Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapanakit" poems
“Hayaan mo na lang ako matulog.” Eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At hindi ko maisip kung ano ba dapat ko maging. Ano ba dapat **** gawin? Marami nang nangyare, At ano pa ba ang pwedeng maganap? Magkukulong sa sulok, At magmumukmok, Naka-ilang hithit-buga na ng yosi, Baka sakaling makalimot. Naka-ilang bote na ng alak, Pampakalma sa pusong kumakabog. Hindi mo mapigil ang pag-tulo ng luha, Isa-isang nawawalan ng kislap ang mga tala sa iyong mata. Nawalan na ng liwanag ang buwan, At ang araw ay hindi na sikat, Naghalo ang amoy ng dagat at ulan, Sumingaw mula sa mainit na lupa parang naagnas na katawan. Lalabanan ba ang apoy? O hahayaan lamunin ka at matupok? Lalangoy ba kasabay ng mga alon? O handa ka nang malunod at mabulok sa kailaliman? Hanggang sa hindi na ma-iahon. Marami ang nagtatanong, “Mahalaga pa ba ang nakaraan?” Kung ang hinaharap ay nagtatago sa likod ng kasalukyang puno ng kirot at hirap, Hinagpis at galit, Poot at pagkamuhi, At sakit na walang lunas. Mahalag ba ang nakaraan? Maraming pagkakataon na ako ay lumipad, Mula sa kalangitan, malaya ang diwang may pakpak, Naglalangoy sa ulap ng kawalan. Tanaw ko ang sanlibutan, nag-aaway, Nag-papatayan, para sa ano? Lupa? Pera? Para sa diyos na makapangyarihan? Ngunit ang mahabaging diyos ay wala namang pakialam. Wala naman dapat patunayan, Wala naman dapat paglabanan. Rinig mo ba ang ingay mula sa kabilang baryo, Parang mga asong ulol, nagkumpulan at tumatahol. Ako ay naglakad, Saksi ang dalawang paa sa harapang pang-gagahasa ng mga higanteng buwaya; walang umalsa. Natatakot sila. Dahil sa mata ng nakararami, Karahasan ang tama, At hindi ang karapatan ng bawat isa. Marami ng problema ang daigdig, Dadagdag ka pa ba? Iiwasan mo na ba o babalikan mo pa? Pilit lumalayo, Patuloy ang pagtakbo, Ngunit hindi pa rin maabot ang dulo. Hindi malaman kung saan patungo. Dalhin mo ako sa lugar, Kung saan mapayapa ang buhay, At mayroong pag-ibig na tunay. Dahil matagal nang may sindi ang nitsa, Hihipan ko na ba? O hahayaan na lang mamatay ng kusa parang paubos na kandila. Dahil eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At pagod na’ko magising, Gusto ko na lamang umidlip at managinip, Patungo sa paraisong ang ihip ng hangin ay malumanay, At ang kulay ng paligid ay pagmamahal na dalisay. “Hayaan mo na lang akong matulog. Kung sa aking pag-gising ay meron paring sakit, hayaan mo na lang akong matulog, dahil pagod na’ko magising.” Hayaan mo na lang akong matulog. Baka sakaling hindi ko na maramdaman ang sakit. Hayaan mo na lang akong matulog. Kahit ilang oras lang, iiwan ko ang mundong mapanakit. Hayaan mo na lang ako. Dahil gaya ng sabi mo, “Sa sobrang hilig mo sa sleep, pwede ng ipalit ang pangalan mo sa salitang *ogip.” Kaya hayaan mo na lang akong matulog, Dahil pagod na’ko magising. At ayoko nang magising.
0
Apr 25, 2018
Apr 25, 2018 at 11:05 PM UTC
Pagod Na’ko Magising

Continue reading...
84
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
0
May 12, 2021
May 12, 2021 at 1:03 PM UTC
siya si sol, ikaw si luna, at ako ang mga bituin tila 'di na nabigyang pansin
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
Continue reading...
