Nangangapa mula sa paglaya. Iniipon ang lahat ng lakas para tuluyang iwan ang bakas ng nakaraang namaalam na sa lungkot, pait at sakit na dulot ng patuloy na pagkapit. 
 Abante. Uusad, lalayo. Uunahan ang damdamin sa pagbugso. Isang libo’t isang daang duda. Animnapu’t isang segundo ng pag-asa. Imumulat ang mga mata Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang Patungo sa ‘di alam kung saan. 
 Urong. Sulong. Palalayain ang damdaming nakakulong.
 Urong. Nag-iisip, nagmumuni. Tinatantyang muli ang sarili kung ilalatag na ang lahat ng sandata at ibubunyag ang mga stratehiya sa laban ng buhay. Handa ka na nga ba? Natuto? Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?
 Sulong. Lalaban, susugod. Hindi alintana kung mapagod, manalo o matalo. Alinma’y hindi susuko. Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata sapagka't alam na kung saan pupunta. Bawat hakbang ay kabisado Patungo sa kinaroroonan mo.
 At ako’y mananatili na... sa’yo.
0
Apr 26, 2018
Apr 26, 2018 at 10:54 PM UTC
APAT NA HAKBANG SA PANANATILI
110621 Noong bata pa ako'y Saba-sabay kaming mag-uunahan Sa pagsalubong kay Inay. Yayakap at magmamano sa kanya, Sabay uupo ang nauna sa laylayan ng kanyang palda Habang syang namamahinga sa lumang upuang Yari pa sa Narra. Ni minsa'y hindi ko naisip Na ang pagkalong ni Inay Ay may katumbas pala sa aking paglaki. Marahil bata pa nga talaga kami noon, At wala kaming ibang inatupag Kundi ang pag-aaral at paglalaro. Ilang taon na ang lumipas At malapit na rin ang araw Na ako mismo'y lalayag sa sarili kong bangka. At hindi na ito laru-laro lamang, Pagkat sa bawat pasyang aking susuungin Ay iba na ang aking kasama. Sabi nya nga sa akin, Handa na syang akayin ako. Hindi lamang sa kanyang mga bisig Pero maging mga responsibilidad Na itatangan ng panahon at tadhana sa kanya. Ganito pala ang pag-ibig, Kung saan handa tayong humakbang nang humakbang pa. Hindi tayo maaaring huminto dahil tayo'y pagod na. At alam ko, sa tamang panaho'y Handa na naming kalungin ang isa't isa.
0
Nov 15, 2021
Nov 15, 2021 at 11:55 PM UTC
Kalong
Pag-ibig St. Alas nuebe na ng gabi at heto, Nasa lansangan pa rin at naghihintay ng pag-usad ng trapiko. Malamig na ang hangin at madilim na ang langit, Pagal ang katawan kakaikot kung saan-saan at gusto ko na lamang makarating sa aking mahal na tahanan; Pero ang dami kasing nag-uunahan, Masyadong maingay at halos lahat ay handa nang magkasakitan- Walang pasintabi at mayroong sumisingit, Nananakit, Sumisitsit, O di kaya'y nagmumura na sa galit. Ayan na nga, Mag-aalas dyes na, Pero, heto pa rin sa lansangan; Sa parehong kalsada at parehong estado- Naghihintay na umusad ang trapiko. Sa liblib at masikip na kalyeng hindi gaanong pamilyar kaya naninibago- Pag-ibig St.
0
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 1:42 PM UTC
Pag-Ibig St.
Isang madaling araw, sa hulog ng himbing ng aking pagtulog ay dagli akong ginising, mulat ang mga mata na tila ba hindi pa nagpapahinga, sabay ang pagkarinig sa sunod sunod na bulong, tanong... Nag-uunahan sila na kahit na walang kasagutan, ay gigil na nagsusumiksik sa aking isipan, ako'y naguguluhan nanaman pagkat wala akong alam, hindi ko maintindihan ang rason ng kanilang pagkatok sa aking pintuan, kalungkutan... ninanakaw nanaman ako sa aking katinuan. Walang ganang bumangon, sinundan ang mga tahimik na paghikbi, at doon sa may malaking salamin ay aking nasaksihan ang tahimik na pagtangis ang isang batang luhaan, Walang tigil sa pag-iyak, bakas ang pagod sa kanyang mga mata, pagkagutom, pagkauhaw, pawisan na para bang malayo pa ang kanyang pinanggalingan, tahimik akong umupo sa kaniyang tabi... at doon muli ay unti-unti ko s'yang sinabayan. Naghalo ang pareho naming kalungkutan, kaguluhan ang dala ng pagsasama naming dalawa, ngunit walang magagawa, sapagkat sa isang madaling araw ay s'ya lamang ang natatangi kong bisita.
0
Mar 6, 2021
Mar 6, 2021 at 2:03 PM UTC
Bisita
Hindi ko inakalang magiging ganito ang takbo ng mundo Nakita kita ng walang dahilan, mabilisan ang pagtatagpo Ni pangalan, ni salita, walang palitan na nangyari Kaya nga’t nagtatanong, paano ba ito? Ito ba’y maari? Unang pagtatagpo, ni hindi kita namalayan Nagpakilala ka, hindi ko matandaan Sa isang silid, marami tayong kakilala Ngunit bakit hindi tayo nagkakilala? Ikalawang tagpo natin, sa lugar na mahangin Magkatabi na tayo pero walang usapang nangyayari Tinatanong sa sarili kung uunahan ko ba ang storya O hahayaan na lang kita kahit na tayo’y magkasama Lumipas ang oras ng hindi natin namalayan Lumipas ang oras iniisip ko’y walang katapusan Tinatananong sa sarili kung ikaw na ba Ikaw na ba ang sasagip sa pusong kong umaasa?
0
Jul 24, 2018
Jul 24, 2018 at 4:29 AM UTC
DAYO