39
Nangungusap ang mga mata Kasabay ng paglagas ng mga utal-utal na salita Walang kuwit, walang tuldok Pilit na binubuksan ang mga pusong nililok ng galit at tampo, Walang katapusan ang kani-kanilang mga pangungusap. Nababalot tayo ng hiwaga At ang ating mga puso'y napupuno ng mga lasong Sinulsi ng kirot ng kahapon. Lumipas na -- Nilipasan na tayo ng ilang mga umaga Napuno na tayo ng mga agiw sa paghihintay. Iniisip natin sa kung papaanong paraan ba Maihahayag ang mga palamuti sa ating imahinasyon. Paano ba natin masasabayan ang lumalagablab na galit? Na ibinubuhos sa atin gaya ng may kumukulong tubig sa takure. Paano nga ba tayo mananataling walang pakiramdam Hanggang matapos ang delubyo ng poot at paghihiganti? Umiiwas tayo sa hanging mapanakit Ngunit tila ba hinahabol tayo kahit tayo'y nakapikit na. Walang hikbi at walang kamalay-malay tayong minamanipula Ng mga pagkakataong tumutukso na tayo'y talunan na. Ngunit sa lahat-lahat ng mga ito'y Pipiliin nating tumayo pa rin Bitbit ang ating mga bandila At kahit pa sa ating pananahimik Ay kusang sisigaw ang mga tala para sa atin At mas magliliwanag pa ang mga ito. Ang mga makakapal na ulap Ay makakaya na nating hawiin At magsisilbi itong palatandaan Na tayo'y  hindi magpapalupig Sa dikta ng tadhana at panahon. Pipiliin pa rin nating maging tama At ang lahat ng mga pasakit ng nakaraan Ay magsisilbing pabaon natin Sa kinabukasang henerasyon. Kaya ko, kaya mo -- Kakayanin natin, Kaya natin, kasama ang Panginoon!
0
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:39 PM UTC
Istatwa

031224 Gusto ko nang magwala, Gusto ko nang kumawala — Hahanap ng pluma At kakatha ng isang tula. Isa na namang piyesa Susulpot na parang bula, Mawawala nang kusa Lilisanin ang mga tugma. Alay ko ang aking awit Minsang mga bala’y mapanakit. Isisigaw na may dawit Ang sukli’y kaakit-akit. Ilang libong mga salita, Papalibutan ng mga katha. Isang araw ng pagkukusa — Isang obra ang maipipinta.
0
Mar 12, 2024
Mar 12, 2024 at 1:36 AM UTC
Hawla
Sila na nagkasala Sila pa ang galit Kahit ikaw sana tong nabahala Dahil ikaw ay pinagpalit Dating tiwala ay sinira Nung kabit ay kanyang tinira Tapos ngayong nahuli Parang ikaw pa ang may mali Kesyo, bat ka raw nag eskandalo Sa harap pa ng pamilya Ng kinakasama Ng ASAWA Mo Siya pa ngayon ang galit Kasi ikaw daw ay nagbitaw ng mga salitang mapanakit Di ka naman daw sana ganyan dati Dahil dati kaw daw ay mabait Pero di ba nya mapagtanto Kung bakit ikaw ay nagkaganto Dahil sa labis na pangagago Na dinulot ng sariling asawa mo
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:27 PM UTC
Cheater
Pinagmamasdan kita sa malayo habang ang iyong buhok ay hinahangin Para bang may kumurot saking puso at bigla nalang naging magulo ang damdamin Pakiramda'y di ko mawari kung ako ba'y masaya o malungkot Galit sa mundo at damdamin ay puno ng poot Alaala ng kahapo'y sadyang mapanakit at sa puso'y nanunuot Nais ko na sumigaw at tumakbo palapit Nag ayos ng sarili at nag subok lumapit Saya at lungkot ng kahapo'y saakin ay nakakapit Habang tumatagal damdami'y lalong pumapait Puso ay tila wasak parin Pagkat sugat ay sariwa parin Sa aking paglapit Sa dibdib ay bigla nalang may gumuhit Yayakapin ka na sana Ngunit wala ka na nga pala Aking napagtanto Alaala na lamang pala ito
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 2:24 PM UTC
I M A H E
Hinahanap Kinakailangan Ninanais Bakit ka ba ganyan Sa tuwing lugmok ako Nasa tabi mo na agad ako Wag mo ako sanayin Kung aalis ka rin naman Hindi dapat pinapatagal Kung lalayo rin naman Kailangan kita Sa araw araw Hinahanap kita Sa araw araw Gusto kita Sa araw araw Umabot na ako Sa langit para sabihing Mahal na siguro kita Kaya huwag kang ganyan Kung mawawala ka rin naman Kung pagbabawalan mo rin ako Kung ipapalayo mo rin ako Nababaliw na ako Wag mo akong iwan ng ganito Hindi ko maadmitihin ito Kahit ako yung gumusto Ginusto mo rin naman Sa bawat tama na nadadama Pakiramdam ko'y niyayapos mo ako Mapapatanto nalang ako bigla, Bakit biglaan ka nalang lumayo Ginawa mo akong gumon sayo, Atsaka iiwanan mo ako Ng mga nakakatakot na alaala Hindi ko na alam kung paano makakatakas dito Subalit ayokong tumakas Kahit mapanakit ka Kahit masakit na Kahit masiraan na ako ng ulo Kahit mukang hindi ko na kaya Ikaw parin ang hahanapin ko Sa araw araw Dahil gumon na ako sayo.
0
Feb 18, 2020
Feb 18, 2020 at 5:26 PM UTC
Fiend